You are on page 1of 5

PARAÑAQUE NATIONAL HIGH SCHOOL-MAIN

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


Taong Panuruan 2022 - 2023
Pangalan: ___________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: _________________________________ Petsa:_______________

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1.Kailan unang sinimulang isulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa Madrid?


A. 1884 B. 1885 C. 1886 D. 1887
2. Ang mga sumusunod ay mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng kanyang Obra Maestrang Noli
Me Tangere maliban sa ISA.

A. Upang mamulat ang mga mata ng mga Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa
bansa.
B. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkamit ng kalayaan at
kaunlaran para sa bansang Pilipinas.
C. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang
henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng ating bayan.
D. Upang makilala siya sa buong mundo.
3. Dahilan kung bakit inalis ni Rizal sa kanyang Obra Maestra ang kabanata tungkol kina Elias
at Salome?

A. Lubhang mahaba ang kabanata C. Masyadong makapal na ang aklat


B. Kinulang na siya ng pondo o salapi D. Kabisado na ito ng mga mambabasa
4. Saang bansa natapos ni Rizal ang pagsulat ng kanyang akda?
A. Espanya C. Paris
B. Alemanya D. Hongkong
5. Kanino inialay ni Rizal ang kanyang obra maestra?
A. Sa Inang Bayan C. Sa mga Pilipino
B. Sa Tatlong Paring Martir D. Sa mga Kastila
6. Maraming naging kasintahan si buhay ni Jose Rizal. Sino sa mga ito ang naging simbolo
bilang tauhan sa akdang Noli Me Tangere?
A. Leonor Rivera C. Segunda Katigbak
B. O-Sei-San D. Leonor Valenzuela
7. Ang inang mapagmahal sa kanyang asawa at dalawang anak at nawala sa katinuan
dahil sa pagkamatay ng kanyang anak.
A. Narcisa C. Sisa
B. Donya Victorina D. Sinang
8. Siya ay ang mestisong anak ng negosyanteng Pilipino na si Don Rafael Ibarra.
A. Elias C. Pedro
B. Don Tiburcio de Espadana D. Crisostomo Ibarra
9. Ang Paring may lihim na pagtingin kay Maria Clara.
A. Padre Salvi C. Padre Damaso
B. Padre Camorra D. Padre Sibyla
10. Paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
A. Padre Salvi C. Padre Damaso
B. Padre Camorra D. Padre Sibyla

11. Isinakrispiyo niya ang kanyang buhay sa sa pagliligtas kay Ibarra at sa inang bayan.
A. Elias C. Pedro
B. Don Tiburcio de Espadana D. Crisostomo

12. Pilipinang ambisyosa na inuuri ang kanyang sarili na isang Kastila.


A. Donya Consolacion C. Maria Clara
B. Donya Victorina D. Maria Mercedes
B. Panuto: Basahin ang sumusunod na kaisipan at sagutin ang kaugnay na tanong. TItIk
lamang ang isusulat.
“Mamamatay akong hindi nasisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan!
Kayong makakakita rito, alalahanin ninyo siya at huwag ninyong kalilimutan ang mga nalugmok
sa dilim ng gabi.”

