You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON


Divisyon ng Cavite

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9

I. Kompitensi: Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa parabula. (F9PT-IIIa-50)


A.Panuto:Tukuyin ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y
nagmamagandang loob sa iba?”
A. Walang sinuman ang may karapatan na magkamit ng ari-arian
B. Tanging ang may-ari lamang ang may karapatan sa kanyang ari-arian
C. Walang karapatan ang sinoman na magbigay ng sarili niyang ari-arian
D. Ang alipin ang siyang may karapatan sa ari-arian ng kanyang panginoon
2. “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli”.
A. Mahalaga na sa lahat ng oras tayo ay nauuna
B. Ang lahat ay pantay-pantay sa ibabaw ng mundo
C. Ang mapagmataas ay ibababa, at ang mababa ay itataas
D. Hindi kailanman maaaring mahuli ang nauna, at ang una ay huli
3. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa”.
A. Isang taong lupa
B. Isang taong mahina
C. Isang taong malakas
D. Isang taong babasagin
4. “Nararapat lamang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay, nawala,
ngunit muling natagpuan”.
A. Tayo ay dapat mainggit sa tagumpay ng ating kapwa
B. Tayo’y maging malungkot sa pagpapakabuti n gating kapwa
C. Tayo’y maging masaya sa pagbabalik-loob n gating kapwa
D. Tayo ay dapat matuwa sa masamang sinapit n gating kapwa
5. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kamumuhian niya ang isa at
iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa”
A. Hindi maaaring maglingkod ang tao sa Diyos at sa tao
B. Hindi maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa yaman ng mundo.
C. Hindi maaaring maglingkod nang sabay ang tao sa parehong panginoon
D. Hindi maaaring maglingkod nang sabay ang dalawang tao sa isang panginoon

B. Panuto: Basahin at unawain ang usapan ng magkaibigan. Piliin ang angkop na kahulugan ng mga pahayag na
may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot.

6. Agnes: Hoy! Lanie, kumusta ka na! Kaytagal na nating di nagkita. Hindi na kita nakilala. Ibang-iba ka na ngayon,
para kang hinipang lobo.
A. lumutang B. lumaki C. lumitaw D. lumampas
7. Laniie: Oo nga, e. Napabayaan ako sa kusina.
Agnes: Bakit naman ako makakalimot? Matagal din naman ang pinagsamahan natin noong hayskul. Hindi ba’t
magkaututang dila tayo noon, parang magkapatid.
A. laging magkasama B. laging magkausap C.laging magkatabi D. laging masaya
8. Lanie: O, tapos ka na ba sa kursong pangarap mo? Alam kong nais mong maging isang doktor. May ulo ka
naman, kaya alam kong kayang-kaya mo iyan.
A. mayabang B. matalino C. mabilis D. maliksi
9. Agnes: Heto, hanggang ngayo’y nagsusunog pa rin ng kilay. Balita ko,tumigil ka raw sapag-aaral.
A. nagsisikap sa pag-aaral C. nagpupuyat sa pag-aaral
B. nagmamadali sa pag-aaral D. nagpapagod sa pag-aaral
10. Lanie: Oo nga, wala kasi maitustos ang aking mga magulang. Ganon pa man, alam kong sisikat din ang bukang
liwayway sa buhay ko.
A. may pag-asa B. may tutulong C. may kaibigan D. may bagong umaga

II. Kompitensi: Natutukoy at naipaliliwanag ang mensahe ng parabulang isinadula (F9PD-IIIa-50)


Panuto: Tukuyin ang mensaheng ipinabbabatid ng parabula.
Ang talinghaga tungkol sa Manghahasik. “ May isang magsasakang lumabas upang maghasik. Sa kanyang
paghahasik ay may binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi naming
nalaglag sa kabatuhan. Sapagkat manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang binhing iyon, ngunit nang mapabilad sa
matinding sikat ng araw ay natuyo, palibhasa’y walang gaanong ugat. May binhi naming nalaglag sa dawagan; lumago ang
mga dawag at ininis ang mga iyon. Ngunit ang binhing nalaglag sa mabuting lupa ay nag-uhay: may tigsasandaan, may tig-
aanimnapu, at may tigtatatlumpung butil ang bawat uhay.

