You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V (Bikol)
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE
Lungsod ng Masbate

LAGUMANG PAGSUSULIT
Filipino 9
Enero 17, 2020

Pangalan: ________________________________ Iskor: ____________


Taon at Seksyon: __________________________ Lagda ng magulang: ____________

I. KAALAMAN
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa patlang.

______1. “Buong araw na nagtrabaho ang manggagawa sa ubasan.”

Ang pinapakahulugan ng matalinghagang pahayag ay


A. alagad ng Diyos B.tagapagsilbi C.taga-akay D. katulong

______2. Ang konotatibong kahulugan ng salitang “liwanag” sa elehiyang “Panambitan ng Isang


Namatay sa Pakikidigma” ay ____________ .

A. kapanatagan B. pag-asa C. kalungkutan D. kasiyahan

______3. Ang Griyegong salita na pinagmulan ng “Etimolohiya” ay;

A. etumologia B. etimologia C. ethymology D. etomology

______4. Ang reperensiya o sanggunian na gamit upang malaman ang etimolohiya ng isang salita ay;

A. Atlas B.almanac C.diksyonaryo D.encyclopedia

______5. Ang salitang-ugat ay nagbabago ang kahulugan dahil sa;


A. bantas B.paglalapi C. pangungusap D. parirala

______6.Ang uri ng panlapi sa salitang pinagpaguran ay;

A. gitlapi B. unlapi C. hulapi D.kabilaan

______7. Ano ang tema ng “Elehiya sa kamatayan ni Kuya”?

A. Pangungulila sa nawalang kapatid


B. Pag-aasam na makasama ang lolong nag-aruga sa kanya.
C. Pagsisisi at pagpapatawad.
D. Pagiging palalo ng isang anak.

______8. Ang damdamin na nakapaloob sa “Elehiya para kay Inay” ay ___________ .

A. Galit at pagkasuklam.
B. Pagdadalamhati at pagkalumbay.
C. Kasiyahan sa kaniyang pagkawala.
D. Pagsisisi sa nagawang kasalanan.

______9. Ang transpormasyong naganap sa tauhan sa kuwentong “Sino ang nagkaloob?” na maaring mangyari sa tunay
na buhay ay;

A.Ang dugo ng diwata kapag pumapatak sa ilog ay nagiging hiyas.


B. Nagtayo ng palasyo si Lai Pari para sa prinsesa gamit ang mahiwagang tabla.
C. Palalong naging mapagpakumbaba at may pananalig sa Diyos.
D. Iniwan ng genie ang kanyang kaluluwa sa loro twing mangangaso.
______10.Sa akdang “Ang pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwentong Trono,” napatunayan na di-
makatotohanan ang pangyayari na;
A. Umalis si Brahman upang maghanapbuhay at mabigyan ng marangyang buhay ang pamilya.
B. Hindi matukoy ng asawa at Ina ang tunay na “Brahman”.
C. Kayang magtiis ni Mela sa kahirapan huwag lamang mapalayo sa piling ng asawa.
D. Agad na isinilid ng espiritu ang sarili sa loob ng bote dahil nakikinita niyang siya ang magtatagumpay

______11. Isa sa mga Kulturang Asyano na masasalamin sa epikong “Rama at Sita” ay.

A. pakikipagkapwa B. paglalaban C. kapatiran D. pagtugon sa hiling ng namayapa

______12. “Ang buhay niya’y puno ng kasawiang-palad dahil sa simula pa lang ang pagpapakasal niya’y tiyak nang
hahantong sa kabiguan.”

Ang matalinghagang pahayag sa pangungusap ay ______________ .


A. buhay B.puno C.kasawiang-palad D.kabiguan

______13. Ang pinakamasidhing damdamin sa salitang pagluha ay ;

A. pag-iyak B. paghagulhol C. paghikbi D. pagtangis

______14. Ang angkop na pang-ugnay na hudyat na matatapos na ang pagsasalaysay ng kuwento ay ________ .
A. Pagkatapos B. Saka C. Ikatlong d.Sa umpisa

______15.Hindi kailanman sumakop ng kahit na anong bansa ang India sa kanyang 100,000 taong kasaysayan.

Ang ginamit na pang-abay na pananggi sa pangungusap ay ___________ ;


A. Hindi B. Kahit C.Kanya D. Kasaysayan

______16. Sinabi ng anak sa kaniya : “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong
paningin.”

Ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na nasasalungguhitan?


A.Nilapastangan ang kapaligiran.
B. Hindi karapat-dapat na tawaging anak.
C.Pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa nagawang kasalanan.
D.Anak na muling namatay at nabuhay.

______17. Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw

Ano ang natatagong kahulugan ng salitang may salungguhit?