13. Ang “pagbubukang-liwayway sa aking bayan” ay patungkol sa ______________.


A. kinabukasan ng bayan C. kaluwagan ng bayan
B. kalayaan ng bayan D. kuwento ng bayan

14. Ang tono ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ________________.


A. namamaalam B. naghahabilin C. nanghihinayang D. nanunumbat

15. Ang binanggit sa pahayag na “nalugmok sa dilim ng gabi” ay tumutukoy sa ______________.


A. mga sundalo B. mga bayani C. kabataan D. matatanda

16. Ang kabuuan ng pahayag ay may imaheng _______________.


A. pambansa B. pang-espiritwal C. panlipunan D. pangkalikasan

“Ngunit ang lahat ng yao’y hindi nakita ng binata. Ang sumusurot sa kanyang isipan ay isang makipot at
madilim na pader. At sa marumi’t kasuklam-suklam na lapag nito ay may nakalatag na isang banig na
kinahihiligan ng isang matandang lalaking naghihingalo. Ang naghihirap na matanda ay palingon-lingon sa
lahat ng dako na tumatawag ng isang pangalan. Samantala sa dakong malayo ay nagdaraos ng isang piging.
Isang binata roon ang humahalakhak, sumisigaw, nagbubuhos ng alak sa mga bulaklak habang ang iba
nama’y lango na at nagpapalakpakan.”
17. Sino ang tinutukoy na binata sa talata?
A. Basilio B. Crisostomo C. Elias D. Rafael

18. Ano ang pinakanilalaman ng talata?


A. Habang nagsasaya ang binata, ang kanyang ama ay nagdadalamhati.
B. Ang lahat ng ito ay imahinasyon lamang ng binata.
C. Hanggang sa huling sandali ay pangalan niya ang binibigkas ng ama.
D. Ang binata ay pabayang anak.

19. “Maaring nalimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalala”. Ano ang ibig
sabihin ni Ibarra sa kanyang pahayag nalimot siya ng kanyang bayan?
A. Nag-iba na ang kanyang bayan na tila ba nilamon na ng kasamaan
B. Nagmimistula siyang dayuhan sa bayan na hindi niya alam kung paanong namatay
ang kanyang ama.
C. Maraming mga pagbabagong naganap sa kanyang inang bayan.
D. Hindi na siya nakilala ng bayan sapagkat puro mga Espanyol nandoon.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng pahayag ng mahihinuha ng napipintong


suliranin sa sitwasyon sa bawat bilang.

a.May malaking hadlang sa katuparan ng pag-big nina Ibarra at Maria Clara.


b. Nagsimula na ang paghahamok nina Ibarra at Padre Damaso
c. Hindi kailanman aayos ang pamamahala sa San Diego.
d.Mabibilanggo si Don Rafael.
e.Magiging sunud-sunuran na lamang si Kapitan Tiago.
f.May malaking suliraninn sa pakikipagkapwa-tao.
g.Lalabas ang matinding alitan sa magkababayan.
20. Ipinakilala sa lahat ni Ibarra si Padre Damaso bilang matalik na kaibigan ng kanyang
yumaong ama. Subalit tahasang itinanggi ito ni Padre Damaso at sinabi na kaalaman ay di
niya naging kaibigan si Don Rafael.
21. Pinagbintangan ni Padre Damaso si Don Rafael sa salang hindi pangungumpisal.
22. Upang higit na huwag malagay sa alanganin,hindi binibigyan ng sakit ng loob ni Kapitan
Tiyago si Padre Damaso. Sinusunod niva ang bawat naisin nito.
23. Ang bayan ng San Diego ay pinaghaharian ng dalawang pangkat, simbahan at ang
pamahalaan
24. Inutusan ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago na tutulan ang pag-iibigan nina Ibarra at
Maria Clara.
Panuto: Punan ang patlang ng tamang pang-uri sa pagbibigay katangian.

25.Si Maria Clara ay larawan ng isang __________Pilipina na nagtataglay ng


mabubuting kaasalan at nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon.

A. Mayuming C.Moderno
B.Mapang-abusong D.Mahalaga

26.Si Don Crisostomo Ibarra ay isang binatang kasintahan ni Maria Clara na may
__________kaisipan at nagnanais na makapagtayo ng akademya upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

A. Malayong C. Mabagal
B. Makabagong D. Mataas

27.Si Sisa ay martir at mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang
__________at malupit.

A. Responsable C. Pabaya
B.Magalang D. Mayaman

28.Si Don Rafael Ibarra ay __________kapitalista sa San Diego na ama ni Crisostomo Ibarra
na namatay sa bilangguan at labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahil sa yamang
taglay niya kaya pinaratangan siyang erehe at pilibustero.
A.Magulong C.Pinakamaraming
B.Mahusay D.Pinakamayamang

Panuto : Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na kasingkahulugan ng


salitang nasa loob ng kahon gamit ang mga kontekstuwal na pahiwatig. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

ISINIWALAT 29. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga
Espanyol sa mga Pilipino.

