You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
SANGAY NG PANGASINAN I
Lingayen
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BALANGAY
Urbiztondo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


T.P. 2019-2020
Pangalan: Iskor:
Baitang/Pangkat:

Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.


1.Ang Tanka ay may kabuuang sukat na 31 pantig na may 5 taludtod at sa bawat taludtod nito
ay may mga bilang ng pantig na:
a. 7-7-7-7-3 b.7-7-7-5-5 c.7-7-9-4-4 d.7-7-9-5-3
2.Alin sa mga pahayag ang naging hatol ng kuneho sa tao at tigre?
a.Kainin ng Tigre ang Tao. c.Patayin ng tao ang tigre.
b.Magpasalamat ang tigre sa tao . d.Magpatuloy ang tao sa paglalakbay at manatili sa
hukay ang tigre.
3.Batay sa Story Ladder,ito ang simula ng pabulang “Hatol ng Kuneho”.
a.Nagsimula sa pagkahulog ng tao sa malalim na hukay. c.Nagsimula sa paghahatol ng kuneho.
b.Nagsimula sa paglalakbay ng Tigre at pagkahulog d.Wala sa nabanggit.
sa malalim na hukay
4.Ito ay isang uri ng tuluyang panitikan na masining at maiksing na pagsasalaysay ng mga
pangyayri sa kuwento.
a. Pabula b.Sanaysay c.Alamat d.Maikling Kuwento
5.Paano nagwakas ang “Niyebeng Itim”?
a.Masaya dahil naging matagumpay sa negosyo si Li Huiquan.
b.Masaya dahil nakahanap ng trabaho si Li Huiquan.
c.Malungkot dahil nalugi sa negosyo si Li Huiquan.
d.Malungkot dahil hindi nakahanap ng trabaho si Li Huiquan.
6.Suliranin ni Temojin sa dulang “Munting Pagsinta”?
a. Hindi siya puwedeng mag-asawa. c.Siya ang dapat pumili kung sino ang pakakasalan niya.
bKailangang magpakasal ni Temojin sa tribong Merit. d.Wala sa nabanggit.
7.Bakit hindi naaprobahan ang aplikasyon ni Li Huiquan sa pagtitinda ng prutas?
a.Dahil siya ay isang kriminal. c.Dahil puno na ang kota.
b.Dahil hindi kumpleto ang requirements. d.Dahil walang tumulong sa kanya.
8.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paksa ng Tanka?
a. Pagbabago b.kalikasan c.Pag-ibig d.Pag-iisa
9.Ano ang naging plano ni haring Tubino sa magaganap na labanan laban sa mga matsing?
a.Dumapo sa likod ng mga matsing. c.Dumapo sa kamay ng mga matsing
b.Dumapo sa braso ng mga matsing d.Dumapo sa ulo ng mga matsing.
10.Naging reaksyon ni Li Huiquan sa kanyang suliranin.
a. Tinanggap niya ang lisensya sa pagbebenta ng damit c.a at d
b. Tinanggap niya ang lisensya sa pagbebenta ng prutas d.Bumili siya ng sirang sasakyan.
11.Alin sa mga sumusunod na bahagi ng dulang”Munting Pagsinta” ang naglalarawan ng
pamumuhay sa bansang Mongolia?
a.Ang magulang ang pipili ng mapapangasawa ng kanyang anak.
b.Paghingi ng bendisyon sa magulang bago magpakasal.
c.Ang anak ang masusunod kung sino ang mapapangasawa nito.
d.a at b
12.Ang tema ng tanka batay sa mga halimbawa ng tula nito ay:
a. Mapasaya ang minamahal. c.Upang magpahayag ng damdamin ng dalawang nagmamahalan.
b.Upang magpaiyak. d.Upang ipahayag ang galit na nararamdaman.
13.Batay sa mga tinalakay na halimbawa ng tula ng Haiku, ito ay may karaniwang paksa na:
a.Pag-ibig at Pagbabago b.Pag-ibig at Kalikasan c.Pag-ibig at Pag-iisa d.Pag-ibig
14.Sangkap ng dula na kung saan ito ang pinakakaluluwa.
a.Aktor b.Tanghalan c.Direktor d.Iskrip
15.Ang “Munting Pagsinta” mula sa pelikulang Mongol ay hinalaw ni:
a. Mary Grace Tabora b.Galileo Zafra c.Wilma Ambat d.Raquel Sison
16.Ang mga sumusunod ay kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan noong nakaraang 50 taon
maliban sa:
a.Kasambahay o Housekeeper lamang. c.Isang taon ang maternity leave.
b.Hindi binibigyang pansin ng pamahalaan. d.Walang karapatang magdesisyon.
17.Alin sa mga sumusunod ang naging kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan ngayon?
