You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 Page 1 of 2

NOLI ME TANGERE

A. Kilalanin ang mga tauhang tinutukoy.

1. Naghanda ng isang hapunan noong isa sa mga huling araw ng Oktubre.


2. Kura sa binondok at naging propesor sa San Juan de Letran.
3. Matandang babae na tanging tumatanggap sa mga panauhin.
4. Pransiskanong may tinig na magaspang at walang angimi kung mangusap
5. Isang kawal na kung mangusap naman ay tuwiran at maigsi.
6. Babaeng kulot na kulot ang buhok , nakapintura ang mukha at nakagayak na taga Europa na nang humalo
sa usapa’y napagwikaang mangmang ng Pransiskano.
7. Ang Kastilang pilay na akay ng kanyang matandang asawa.
8. Binatang pinaghandaan ni Kapitan Tiyago a magmumula sa Europa.
9. Binansagan Erehe at Pilibustero
10. Ang nag-iisang anak ni kapitan Tiyago .
B. Unawain ang natatagong kahulugan sa pagitan ng mga salita/pangungusap . Pagtapat-tapatin ang mga ito.

A B
____ 1. Parang daloy na koryente ang biglang a. Matagal na ako sa Pilipinas
Pagkalat ng balita.
_____ 2.Puwedeng dahil iyon sa pagkakamali ng b. Prangka akong tao
Arkitekto
_____ 3. Magdadalawampu’t tatlong taon na akong c. Mabilis na kumalat ang balita
Kumakain ng saging at kanin.
_____ 4. Sinasabi ko ang ibig kong sabihin. d. Hindi eksperto ang nagdisenyo ng
_____ 5. Maka-Diyos siya at alam ang tungkulin sa bahay
Lipunan. e. Ang pagsisilbi sa tao ay pagmamahal sa
Diyos
SABIHIN KUNG TAMA O MALI ANG MGA PANGUNGUSAP

1. Natapakan ng tenyente ang kola ng bestida ni Dona Victorina.


2. Pinag-aagawan nina Padre Damaso at Padre Sibyla ang kabisera.
3. Tinanggap ng opisyal ang alok na upuan ni Padre Sibyla.
4. Bibigyan sana i Don Santiago si Ibarra ng upuan ngunit inawat siya ng binata
5. Sa sama ng loob ni Padre Sibyla, ibinagsak niya ang kutsara sa pinggan at itinulak ito sag awing harapan.
6. Sa humigit- kumulang na walong taon , hindi nagawang limutin ni Ibarra ang kanyang bayan.
7. Naniniwala si Ibarra na ang kasaganahan o kadahupan ng byan ay nasasalig sa taglay niotng kalayaan.
8. Ayon kay Padre Damaso , ang pagiging mapagmataas ay isang kasamaang bunga ng pagpapaaral sa mga
kabataan sa Europa.
9. Napigilan si Ibarrang umalis dahil darating si Maria Clara.
10. Ang Portugal ang higit na naibigan ni Ibarra sa mga bansa sa Europa.
TALASALITAAN : Page 2 of 2
PAGTAPAT-TAPATIN ANG KAHULUGAN

1. Pumawi a. narinig
2. Magkasuyo b. Pitik sa tenga
3. Pag-uulayaw c. magkasintahan
4. Naulinigan d. Nag-alis , pumaram
5. Pagkasukol e. lambingan
f. Gipit na kalagayan

Sagutin ang mga sumusunnod na katanungan .

1. Sa kabanata II, Ano ang layunin ni Ibarra ng gamitin ang kaugaliang natutuhan sa ibang bansa ?
2. Ilarawan ang bayan ng San Diego na pinagmulan ng lahi ni Crisostom Ibarra.
3. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag “ Mayaman siya at naipananalangin siya sa Diyos ng
kanyang salapi”.
4. Paano inihambing ni Crisostomo Ibarra ang Pilipinas sa mga bansang malalaya sa Europa ?

You might also like