You are on page 1of 7

MODYUL 1: DULAANG FILIPINO

KABANATA-1

Unang Bahagi: Dula

Mga Layuning Pampagkatuto

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

= Matukoy ang iba’t ibang bahagi ng dula.


= Maipapaliwanag ang bahagi dula.
= Magagamit ng mga piling sangkap sa dulaan sa maikling ehersisyo ng pagsulat ng
Dula.

AKTIBIDAD:

Panuto: Buuin ang mga salita na nasa ibaba pagkatapos mabuo ipaliwanag ang
Ang mga ito.

1.ptguaan= _____________________________
2.hntaau= _____________________________
3.pylsau sa nnslraiiu= _____________________________
. 4.ltgsai hnlgskiaaa= _____________________________
5.ggtnluian= _____________________________

PAGLALAHAD:
Ano ba ang Dula?

Isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan


Ng kilos at galaw, ang isang kawil ng mga pangyayaring nagpapahayag ng
Isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao (Alejandro at Pineda-
1950)

Mga pangunahing sangkap ng dula


1.Isang paglalahad ng pangyayari
2.Isang buhol o suliranin
3.Kakalasan o pagliliwanag ng suliranin

Mga element/sangkap ng dula

a.Tauhan b.Tagpuan c.Banghay

Katangian ng dula (Semorlan,et al,… 1999)

Mga pangangailangan ng dula


1.pagpukaw sa mga manonood
2.isang paunlad na paglalahad sa mga pangyayari
3.buhol o suliranin na siyang pinakatuktok ng tunggalian ng dalawang
Magkaibang lakas na kinakatawan ng mga tauhan.
4.kalakasan o pagliwanag sa suliranin na dapat ay makatwiran
5.kawakasan kung minsan, ang tunay na kawakasan ay hinhayaan na lamang
Sa isipan ng mambabasa o manonood.

Mga kasunduan ng dula


1.kasunduan sa panahon- Maniniwa ang mga manonood na sa loob ng
Dalawang oras na pagtatanghal ay nabuhay siya sa isang araw.
2.Kasunduan sa tagpuan- Tinatanggap ng manonood na ang mga pangyayari
Ay nagaganap sa loob ng isang tahanan o alinmang pook.
3.Kasunduan sa pananalita- Tinatanggap ng mga manonood na may mga
Panandaliang ginagamit para sa pakikipag usap sa mga kasamang tauhan.

Mga uri ng dula

1.Saynete- Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa ngunit ang mga


Pangyayari ay karaniwan lamang ang mga gumaganap ay mga tau-tauhan at
Nasa likod ng telon.

2.Parsa- Layunin ng dulang ito ay magpatawa at libangin ang mga manonood


Katawa-tawa ang mga sitwasyon, maging ang kilos pananalita.
3.Melodrama- May malungkot na pangyayari ang dulang ito na halos ang mga
Pangunahing tauhan ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli magta-
Tagumpay din sila.
4.Trahedya- Dulang nagtatapos sa kabiguan o kalungkutan ng pangunahing
Tauhan. Ito ay kinapapalooban ng nga mahigpit na tunggalian.
5.Komedya- Dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan, masaya
at kawili-wili sa mga manonood.

Sa kahulugan ng makabagong dula masasabing hindi na dula ang mga sinauna-


ng ritwal an gating maipakahulugan. Wala itong mahalagang element ng tunay
na dula gaya ng tunggaliaan tauhan at kaisahan

Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya


Sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula, nailala-
rawan ang buhay ng tao na maaaring malunkot, masaya, mapagbiro, masa-
limuot at iba pa.

Panahon ng katutubo

Ang mimesis- Ang siyang pinakakaluluwa ng drama ay makikita sa mga ritwal ng


Katutubo.

Ang baylan- Ay itinuturing na pinakamakapangyarihan sa tribo. Nakahihigit ang


Kanilang talino kung kayat nakasusulat sila ng mga bulong at kakakalikha ng awit at
Sayaw.

Ang katalona- Ang mga ito ay nagpapanggap na mangkukulam, at kayat paniwalang


Paniwala ang mga tao kaya’t ang mga kliyente nabubutas ang bulsa.

Ang manganawa- Ay nagkukunwaring nakapagpapagaling ng mga maysakit.

Ang mangcocolam- Nakakagawa ng apoy sa kanilang katawan.

Ang hokloban- Sa pamamagitan ng pagtuturo ay maaaring mamatay ang gustong


Patayin, kaya nilang pagalingin ang taong may sakit.

Ang silagan- Kapag nakakita sila na taong nakasuot ng puti kanilang dinudukot ang
Atay.

Ang manananggal- Nahahati ang katawan

Ang manggagayuma- Sa pamamagitan ng mga bato, dahon, o kahoy ay napapaibig


Ang isang tao.

PAGSUSURI:

Panoorin ang isang magandang dula na pinamagatang Anak hanapin ito


Sa UTUBE o GOOGLE pagkatapos panoorin ang dula suriin mabuti ang dula.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

PAGLALAPAT:
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong naaayon sa iyong
Napag-aralan nauukol sa dulang Filipino.

1.Bakit kailangan natin pag-aralan bilang isang Pilipino ang dulaang Filipino?

2.Ano ang dahilan bakit natin kailangan malaman ang iba’t ibang dula?

3.Mahalaga pa para sa isang mag-aaran na kumukuha ng major Filipino


Na pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng dula?

SANGGUNIAN:

Contantino, E., at Sikat, R (1981). Literatura Filipino. Ang pambansang


Literature ng Pilipinas. Diliman, Quezon City:
Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng
Pilipinas.

INIHANDA NI: Yusop J. Sabdani

You might also like