a.Dalawa ang nakaatang na responsibilidad. c.Kasambay o housekeeper lamang.
b.Tatlong buwan ang maternity leave. d.Hindi pa rin binibigyang pansin ng pamahalaan.
18.Bakit naging matagumpay sa buhay si Li Huiquan?
a. Dahil hindi sumuko si Li Huiquan. b. Madasalin si Li Huiquan c.Masipag d.a at c
19.Siya ang gustong mapangasawa ni Temujin.
a.Barte b.Borte c.Yesugei d.Rita
20.Anong siglo lumabas ang tulang tanka?
a.ika-15 ng siglo b.ika-18 ng siglo c.ika-8 ng siglo d.ika-10 ng siglo
21.Bakit nagalit si haring Tubino sa mga matsing?
a.Dahil hindi nakipaglaro ang mga matsing kay prinsesa Tutubi c.Inapi si rinsesa Tutubi.
b.Hindi pinansin si prinsesa Tutubi. d.Hindi binigyan ng pagkain si prinsesa Tutubi.
22.Alin sa mga katangian ang ipinakita ng tigre sa pabulang “Hatol ng Kuneho”?
a.matapang b.Walang isang salita c.mabait d.mapagmahal
23.Tunggalian ng “Nagkamali ng Utos”?
a.Nagsumbong si prinsesa Tutubi dahil sa pang-aaping ginawa ng mga matsing.
b. Lumabas at namasyal si prinsesa Tutubi sa labas ng palasyo.
c.Naglaban ang mga matsing at tutubi.
d.Nanalo ang mga tutubi laban sa mga matsing.
24.Bakit mas binibigyang pansin ng pamahalaan ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan
sa bansang Taiwan?
a.Dahil sa tingin ng pamahalaan ay hindi kaya ng kababaihan ang ginagawa ng kalalakihan.
b.Dahil mas malakas ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
c.Mas maasahan ang kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
d.Lahat ng nabnaggit.
25.Ang Munting Pagsinta ay nagmula sa:
a.Pelikulang Mongolia b.Pelikulang Korea c.Pelikulang Japan D.Taiwan
26.Alin sa mga sumusunod ang hindi sangkap ng dula?
a.Direktor b.Aktor c.Tunggalian d.Manonood
27.Ang Haiku ay may tatlong taludtod at sa bawat taludtod nito ay may bilang ng pantig na:
a.7-5-7 b.7-7-7 c.5-7-5 d.5-5-5
28.Naging suliranin ni Li Huiquan.
a.Hindi naaprobahan ang aplikayon sa negosyo. c.Walang trabaho si Huiquan.
b.Nabilanggo si Li Huiquan. d.Wala sa nabanggit.
29.Bakit kailangang ipakasal ni Yesugei ang kanyang anak sa tribong Merit?
a.Dahil malaki ang atraso niya sa tribo. c.Upang makuha ang kapangyarihan.
b.Upang maging mayaman ang mag-ama. d.wala sa nabanggit
30.Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod sa pabulang “Hatol ng Kuneho”?
a.kuneho-tao-baka-puno ng pino-tigre c.tao-baka-kuneho-tigre-puno ng pino
b.tigre-tao-puno ng pino-baka-kuneho d.baka-tao-tigre-puno ng pino-kuneho
31.Ito ang naging simula ng “Nagkamali ng Utos”.
a.Nagsumbong si prinsesa Tutubi dahil sa pang-aaping ginawa ng mga matsing.
b. Lumabas at namasyal si prinsesa Tutubi sa labas ng palasyo.
c.Naglaban ang mga matsing at tutubi.
d.Nanalo ang mga tutubi laban sa mga matsing.
32.Bansang pang-18 sa pinakamayan pagdating sa ekonomiya.
a.China b.Taiwan c.Japan d.Korea
33.Layunin ng sumulat ng “Kalagayan ng mga Kababaihan sa Taiwan Noong Nakaraang 50
Taon at Ngayon”?
a.Upang mabago ang kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan.
b.Upang malaman natin ang kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan.
c.Upang mamulat tayo sa katotohanan.
d.Lahat ng nabanggit.
34.Siya ang tumulong kay Li Huiquan upang makakuha ng lisensya para sa kanyang negosyo.
a.Hepeng Li b.Tiya Lou c.Hobo d.Xiaofen
35.Alin sa mga sumusunod ang naging tagpuan ng “Niyebeng Itim”?
a.Beijing b.Red Palace Photo Studio c.East Tsina Gate d.Lahat ng nabanggit
36.Anong uri ng akdang pampanitikan ang “Nagmamadali ang Maynila”.
a.Sanaysay b.Nobela c.Maikling Kuwento d.Alamat
37.Alin sa mga katangian ang hindi ipinakita ng puno ng pino sa “Hatol ng Kuneho”?

