You are on page 1of 2

Pagsusulit sa Filipino 10

Test I. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay kwento tungkol sa diyos at diyosa.


a. Dagli c. Alamat
b. Epiko d. Mitolohiya

2. Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at super natural na


mga pangyayari.
a. Mito c. Alamat
b. Epiko d. Mitolohiya

3. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinilala bilang kauna-unahang dakilang likha


ng panitikan.
a. Ibalon c. Gilgamesh
b. Iliad at Odyssey d. Beowulf

4. “Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t


nagawa niya itong itakwil. Palibhasay ama, ____________ napatawad niya rin ito. Anong
panandang diskurso ang angkop sa patlang?
a. sa wakas c. sa dakong huli’y
b. pagkaraa’y d. pagdating ng panaho’y

5. Kwentong madalas na hango sa Bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.


a. Dagli c. Pabula
b. Nobela d. Parabula

6. Tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.


a. Pastoral c. Soneto
b. Elehiya d. Dalit

7. Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng


halimbawa ng relasyong ______________________.
a. Layunin at Resulta c. Paraan at Resulta
b. Paraan at Layunin d. Sanhi at Bunga

8. Ang salitang mito/myth ay galing sa anong salitang Latin?


a. Mythos c. Kuthos
b. Muthos d. Kythos

9. Ag salitang mito/myth ay galing sa anong salitang Greek?


a. Mythos c. Kuthos
b. Muthos d. Kythos
10. Sino ang hari ng karabagan, o lindol ng mitolohiyang Griyego?
a. Poseidon c. Apollo
b. Neptune d. Mars

Test II. Tama o Mali: Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay Tama. Kung Mali, isulat ang
letrang M at isulat ang tamang sagot. 2 pts each

11. Ang nagsasalin sa Filipino ng kwentong “Ang Alegorya ng Yungib” ni Plato ay si Williba A.
Enrijo.
12. Kaisipan ang tawag sa mga ideyang nabanggit ng kaugnay o nagpapalinaw sa tema.
13. Ang mga ekspresyon na tulad ng “ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, at iba pa ay
halimbawa ng mga Expresyong nagpapahiwatig ng pagbabago.
14. Ang akdang Puasa: Pag-aayunong Islam ay isinalin sa Filipino ni Guy de Maupaussant.
15. Ang pabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na
karaniwang batayan ng mga kwento na nasa banal na kasulatan.
16. Ang akdang “Mensahe ng Butil na Kape” ay isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo.
17. Ang panitikang “Ang Kwintas” ay isang maikling kwento mula sa Greece.
18. Ang akdang “Ang Kwintas” ay isinulat ni William Shakespeare.
19. Si Aphrodite ang diyosa ng kagandahan ng mitolohiyang griyego.
20. Si Hera ang reyna ng mga Diyos na mitolohiyang Romano.

Test III. Ibigay ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Piliin ang sagot sa kahon.

________________21. Diyos ng Apoy (Griyego)


________________22. Diyos ng Apoy (Romano)
________________23. Diyos ng Digmaan (Griyego)
________________24. Panginoon ng Impyerno (Romano)
________________25. Diyosa ng Karunungan (Griyego)
________________26. Diyosa ng Karunungan (Romano)
________________27. Hari ng mga Diyos (Griyego)
________________28. Hari ng mga Diyos (Romano)
________________29. Diyosa ng Pangangaso (Griyego)
________________30. Mensahero ng mga Diyos (Romano)

Test IV. Ibigay ang mga aral na makukuha sa mga sumunod na akda. (5 pts. Each)

1. Cupid at Psyche
2. Ang Alegorya ng Yungib
3. Ang Tusong Katiwala
4. Ang Kwintas

You might also like