You are on page 1of 19

Aralin 3

Mga Salitang Hudyat


ng Simula, Gitna, at
Wakas ng Akda
Natutukoy ang iba’t ibang panandang
1 pandiskurso o kagamitang pang-
ugnay
Layunin
Naisasaalang-alang ang angkop na
2 salita bilang pananda o hudyat ng
simula, gitna, o wakas ng isang akda

Nagagamit ang angkop na


3 panandang diskurso o pang-ugnay
sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari
Kuwento Mo,
Kuwento Ko
Pagganyak

Noong una, hindi kinaya ng lalaki ang mga pagsubok na


hinaharap niya sa buhay. Kung minsan, tila pa ang Diyos na
ang kaniyang sinisisi sa mga hinaharap na pagsubok sa buhay.
Subalit hindi alam ng lalaki na sa lahat ng kaniyang hinaharap
na problema, ang Diyos ang handang umagapat sa kaniya. Sa
dakong huli, isang pangyayari ang nagpagising sa lalaki sa
katotohanan kaya naman napagtanto niya kung gaano siya
kamahal ng Poong Maykapal.
Mahahalagang Tanong

● Bakit mahalaga ang mga panandang diskurso sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?

● Bakit mahalagang isaalang-alang ang banghay sa


pagsusunod-sunod ng pangyayari?

● Ano ang kapakinabangang naidudulot ng kaalaman sa


paggamit ng mga panandang diskurso sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari?
Pagtatalakay

Ano-ano ang mga dapat isaalang-


alang sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari kapag tayo ay
magsasalaysay?
Pagtatalakay
Pagtatalakay

Pagsusuri para sa Gawain Opsiyon 1: Focused Listing

1. Mahirap ba para sa inyo ang pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari?

2. Paano mo pinagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa


isang kuwento?

3. Anong sariling paraan o estratehiya ang iyong ginagawa


upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari?
Pagtatalakay

Pagsusuri para sa Gawain Opsiyon 2: Brainstorming

1. Bakit kailangang ang mga pangyayari ay nailalahad nang


sunod-sunod?

2. Para sa inyo, ano ang benepisyo ng nakasunod-sunod ang


mga pangyayari sa paglalahad?

3. Para sa inyo, ano ang dapat isaalang-alang kapag tayo ay


magsusunod-sunod ng mga pangyayari?
Pagtatalakay
Pagtatalakay
Mahahalagang Tanong
Paglalapat

● Sa ano-anong pagkakataon sa buhay natin nagagamit


ang panandang diskurso at kagamitang pang-ugnay sa
pagsusunod-sunod?

● Ano ang posibleng mangyari kung ang lahat ng tao ay


hindi marunong gumamit ng mga pananda
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?

● Masasabi ba na ang kalabuan sa pagsusunod-sunod ng


mga pangyayari ay tanda na hindi rin lubos na
nauunawaan ang inilalahad? Bakit?
Ano ang kahalagahang naidudulot nang malinaw at
maayos na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
pagsasalaysay?
Inaasahang Pagpapahalaga

Mahalaga ang mga panandang diskurso sa


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sapagkat
1 nagsisilbi itong palatandaan ng mga pagbabagong
nagaganap sa takbo ng mga pangyayari patungo sa
katapusan.

Mahalagang isaalang-alang ang banghay sa


pagsusunod-sunod ng pangyayari sapagkat
2 nagsisilbing itong batayan ng mga panadang
dapat ilagay sa daloy ng pangyayari.
Inaasahang Pagpapahalaga

Kapaki-pakinabang ang paggamit ng mga panandang


diskurso sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
3 sapagkat nakatutulong ito upang mabilis na
maunawaan ang daloy ng pangyayari.
Paglalagom

● Mahalaga ang pagkakaugnay o kohesyon sa ating


pakikipagtalastasan sa iba.

● Maayos at organisadong pag-uugnay-ugnay ng ating mga


pahayag o pangungusap ay malaking tulong upang makabuo
ng malinaw at may kaisahang diwa.

● Ang panandang diskurso at kagamitang pang-ugnay


(cohesive devices) ay nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga
kaisipang inilalahad sa isang diskurso o teksto.
Paglalagom

● Mahalaga ang mga panandang diskurso sa


pagsasalaysay ng kuwento.

● Ang mga paghuhudyat ng mga pagkakasunod-sunod ng


mga pangyayari ay naghuhudyat ng simula, gitna, at
wakas ng akda.
Kasunduan

Sumulat ng isang pagsasalaysay na ginagamitan ng mga


salitang naghuhudyat ng simula, gitna, at wakas. Sa
salaysay na isusulat, ilahad ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayaring naganap sa iyo o nasaksikhan mo na
may kaugnayan sa akdang “Ang Hukuman ni Mariang
Sinukuan”.
Kasunduan

Pamantayan Marka
1.Malinaw ang paksang isinasalaysay.
2. Organisado at malinaw ang pagkakalahad ng
pagkakasunod-sunod ng detalye o pangyayari.
3. Nakagamit ng mga hudyat o panandang
diskurso sa pagsusunod-sunod ng mga detalye o
pangyayari.
4. Wasto ang pagkakagamit ng mga salita at
gramatika.

You might also like