11. Ang mensahe ng parabula ay tumutukoy sa______________________.


A. Paniniwalang pinatatatag dahil sa pagsubok
B. Pagkagustong lumago dahil sa mga taong kasama niya
C. Pagnanais ng pananampalataya dahil sa kawalang ng pag-asa
D. Pananampalatayang pinalalalim dahil sa lubusang pagtanggap ditto.
ALibughang Anak
“Nararapat na lamang na tayo’y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay,
nawala, ngunit muling natagpuan”
12. Ang mensahe ng parabula ay tumutukoy sa______________________.
A. Pagmamahal ng ama sa anak
B. Pagpapatawad at pag-ibig ng magulang
C. Pagpapahalaga sa kayamanan ng magulang
D. Pagkakaroon ng patas na pagtingin sa mga anak.
Ang Talinghaga Tungkol sa Ilaw
Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa
halip, ilalagay ito sa talagang patungan upang Makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad,
at walang lihim na di malalaman at mabubunyag.
13. Ang mensahe ng parabula ay tumutukoy sa______________________.
A. Pagiging modelo ng paggawa ng tama.
B. Pagiging ilaw para sa mga nadidiliman.
C. Pagiging malihim upang pagtakpan ang kaibigan
D. Pagiging matapat upang malaman ang katotohanan
Puno ng IGos
Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula
14. Ang mensahe ng parabula ay tumutukoy sa______________________.
A. Totoo ang sinasabi ng nagsasalita.
B. Nagsasabi ng totoo ang nagsasalita
C. Hindi nagsisinungaling ang nagsasalita.
D. Sinasabi ng nagsasalita na mawawala ang langit at lupa.
Asin na Walang Kabuluhan
Mabuti ang asin. Ngunit kung ito’y mawalan ng lasa hindi na ito mapaaalat ulit. Walang kabutihang maibibigay sa
lupa ni sa tambakan man ng dumi na kinukunan ng pataba. Kaya’t ito’y itinatapon na lamang ng mga tao.
15. Ang mensahe ng parabula ay tumutukoy sa______________________.
A. lupa at asin C. lupang pinangako
B. asin na nawalan ng lasa D. walang kabuluhang bagay na itinatapon na

III. Kompitensi: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang may nakatagong kahulugan.( F9PB-III-b-c51)
Panuto: Basahin ng may pang-unawa ang teksto. Ibigay ang kahulugan ng mga pahiwatig o matatalinghagang pahayag na
may salungguhit sa loob ng teksto. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

A. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila ng higit doon; nguni’t ang bawat isa’y binayaran din
ng tig-iisang pilak. Nang magkagayo’y nagreklamo sila sa may–ari ng ubasan. Sinabi nila,”Isang oras lamang
gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng
araw. Bakit nman pinagpare-pareho ninyo an gaming upa?” Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa
kanila,”Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo
at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli ng tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong
karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmamagandang –loob sa
iba” At sinabi ni Hesus,”Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli”.

B. Pinayuhan ng ina ang bangang gawa sa lupa na huwag makisalamuha sa mga di-kauring banga. Nguni’t isang
araw, sumama siyang maligo sa lawa sa isang porselanang banga. Dahil sa alon, nagkabanggaan ang dalawang
banga. Nabiyak ang bangang gawa sa lupa at lumubog ito sa lawa, samantalang nanantiling buo ang porselanang
banga.