a.mapanghusga b.mapa ng-api c.mayabang d.lahat ng nabanggit


38.Paano nagsimula ang kuwentong “Niyebeng Itim”?
a.Tinanggap ni Li Huiquan ang lisensya. c.Naging matagumpay sa buhay si Li Huiquan
b.Nakalaya si Li Huiquan sa bilangguan d.Bumili ng sasakyan si Li Hiquan.
39.Anong kaisipan ang nakapaloob sa binasang kuwentong “Niyebeng Itim”?
a.Sipag ang susi para sa matatag na buhay. c.Matulungin ang susi para sa matatag na buhay
b.Tiyaga ang susi para sa matatag na buhay. d.Lahat ng nabanggit.
40.Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing ayon sa binasang pabulang “Nagkamali ng
Utos”?
a.Dahil sa pagtutulungan ng mga tutubi. c.Dahil sa matalinong plano ni Tubino.
b.Dahil malalakas ang mga tutubi. d.a at c
41.Paano nagwakas ang pabulang”Nagkamli ng Utos”?
a.Nanalo ang mga matsing laban sa mga tutubi. c.Natalo ang mga tutubi laban sa mga matsing.
b.Nanalo ang mga tutubi laban sa mga matsing. d.Walang nanalo.
42.Alin sa mga sumusunod na pahayag na nagbago na ang kalagayan ng kababaihan sa bansang
Taiwan?
a.Hindi binibigyang pansin ang mga kababaihan. c.Kasamabahay ang nagiging trabaho.
b.Binibigyang pansin ng pamamahalaan ang mga kababaihan. d.a at c
43.Paano nasolusyunan ng tao ang kanyang suliranin sa Hatol ng Kuneho?
a.Dahil sa hatol ng kuneho. c.Dahil sa hatol ng puno ng pino.
b. Dahil sa hatol ng baka . d. Dahil sa hatol ng daga.
44.Ayon sa dalawang pabulang natalakay,alin sa mga sumusunod na katangian ang
pagkakapareho ng kuneho at ni haring Tubino?
a.Matalinong pagdedesisyon b.Mayabang c.Mapanghusga d.Mapaghiganti
45.Batay sa nabasang maikling kuwentong“Niyebeng Itim”,itoang naging kinalabasan sa
ginawang pagsisikap ni Li Huiquan sa kanayang negosyo?
a.Maraming bumili b.Walang bumili c.Nainggit ang ibang tinder d.a at c
46.Alin sa mga sumusunod na pangalan ang tumulong at nagbigay ng kahoy kay Li Huiquan?
a.Tiyo Li b.Hobo c.Xiaofen d.Tiya Lou
47.Sa banghay ng maikling kuwentong “Niyebeng Itim”,alin sa mga sumusunod ang naging
layunin ni Li Huiquan?
a.Dahil sa kanyang pagsisikap siya ay naging matagumpay.
b.Dahil sa kanyang pagpupunyagi siya ay naging matagumpay.
c.Hindi siya sumuko sa pagbebenta kaya may isang karpintero ang bumili sa kanya.
d.Lahat ng nabanggit
48.Ang paksa ng “Niyebeng Itim” ay:
a.Tungkol sa ulilang bata c.Tungkol sa batang may kapansanan
b.Tungkol sa batang masayahin d.Tungkol sa batang walang pangarap sa buhay
49.Paano hinarap ni Huiquan ang kaniyang problema?
a.Tinanggap ni Huiquan ang lisensya sa pagbebenta ng damit at bumili ng sirang sasakyan.
b.Hindi tinanggap ni Huiquan ang lisensya na ibinigay sa kanya.
c.Nagpakamatay si Huiquan dahil hindi naaprobahan ang kanyang lisensya sa pagbebenta
d.Umiyak si Huiquan at nagmakaawa kay Heping Li.
50.Panahon kung kailan naganap ang mga pangyayari sa “Niyebeng Itim”?
a.Tatlong araw bago ang bagong taon c.Bisperas at pagkatapos ng bagong taon
b.Bisperas ng bagong taon d.Pagkatapos ng bagong taon

