You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
(CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
City of Bacoor National High School- Salinas
Camella Homes, Salinas 2D, Bacoor City,
Cavite Email: 305686@deped.gov.ph
Telephone number: (046) 238 - 9786

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 10


SECOND QUARTER
WEEK 1-2

Pangalan: Angel Nicole R. Nanit Petsa: December 2, 2021


Baitang at Pangkat: 10 - Ocampo Guro: Bb. Jolina May O. Cantela

I. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan ng nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

H 1. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan A. Paglalahad


hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayari
upang magbigay kaalaman, makapagpaniwala, o
makalibang sa mga mambabasa.
C 2. Ito ay bahagi ng isang talumpati kung saan tinatawag B.
Paksa ang pansin ng mga tagapakinig. Dito ipinaliliwanag
ang layunin ng talumpati.
J 3. Ito ang pinakasukdol na wakas at konklusyon na C.
Panimula bahagi ng talumpati.
F 4. Ito ay hakbang sa pagsulat ng talumpati na kung D. Komplemento/Kaganapan
saan isinasalin ang mga ideya sa mga pangungusap
at talata.
I 5. Ito ay isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap E. Panag-uri
ng publiko.
A 6. Ito ang katawan na bahagi ng
talumpati.F. Aktuwal na Pagsulat
E 7. Ito ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng G. Lathalain
tungkol sa paksa.
B 8. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. H. Editoryal
D 9. Ito ang tawag sa pariralang pangngalan na nasa I.
Talumpati panag-uri na may kaugnayan sa ikagaganap o
ikalulubos ng kilos ng pandiwa.
K 10. Ito ay tawag sa mga katagang paningit. Ito ay walang J. Katapusan
kahulugan kung mag-isa ngunit nakapagpapabago
ng kahulugan ng isang pangungusap. K. Ingklitik

II. Panuto: Sumulat ng halimbawa ng pangungusap sa bawat bilang at salungguhitan ang ginamit sa
loob ng pangungusap ayon sa hinihingi. Tignan ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
A. Kaganapang Tagaganap
Kinukumpuni ni Mang Tomas ang kanilang bahay para sa paghahanda sa paparating na bagyo.

A. Kaganapang Tagatanggap
11. Namigay ng ayuda si Strike para sa mga naninirahan sa Bacoor.

B. Kaganapang Sanhi
12. Lumikas ang mga tao dahil sa paparating na malakas na bagyo.
C. Kaganapang Kagamitan
13. Nahuli ni Mang Tomas ang malaking alimango sa pamamagitan ng kaniyang matibay na lambat.

D. Atribusyon o Modipikasyon
14. Siya si Dilma Rouseff, ang pinakamahusay na Pangulo ng Brazil.

E. Pariralang Lokatibo/Panlunan
15.

III. Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong.

“Ang Lumang Tren Sa Purok Mahinahon”