16.Ang pahayag na ,“Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”, ay nangangahulugang______


A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. ang nahuhuli ang kadalasan ang unang umamalis
C.kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis
D. lahat ay pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
17. Sinabi nila,”Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinag pare-pareho ninyo ang aming upa?” Kung ikaw ang isa sa mga
huling dumating ng isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
A. tatanggapin ang ibinigay na upa
B. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
C. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
D. pababayaran lang ang nararapat na oras sa paggawa
18. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Huwag magtiwala sa iba C. Huwag sasama sa hindi kauri.
B. Iwasan ang pakikipagkaibigan. D. Huwag pakialaman ang buhay ng iba
19. Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa”. Ito ay isang ___
A. pagpapayo C. pangangatwiran
B. pangangaral D.pagdadahilan
20. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral
ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid
B. Habang may buhay, magpakasaya ka.
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang

IV. Kompitensi: Naipapahayag ang sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng may-akda o
persona sa narinig na elehiya at awit. (F9PN-III-B-C-51)
Panuto: Basahin ang teksto at iugnay ang damdamin sa damdaming nakapaloob sa akda. Isulat ang letra ng tamang sagot.

___21. Ang dating tahimik na kapaligiran at ng kalikasan sumuko ang galit at umanib sa bayan.
A.pagkasuklam B. pagkagalit C. pagsasaya D. panghihinayang
___22. Ulan, baha, sumabog na bulkan, Paano ang bayan ko, Diyos na dakila?
A.pagkatakot B. pagkasuklam C. panghihinayang D. kawalan ng pag-asa
___23. Ano ang naging damdamin ng makata sa mga saknong ng kanyang tula?
A.pagkagalit B. paghihirap C. pagtatampo D. Panghihinayang
___24. Mga Pilpino walang unawaan, kaisahan, pagmamahalan dahil wika’y di magamit sa mga usapan at pagdaramayan.
A. pagkalungkot B. pagkagalit C. pagkasuklam D. pagtatampo
___25. Ano ang idinudulot sa bayan ng sobrang talino ng mamamayan?
A.kaguluhan B. katanyagan C.pagyaman D. pagkakasundo

V. Kompitensi: Nasusuri ang mga elemento ng elehiya. (F9PB-IIIb-c-51)


Panuto: Basahin ng may pang-unawa ang teksto. Bigyang reaksiyon ang mga elemento ng akda batay sa kaisipan,
katimpian, pahiwatig, simbolo at damdaming inihayag sa tula. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, sinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan?


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan, aklat
Talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi

Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na


Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
26. Ano ang kaisipan/ temang nakapaloob sa elehiya?
A. pag-aalay ng isang tula sa kanyang kapatid
B. pag-aalala sa kabutihan ng kanyang kapatid
C. pagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang kapatid
D. pagsasalaysay sa naging buhay ng kanyang kapatid
27. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay. Ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito ay____
A. mahalaga ang buhay C. panghihinayang sa buhay
B. maagang pagkamatay D. ibigay ang buhay sa Maykapal
28. Ano ang damdaming namamayani sa elehiya?
A. kabiguan B. kasiyahan C. panghihinayang D. pagdadalamhati
29. Ayon sa tula ang luha ay sumisimbulo sa ____
A.tagumpay B.kalungkutan C. kamatayan D. kabiguan
30. Ang elehiya ay isang halimbawa ng tulang____
A. patnigan B. pasalaysay C. pandamdamin D.malayang taludturan

VI. Kompitensi: Nasusuri ang mga tunggalian(Tao vs. Tao,at Tao vs. sarili) sa kuwento batay sa napakinggang pag-uusap
ng mga tauhan (F9PN-IIId-e-52) Panuto: Tukuyin ang tunggaliang tinutukoy sa bawat bilang

A. Tao vs. Tao C. Tao vs. Sarili


B. Tao vs Kalikasan D. Tao vs. Lipunan
31. Nataga at napatay na Tata Selo ang kabesa sa kadahilang piaalis ito sa kaniyang sinasakahan subalit tumanggi at
pinagpilitan na Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa
noo paliwag ni Tata Selo sa binatang anak ang pinakamalayang propitaryo, sa Alkalde at magig sa Hepe na nagmalupit sa
kaniya sa loob at Istaked na pawing mga kilala ng kabesa. –“Tata Selo” ni Rogelio Sicat