Inihanda ni:
HELEN C. BRIAN, Ed.D
Tagamasid Pampurok

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
SANGAY NG PANGASINAN I
Lingayen
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG BALANGAY
Urbiztondo

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


T.P. 2018-2019

Pangalan: Iskor:
Baitang/Pangkat:

Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.


1.Ito ay isang akdang pampanitikan na nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
a.Maikling Kuwento b.Alamat c.Nobela d.Sanaysay
2.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa elemento ng alamat?
a.Kasukdulan b.Suliranin c.Iskrip d.Tagpuan
3.Alin sa mga sumusunod na awiting-bayan ang awit para sa pandigma.
a.Kundiman b.Kumintang c.Dungaw d.Diona
4.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kolokyal?
a.nasan b.gurang c.par d.bayot
5.Paano nagkahiwalay ang magkapatid na sina Juan at Pedro?
a.Dahil nagtrabaho sa Maynila si Pedro. c.Dahil nag-away ang magkaptid.
b.Dahil sa hula ng matandang lalaki. d.Dahil magbabakasyon si Pedro.
6.Siya ang pangunahing tauhan sa dulang “Juan Bahag”.
a.Pedro b.Haring Pablo c.Juan d.Maria
7.Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng maikling kuwento.
a.Pangkatauhan b.Makabanghay c.Pangkaisipan d.Panlipunan
8. Awiting-bayan na awit para sa patay.
a.Dungaw b.Kundiman c.Dalit d.Oyayo
9.Ang ibig sabihin ng salitang “Capid” ay:
a.kapatid b.kambal c.pinsan d.ina
10.Ayon sa alamat ng Capiz,bakit tinawag na Capiz ang lalawigan na iyon?
a.Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng magkapatid.
b.Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mag-ama.
c.Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang heneral.
d.Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kawal at ng isang heneral.
11. Ito ay elemento ng alamat na nagbibigay buhay sa kuwento.
a.simula b.tagpuan c.tauhan d.katapusan.
12.Paano nagwakas ang dulang “Juan Bahag’?
a.Naging prinsipe si Juan dahil napangasawa nito ang prinsesa na si Maria.
b.Nanatili si Juan bilang isang mahirap.
c.Bumalik si Pedro sa kanilang tahanan at naging Masaya si Juan.
d.Naging alipin si Juan ng haring Pablo.
13.Antas ng wika na ginagamit ng mga tao sa lalawigan.
a.Kolokyal b.Balbal c.Lalawiganin d.Pormal
14.Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat ng isang lugar?
a.Upang malaman ang pangyayari. c.Upang mas maintindihan ang mga bagay-bagay.
b.Upang malaman ang kasaysayan nito d.Lahat ng nabanggit.
15.Ang nakapatay kay Magallanes.
a.Rizal b.Bonifacio c.Mabini d.Lapulapu
16.Ang ibig sabihin ng salitang Espanyol na”Como se Ilama esta provincial?”sa alamat ng Capiz
ay:
a.Bakit magkamukha ang dalawang bata? c.Ano ba ang pangalan ng lalawigang ito?
b.Ano ang pangalan mo? d.Ano ba ang ginagawa mo sa batis?
17.Ano ang naging suliranin ng babae sa “Alamat ng Capiz”?
a.Natatakot at hindi maintindihan ng babae ang tanong ng heneral.
b.Nawawala ang kanyang dalawang anak.
c.Nag-aalala dahil kinuha ng heneral ang kanyang dalawang anak.
d.Wala sa nabanggit.

