You are on page 1of 36

PANITIKANG LUZON YAMAN NG LAHI

ILAN SA MGA KILALANG PANITIKAN NG LUZON


Takipsilim at Lumang Lambat ni Teo S. Baylen
Noong Bata pa Ako ni Claro M. Recto
Kapangyarihan at Punongkahoy ni Buenaventura S. Medina
Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla
KAALAMANG BAYAN
tugmang/awiting panudyo
tugmang de gulong
palaisipan
bugtong
1. AWITING/TUGMANG PANUDYO
pumapaksa sa pag-
ibig,pamimighati,pangamba,kaligayahan,pag-
asa, at kalungkutan na maaaring binuo upang
maging mapanukso sa kapwa
MGA HALIMBAWA
Sitsiritsit,Alibangbang
Salaginto salagubang,
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan
Puto seko sa tindahan,
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama,mama,namamangka
Pasakayin yaring bata,
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.
Ale,ale namamayong
Pasubukin yaring sanggol,
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
Sa paghahangad ng kagitna,
isang salop ang nawala.

Kung hindi uukol,


ay hindi bubukol
Utos na sa pusa,
utos pa sa daga.

May tainga ang lupa,


may pakpak ang balita.
2. TUGMANG DE GULONG
mga paalalang kadalasang nakikita sa mga pampublikong
sasakyan gaya ng dyip,bus, at tricycle
nasa anyong salawikain,maikling tula, at kasabihan
mang-aliw sa kapwa ang mithiin
nagsisilbing paalala
karamihan nito ay sinulat ni Dr. Paquito Badayos
MGA HALIMBAWA
Ang ‘di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan,
Ay ‘di makabababa sa paroroonan

Kahit ano pa ang ganda mo,


Drayber lang ang katapat mo.
Sa pagtaas ng gasoline,
Kaming mga drayber ay
Naghahabol ng hininga

Huwag dumikwatro,
Sapagkat dyip ko’y di mo kwarto.
3. BUGTONG
palaisipan o talinghaga na may nakatagong
kahulugan
isang pangungusap na patanong na naghihintay
ng kasagutan
patungkol sa pag-uugali,kaisipan, pang-araw-
araw na buhay, at katutubong paligid ng mga
Pilipino
MGA HALIMBAWA
Isang reynang maraming mata,
Nasa gitna ang espada

Nagbibigay na’y
Sinasakal ka pa

Isda ko sa Maribeles,
Nasa loob ang kaliskis.
Matanda na ang nuno,
‘Di pa naliligo.

Baboy ko sa pulo,
Balahibo’y pako.
4. PALAISIPAN
nagpapatalas at nakahahasa ng kaisipan ng
isang tao na kadalasan ay nagbibigay ng
kasanayang lohikal sa mga nagtatangkang
sumagot
isang suliranin na sinusubok ang katalinuhan
ng lumulutas
HALIMBAWA
May sampung aso sa itaas ng gusali,
May nakita silang pusa sa ibaba,
Tumalon sila sa gusali,
Ilan ang natira?
HAMON SA ISANG DUWAG
“Sadya ngang ang Karuwagan,
Takot sa Katotohanan.”