A. kalamidad B.kasawian C.kahirapan D.kasinungalingan

______18.
Nakatulog ang prinsesa sa kagubatan ng siya ay nagising sa malamig at
malamyos na himig ng isang plawta.

Ang pinagmulang salita ng nasasalungguhitan ay;


A. Princess B. Princesse C. Pranses D. Prinses

______19. Ang nakakaindak na awitin ay inawit ng dilag. Ano ang pagbabagong naganap sa salitang may salungguhit
dahil sa panlaping ginamit?
A. Nagbago ang kahulugan ng salita
B. Nagbago ang anyo ng pangungusap.
C. Pinasidhi ang kahulugan ng salita.
D. Lahat ng nabanggit.
______20. Oh aking ina, Oh aking mama,
Sa mga araw na ika’y aking kasama
Gustong-gusto kong balikan ang mga araw na kapiling ka,
Upang humingi ng tawad sa lahat ng aking ginawa
Upang sabihin ko sayo na mahal na mahal kita
Ngunit ang panahong yaon ay nagdaan na
Sapagkat sumalangit na ang iyong kaluluwa

Halaw mula sa tulang “Elehiya kay Ina”

Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?


A. galit B.pagkagalak C.pagsisisi D.pagkalungkot

______21.Batay sa akdang “Sino ang Nagkaloob?” anong transpormasyon ang naganap sa prinsesa na maaring mangyari
sa tunay na buhay?

A.ugali B.pag-ibig C.hanap-buhay D.kayamanan

______22. . Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit
mahirap ang ating buhay basta’t magkasama tayo.

Ano ang patunay na ang inilahad sa itaas ay makatotohanan sa akdang “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t
Dalawang Kuwentong Trono.”?
A. Ang tunay na nagmamahal hindi alintana ang hirap na dinaranas.
B. Walang nais mapahiwalay o mapalayo sa piling ng kabiyak.
C. Mas nanaisin mapawalay sa kabiyak, matamasa lamang ang kaginhawaan sa buhay.
D. Nawawala ang pagmamahal kung kahirapan ang nararanasan.

______23.
Pabalik na sina Rama at Lakshamana nang makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang iyong asawa sa Lanka”, sabi nito bago mamatay. Sinunog
ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan
ang hari ng mga higante sa Lanka.

Anong kulturang Asyano ang masasalamin sa bahagi ng epikong binasa?

A.Pagbibigay ng pagpapahalaga sa labi ng namatay


B.Pagtulong sa naghihingalong kapwa
C.Pagsunog sa labi ng namatay
D.Pagtatanggol sa kapamilya

______24.
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi umuungol
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbangon
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol

Mula sa tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”


Ni Amado V. Hernandez.

Mula sa saknong ng tula sa itaas, ano ang pakahulugan ng mga salitang may salungguhit?
A. Pagmamahal sa bayan C. Pakikiisa sa dayuhan
B. Kawalan ng kalayaan D. Malayang bayan

______25. Napakaganda ng tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika. Ano ang salitang ginamit sa pag
papasidhi ng damdamin?

A. Napakaganda B. tinig C.binibigkas D.wika

Sumunod ay inaya ng prinsesa ang lalaki na sumama sa kanya at maghanap ng matitirhan.

Mula sa kuwentong “Sino ang Nagkaloob?”


______26.

Mula sa binasa, ano ang ginamit na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng pangyayari?


A. Sumunod B. inaya C. sumama D. maghanap

______27. Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.

Anong pang-abay ang ginamit sa pahayag?

A. Pamanahon B. Panlunan C. Pamaraan D. Ingklitik

III. APLIKASYON

______28. Alin ang angkop na pinagmulan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?

Mula sa salitang sanskritong ang ibig sabihin ay “Darika” o babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong
gulang na.
A. Turban B. genie C. dalaga D. plawta

______29. Tukuyin sa mga pangungusap ang nagpapaliwanag na may pagbabagong naganap sa salita.
A. Napapaunlad ang wika.
B. Sa paggamit ng panlapi ay lumalawak ang talasalitaan ng mag-aaral.
C. Napapadali ang pag-unawa dahil sa paggamit ng panlapi
D. Sa paggamit ng panlapi madaling matuto ang mga mag-aaral.

______30.
Walang katapusang pagdarasal.
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan.

Halaw mula sa “Elehiya sa kamatayan ni Kuya”

Alin sa mga elemento ng elehiya ang tinutukoy sa saknong ng tula?


A.tauhan B.tagpuan C. kaugalian at tradisyon D.tema

______31. Alin ang positibong kaugalian na ipinamalas nila Rama at Sita?


A. pagiging tapat sa pagmamahalan C.pagpapahalaga sa kaibigan
B. pagmamahal sa kapatid D.paniniwala sa maraming Diyos

______32. Ang mga mag-aaral ay makakakuha ng mataas na marka kung sila ay ______________?

Alin ang matalinghagang pahayag na angkop ipuno sa patlang?


A. Matutong mamaluktot B. may sipag at tiyaga C. utak kuwago D. nagsusunog ng kilay

______33. __________ ang naramdaman ni Joanna nang malaman niyang may ibang mahal si Jaime.
Tukuyin ang pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin na ginamit sa pangungusap?

A. pikon B. galit C. inis D.tampo

______34. Aling pang-ugnay ang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ang angkop ipuno sa patlang?

_________ hindi ko na nakita si Mabuti sa paaralan.


A. Nang sumunod na araw B.Nang lumipas C. ikalawa D.unang gawain

______35. Ang mga mag-aaral ay tahimik na nag-iisip kung lugar, hayop at bagay ang paksang gagamitin sa pagbuo ng
alamat.