18.Ayon sa ating natalakay,ano ang awiting-bayan?


a.Ito ay mga awit ng mga Pilipino na kinakanta pa rin hanggang ngayon.
b.Ito ay mga modernong awitin ng Pilipino.
c.Ito ay mga katutubong awit.
d.Lahat ng nabanggit.
19.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng balbal?
a.par b.petmalu c.kelan d.mare
20.Paano maipapamalas ng mga awiting-bayan ang kultura ng isang bayan?
a.Ang hindi paglimot ng berso at mga himig nito. c.Patuloy na pagtugtog ng awitin.
b.Pagtaguyod ng mga awiting-bayan. d.Lahat ng nabanggit.
21.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng lalawiganin.
a.petmalu b.kelan c.par d.narasan ak
22.Ano ang dapat tandaan sa isang alamat?
a.Kung saan nagmula ang mga bagay-bagay. c.Kung ano ang naging suliranin.
b.Kung paano nalutas ang suliranin. d.Mga aral na natutunan.
23.Bakit mahalagang malaman ang alamat ng isang lugar?
a.Upang makapulot ng magagandang aral?. c.Upang maaliw ang sarili.
b.Upang malaman ang kasaysayan o pinagmulan nito d.Wala sa nabanggit.
24.Paano inumpisahan ng may-akda ang “Alamat ng Capiz”?
a.Paglalahad noong lumunsad ang mga kastila sa kapuluan ng Visayas.
b.Paglalahad kung bakit ang tawag ng lalawigan ay Capiz.
c.Paglalahad kung paano napadpad ang mga kastila sa Capiz.
d.a at b
25.Alin sa mga sumusunod ang katangiang ipinakita ni Juan sa dula?
a.mabait b.masunurin c. Matulungin d.lahat ng nabanggit
26.Ano ang ibig sabihin ni haring Pablo kay Juan sa pahayag na ito”Ang kabutihan ay
sinusuklian ng pagpapala”?
a.May kapalit lahat ang gingawang kabutihan ng isang tao. c.Magkakaroon ng sakit si Juan.
b.Bibiyayaan ang mga ginagawang kabutihan. d.a at b
27.Siya ang unang napadpad sa bahay at tinulungan ni Juan Bahag.
a.matandang lalaki b.sanggol c.matadang babae d.Pedro
28.Paano hinarap ni Juan Bahag ang kanyang suliranin?
a.Umalis sa kanilang bahay si Juan at naglakbay. c.Nagpakamatay si Juan.
b.Hinanap ni Juan ang kanyang kapalaran. d.Hindi makakain si Juan.
29.Alin sa mga sumusunod ang tradisyon ng Kabisayaan ang ipinakita sa dulang”Juan Bahag?
a.Ang babae ang pipili kung sino ang kanyang mapapangasawa.
b.Ang anak ang pipili kung sino ang kanyang mapapangaswa.
c.Ang magulang ang pipili kung sino ang mapapangasawa ng anak.
d.Wala sa nabanggit.
30.Alin sa mga pahayag ang naging hula ng matanda kay Pedro sa dulang “Juan Bahag”?
a.Magiging mayamanat makapangyarihan si Pedro. c.Magkakaroon ng sakit si Pedro.
b.Mamalasin at maghihirap siPedro. d.Mananalo sa loto si Pedro.
31.Ito ay isang uri ng tuluyang panitikan na naglalahad ng kabayanihan at pakikipagsapalaran
ng isang bayani.
a.Alamat b.Epiko c.Nobela d.Maikling Kuwento
32.Batay sa tinalakay na epiko,alin sa mga sumusunod ang katangiang ipinakita ni Labaw
Donggon?
a.Mahilig sa mga batang babae c.Mahilig sa magagandang babae.
b.Mahilig sa matatandang babae. d.Mahilig sa mapuputing babae.
33.Anong kaisipan ang nakapaloob sa epikong “Labaw Donggon”?
a.Makontento kung anong meron ka. c.Maging matapang sa lahat ng pagsubok.
b.Maging matiyaga sa buhay upang makamit ang minimithi. d.Lahat ng nabanggit.
34.Anong uri ng akdang pampanitikan ang maikling kuwento?
a.Tuluyan b.Prosa c.Patula d.a at b
35.Paano nagwakas ang kuwentong “Labaw Donggon”?
a.Namatay si Donggon c.Nagbalik ang dating kakisigan at lakas ni Donggon.
b.Hindi na gumaling si Donggon. d.Wala sa nabanggit.
36.Suliranin ni Labaw Donggon.
a.Hindi niya nakuha si Yawa . c.Hindi niya matalo si Saragnay.
b.Nakulong siya sa kulungan ng baboy. d.Lahat ng nabanggit.
37.Paano naipakita ng epikong natalakay ang kultura ng Kabisayaan?
a.Naniniwala sila sa mga engkanto c.Naniniwala sila sa swerte at malas.
b.Hindi lang iisa ang asawa ng lalaki. d.a t b
38.Bakit nawala ang kakisigan at kagitingan ni Donggon?

