You are on page 1of 2

PERIODIC TEST QUESTIONS S.Y.

2019-2020 1 ST QUARTER

TALASALITAAN

Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda.(F9PT-Ic-d-40) (Nobela)

Bigyang interpretasyon ang mga pahiwatig ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

Kaalaman 2. “Ang timawa ay kahalintulad ng isang aso, sagpang nang sagpang.”wika ng Donya.

Ang kahulugan ng sinalungguhitang pahiwatig sa pangungusap ay ____________ .

A.mahirap B.malaya C.patay-gutom D.alipin

Komprehensiyon 17. “Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natutong
yumuko,” wika ni Andy. Bigyang interpretasyon ang sinalungguhitang pahiwatig sa pangungusap.

A. umiiwas ng gulo o mapagkumbaba


B. matigas ang ulo at di sumusunod
C. basag-ulo at pasaway
D. mabuti ang kalooban.

PAMPANITIKAN

Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda. (F9PB-Ia-b-39)
(Maikling kuwento)

Kaalaman 4. Bagamat hindi tahasang nabanggit sa kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade”, ano ang
sakit ng batang si Rebo?

A.AIDS B.Kanser C.Ulcer D.Tuberculosis

5.Sa maikling kuwentong “Ang Ama”, tukuyin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagmamahal ng ama kay Mui-Mui.

A.pagdala dito sa carnival C.pag-alay ng pagkain sa puntod ng anak


B.pagdiriwang ng kaarawan ng anak D.pagpapadasal at pagsindi ng kandila para sa anak

Komprehensiyon 19. Paano naipakita ng ama sa maikling kuwentong “Ang Ama” ang labis na pagsisisi sa
nangyari sa kanyang anak.

A.sa pag-alay nito ng pagkain C.sa pagseserbisyo nito sa natitirang mga anak
B.sa pagmamahal nito sa kanyang asawa D. sa pagtatrabaho ng maayos

20.Bakit pinamagatang “Anim na Sabado ng Beyblade ang maikling kuwentong tinalakay sa


unang aralin?

A.sinisimbulo ng mga Sabado ang pagmamahal ni Rebo sa laruang beyblade

B.beyblade lamang ang tanging libangan ng batang si Rebo

C.tumutukoy ito sa nalalabing panahon na kasama ng ama si Rebo at ang beyblade nito
D.ang mga sabadong ito ay sumisimbulo sa labis na pagmamahal ng ama kay Rebo at sa beyblade nito

Aplikasyon 31. Ang kuwentong “Ang Ama” ay tumatalakay sa karahasan sa loob ng tahanan. Alin ang
epektibong pamamaraan upang matulongan ang mga biktima ng ganitong suliranin.

A.pagbibigay ng trabaho sa mga padre de pamilya

B.pagpapalaganap ng impormasyon patungkol sa batas na “Anti-violence against women and their


Children

C.pagsasagawa ng seminar sa mga may sala upang matukoy nila ang ugat ng kanilang problema

D.pagpapalakas ng mga women’s shelter na tumutulong sa mga biktima at mga anak nito

Gramatika

Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa iba’t-ibang paraan at pahayag.(F9WG-Ie-43) (Tula)

Kaalaman 15. Tukuyin mula sa ibaba ang damdaming ipinahayag mula sa tulang “Elehiya para kay
Ram”.

A.kawalan ng pag-asa C.pagkainip


B.kapighatian D.kasiyahan

Ebalwasyon 45. Ngunit ikaw, palamara


Tulad ng alabok, humayo ka at mawala
Pagka’t mundo mo’t bantayog ay gumuho na

Anong damdamin ang iyong naramdaman na ipinapahayag mula sa saknong ng tula?


A.pagkabalisa B.kagalakan C.galit D.pagkainip

You might also like