You are on page 1of 12

Kulturang Popular (AAH101b)

4 Ideolohiya at Lipunan: Pagtangkilik sa Kulturang Popular

Talaban: Ang Namamayaning Ideolohiya
Mula sa mga Kuwentong-Bayan Patungo sa Lipunan

Ilalaang Oras: Tatlong Oras

Introduksiyon

Mayaman ang Pilipinas sa mga kuwentong-bayan. Kung dito ka lumaki,

tiyak na naging bahagi ng iyong pagkabata ang mga kuwento tungkol sa
aswang, tiyanak, kapre, manananggal, duwende, tiktik, tikbalang, at iba
pang mga nilalang. Ito ay madalas na ikuwento ng matatanda sa mga bata
bilang panlibang o kaya naman ay panakot upang hindi magpagabi sa
laruan o kaya ay upang matulog nang mas maaga.
Ang pagigiging mayaman sa ganitong uri ng mga kuwento sa Pilipinas ay
patutunayan ng mga palabas gaya ng Shake, Rattle, and Roll na may 15
na pelikula, Tiktik the Aswang Chronicles na pinagbidahan ni Dingdong
Dantes, at ang Pinoy animation na Dayo: Sa Mundo ng Elementalia.
Makikita rin sila sa komiks gaya ng Darna ni Mars Ravelo. Sa kasalukuyan,
popular sa mambabasa ang komiks na Trese nina Budjette Tan at Kajo
Baldisimo. Ito ay tungkol sa babaeng detective na si Alexandra Trese. Ang
lunan ng kuwento ay Pilipinas sa kasalukuyang panahon at kalakhan ng
mga karakter ay mga aswang, tikbalang, at ibang pang kagilagilalas na
nilalang. Noong 2010 ay nakuha nito ang National Book Award Best
Graphic Literature.

Mga Layunin

 Naipapaliwanag ang ugnayan ng kulturang popular, ideolohiya, at

lipunan (LO1)
 Nailalahad ang mga kaligirang panlipunan, pang-ekonomiya, at
pampolitika ng mga namamayaning kultura (LO3)
 Napahahalagahan ang Kulturang Popular bilang perspektiba sa
kritikal na pagsusuri (LO6)
 Natutukoy ang mga kuwentong-bayan sa kulturang popular
 Nailalahad kung paanong ginagamit ang mga kuwentong-bayan
sa pag-unawa sa kahulugan ng pagiging tao
 Nakapagsusulat ng suri sa isang anyo ng kulturang popular na
tungkol sa kuwentong-bayan

Paunang Pagtataya
Naniniwala ka ba sa aswang, kapre, halimaw, o nuno sa punso? Anong
kakaibang nilalang ang iyong kinatatakutan? Bakit mo ito kinatatakutan?
___________________________________________________________________

Puntos __ / 5

Pagtalakay

Laging may umiiral na paniniwala at paraan ng pag-iisip sa isang

lipunan. Kung gagamitin natin ang depinisyon ni Loewenstein, tutukuyin
niya ito bilang ideolohiya. Para sa kaniya, ito ay hulmahan o pattern ng
pag-iisip at paniniwala ng tao patungkol sa kaniyang sarili at pag-iral sa
lipunan. Sa lente naman ni Adorno, ang ideolohiya ay lupon ng opinyon,
aktityud, at pagpapahalaga. Para sa kaniya, ito ay paraan ng pagiisip ng
tao tungkol sa kaniyang sarili at sa lipunan.
Kung gagamitin natin ang depinisyon nina Loewenstein at Adorno,
ang namamayaning ideolohiya ay laging nakasandig sa kung paanong
mag-isip ang nakararami sa lipunan. Ang paraan kung paano tayo mag-isip
ay laging nakatali sa kung paano tayo namumuhay, kung ano ang ating
kinokonsumo, ganoon din sa kung ano ang magiging popular.
Isa sa popular na paksa sa panitikan ng Pilipinas ay ang mga
kuwento tungkol sa mga aswang, tiyanak, kapre, manananggal, duwende,
tiktik, tikbalang, at iba pang mga nilalang. Ayon kay Eugene Evasco,
malaking tulong ang urban legends na ito upang patuloy na maging popular
ang panitikang oral ng Pilipinas.
Ang pagiging popular ng mga kuwentong-bayan na ito hanggang sa
kasalukuyan ay hindi lamang simpleng pagsalamin sa ating tradisyon. Ang
patuloy na pagiging popular ng mga ito sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan
ay nagpapakita sa umiiral at namamayaning idelohiya sa lipunan.

