You are on page 1of 20

7

Filipino
Kwarter 3 – Modyul 11:
Pagtukoy ng datos gamit sa
Paglikha ng Ulat-Balita
Filipino – Baitang 7
Kwarter 3 – Modyul 11: Pagtukoy ng datos gamit sa Paglikha ng Ulat-balita

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng


karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari
sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: KRISTIN C. BELGICA


Editor:
Tagasuri ng Nilalaman:

Gumuhit ng Larawan:
Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo
7

Filipino
Kwarter 3– Modyul 11
Pagtuukoy ng datos gamit sa
Paglikha ng Ulat-balita
Ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng pampublikong kaguruan,
tagamasid sa Filipino at mga kaagapay sa sektor ng edukasyon, Hinihikayat
ang inyong pagtugon, puna at mungkahi sa ikauunlad ng kagamitan

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga tugon, puna at


mungkahi.
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay.
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong
matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

2
(Pagtukoy ng datos gamit
sa Paglikha ng Ulat-balita)
Panimula:

Magandang araw!

3
Kumusta ka?Nalalapit mo nang matapos ang mga kasanayan sa Ikatlong
Kwarter.Inaasahan ko na marami kang natutunan mula sa mga modyul na ito.Ikaw
ba ay mahilig manood ng balita sa telebisyon o kaya ay magbasa nito sa diyaryo?
Paano ba ginagawa ang mga balitang ito?Ano kaya ang mga kinakailangan sa
paglikha ng ulat-balita?Sa pagtatapos ng modyul na ito ay iyong masasagot ang
mga katanongang nabanggit. Halika! Simulan na natin ang panibagong aralin.
Inaasahan na matutunan mo para sa modyul na ito ang pagtutukoy
ng datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita batay sa materyal na
binasa.
O,ano kayang-kaya ba? Tara! Simulan na natin ito.

Sa modyul na ito, inaasahan na:


Natutukoy ang datos na kailangan
sa paglikha ng sariling ulat-balita
batay sa materyal na binasa.
Layunin

Ito ang mga bagong salita


na dapat mong kilalanin para sa araling
ito.

4
Ano ba ang alam mo na sa ating
Talasalitaan aralin, subukin mo nga?
Dato o datos -
anumang uri ng
kaalaman tungkol sa kahit anong bagay

https://tl.wikipedia.org/wiki/Datos

Ulat-balita – ito ay ulat na maaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap


na,nagaganap o magaganap pa lamang. Naglalarawan ito sa ating kalagayan, at
maaaring maisulat sa pahayagan. Ang balita ay anumang pangyayaring hindi
karaniwan, isang ulat,nakapagbibigay impormasyon at mapaglilibangan ng
mambabasa,nakikinig at nanonood.

https://www.slideshare.net/Kingromar_24/balitafinalppt

Panimulang Pagsubok
Panuto: Ibigay ang maaring hakbang sa paglikha ng ulat-balita.
Punan ang tsart ng daloy sa ibaba.

5
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 14. ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
3 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
2 tamang Sagot – MAGALING
1 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

O diba, nakagawa ka ng
paghihinuha patungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng alamat.Ngayon
naman ay basahin mo ang tekstong
inihanda ko upang mas lumalim ang
iyong kaalaman patungkol sa ating
paksa.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

Pagsulat ng Balita
Katuturan
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na,
nagaganap at magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin.

 Pasalita. Kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon.


 Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.
 Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

6
Kahalagahan ng Balita

1. Nagbibigay-impormasyon
Halimbawa:
Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-
gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang
bagong pag-aaral.

2. Nagtuturo
Halimbawa:
Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at
mapapanatili ang magandang kalusugan.

3. Lumilibang
Halimbawa:
Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys
Reyes sa Presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling
eksena para mapansin niya.

4. Nakapagpapabago
Halimbawa:
Matapos na masangkot sa anomaly ang mga pulis ng Manila Police District
Station Anti-Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa II
police station ng Manila Police District (MPD).

Mga Katangian ng Balita

 Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
 Katimbangan. Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng
sangkot.
 Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
 Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat ang buod


2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing
importance)

7
***Pamatnubay ang tawag sa panimula ng balita.Sa pamatnubay(lead)nakalahad lahat ng
mahahalagang impormasyon na dpat malaman ng mambabasa. Ito ang puso ng isang balita.

3. Hanapin ang impormasong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.


4. Isulat ang baita ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.

Mga Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita pagkatapos makalap.


