You are on page 1of 3

IMPLIKASYON NG TALINONG PANGMUSIKA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

Napakalaking ambag ng Teoryang Multiple Intelligence na nabuo ni Dr. Howard


Gardner noong 1983. Isang itong pagbagtas sa kung paano sisipatin ang
kakayahan, kasanayan, talino at talento na maaaring tinataglay ng isang indibidwal.
Ito ay binubuo ng 9 na talino tulad ng talinong biswal, talinong pangwika, talinong
lohika o pangmatematika, talinong pangmusika, talinong pangkatawan, talinong
interpersonal o pakikipagkapwa, talinong interpersonal, talinong natural at talinong
eksistensyal.

Gaya ng ibat ibang talino, ang aspekto ng musika ay mahalagang salik sa


pagtuturo at pagkatuto hindi lamang sa Filipino kundi sa mas malawak na tipak ng
konsepto ng pag-aaral. Isa itong pangangailangan tulad ng kagamitang
pampagtuturo na noon pa man ay esensyal sa pagkatuto. Ano nga ba ang Talinong
Pangmusika? Ayon sa mga nakatalang halaw sa pag-aaral ni Dr. Howard Gardner,
ang Talinong Pangmusika ay pagkatuto sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o
musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng
isang karanasan. Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at
paunlarin.

Ang talinong Pangmusika ay sensitibo sa pitch, ritmo, tema at mga uri ng tunog.
Mga mang-aawit, kompositor, recording engineer, at mga mahilig makinig sa iba't
ibang musika ay may talinong pangmusika. Ang regular na pakikinig sa ibat ibang
uri ng musika ay isang paraan upang mapaunlad ang talinong ito. Ayon sa teorya ng
Multiple Intelligence ni Howard Gardner, ang bawat tao ay nagtataglay ng higit sa
isang uri ng talino at ito ay makikita sa kaniyang kakayahang gumanap ng iba't
ibang gawain. Sa kanyang Frames of Mind: The Theory of Multiple Intelligences
(1985), ang talinong pangmusika ay nakatuon sa pagsibol ng isang indibidwal sa
kasanayan ng pagtatanghal, pagbuo at pagpapahalaga sa musika, ritmo at kung
ano pang may kaugnayan sa indayog at saliw ng awit. Sa pamamagitan ng pagsali
sa mga teatro, paggawa ng ibat ibang uri talino ay maaaring malinang ang
kakayahan ng ating mag-aaral partikular sa mga mahilig at tunay na may
kahusayan sa larang na ito. Batay sa ilang kritiko at mga pag-aaral, ang talinong
pangmusika ay hindi dapat tinitingnan na talino bagkus ito ay tinatanaw na talent.
Sa kadahilanang hindi naman ito kailangang magbago para sa demand ng buhay.
Sipatin ang taong nakitaan ng talinong pangmusika katulad ni Yehudi Menuhin,
isang Amerikanong Pianist at Violinist. Siya ay natutong mag-piano at mag-violin
nang siya ay tatlong taon pa lamang. Ayon kay Menuhin, mayroong tinataglay na
koneksyon bayolohikal ang isang tao na pinagdadaluyan ng kaalaman at
kasanayan na malilinang balang-araw, ito ang talinong pangmusika. Bilang bahagi
ng teorya niya, pinaliwanag Dr. Gardner na hiwalay at may ibang pagtangi sa
talinong pangmusika, na nakasalig at halos na pagkakapantay nito sa talinong
pangwika. Bilang ang musika ay pagkakahilig din naman sa pagkakabuo ng diwa
mula sa mga ponema at morpolohiya gaya ng tuon ng talinong pangwika. Base
naman sa mga sinabi ni Chomsky (1998), magkaiba pa rin ang dalawang tipak ng
talinong ito. Nakalaan pa rin sa konsepto ng pandinig at pakikinig ang talinong
pangmusika at nakatuon pa rin ang talinong pangwika sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat, ang ilan sa makrong kasanayan. Batay naman kay Jeanne
Bamberger (1998), isang musician and developmental psychologist sa
Massachusetts Institute of Technology na musical thinking involves its own rules
and constraints and cannot simply be assimilated to linguistic or logical-
mathematical thinking. Samantalang sabi ni Igor Stravinsky na composing was not
only independent of language and words but also of thinking. Iyan ay ilan lamang
sa mga pinagdedebatehan pa rin hanggang ngayon. Mahalagang-mahalag rin, sa
upsapin ng pagkatuto ang talinong musika, katulad ng iba pang walong talino. Ang
lath ng ito ay mayroong ambag sa paglinang ng katalinuhan ng isang indibidwal.
Kaya bilang isang guro sa hianaharap, dapat ay alam at bukas tayo sa mga
pagbabagong panlipunan na umuusbong sa bawat pagsibol ng panahon. Maging
pleksible sa lahat ng pagkakaton dahil ito ang susi upang makaangkaop sa
pagtatarok ng ibaibang mag-aaral na maaring mahawakan at makasalamuha.
Makatutulong ang ilang mga estratehiya na nakapaloob sa talinong ito hindi lamang
para sa mga mismong nagtataglay nito ngunit para sa lahat ng uri ng mag-aaral.
Isang kagamitang panturo o di kaya naman ay pagganyak, maaaring springboard o
lundayan sa pagtalakay ng aralin at higit sa lahat, hulmahan ng pagkatuto ng bawat
mag-aaral hindi liban sa kanilang taglay na talento, talino at kasanayan.

Si Frances Rauscher (1998), isang propesor sa Psychology sa Wisconsin


University, ang nagsabi na ang lahat ng bata ay ipinanganak nang mayroong
neurons na mayroon sila, ngunit ang mga kableng nagkokonekta rito ay mabubuo
pa lamang pagkatapos ipanganak, at ang mga kableng ito ang magsisilbing
kanilang talino. Ibig sabihin, sa bawat talinong tinataglay ng isang tao, ito ang mga
koneksyong nagmumula sa utak na siyang magsisilbing talino na siyang
magpupunla at makapag-aambag sa sariling pag-unlad patungo sa mas malawak
na katagumpayan ng isang bayan.

You might also like