You are on page 1of 4

Grade 7 School Pilar National High School Grade Level 7

Daily Lesson Teacher Mylene A. Malaza Learning Areas Filipino


Plan Teaching Date Quarter 3
Observation 7-Marconi Observation No.
Time

I.OBJECTIVES
A. Content Standard Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Luzon.
B. Performance Standard Naisusulat ang buod ng isang akda nang maayos gamit ang
angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng
isang akda.
C. Learning Competency/ Objective LC Code: F7WG-IIId-e-14
a. Nakakaalam ng angkop na pahayag na nagsisilbing
hudyat sa panimula, gitna at wakas ng isang akda.
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng
angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at
wakas ng isang akda.
c. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa
panimula, gitna at wakas ng isang akda.
II.CONTENT Mga salitang hudyat ng Simula, Gitna at Wakas ng Akda.
III.LEARNING RESOURCES
A.References
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages
3. Additional Materials Manila paper, powerpoint presentation, mga larawan,
A. Other Learning Resources Starbooks,
IV.PROCEDURES
A.Preparatory Activities
1. Daily Routine Panalangin at Pagbati
a. Drill
b. Review Magpapakita ang guro ng mga halimbawa ng karunungang
bayan sa mga studyante at tutukuyin nila kung anong uri
ng karungang-bayan ito.
c. Checking of Assignment -
2. Motivation Magbibigay ang guro ng isang sitwasyon sa mga mag-aaral.
Sitwasyon: Mayroon kang kwentong nais ibahagi sa iyong
kaibigan. Upang mas maintindihan nang iyong kaibigan ang
mga kaganapan sa kwento ayon sa pagkakasusunod-sunod
nito, ano ang iyong gagawin? Paano mo ibabahagi ang
kwento?

B.Lesson Proper
1. Presentation 1. Tanong: Kung ikaw ay magkukwento, ano ang
kailangan mong isa-alang-alang upang
maintindihan nang iba ang iyong kwento? (Maari
kang gumamit ng mga angkop na pahayag sa
simula, gitna at wakas sa iyong kwento na
magpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.)
2. Magpapakita ang guro ng isang halimbawa ng
karaniwang kwentong ginagamitan ng mga
pahayag sa panimula, gitna at wakas.
Tanong:
-Ano ang napansin niyo sa kwentong ipinakita?
2. Modelling 1. Ipapakita ng guro sa klase ang halimbawa ng isang
akda at kung paano ginamit ang mga pahayag sa
panimula, gitna at wakas sa akdang ito.

Paksa: “Alamat ng Marinduque”


Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas,
ang mga lalaigan ng Camarines, Mindoro at Timog
Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng
Batangas. Ang namumuno sa barangay na ito ay si Datu
Batumbakal. Ang datu ay may napakagandang anak, si
Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itunuturing na Reyna ng
Katagalugan, sapagkat taglay niya ang katangian ng isang
reyna.
Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na dito ang
mayamang datu ng Mindoro, Laguna at Camarines. Ngunit
sino man sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya. Ang
kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke
na kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at
kumanta ng mga tula. Isa siyang mangingisda.
Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya
samantalang si Duke ay maraming ulit na pinagbawalan ni
Datu Batumbakal. Minsan nakita ng datu si Duke sa
palasyo, ito ay kanyang kinagalitan at ipinagtabuyang
palabas. Kahit pa sinabi niyang kagustuhan ng Mutya ang
kanyang pagtuntong sa palasyo upang making ng kanyang
mga tula ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni Datu
Batumbakal.
Magmula noon, ay hindi na nakita si Duke. Labis na
nalungkot at nangulila si Mutya Maria. Naglakad-lakad siya
sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At
sa dulot ng tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng
Pansipit.
“Kung sadyang ako’y mahal mo, ipaglaban mo ito sa
anumang paraan”. Hamon ni Mutya kay Duke. Bago
maghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa
hardin ng palasyo sa pagsapit ng dilim.
Sa pagpapatuloy ng pangyayaring iyon, hindi naligid kay
Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan
niya ang anak at pinagbawalan na makipagkita kay Duke.
Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga dugng
maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong
maharlika. Ang kautusang ito ay nilabag nina Maria at
Duke.
Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan
ng ulo. Labis itong ikinalungkot ni Mutya Maria. Sinasabing
naging usap-usapan ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay
naging bukambibig sa buong barangay.
“Sa huli, ito ang naging dahilan para tawagin ang lugar na
pinagtagpuan ni Maria at Duke bilang ang lalawigan ng
Marinduque.
2. Itatanong guro ang mga sumusunod na
katanungan sa klase.
a. Tungkol saan ang akdang iyong binasa?
b. Ano ang mga pahayag na ginamit upang
ipakita ang panimula, gitna at wakas ng akda?
c. Sa palagay mo, ano ang kahalagahan ng
paggamit ng angkop na mga pahayag sa
panimula, gitna at wakas ng isang akda?