Aling salita ang ginamit sa pang-abay na pamamaraan.


A. mag-aaral B. tahimik C. nag-iisip D.kung

IV. ANALISIS
______36. Tukuyin ang pinagmulan (etimolohiya) ng salitang Pasko at saang bansa ito nagmula?
A. Paski –Pranses C. Pascua- Espanyol
B. Pasku - Gresya D. Paschal - Ingles

______37. Tukuyin ang pagbabagong naganap sa salita dahil sa panlapi.

A. Dahil sa paglalapi ay makabubuo ng iba’t ibang salita mula sa salitang-ugat.


B.Dahil sa paglalapi ay maraming hiram na salita ang magagamit.
C.Dahil sa paglalapi mapapausbong natin ang wika.
D.Dahil sa paglalapi ay madaling matuto sa gramatika.

______38. Nang ako’y isinilang ng dakila kong ina,


Siya ang kauna-unahang nakita ng aking mga mata
Nagsilbing ilaw sa malabo kong paningin
Pero ba’t biglang dumilim
Ba’t malungkot ang hangin?
Ba’t maraming taong nakaitim?
Ba’t paligid ko’y tahimik at may lumbay sa damdamin?

Tukuyin ang damdamin na ipinapahayag sa saknong ng tula?

A. pag-asa B. pagkabigo C. kasiyahan D. kalungkutan

______39. Mula sa epikong Rama at Sita, tukuyin sa mga sumusunod ang naglalarawan at sumasalamin sa kulturang
Asyano?

A. Ang paghalik at pagmano sa mga nakatatanda.


B. Ang pagsuot ng mga tradisyunal na kasuotan
C. Ang matibay na ugnayan sa dalawang magkapatid o sa pamilya
D. Ang maayos na pagtanggap sa mga panauhin.

______40. Tukuyin sa mga sumusunod ang angkop na gamitin na pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
upang mabuo ang talata.

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang
araw mula nang magkasunod-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y
magpapatuloy sa loob ng tatlong araw, ang lansangan patungo sa laruan ay lulubog.
At ngayon ay ________ araw ng walang tigil ang ulan.

A. ikalimang B. unang C. noong una D. sa pagsisimula

V. EBALWASYON

______41. Piliin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagtataglay ng matatalinghagang pahayag.


A.Buong araw nagtrabaho sa ubasan ang mga manggagawa.
B.Ang palalong hari ay napagtanto ang kaniyang kamalian.
C.Sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay.
D.Isang malaking kalapastanganan ang ginawa ng alibughang anak.

______42. Alin sa sumusunod ang konotatibong kahulugan ng kanang-kamay?

A. mapagkunwari B.parte ng katawan C.braso D.katiwala

______43. Tukuyin ang kaugalian ng mga Hindu na makikita sa Epikong Rama at Sita?

A. Naniniwala sila na pinagpala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang ayon sa lipunan.
B. Hindi pantay na karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan.
C. Higit nilang pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa anak na babae.
D. Ang pagsasama-sama sa isang bubong ng isang pamilya hanggang sa ikalimang henerasyon.

______44. Piliin sa sumusunod na mga pangungusap na ginamit na pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng


pangyayari.

A.Makulay ang kasaysayang pinagdaanan ng ating bansa, katulad nito ng isang magandang dalaga na dahil sa
taglay na kagandahan ay maraming naaakit na dayuhan.
B. Unang dumating ang Ita, Indones at Malayo na itinuturing nating mga ninuno.
C. Pagkatapos ang mga Tsino, Arabo, Persya at iba pa.
D. Dala nila sa atin ang kanilang kabihasnan at kultura gaya ng pananampalataya.

______45. Piliin sa sumusunod na mga pangungusap ang pang-abay na pamaraan.


A.Marahil naging mahirap humanap nang matutulogan noon.
B.Ito na raw ang pinakamalaking pagdiriwang sa buong mundo.
C.Tunay na malaki ang kontribusyon ng India sa sibilisasyon ng mundo.
D. Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong dumalo sa Kumbh Mela.

VI. PAGBUO

______46. Bumuo ng dalawang pangungusap sa mga naganap na pangyayari o transpormasyon sa iyong sarili noong
nakaraang taong 2019.

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

______47.Bumuo ng mga patunay na makatotohanan mula sa pangyayari sa akdang “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t
Dalawang Kuwento ng Trono”.

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

48. Iayos ang wastong pagkasunod-sunod ng mga salita upang mabuo ng tama ang matatalinghagang pahayag. Isulat ang
sagot sa patlang.

nawala ngunit nasumpungan, ngunit muling nabuhay, Sapagkat namatay na ang kapatid mo,

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

49. Isaayos ang mga sumusunod na salita batay sa sidhi ng damdamin. (Suklam, Galit, Poot, Inis)

D.

C.

B.
A.

50. Bumuo ng isang pangungusap gamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan, at pamaraan. Bilugan ang mga ito.

___________________________________________________________________

You might also like