You are on page 1of 1

Teenage Pregnancy sa Bansa (Nathalie Roman)

“Labing apat na taog gulang pa lamang ako noong nabuntis


ako. Ginawa namin iyon ng aking boyfriend dahil sa pag-uudyok
ng mga kaibigan namin at dahil sa ginusto rin namin. Pero hindi
namin inaasahan na may mabubuo agad. Pareho kaming hindi
handa na magkaroon ng responsibilidad dahil dito iniwan ako
ng boyfriend ko. Masakit na takasan niya ang responsibilidad
niya sa akin at sa baby namin. Sinabi ko kina mama at papa ang
sitwasyon ko,noong una nagalit sila pero hindi nagtagal ay
tinanggap rin nila ang naging kapalaran ko. Naging mahirap sa
akin ang pagbubuntis dahil nasa murang edad pa lamang ako.
Sising sisi ako na ginawa pa naming ng boyfriend ko iyon pero
nang nasilayan ko na si baby ay napaiyak na lamang ako dahil sa
saya. Ngayon apat na taong gulang na si baby at ang kasama ko
sa pag-aalaga sa kanya ay si mama. Mahirap man dahil hindi ko
na magagawa yung mga dati kong nagagawa pero masaya
naman dahil kay baby.” Iyan ay isang pahayag mula kay Mara
Maxine Lorenzana na ngayon ay labing walong taong gulang na.
Kabilang siya sa kaso ng maagang pagbubuntis o mas kilala sa
Teenage Pregnancy. Ayon sa Department of Health (DOH)
nangunguna ang Cordillera Administrative Region (CAR) sa
pinakamataas na bilang ng kaso ng Teenage Pregnancy. Ang
pinakabatang naitala sa kasong ito ay nasa edad na labing
tatlong taong gulang.

Pangulong Tudling na Bakasan

You might also like