Umiiral na Ideolohiya sa mga Kuwentong-Bayan

Noong tayo ay mga bata pa ay madalas tayong makinig sa mga

kuwento ng katatakutan. Karaniwang ibinabahagi ang mga ganitong
kuwento sa gabi o kaya naman ay sa mga pagkakataong walang kuryente
ay nagkakaroon ng palitan ng mga kuwento ng kababalaghan upang
palipasin ang oras. Sa mga ganitong kuwento naguumpisang makatha ang
takot sa ating mga loob. Mula sa mga salita ay nabubuo ang mga ito bilang
pakiramdam. Kinatatakutan natin ang mga ito kahit hindi natin aktuwal na
nakikita. Hindi pambihira na matakot sa mga bagay na hindi pa natin
nakikita (Samar 1).
Isang mahalagang tanong ang binitawan ni Samar sa Kung Bakit
Kailangan
Nating Matakot (2019). Kung lumilikha ng takot ang mga ganitong kuwento
ng kababalaghan, bakit patuloy tayong nakikinig at nagbabahagi ng
ganitong uri ng kuwento? Patuloy ang ating pagtangkilik sa mga ito dahil
ang mga nilalang na matatagpuan sa mga ganitong kuwento ay
nagsisilbing urian ng ating pagkatao (2). Ani Samar, gaya ng iba pang
anyong pampanitikan, ang mga kuwento tungkol sa mga nilalang sa dilim
ay sumasagot sa tanong na “Ano ang ibig sabihin na maging isang tao?”
Kaya naman kahit na nakatatakot ang mga kuwentong ito ay patuloy natin
itong sinisisid dahil ipinaliliwanag nito ang isang bahagi ng ating kabuuan.