ni Sandy Ghaz

Kabaliktaran ng pangalan ng Purok Mahinahon ang mga tao na nakatira doon. Palaging may nagsisigawan
lalong-lalo na sa tuwing may nag-iinuman at may mga asawang sumusundo dahil hatinggabi na.
Matagal ng nakatira sa purok na iyon ang pamilya ni Camilo. Ang Tatay Tonyo niya, Nanay Lusing, at Ate Crisa
ang kasama niya sa maliit nilang bahay na malapit sa lumang tren.
Tanyag sa buong Purok Mahinahon ang lumang tren na iyon. Alam na alam ng mga nakatira doon na marami
ang namatay noong na-aksidente ito roon at kabilang na doon ang kapitan noon ng Purok na si Kapitan Rogelio.
Matagal na simula noong nangyari ang insidente pero hindi pa rin natukoy kung bakit nangyari iyon. Naganap
ang aksidente sa gitna ng labanan ng mga tao ng Purok at ng mga taga munisipyo.
Nais noon kunin ng mga taga munisipyo ang lupain sapagkat gagamitin ito sa komersyo. Nanindigan ang mga
taga Purok Mahinahon na hindi sila pwedeng paalisin dahil matagal na sila doon.
Isang araw, nabigla na lang ang mga tao noong nabalitaan nila na nakikipag-pulong ang kapitan nilang si
Rogelio sa mga opisyales ng munisipyo at pumayag na raw ito. Kumalat ang sabi-sabi na binayaran raw nila ang
kapitan.
Isang gabi, inutusan ni Mang Tonyo si Camilo na kunin ang naiwan niyang balde malapit sa lumang tren.
Agad namang umalis ang bata. Habang papalapit na siya sa tren, may narinig siyang nag-uusap.
“Sa susunod na araw may mga pupunta raw dito ulit at mag-iimbestiga. Siguraduhin niyong walang magsasalita,” sabi
ng isa sa mga nag-uusap sa loob ng lumang tren.
Boses pa lang ay kilala na ni Camilo na ang kanyang Ninong Sebastian ang isa sa mga nandoon sa loob
ng tren. Hindi pa rin siya maka paniwala sa mga narinig niya. Pagbalik niya sa bahay nila, tinanong niya ang ama
niya tungkol rito.
“Tay, ano po ba talaga ang nangyari at bakit na-aksidente ang tren na sakay ni Kapitan Rogelio? Dito pa sa atin
nangyari,” sambit ng inosenteng bata. Nabigla si Mang Tonyo sa tanong ni Camilo sa kanya. Bago pa siya naka-iwas
sa tanong ng anak, ipinagtapat ng bata ang narinig niya na siya namang nakapagpa-amin sa ama.
“Papaalisin sana tayo ng mga taga munisipyo sa lugar natin. Maraming pamilya ang mawawalan ng tahanan at sabi-
sabi na pumayag si Kapitan Rogelio kapalit ng malaking halaga na ibabayad sa kanya.”
“Nagalit ang mga tao at nagpulong-pulong. Pinagplanuhan na maghihiganti sa kapitan. Hindi ko naman alam na ganun
pala ka-lala ang mangyayari anak,” pagpapaliwanag ng ama ng bata.
Nabigla ang bata sa mga narinig niya ngunit malinaw sa kanya na pumayag ang ama niya sa paghihiganti sa
Kapitan. Noong gabing iyon, bumabalik sa isipan ni Camilo ang mukha ni Leida, anak ng kapitan, habang nasa sahig
ito umiiyak sa harap ng bankay ng kapitan. Awang-awa siya sa kaibigan ngunit ang pagkaka-alam niya noon ay
aksidente lang ang nangyari. Lumipas ang dalawang araw na balisa si Camilo at dumating na ang mga mag-iimbestiga
sa nangyari sa lumang tren. Halos lahat ng mga taga Purok Mahinahon ay pinaninindigan na aksidente iyon at walang
may pakana.
Noong pumasok ang isa sa mga imbestigador sa bahay nina Camilo, nakaramdam ng takot si Mang Tonyo at
baka magsalita ang anak. Ipina-akyat niya ito sa silid nila para masigurado na hindi siya magsusumbong.
Umiiyak si Camilo habang dinig-na-dinig ang pagsisinungaling ng ama sa imbestigador. Ang Nanay Lusing ay
naninindigan rin na walang alam sa nangyari. Umalis ang imbestigador ng walang tamang impormasyon na nakuha.
Pagkalipas ng isang linggo, nabigla si Camilo noong makita niyang paparating ang pamilya ng namayapang
kapitan. Binisita nila ang tren at nandoon si Leida. Lumapit siya kay Camilo at kinumusta ito.
Pagkatapos ng sandaling pagkukumustahan, nagpasya ng umalis si Leida. Pinigilan siya ni Camilo at tinanong
kung pwede silang mag-usap sandali.
“Sinubukan ko dahil mahal na mahal ko ang mga magulang ko pero hindi na kaya ng konsensya ko. Alam ko na ang
nangyari na tumapos sa buhay ni Kapitan Rogelio. Pinagplanuhan ng mga taga rito na mangyari ang insidente na
iyon,” pag-amin ng bata. Nagulat si Leida sa mga narinig niya at biglang napaiyak ng malakas. Nilapitan siya ng ina at
kuya niya at agad-na-agad niyang sinabi ang mga ipinagtapat ni Camilo. Nakaramdam na ng kaba ang bata sa ginawa
niya.
“Walang bayad na tinanggap si Rogelio mula sa munisipyo. Pumunta siya sa pulong upang makipag-usap na wala
sanang masasaktan ni isa sa mga residente ng Purok sa gitna ng mga hindi pagkaka-unawaan,” sabi ng ina ni Leida
habang umiiyak.
Kinabukasan, may dumating na mga pulis sa Purok Mahinahon. Hinanap nila agad-agad si Camilo at marami
rin silang inanyayahan sa presinto kabilang na sina Mang Tonyo, Aling Lusing, at Mang Sebastian. Hindi maikakaila na
hiya ang nararamdaman ng mga magulang ni Camilo. Humingi naman ng patawad ang bata. Ipinaliwanag ni Aling
Lusing sa anak niya na wala itong kasalanan at naiintindihan nila ang ginawa nitong pag-amin.
Marami sa mga taga Purok Mahinahon ang nakulong ngunit hindi kabilang ang mga magulang ni Camilo.
Lumabas sa imbestigasyon na hindi talaga nila alam na ganun yung mangyayari dahil akala nila ay mag-aaklas lang
laban kay Kapitan Rogelio. Lubos ang pasasalamat ng pamilya ng namayapang kapitan kay Camilo. Dahil sa kanyang
pagtatapat, nabigyan na rin nila ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang padre de pamilya.

Mga tanong:

16. Ano-anong mga katangian ang ipinakita ni Camilo sa kwento? Magbigay ng dalawa. (2 puntos)

17. Ano ang tinutukoy na sabi-sabi sa kwento? At ano ang katotohanan? (2 puntos)

18. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan? Ano ang magandang naidudulot nito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
(3 puntos)

19. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa kwento sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa? Magbigay ng
halimbawa at ipaliwanag. (3 puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman – 2 puntos (para sa bilang 16-17)
3 puntos (para sa bilang 18-19)
Kabuuan – 10 puntos

Performance Task
1: PAGSULAT NG TALUMPATI
(Ang talumpati ay naglalaman ng opinyon niyo tungkol sa isang topic.)

Panuto: Magsulat ng isang talumpati tungkol sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Lagyan ito ng
angkop na pamagat. Isulat ang talumpati sa short bond paper. Kung walang short bond paper, intermediate pad. Ang
talumpati ay dapat may tatlong talata (paragraphs), na may hindi bababa sa limang pangungusap ang bawat isang
talata.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 15
Organisasyon ng mga Ideya 10
Kawastuhang Gramatikal 10
Kabuuan 35

You might also like