ni Honorato I. Cabrera,Jr.
Magsalita ka isang duwag,
Huwag mong isisigaw sa karimlan
Ang bawat sakit na ‘yong
nararamdaman.
Manhid ang bawat bituin sa
panaginip nakaguhit,
Magparamdam ka isang duwag
Huwag mong ilubog sa alak ang bawat sakit na
tinatanggap.
Hindi ang isang kawalang-malay na isipan,
Ang magdadala sa iyo ng kasagutan,
Kumibo ka sa isang duwag,
Huwag mong ikulong ang nagpupuyos na
damdamin sa hungkag na puso na nagtatago
Sa ningning mong laman.
Humiyaw ka isang duwag,
Huwag mong itago ang pagkatao
Sa pino at maginoong kilos,
Sumigaw ka isang duwag
Hanggang ang mga patay na damo ay bumangon.
Pilitin mong gambalain ang akala mo’y
Payapang tubig sa batis.
Kumilos ka isang duwag,
Harapin mo ang katotohanan,
ahagi ka ng huwad na palabas
Na nakikita mo sa iyong harapan.
Bumangon ka isang duwag,
Hanapin ang sariling daan.
Tahakin ang kinatatakutang kapalaran.
Lasapin mo ang pait at hapdi ng bawat kabiguan.
Damhin mo ang hapdi ng iyong mga sugat.
Kumilos ka isang duwag,
Hanggang ang kasagutan ay iyong mahanap.
Magpasiya ka isang duwag,
Pakiramdaman mo ang
Bulong ng iyong puso.
Limiin mo ang malayang diwa,
Na bahagi ng iyong pagkatao
Hanggang ang tapang ng loob at tibay ng paninindigan
Ay mapasaiyong mga kamay!
SAGUTIN…..
1. Bakit kailangang…
a. magsalita ang isang duwag?
b. magparamdam ang isang duwag?
c. humiyaw ang isang duwag?
d. kumilos ang isang duwag?
e. bumangon ang isang duwag?
f. magpasiya ang isang duwag?
KASUNDUAN…
Ang pagiging duwag ba ay maaaring maging
negatibo o positibo? Sa paanong paraan? Kailan
ito nagiging positibo at negatibo? Bakit nagiging
duwag ang isang tao?Paano maiiwasan ang
pagiging duwag? Para sa iyo ano ang ibig sabihin
ng duwag? Nararanasan mo na bang maging
duwag? Isalaysay ito.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
diin at haba
tono o intonasyon
antala o hinto
DIIN (STRESS) AT HABA(LENGTH)
Ang diin ay ang bahagyang pagtaas ng tinig sa agbigkas ng pantig sa salita.
tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita
tumutukoy sa haba ng bigkas
Hal.
PU:no(katawan ng kahoy mula sa ugat)
pu:NO(apaw,sagad)
TA:la(makinang at malaking bituin)
ta:LA(listahan o katitikan)
TONO O INTONASYON(PITCH)
paagbaba at pagtaas ng tinig
magkapareho ng baybay ngunit maaaring magkaiba ng kahulugan
tono ang nagpapahayag ng tindi ng damdamin ng nagsasalita
Hal.
Malungkot ang babae.
Malungkot ang babae?
Malungkot ang babae!
ANTALA O HINTO
Sandaling pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
nais iparating sa kausap.
Ginagamitan ng mga bantas na kuwit(,)tuldok(.)dalawang guhit na pahilis(//)
gitling(-) tuldok-kuwit(;) at tutuldok(:)
Hal.
Hindi, ako si Rosa Ana.
Hindi ako, si Rosa Ana.
Hindi ako si Rosa Ana.
LAYUNIN NG ISANG TULA
Pakilusin ang madla.
Tinagin upang magsagawa ng mahalagang bagay ayon sa
paksa nito.
Manghikayat upang papaniwalain sa isang katotohanan.
Magbigay ng aliw sa madla.
ILAN PANG MAHAHALAGANG KAALAMANG DAPAT
NA TANDAAN SA PAGBIGKAS NG TULA
1. Tikas
2. Panuunan ng Paningin
3. Pagkumpas
4. Ugnayan ng mambibigkas at ng madla
PAGPAPALALIM
Bumuo ng isang tula na may temang
“Kahalagan ng Kabataang tulad Ko”.
RUBRIK SA PAGBIGKAS NG TULA
Mga Pamantayan Napakagaling( Magaling(3 Katamtaman Kailangan Puntos
4 pts) pts) (2pts) pang
Pagbutihin(
1pt)
Mahusay na nabigkas at nakabisado ang tula.
Naiangkop ang lakas at hina ng boses sa
mensahe o diwa at damdaming nais bigyang
kahulugan ng bawat bahagi ng katawan.
Angkop ang naging kilos at ekspresyon ng mukha
sa mensaheng binibigyang interpretasyon.
Napukaw ang atensyon at interes ng mga
nakikinig at nanonood.
Nabigyang-buhay ang bawat bahagi ng tula.
Nakapag-iwan ng mahalagang mensahe sa
madla ang tulang ipinarinig at ipinamalas.
Kabuuang Puntos

You might also like