Tatlong Uri ng Nilalang sa Dilim Ayon kay Samar

Laging kaugnay ng mga nilalang sa dilim ang tanong na “May

nakikita ka ba?” Ani Samar, kapag ibinato sa atin ang tanong na ito ay
malay tayo na hindi karaniwang paningin ang kailangang gamitin. Paningin
din ang ating ginagamit sa mga tanong na kaugnay ng pananaw at
pagtataya tungkol sa isang bagay (3).
Kinategorya ni Samar sa tatlo ang mga sikat na nilalang sa mga
kuwentongbayan sa Pilipinas. Mula sa paraan kung paano nating
tinitingnan ang bawat kategorya ay tinatanaw, tinataya, at sinusuri niya ang
ideolohiya sa likod ng ating pagtingin mula sa mga nilalang sa dilim
patungo sa lipunang ating kinabibilangan.
Una ay ang mga nuno sa punso o mga lamang-lupa. Ayon kay
Samar, ito ang mga nilalang na nakakubli sa ating mga paningin. Sila ang
mga nilalang na bagamat umiiral ay hindi natin nakikita.
Noong mga bata pa, tuwing pupunta kami sa bukid at may isang
mataas na lupa ay lagi naming sinasambit ang “Tabi, tabi po.” Ayon kay
Samar, sinasabi natin ito bagamat hindi natin aktuwal na nakikita ang mga
lamang-lupa dahil sa ating pagiging sigurista. Aniya, dahil nakatago mula
sa ating mga paningin ang mga nuno sa punso ay hindi lubos ang ating
paniniwala sa kanilang pag-iral. Ngunit dahil nais nating matiyak na ligtas
tayo mula sa kanila ay sinasabi natin ang “Tabi po.” Nangangahulugan na
ang uri na ito ng nilalang sa dilim ay lumilikha ng takot sa hindi natin
nakikita.
Dagdag pa ni Samar, ang pagiging kubli nila sa ating mga paningin
ay nauuwi sa pagbabalewala. Nagbabakasakali tayo na sila ay ilusyon
lamang dahil hindi naman natin sila aktuwal na nakikita. Para kay Samar,
ang papel ng mga kuwento tungkol sa mga nuno sa punso o mga lamang-
lupa ay paalala sa atin sa panganib na dala ng pagiging pragmatiko ng
mundo (3).
Ang mundong ating ginagalawan ay labis ang pagpapahalaga sa
materyal, mga nahahawakan, at nakikita ng mga mata. Paalala nga ni
Samar, ang mga kuwento ng mga nuno sa punso ay pabatid na labis ding
mahalaga ang mga bagay na hindi agarang dinaranas ng ating pandama.
Ikalawa ay ang mga halimaw gaya tikbalang na kalahating tao at
kalahating kabayo.
Ayon kay Samar, kaiba sa mga lamang-lupa ay lantad sa mga mata
ang mga halimaw. Ibig sabihin ay kitang-kita natin ang kanilang pagiging
iba mula sa mga tao. Ang pagkakaibang ito ang lumilikha ng takot.
Ang ibinigay na halimbawa ni Samar ay si Valentina ang kontrabida
sa komiks na Darna. Ayon sa kaniya, kung babalikan ang kuwento ni
Valentina, sinaktan at sinubukan siyang patayin ng mga tao dahil mayroon
siyang mga ahas sa kaniyang ulo. Pinatutunayan nito kung paanong dahil
nasisipat ng mga tao gamit ang kanilang mga paningin kung ano ang “iba”
ay hindi nila tinatanggap ang ano mang labas sa kanilang nakasanayan.
Sabi nga ni Samar, ang pinakamatinding karahasang idinulot ng
sibilisasyon sa kasaysayan ay ang pagtatatag nito ng nosyon ng karaniwan
dahil kung hindi pumapasok sa kanilang nosyon ng normal o karaniwan ay
awtomatiko nila itong itinuturing na iba (4).
Kung pag-iisipang mabuti, ang mundo ay puno ng pagkakaiba-iba.
Makikita ito sa itsura, pananaw, at mga paraan ng pamumuhay. Kaya
naman mapanganib ang paniniwala na walang espasyo para sa
pagkakaiba-iba.
Ikatlo ay ang mga aswang na kaiba sa mga lamang-lupa at halimaw
ay may kakayahang magbago ng anyo.
Ayon kay Samar, dahil may kakayahang magbago ng anyo ng mga
aswang ay naging labis na mapagmatyag at mapaghinala ang mga tao.
Aniya, ang ugaling Pilipino na pagiging magiliw sa bisita ay nag-ugat mula
sa takot mula sa mga aswang. Nakasanayang alukin ang mga panauhin na
kumain dahil ang mga sangkap sa mga pagkain ay karaniwang bawang at
asin na pinaniniwalaang takot ang mga aswang. Dahil hindi tiyak ang mga
tao sa anyo ng aswang ay natuto siyang pagdudahan ang kaniyang
kapuwa (4). Winawasak nito ang paniniwala na tayo ay taal na magiliw sa
bisita. Bagkus, ang tunay na ugat nito ay pagtitiyak na hindi aswang ating
nakakadaupang palad.
Ngunit ayon kay Samar, ang panganib ng hindi pagtitiwala na ito ay
ang isipin natin na ang mundo ay mundo ng katiyakan. Ayon sa kaniya,
mapanganib ang katiyakan dahil lumilikha ito ng ilusyon ng katatagan at
kaligtasan (4).
Pinahihina ng ganitong pakiramdam ang ating pandama. Aniya,
dapat pansinin kung paano tayong nagiging alisto tuwing napapadpad sa
hindi pamilyar na lugar dahil dito ay walang katiyakan. Bagay na nawawala
tuwing nakakaramdam tayo ng labis na pagiging tiyak.

