Professional Documents
Culture Documents
TALAKAYIN NATIN:
Ayon kay Rozakis (1997), Creative writing is easy. All you do isa stare at a blank sheet
of paper until drops of blood form on your forehead.
Kung pakaiisipin, ang sinabi ni Rozakis ay isang malikhaing paglalarawan sa malikhaing
pagsulat. Hindi sa iyon maaaring lapatan ng literal na interpretasyon. Magkahalong ironiya at
eksaherasyon kasi ang ginamit niya sa kanyang pahayag. Ibig sabihin, hindi madali ang
malikhaing pagsulat para sa maraming tao at sa pamamagitan ng pagtitig lamang sa isang pahina
ng blangkong papel. Samantalang hindi gayon kadaling gawain ang malikhaing pagsulat,
kalabisan namang sabihing kailangang magbutil-butil ng dugo ang noo ng sino mang
nagtatangkang maging malikhaing manunulat.
Samakatwid, ano nga ba ang malikhaing pagsulat at bakit gayon na lamang ang paglalarawan ni
Rozakis sa gawaing ito?
A. KAHULUGAN AT KATANGIAN NG MALIKHAING PAGSULAT
Sinabi ni Rozakis (1997) na all writing is creative. Maikakatwiran nga naman kasing sa
tuwing ang isang tao ay nagsusulat, ano man ang kanyang sinusulat, siya ay lumilikha ng kung
ano depende sa kanyang layunin. Ngunit si Rozakis din ay nagsabing Creative writing is
different from everyday-ordinary-commonplace writing. Kung gayon, ano nga ba ang malikhaing
pagsulat at paano ito naiiba sa ibang uri ng pagsulat?
Ganito ang simpleng pagbibigay-kahulugan sa malikhaing pagsulat: Ang malikhaing
pagsulat ay isang uri ng pagsulat na gumagamit ng wika sa imahinatibo at kapansin-pansing
mga paraan (Rozakis, 1997).
Samakatwid, ang wika ng malikhaing manunulat ay masasabing higit na mataas na antas
kaysa ibang uri ng pagsulat. Madalas, pampanitikan o panretorika ang antas ng wika, bunga nga
ng imahinatibong paraan ng paggamit ng wika. Ngunit hindi ibig sabihin na walang puwang sa
malikhaing pagsulat ang mga salita sa mas mababang antas ng wika. Nasa paraan ito ng
paggamit ng mga salita. Sa madaling sabi, kahit na halimbawa kolokyal, balbal o bulgar pa ang
mga salita ay maaaring gamitin sa malikhaing pagsulat kung malikhain ang paraan ng
pagkakagamit ng mga iyon. Sabi nga ni Rozakis (1997), imahinatibong paraan ng paggamit ng
wika.
Ito ang dahilan kung bakit inilalarawan din ang malikhaing pagsulat bilang isang uri ng
pagsulat na mula sa imahinasyon. Sabi nga sa http://www.literaturewales.org, [a]ng malikhaing
pagsulat ay ang pinakamabuting sining ng paggawa-gawa ng mga bagay-bagay sa
pinakakaakit-akit, pinakaangkop at pinakamapanghikayat na posibleng paraan. Ito ay
pagsasabi ng mga kasinungalingan upang maglantad ng maliliwanag at madidilim na
katotohanan hinggil sa ating kinalalauan sa daigdig at hinggil sa ating daigdig mismo.
Ganito naman ang paglalarawan sa malikhaing pagsulat nina Bernales, et al. (2008) sa
layuning maitangi ito sa iba pang uri ng pagsulat na tinalakay sa kanilang aklat: Masining ang
uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama't maaaring
piksyonal at di-piksyonal ang akdang isinusulat... Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng
literatura... Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba
pang creative devices ang mga akda sa uring ito. Dahil sa mga katangiang ito, marami ang
nagpapalagay na pinakamiharap gawin ang malikhaing pagsulat (at pinakamahirap ding
unawain) sa lahat ng uri ng pagsulat/sulatin. Ito ang dahilan, marahil, kung bakit sinabi ni
Rozakis (1997) ang hayperbolik na pagbubutil-butil ng dugo sa noo ng malikhaing manunulat.
Kung pag-uusapan naman ang tradisyonal na konsepto ng malikhaing pagsulat,
maiuugnay ito sa anyo ng literatura na humahantong sa masining na penomenon ng paglikha ng
mga bagay. Kakaibang teknik ang ginagamit dito, kung gayon, lalo pa't halos kasingkahulugan
nito ang literatura. Hindi ito ginagawa sa paraang teknikal o akademiko, sa halip, higit ang
pagtutuon dito ng atensyon sa mambabasa. Ngunit hindi katulad ng ibang uri ng pagsulat, ang
kahulugan ng malikhaing pagsulat ay pleksibol sapagkat kinokonsider nito ang pagsulat bilang
isang pagpapahayag ng sarili at isang orihinal na gawain (http://www.writeawriting.com).