3. Guided Practice 1. Magpapakita ang guro ng isang anekdota bilang


halimbawa.

a.
May nakasalubong akong isang matandang
lalaking mukhang hapo na sa pagtitinda ng mga
dekorasyong likha niya.
Nakaramdam ako ng awa kaya sinabi kong
babalikan ko siya para bumili ng kanyang paninda.
Humaba ang araw ko sa opisina at hindi ko na
siya naabutan sa kanyang puwesto.
Nasurpresa ako ng makita ko siya sa daan ng
nakangiti. Sinabi niya sa akin na naubos na ang
kanyang paninda. Hanga ako sa kanyang sipag at
tiyaga. Kaya naman inabutan ko na lang siya ng
pang-hapunan para makapagsaya siya ng kaunti.

Ano ang masasabi niyo sa halimbawa na ito?


b.
Kaninang umaga, may nakasalubong akong
isang matandang lalaking mukhang hapo na sa
pagtitinda ng mga dekorasyong likha niya.
Nakaramdam ako ng awa kaya sinabi kong
babalikan ko siya para bumili ng kanyang
paninda pagdating ng hapon.
Sa kasamaang palad, humaba ang araw ko sa
opisina at hindi ko na siya naabutan sa kanyang
puwesto dahil palubog na rin ang araw noon.
Sa aking daan pauwi, nasurpresa ako ng makita
ko siya sa daan ng nakangiti. Sinabi niya sa akin na
naubos na ang kanyang paninda. Hanga ako sa
kanyang sipag at tiyaga. Kaya naman inabutan ko
na lang siya ng pang-hanpunan para makapagsaya
siya ng kaunti matapos ang buong araw na
pagtatrabaho.
Ano ang obserbasyon niyo sa halimbawa na ito?

4. Independent Practice Gawain: Magbibigay ang guro ng isang anekdota sa klase.


Kailangan gamitan ng mga angkop na pahayag sa
panimula, gitna at wakas ang anekdota upang mas
maipahayag nang mas malinaw ang pagkaka-sunod-sunod
ng mga pangyayari.
C.Generalization Itanong sa klase ang mga sumusunod:
1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na
mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng akda?
2. Lahat ba ng akda ay kailangang gamitan ng mga
angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at
wakas upang lalong maintindihan ito?
D.Application Pangkatang Gawain: Hahatiin ng guro sa limang pangkat
ang buong klase at magbibigay ng isang akda. Gagawan ito
ng buod at gagamitan ng mga angkop na pahayag sa
panimula, gitna at wakas para mas maintindihan ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng akda.
Ipipresenta ito ng bawat pangkat sa klase.
E.Evaluation Ipipresenta ng bawat grupo ang ginawa nilang buod mula
sa akdang binigay ng guro. Ang bawat grupo ay
mamarkahan sa pamamagitan ng rubric na nasa ibaba.

Rubrik sa Pagmamarka
Kaayusan--------------------------------------------40%
Angkop na pahayag na ginamit-----------------30%
Nilalaman--------------------------------------------30%
--------------
100 %

F.Assignment -
V.Closure
VI.REMARKS
VII.REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% on the formative
assessment
B. No. of learners who require additional activities for
remediation
C. Did the remedial lesson work? No. of learners who
have caught up with the lesson.
D. No. of learners who continue to require
remediation
E. Which of my teaching strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did I
use/discover which I wish to share with other
teachers?

You might also like