Hindi Masama ang Matakot

Mula sa nililikhang takot ng mga lamang-lupa at mga bagay na hindi

nakikita, ng mga halimaw at ng mga bagay na iba sa karaniwan, at takot na
nililikha ng mga aswang at ng katiyakan. Ipinaaalala ni Samar na hindi
masama ang matakot sa mga ito. Aniya, ang mga takot na ito ang magiging
hudyat ng pagkilos at lilinang sa ating katapangan. Higit sa lahat, ito ang
magiging pandayan at hulmahan ng ating higit na pagpapakatao (5).
Hindi nakukulong sa takot sa mga nilalang sa dilim ang dapat nating
pagmatyagan. Ang mukha ng takot ay iba-iba at hindi lamang makikita sa
mga bukid, malayong probinsiya, o kuwentong-bayan. Maraming mukha
ang takot mula sa takot sa aswang, takot sa katiyakan, takot sa
pagsasalita, takot sa pagkilos, takot sa pagtindig, at marami pang iba. Sabi
nga ni Samar, may bagong mukha ang mga nilalang na nasa ating paligid
kaya mahalaga ang patuloy na pakikialam at paninindigan.

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Bawat tanong ay tumbas sa 5

puntos.

1. Anong uri ng takot ang ibinibigay ng mga lamang-lupa gaya ng nuno

sa punso?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit kailangan nating matakot ayon sa aralin?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Anong bahagi ng ating pagkatao ang ipinapakita ng ating takot sa

aswang?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Puntos __ / 15

Pagtatasa

Paunlarin ang iyong ibinahaging sagot sa Paunang Pagtataya (nasa pahina

2). Sa tulong ng mga napag-alaman sa araling ito, talakayin ang iyong
kinatatakutang nilalang sa ating paligid na may bagong mukha. Gamitin
ang pamantayan sa pagmamarka sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi
lumagpas ang sagot sa 250 salita.
Pamantayan Tumbas Marka
1. katumpakan ng sagot 10
2. nilalaman 10
3. organisasyon ng mga ideya 5
3. gamit ng wika 5
Kabuuan 30

Kahingian

Pumili ng isang pelikula, akdang pampanitikan, palabas sa telebisyon, o

komiks na tungkol sa mga nilalang sa dilim. Suriin kung paano silang
inilalarawan sa kulturang popular. Tukuyin din ang iba’t ibang takot na
ipinakita sa palabas o akda na napili. Gamitin ang pamantayan sa
pagmamarka sa ibaba bilang gabay. Sikaping hindi lumagpas ang sagot sa
300 salita.
Pamantayan Tumbas Marka
1. nilalaman 10
2. organisasyon ng mga ideya 10
3. pamamaraan 5

Mga Sanggunian:
Gerring, John. “Ideology: A Definitional Analysis.” Political Research
Quarterly, vol. 50, no. 4, 1997, pp. 957–994. JSTOR,
www.jstor.org/stable/448995.
Accessed 26 Oct. 2020.
Evasco, Eugene Y. “Sa Pusod Ng Lungsod: Mga Alamat, Mga
Kababalaghan Bilang Mitolohiyang Urban.” Humanities Diliman, vol. 1, no.
1, June 2000.
Samar, Edgar Calabia. "Kung Bakit Kailangan Nating Matakot" nasa Mga
Nilalang na Kagilagilalas. Quezon City: Adarna House Inc., 2019

Mga Ginamit na Larawan:

H.M.Bec. Aswang, Common form. Larawan. 2 Setyembre 2017. Wikimedia

Commons.

Rodsan18. Kapre of Philippine Folklore Commons. Larawan. 9 Agosto

2007.

Wikimedia Commons.

Rodsan18. Manananggal of Philippine Mythology Common. Larawan. 8

Agosto 2007.

Wikimedia Commons.

Rodsan18. Tikbalang The Philippine Demon Horse Commons. Larawan.

7 Agosto 2007. Wikimedia Commons.

You might also like