Sadyang kakaiba ang paraan ng pagpapahayag sa malikhaing pagsulat kumpara sa ibang
uri ng pagsulat. Ayon nga sa http://www.writeawriting.com, [t]he appealing and bewitching way
of writing abstract in its own fashion is known as creative writing.
2. Malikhaing Di-piksyon. (Creative Nonfiction ang tawag dito sa Ingles. Ito ay isang
sulating tuluyan o prosa tungkol sa mga tunay na tao, luga at pangyayari. Isinusulat ito
upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa paksa, bagama't hinuhubog ng mga
manunulat nito ang mga impormasyon batay sa kanilang sariling layunin at atityud. (Dito
pumapasok ang pagkamalikhain ng akda.) Ilan sa mga akdang nasa ilalim nito ay ang
bayograpiya o talambuhay na maaaring pang-iba o pansarili, memoir at sanaysay.
3. Poesya. Ang poesya o tula ay isang akdang nakikilala ng maraming tao kapag nakita nila,
kahit pa hindi nila mabigyan ng tumpak na depinisyon ito. Sa poesya, hindi tulad sa
prosa, ang anyo at tunog ng mga salita ay hindi maihihiwalay sa kahulugan ng tula. Ang
pagbasa ng tula ay kakaiba rin sa pagbasa ng prosa, dahil kinasasangkutan ito ng lahat ng
pandama. Tulad nga ng sinabi ng makatang Pranses na si Paul Valery, Ang prosa ay
naglalakad. Ang tula ay nagsasayaw.
Orihinal na Teksto:
Pumasok si Mang Carlo sa entablado
Carlo: Mga bata, tapos naba kayo diyan? Gabi na ah. Hindi na ba kayo mamamasko?
Shaira: Sandali nalang po tiyo. Marami pa po kasing bumibili eh.
Renz: Tama ka diyan ate.
Carlo: O sige, sige, ako na ang bahala diyan at magsi-alisan na kayo.
Ed: Tiyo, pinapa-alis nyo na ba kami? Ayaw nyo na po ba ninyo sa amin?
Carlo: Hindi naman, mamamasko pa kayo diba?
Ed: ay, tama! Nakalimutan ko... sorry po.
Carlo: Walang anuman Ed. Ang tunay na diwa ng pasko ay pagmamahalan at
pagbibigayan!
Mariel: Salamat po tiyo. Tatandaan po namin iyan.
Umalis sa entablado ang magkakabarkada
Carlo: O sige, umalis na kayo at puputok na ang shop.
Mon: Ang sungit naman! Wala pa nga akong nabili. Paano na to?
Pinulot ni Carlo ang kanyang mga gamit at umalis sa entablado
Mon malungkot na umalis sa Entablado
Inedit na Teksto:
Papasok si Mong Carlo sa entablado.
Carlo: Mga bata, tapos na ba kayo riyan? Gabi na, ah. Hindi na ba kayo mamamasko?
Shaira: Sandali na lang po, Tiyo. Marami pa po kasing bumibili, eh.
Renz: Tama ka riyan, Ate.
Carlo: O sige, sige. Ako na ang bahala riyan at magsialis na kayo.
Ed: Tiyo, pinapaalis n'yo na ba kami? Ayaw n'yo na po ba sa 'min?
Carlo: Hindi naman. Mamamasko pa kayo, 'di ba?
Ed: Ay, tama! Nakalimutan ko... sorry po.
Carlo: Walang ano man, Ed. Ang tunay na diwa ng pasko ay pagmamahalan at
pagbibigayan!
Mariel: Salamat po, Tiyo. Tatandaan po namin 'yan.
Aalis sa entablado ang magkakabarkada.
Carlo: O sige, umalis na kayo at puputok na ang shop.
Mon: Ang sungit naman! Wala pa nga 'kong nabibili. Pa'no na 'to?
Pupulutin ni Carlo ang kanyang mga gamit at aalis sa entablado.
Si Mon ay malungkot na aalis na rin sa entablado.
Ayon kay Rozakis (1997), sa pagrerebisa ng isang akda, maaring magbawas, magpalit,
magdagdag o maglipat. Basahin ang kasunod na maikling teksto at ang rebisadong bersyon nito
mula kay Santiago (2003) at pansinin kung paano ginawa ang pagbabawas, pagpapalit,
pagdaragdag at paglilipat:
Burador:
Sa pagpapasya sa isang kaso, napansin ng Sandiganbayan, sa pamamagitan ng
Tagapangulong Hukom Pamaran, ang anomalya ng isang kakatwang kagaanan ng parusang
pagkabilanggo para sa krimeng panunuhol.
Rebisyon:
Napansin ng Sandiganbayan, sa pamamagitan ni Tagapangulong Hukom Pamaran, ang
kakatwang gaan ng parusang ipinapataw sa salang panunuhol nang pagpasyahan ang isang kaso.