A. Larawan C. Itinambad
B. Itinuro D. Totoo

KASAMAAN 30. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak
sa
kanya na lumikha ng pagbabago para sa bayan.

A. Kabuktutan at pagmamalupit C. Kabuktutan ng mga


Espanyol
B. Pagmamalupit ng mga Espanyol D. Nagtulak at Nagbago
MAILANTAD
31. Sinulat niya ang Noli Me Tangere na naglalayong maisawalat ang
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol at gisingin ang
natutulog
na damdamin ng kanyang mga kabayan.

A. Pagmamalupit C. Kabuktutan
B. Isiniwalat D. Natutulog

PAGHIHIRAP 32. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-


aabuso ng mga dayuhan sa bansa.

A. Pagdaralita C. Pang-aabuso
B.Pagpapahirap D. Bunga
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang bunga ng mga pangyayari na nasa Hanay A. TITIK lamang
ang isulat.

A B

_____ 33. Walang kabuluhan ang maraming A. ayaw ni Maria Clara na matuloy ang kasal.
handog sa kanyang kasal dahil
B. batid niya ang buhay ng isang mongha.
_____ 34. Nabigla si Padre Damaso sa pasya ni
Maria Clara na magmongha sapagkat C.buong puso niyang inihahandog ang
kanyang buhay kay Ibarra.
_____ 35. Ayaw ipakasal ni Padre Damaso si
Maria Clara kay Crisostomo dahil D. nagseselos.

______36. Nang banggitin ni Elias na si Maria E. ayaw niyang madamay si Maria Clara sa
Clara ay napakaganda at napakabait, magiging buhay ni Crisostomo Ibarra sa
napaluha si Salome dahil sa siya ay Pilipinas.

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pahayag upang makabuo ng isang


monologo.Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Marahil ay isang malaking oo ang tugon mo, pero masaya rin naman ako dahil sa dalawa
kong mababait at masisipag na mga anak

B. Sigurado akong magugustuhan ni Crispin ito, paborito niya kasi ang tuyong tawilis at
sariwang kamatis at para naman kay Basilio ay ang tapang baboy-ramo at isang hita ng patong
bundok.

C. Ako si Narcisa, kilala sa pangalang Sisa. Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya. Si
Pedro ang aking asawa.

D. Ay, oo nga pala! Ngayon ang uwi nila mula sa simbahan

37.____________________________________________. Nakalulungkot isipin na siya ay isang sugarol


at iresponsableng padre de pamilya. Kahit ganyan siya, ni minsan ‘di ko naisip na humiwalay sa
kanya sapagkat pinanghahawakan ko ang sumpaan sa hirap at ginhawa kami ay magsasama.
Martir ba ako? Ano sa palagay mo? 38.___________________________________. Sila ay sina Basilio
at Crispin.

39.______________________________. Nagtatrabaho kasi sila roon bilang sakristan. Ayaw ko man


dahil sa murang edad nila, ngunit wala naman akong magagawa dahil kapos kami sa buhay.

Tiyak kong gutom na gutom ang mga iyon. Buti na lang may ibinigay si Pilosopo Tasyo na
mailuluto ko para sa kanila ngayong gabi.40. ______________________________________. Teka,
nasaan na kaya ang mga iyon? Gabi na ah!
SUSI NG PAGWAWASTO
1. A 11. A 21.D 31. B

2. D 12. A 22.E 32.A

3. B 13.A 23.C 33.A

4. B 14.B 24.A 34.B

5. A 15.C 25.A 35.E

6. A 16.C 26.B 36.D

7. C 17.B 27.C 37.C

8. D 18.A 28.D 38.A

9. A 19.C 29. C 39.D

10. D 20.F 30. A 40.B

You might also like