32. Maliksi siyang lumapit at binalak ang bata sa leeg “ Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng
pitaka ko,ano? Huwag kang magkakaila.” Tiyakan ang kaniyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag
aapuhap ng isasagot ay masukol nuyang buo. Ngunit ang bata ay mahinang sumagot: “Ano hong pitaka?” ang sabi. Wala
ho akong kinukuha sa iyong pitaka.” “Anong wala!” Pasingal na sabi ni Aling Marta. Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at
wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ako, ano ha? Magaling, magaling ang sistema niyong iyan! Kikita nga kayo ditto sa
palengke!” –“Ang Kulapi” ni Benjamin Pascual

33. Biglang bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlam, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang
payat, duguan ang katawan at natakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaral na tinig nito; Maski
kapkapan ninyo ako e wala kayong makukuha sa’kin.” Saglit siya natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang
pinangangapusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot ang buong paligid at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay
wala siyang naririnig kundi ang papanaog na yabag ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala
siyang naririnig kundi ang papanaog na yabag ang kaniyang asawa’t anak, at ang papaliit na lumalabong salitang: Bakit
kaya? Bakit kaya? –“Ang Kulapi” ni Benjamin Pascual

34. Umiiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang
bitbit na mga aklat. Sinugot nito ang kalaban. Nagpagulong-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kaniyang
mga ilog, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila’y pinabalik sa silid- aralin at
pinadapa sa katabing “desk” at tumanggap sila ng tigatlong palo sa puwit. –“Sa Bagong Paraiso” ni Efren Reyes Abueg

35. Sa pag-aasam pa rin ng kapayapaan, ginamit ni Rizal at ng iba pang propagandista tulad nina Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena ang tilamsik ng kanilang panulat at tapang ng dila upang ipahayag ang tunay na nararamdaman ng
mga Pilipino sa pagtatamo ng kapayapaan na pilit na sinasagka ng mga Insulares at Peninsulares. –“ Tilamsik ng Sining ….
Kapayapaan” ni Magdalena O. Jocson

VII.Kompitensi: Nabibigyang kahulugan ang kilos,gawi,at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan. (F9TN-
IIIf-53)
Panuto: Bilugan ang titik na magpapakilala sa katangian ng tauhan
36. Lakad siya nang lakad kahit sampung milya. Pasan niya ang mga balutan ng sari. Namorsiyento at naglako siya.
A. Sipag B. lakas C.lugod D. Pagod
37. Naggitgitan ang mga tao upang panoorin ang pagkukumpuni ng maputlang babae. Di makapaniwalang tinanggap
ng lalaki ang kaserolang kanyang kinumpuni.
A. Maparaan C. Masinop
B. Malikhain D. Mapagkakatiwalaan
38. Nagtataboy siya ng”masasamang mata,” di-kumakain, may espesyal na “hipo,” at nagpapatakas siya ng
masamang espiritu sa mga maysakit.
A. May taglay na mahika C. May galling sa paggagamot
B. Nag-aayuno upang lumakas D. Nagdarasal sa kaniyang panginoon
39. Nagbago ang buhay ni Periathai sa pananakop ng mga Hapones. Nagtanim siya ng mga gulay at nagbebenta ng
sobra sa kanilang ani.Nanakawan subalit iniwan din ng magnanakaw ang salaping ninakaw.
A. Maraming magnanakaw sa Malaysia
B. Masipag si Periathai kahit na nanakawan
C. Tinulungan ng buwan si Periathai para di manakawan
D. Marunung gumawa ng paraan si Periathai para mabuhay
40. Binigyan ng bagong pangalan ang babae bilang Inang Mapagkupkop ng mga tao. Kinagagalitan ang hindi
rumerespeto sa kanya.
A. Bininyagan siyang muli
B. Iginagalang siya ng lahat
C. Sadyang matulungin ang mga babae noon
D. Naging kautusan ang paggalang sa sinaunang babae
41. Isa-isang ipinakita ni Periathai ang kanyang gamit mula sa India at ginamit ang mga iyon sa harap ng mga apo.
A. Maingat mula sa gamit si Periathai
B. Nagmamalaki sa mga apo si Periathai
C. Lumang gamit lamang ang nais gamitin ni Periathai
D. Ipinakikilala ni Periathai ang nakagisnang paniniwala sa mga apo
42. Sinabihan niya ang nagsasalaysay na huwag masiraan ng loob.
A. Isang guro si Periathai
B. Pinasisigla niya ang nagsasalaysay
C. Pinapupurihan niya ang nagsasalaysay
D. Pinayuhan ni Periathai ang nagsasalaysay
43. Nagkibit balikat lamang si Periathai sa dayagnosis sa kanya ng doctor
A. Di nagpapahalatang takot
B. Alam niyang wala siyang sakit
C. Naniniwalang kaya niya ang sakit
D. Hindi niya alam ang ibig ipabatid ng doctor
44. Hindi na bumangon sa loob ng isang lingo si Periathai hanggang maupos ang kanyang katawan dahil sa
kautusang ipinadala ng konseho Munisipal sa kanya.
A. Nawalan ng pag-asa si Periathai
B. Walang puso ang taga-munisipyo
C. Nais na niyang sumusko sa buhay
D. Gusto na lamang lagging matulog ni Periathai
45. Pilit na tumayo si Periathai kahit pasuray-suray at gumawa ng mga dating ritwal
A. Naging madrama si Periathai sa huling sandal
B. Nais niyang ipakita sa konseho na mali ang disisyon nito
C. Tanggap na ni Periathai ang nagyayari at mangyayari sa kanya
D. Umaasa pa si Periathai na may magagawa pa siya gamit ang kanyang kapangyarihan