a.Dahil natalo siya sa labanan. c.Dahil nasira ang kanyang mukha sa isang labanan.
b.Dahil sa labis na paghahangad sa magagandang babae. d.Wala sa nabanggit.
39.Ano ang katangiang ipinakita sa epeiko ni Labaw Donggon na hindi dapat tularan?
a.mayabang b.mamamatay tao c.babaero d.walang respeto
40.Alin sa mga sumusunod na pangalan ang hindi naging asawa ni Donggon?
a.Anggoy b.Yawa c.Alunsina d.Saragnayan
41.Paano sinimulan ng may-akda ang maikling kuwentong “Maming”?
a.Isinalaysay ang suliranin ng pangunahing tauhan.
b.Inilarawan ang tagpuan.
c.Inilarawan ang katngian ng mga tauhan.
d.Wala sa nabanggit.
42.Paano ipinapakita ng mga Pilipino ang paggalang sa nakakatanda sa kanila noong unang
panahon?
a.Paghalik sa kamay. b.Pagmano c.Pagbebeso-beso d.Wala sa nabanggit.
43.Ito ay isang uri ng maikling kuwento na mahalaga ay ang pagkakabuo ng mga pangyayari.
a.Pangkatauhan b.Makabanghay c.Pangkatutubong-kulay d.Pangkaisipan
44.Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mag-asawang kapitan Anoy at senyora Tonay?
a.matulungin b.mainitin c.mapagmataas d.masungit
45.Bakit hindi hinahayaan ng mga paring kastila ang mga Indio noong mga panahong iyon?
a.Dahil hindi na matatakot ang mga Indio sa mga kastila.
b.Hindi na sila magbabayad ng buwis sa lupa.
c.Hindi na sila hahalik sa kamay ng fraile.
d.Lahat ng nabanggit.
46.Alin sa mga sumusunod ang katangian ng maikling kuwento?
a.Isang mahalagang tagpo. c.Iisang kakintalan
b.Isang mahalagang kakauntian nito d.Lahat ng nabanggit.
47.Siya ang anak nina kapitan Tonay at senyora Tonay.
a.Maming b.Ana c.Juana d.Bebang
48.Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing kaugalian ng mga Pilipino?
a.Pagtitiwala sa Maykapal b.Pagkamatulungin c.Paggalang d.Wala sa nabanggit.
49.Ito ay isang uri ng maikling kuwento na ang mahalaga ay paksa at diwa ng may-akda.
a.Pangkatauhan b.Pangkapaligiran c.Pangkaisipan d.Pangkatauhan
50.Ayon sa pag-uusap ni Paring Cinto at ng sarhento ng Sibil,paano tinitignan ng mga paring
kastila ang mga tulad nila kapitan Anoy at pamilya nito?
a.mga taong aso b.mga taong unggoy c.mga taong pusa d.mga taong pangit

Inihanda ni: Sinuri nina:

MARY MEDIATRIX P. CARANTO School Checking Committee


Guro I (Checking of TOS & Test Questions in Filipino)

BELINDA S. MONDERO
Chairman

MARY MEDIATRIX P. CARANTO


Vice-Chairman

Members

GEMALYN S. PARAYNO RIZA F. AUSTRIA

Inaprobahan ni:

HELEN C. BRIAN, Ed.D


Tagamasid Pampurok

You might also like