2.Bigyang-diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
3.Maging tumpak.
4.Iwasan ang magbigay ng opinyon(no editorializing). Ang mga opinyon ay nararapat
lamang sa mga tanging kolum,pangulong tudling, artikulong may pangalan(by-line) ng
sumulat at sa balitang isport o pampalakasan.
5.Bangitin ang owtoridad o pinagmulan (Source or attribution) ng balita lalo na
kung:1)nangingibabaw ang opinyon-kaysa tunay na pangyayari, 2)Ang balita ay
kontrobersyal at 3)ang balita ay nagpapatalastas ng bagong regulasyon.
6.Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit. Pagkatapos gamitin na lamang
ang G. sa apelyido ng lalaki; Bb o Gng. Sa babae o anumang tanging titulo sa mga
sumusunod pang pagbanggit.
7. Ilahad ang pangyayari nang walang kinikilingan.
8.Ipakilala ang pangalang binanggit.
9. Iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaring
makapinsala sa paniwala at asal n mambabasa o ng ibinabalita.
10.Simulan ang bawat talat sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari.
11.Sumulat ng maikling pangungusap. Pag-iba-ibahin din ang haba,ngunit kailangan payak
at maliwanag.
12.Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata.
13. Iwasan ang pahaba o pampakapal lamang na mga pangungusap at talata na pamuno
lamang ng ispasyo (avoid padding)
14. Gumamit ng mga payak at tiyak na salita. Ang mga pang-uri at pang-abay ay dapat
magbigay daan sa mga pandiwa at pangalan. Iwasan ang mga di-karaniwang salita.
15. Sumulat ng mabisang pamatnubay. Huwag ilagay ang lahat ng 5
W’s(Who,what,when,where,why) sa simulang pangungusap kung magkakagulo sa diwa at
sa mahusay na pagbasa.Iwasan ang pagsisimula ng pamatnubay sa numero (Figure),
panukoy na, ang, mga at sa mga panlinaw na sa,ito,may,mayroon at doon. Gayunman kung
ang pangungusap ay magbabago at masisira ang kayarian ay mabuting gamitin na ang
panukoy.
16.Gamitin ang tinig na tukuyan(active voice) kaysa balintayak(passive voice), maliban kung
ang layon ay higit na mahalaga kaysa gumanap.
17. Sundin ang istilong pamahayagan.(style sheet)

https://www.scribd.com/presentation/379309110/Pagsulat-Ng-Balita

8
Ipagpatuloy mo.
____________________________

Ano ang pamatnubay? ________________________


________________________

Ibigay ang katangian ng


balita.

___________________________
___________________________
__________________________

Ano ang mga hakbang sa


pagsulat ng balita?
_______________________________________
_______________________________________

Yehey! Ngayon ay alam mo na ang pagtukoy ng mga datos na kailangan sa


paglikha ng sariling ulat-balita.
Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.


Pagsasanay 1

9
Panuto: Basahin ang balita sa ibaba.Sagutan ang mga katanongan sa
ibaba.

Martial law sa Sulu, inirekomenda matapos ang 2 pagsabog na pumatay


sa 15 katao

Inirekomenda ng pinuno ng Philippine Army na isailalim sa martial law ang lalawigan ng Sulu
kasunod ng dalawang pagsabog na naganap sa Jolo na ikinasawi ng 15 katao, kabilang ang
ilang sibilyan, nitong Lunes.

"Kung natatandaan natin noong idineklara ng ating Pangulo 'yung martial law ay behaved
'yung mga tao. Kaya lang noong una, nagkaroon ng kaunting negative reaction due to the
stigma brought about by the 1970s martial law, but this time, nitong nakaraang martial law,
talagang sila na mismo ang nag-request na kung maaari ma-extend pa," sabi ni Philippine
Army chief Lieutenant General Cirilito Sobejana sa panayam sa radyo nitong Martes.

"So siguro it's high time na ibalik po natin. If I may respectfully recommend to our President,
through our chief of staff and Secretary of National Defense, na kung maibalik o maideklara
muli na martial law doon sa lugar dahil sa ito, doon sa probinsiya ng Sulu dahil sa recent
bombing incident na nangyari," patuloy niya.

Matatandaan na inalis ang martial law sa Mindanao noong Disyembre 31, 2019, matapos ang
mahigit na dalawang taon na implimentasyon kasunod naman ng nangyaring Marawi siege.

Nais ni Sobejana na ipatupad ang martial law sa Sulu sa kabila ng umiiral na Anti-Terror Law,
na kinukuwestiyon sa Korte Suprema ang legalidad.
Bukod sa 15 nasawi na kinabibilangan ng ilang sundalo at sibilyan, mahigit 70 katao pa ang
nasugatan sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Jolo nitong Lunes.

Sinabing babaeng suicide bomber ang nagpasabog sa isang bomba, at isa pang bomba na
itinago naman sa nakaparadang motorsiklo ang pinasabog din.

Ayon sa militar, mayroon ding mga batang naging biktima ng naturang pagsabog.— FRJ,
GMA News

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/752825/martial-law-sa-sulu-
inirekomenda-matapos-ang-2-pagsabog-na-pumatay-sa-15-katao/story/

1. Sino ang ikinapanayam sa nasabing ulat?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ang kanyang inirekomendang ipatupad muli sa Jolo,Sulu?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Bakit inirekomendang ipatupad ito?


_________________________________________________________

10
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4.Anong pangyayari ang nagdulot ng kaguluhan kamakailan lang


sa nasabing lugar ?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

5. Isalaysay ang pangyayaring ito.


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

***Sa pagsagot ng mga katanunang ay natutukoy mo na ang


mahahalagang datos sa isang balita. Madali na lamang saiyo ang
paggawa ng sariling ulat-balita.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 14.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos,
magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan


ang unang pagsasanay, heto pa ang
isa pang gawaing magpapatibay ng
Pagsasanay2 2 iyong kaalaman.