VIII. Kompitensi: Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong pinaggamitan (F9PT-IIIg-h-54)
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit
46. Lalong gumagarasa imahinasyon ni Ty Soon ang kanyang dream house.
A. Gumagaling C. gumuguhit
B. Gumaganda D. Gumugulong
47. Nalalaman ng mag-asawang sobra-sobra na ang kanilang kinita matapos ang ilang minutong pagsusuma
A. Pag-uusap C. Pagtatanong
B. Pagkukuwenta D. Pagsusulat
48. Nagpaliwanag nang maaya si Yee Lian upang maging panatag ang loob ng asawa
A. Maayos C. Mabagal
B. Banayad D. Mainam
49. Nayamot ang ina ni Tay Soon sa katigasan ng ulo ng mag-asawa
A. Nagkamot C. Nainis
B. Napaumis D. Nagalit
50. Hindi na pinansin ng mag-asawa ang insultong napakinggan sa magulang ni Tay Soon tungkol sa paglalagak ng
pera sa stock market.
A. Lait C. Mura
B. Galit D. Sisi

IX.Kompitensi: Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,panlunan at pamamaraan (F9WG-IIIf-55)


Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

51. Lumuluwas buwan-buwan si Pepito upang kumuha ng kanyang sustento sa kanyang mga magulang. Tukuyin ang
pang-abay na pamanahong ginamit sa pangungusap
A. upang B. Kumuha C. Lumuluwas D. buwan-buwan
52. Napakahirap ng buhay sa probinsya, araw-araw naglalakad si Dador upang makapasok sa paaralan at tuwing
hapon naman nagtatrabaho siya sa bukid upang kumita ng kaunting halaga kaya naman mula noon sinumpa niya
na hinding hindi na niya muling mararanasan ang ganung kahirapan. Alin sa mga sumusunod ang pang-abay na
pamanahon na hindi ginamit sa pangungusap?
A. Mula B. Ngayon C. Tuwing D. Araw-araw
53. Tuwing tanghali nakikita ni Aling Pilar ang isang matanda na nagtitinda ng tubig sa gilid ng paaralan kasama nito
ang kanyang anak na maysakit.Anong pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap?
A.anak B. tuwing C. kasama D. may sakit
54. Kapag araw ng pista ng Silang napakaraming naggagandahan at makukulay na kasuotan ng mga street dancers
na lumahok sa paligsahan. Anong pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap?
A.kapag B. silang C. pista D. makukulay
55. Taon-taon tuwing pasko nakagawian ng mag anak na Tolome na bumisita sa tahanan ng kanilang lolo at lola, kaya
naman gumigising ng maaga ang bawat miyembro ng pamilya upang maghanda para sa nasabing okasyon. Alin
ang hindi pang-abay na pamanahon sa mga nabanggit?
A. tuwing B. maaga C.okasyon D. taon-taon
X.Kompitensi: Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng Kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya.
(F9PS-IIIg-h-56) Panuto: Tukuyin ang angkop na salitang naglalarawan ng Kulturang Asyano at Bayani ng Kulturang Asya

56. Ang Namaste ang pinakatanyag na uri ng pagbati sa India kung saan pinagdaraop ang kanilang palad kapag may
dumarating o namamaalam. Ang kaugaliang ito ay tanda ng _______________.
A. Paggalang C. Pagkalungkot
B. Pagmamahal D. Pagpapasalamat
57. Mahigpit na sinusunod ng lahat ang mga batas na maging mamamayano dayuhan man sa bansang Singapore.
Sila ay may kalayaang pumili ng relihiyon at wikang kanilang naisin. Ito ay nagpapakita na sila ay
__________________.
A. May disiplina C. May pagkakaisa
B. May paggalang D. May kaunlaran
58. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay _________________.
A. Nag-uutos C. Nagpapaunawa
B. Nakikiusap D.Nagmamakaawa
59. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko
sayo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay
Ravana ay nangangahulugang ___________.
A. Siya ay natatakot. C. Mahal niya ang kanyang asawa.
B. Naninwala siya sa milagro. D. Hindi si Ravana ang kaniyang gusto.
60. Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante.
Pinatutunayan nito na:
A. Matapang si Rama C. Walang inuurungan si Rama.
B. Basagulero si Rama D. Matibay at wagas ang pag-ibig ni Rama kay Sita.

Inihanda ni:
Leonora L. Arancon,Guro sa Filipino 9
ITEM PLACEMENT

ITEM PLACEMENT
15

No. Of items
No. Of days
20% 20% 20% 15% 10%

% of items
%

Understanding
Remembering
OBJECTIVES Code

Evaluating
Analysing
Applying

Creating
Nabibigyang kahulugan ang
10.42
matatalinghagang pahayag sa F9PT-IIIa-50 5 6 1-6 1,2,3 4,5 6
parabula.

Natutukoy at naipaliliwanag ang 10.42


F9PD-IIIa-50 5 6 7-12 7,8, 9,10 11, 12
mensahe ng parabulang isinadula

Nabibigyang-kahulugan ang mga 8.33 13- 16,


F9PB-III-b-c51 4 5 13, 14, 15
salitang may nakatagong kahulugan. 17 17

Naipapahayag ang sariling


damdamin kapag ang sarili ay nakita
6.24 18-
sa katauhan o katayuan ng may-akda F9PN-III-B-C-51 3 4 18,19, 20 21
21
o persona sa narinig na elehiya at
awit.

Nasusuri ang mga elemento ng 8.33 22-


F9PB-IIIb-c-51 4 5 22,23, 24 25,26
elehiya. 26

Nasusuri ang mga tunggalian(Tao vs.


Tao,at Tao vs. sarili) sa kuwento 12.5 27- 31,32,
F9PN-IIId-e-52 6 8 27,28 28,30 34
batay sa napakinggang pag-uusap ng 34 33
mga tauhan

Nabibigyang kahulugan ang


12.5 35- 35,36, 38,39,4
kilos,gawi,at karakter ng mga tauhan F9TN-IIIf-53 6 8
42 37 0,41,42
batay sa usapang napakinggan.

Nabibigyang kahulugan ang mga


10.42 43- 47,
salita batay sa kontekstong F9PT-IIIg-h-54 5 6 43,44 45, 46
48 48
pinaggamitan

Nagagamit ang mga pang-abay na , 51,


10.42 49- 49,
pamanahon,panlunan at F9WG-IIIf-55 5 6 52,53
54 50
pamamaraan 54

Nagagamit ang mga angkop na salita sa


10.42 55- 55,56, 59,
paglalarawan ng Kulturang Asyano at (F9PS-IIIg-h-56) 5 6
60 57,58 60
bayani ng Kanlurang Asya.

TOTAL 48 100 60 60 12 12 12 9 9 6

You might also like