Panuto: Basahin ang ulat-balita sa


ibaba.Tukuyin ang mahahalagang datos na
naging salik ng balita.

Bagong hepe ng PhilHealth, na dating taga-NBI, walang alam sa public health


MANILA, Philippines — Aminado ang bagong talagang hepe ng Philippine Health Insurance
Corporation (PhilHealth), Martes, na wala siya gaanoong
11 kaalaman sa kalusugang publiko
ngayong uupo na siya sa katungkulan.

Sa panayam ng ANC kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, dating direktor ng
'Matinding katiwalian sa PhilHealth'
Nagbigay naman payo si Sen. Franklin Drilon kay Gierran kung paano mapapahusay
ang ang pagpapatakbo ng PhilHealth, lalo na't inaakusahan ng pagbulsa ng pondong
publiko ang mga opisyal at dating opisyal nito.

"Dapat merong top-to-bottom reorganization. Tanggalin [niya] 'yung mga tiwali at


walang alam. Dapat makulong 'yung mga bahagi ng mga sindikato," banggit ng
senador sa isang pahayag ngayong araw

"Naghihintay sa kanya ang matinding korapsyon na pinerfect sa haba ng panahon ng


mga tiwalikong sindikato ng PhilHealth."

Bukod sa diumano'y pagpabor sa ilang mga ospital, ilan sa mga ipinupukol ngayon
kay Morales ay ang pag-aapruba niya sa pagbili diumabo ng mga laptop na
nagkakahalaga ng P4.1 milyon at P115 milyon, bagay na sinasabing overpriced nang
marami.

Sa kabila ng mga 'yan, kakausapin daw ni12


Gierran si Morales para matuto paano
patakbuhin ang ahensya.

"Kakausapin kita mamaya, Sir. Marami akong matutunan sa inyo," dagdag pa ng


1. Sino ang pinapaksa ng balita?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ang pinapaksa ng balitang nabasa?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Anong suliranin ang tinalakay sa balita?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4.Bakit kaya ito ng suliranin sa nasabing ahensya?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

5. Magbigay ng karagdagang impormasyon mula sa internet


patungkol sa isyung tinalakay sa balita.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga


gawain upang masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.
Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay
13 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.
Pagsasanay 3

Panuto: Ikaw ay gagawa ng ulat-


balita patungkol sa aksyon ng
kasalukuyang administrasyon sa
paglaban sa Covid19. Bago lumikha ng ulat-balitang ito ay
tukuyin muna ang mga datos na kinakailangan gamit ang
mga katanungan sa talahanayan sa ibaba.
Pagtukoy sa mga Datos na kakailanganin sa ulat-balita
Gabay Kailangang Gawin
1.Ano-ano ang mga balitang
ilalahad?
2.Sino-sino ang mga awtoridad
na kailangang lapitan?Kung
hindi ito possible anong
website ng ahensiya ng
gobyerno ang maari kong
maging sanggunian?
3.Ano-anong hakbang ang
kakailanganin upang
maisakatuparan ang mga ito?
4.Paano ko ito maisasagawa?
5.Ano pa ang mga

14
karagdagang datos na
kakailanganin?

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina ___.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

Ang bahaging ito ng modyul ay


susukat sa mga natutuhan mo sa loob
ng aralin. Huwag kang matakot dahil
alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Gamit ang mga datos
na iyong nasaliksik sa Pagsasanay 3 ay gumawa ng ulat-balita
patungkol sa binigay na paksa sa nasabing pagsasanay. Gawing
gabay ang mga hakbang sa pagsulat ng balita na tinalakay sa
modyul na ito.

15
___________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 18.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

nagawa lahat 1 hindi nagawa


2 hindi nagawa 3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

16
Panuto: Magsaliksik ng mga datos patungkol sa inyong lugar at
gumawa ng ulat-balita patungkol dito.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.
Ang husay mo kid!

Batayan:
*https://tl.wikipedia.org/wiki/Datos
*https://www.slideshare.net/Kingromar_24/balitafinalppt
*https://www.scribd.com/presentation/379309110/Pagsulat-Ng-Balita
*https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/752825/martial-law-sa-sulu-inirekomenda-
matapos-ang-2-pagsabog-na-pumatay-sa-15-katao/story/
*https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2020/09/01/2039329/bagong-hepe-ng-
philhealth-na-dating-taga-nbi-walang-alam-sa-public-health

Panimulang Pagsubok
Ang guro na ang bahalang
magpasiya sa
kawastuhan ng sagot ng
mga mag-aaral.

Pagsasanay 1
Ang guro na ang bahalang
magpasiya sa
kawastuhan ng sagot ng
mga mag-aaral.

Pagsasanay 2
Ang guro na ang bahalang
magpasiya sa
kawastuhan ng sagot ng
mga mag-aaral.

Pagsasanay 3
Ang guro na ang bahalang
magpasiya sa
kawastuhan ng sagot ng
17 mga mag-aaral.
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288


Susi sa Pagwawasto

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like