You are on page 1of 4

Villanueva, Jhulia Alessandra Filipino - Sintesis

STEM MEDICAL 2B 02-05-2021

Depresyon: Ang Tulay sa Pagsuko at Pagkitil ng Sariling Buhay


Ang depresyon ay isang seryosong problemang pangkaisipan ng isang tao tulad
ng kabataan na dapat ay maagapan at masolusyunan nang maaga bago pa man ito
humantong sa isang malagim na pagpapatiwakal. Ayon kay Lexy Healy (2018), marami
sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng depresyon. Ang depresyon ay isang sakit
sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang “mood” na sinamahan ng
mababang pagtingin sa sarili. Kung saan nawawala ang pagpapahalaga sa sarili,
kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain. Para sa
iba ay isa lamang itong simpleng sakit sa pag-iisip o “mental illness” ngunit nakakarimarim
isipin na maaaari itong maging sanhi ng pagkitil ng isang buhay. Sinabi rin ni Dalanata
sa kanyang akademikong sulatin na ang depresyon ang pinakakaraniwang dahilan ng
pagpapakamatay ng isang tao dahil ang matinding kalungkutan ay isa sa mga salik na
umaakay sa mga tao sa panlulumo at pagpapatiwakal.

Maraming bagay ang maaaring maging dahilan ng pagharap ng isang tao lalo na
tulad ng isang kabataan sa depresyon katulad na lamang ng ipinahayag ni Blessie Javier,
Salamat DOK (2012) , ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan
nakakaramdam ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi
ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa “neurotransmitters” (mga kemikal
na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay,
stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik. Pinaniniwalaan din ni
Lexy Healy (2018) na isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng depresyon ay
ang “social media,” kung bakit nagdudulot ng depresyon ang social media ay dahil sa
dala nitong “standards” o pamantayan. Pangunahing pamantayan na itinuturo ng social
media ay ang “beauty standards” at “social standards.” Matapos mag-post, ang dami ng
likes, comments at followers ang magtatakda ng self-confidence at kasikatan ng isang
tao. Sa kabilang banda hindi lamang papuri ang maaaring makita online, nariyan ang
mga bastos at mapanirang komento. Hindi maipagkakait na maraming kabataan ang
nakararanas ng depresyon. Maaring ito ay sanhi ng “bullying”, “cyberbullying” o problema
sa pamilya.

Ang depresyon ay walang pinipili at maaaring humantong sa pagpapatiwakal at


pagsuko sa sariling buhay ng isang tao. Ito ay maaaring maranasan ng matanda, bata,
babae o lalaki. Maaari itong lumitaw at makita sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga
ng isang tao. Makikita ang ilang sintomas tulad ng madalas na pagkairita, uminit ang ulo,
magkaroon ng madalas na silakbo ng paninigaw o pagrereklamo o padaskul-daskol na
pagkilos, nawawalan ng interes sa mga bagay, madalas gusto ay mapag- isa, at marami
pang ibang sintomas. Isa sa mga halimbawang sumusuporta sa depresyon: isang tulay
sa pagsuko at pagkitil ng mga kabataan sa sariling buhay ay ang inihayag ni Guia Roa
Soriano (2015) sa kanyang sanaysay na pinamagatang Laslas pulso, saksak puso?
Huwag na, isang listahan ng mga dahilan kung bakit ‘di ka dapat sumuko sa buhay.
“Noong teenager ako, ugali ko na ang hiwain ang sarili ko nang mababaw lang kapag
masyado nang matindi ang emotional pain. Paraan ko ito para ma-divert sa physical pain
ang attention ko. Mababaw na hiwa lang talaga; sapat para makaramdam ng pisikal na
kirot.”

Dagdag pa dito, ayon sa ABS-CBN News (2017), nasa tatlong milyong Pilipino
ang nakararanas ng "depressive disorder", ayon sa pag-aaral ng World Health
Organization at sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN Investigative and Research
Group. Kaugnay nito, nagbabala ang mga espesyalista na hindi biro ang depresyon dahil
maaari itong humantong sa “suicide” o pagpapakamatay kapag hindi naagapan. Mahigit
2,000 kaso na ng “suicide” ang naitala ng WHO sa bansa noong 2012. Sa buong mundo,
ang “suicide” ang naitatalang pangalawa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay
ng mga nasa edad 15-29.

Sa kabuuan, lahat tayo ay may sari-sariling tulay na kinakailangang tahakin.


Kinakailangan lamang nating maging bukas sa iba tungkol sa ating mga nararamdaman
at nararanasan upang hindi humantong at humarap sa depresyong isang tulay na iba na
ang paroroonan. Hindi masama ang humingi at makatanggap ng gabay o payo sa
magulang o nakatatanda. Ito ay hindi nangangahulugang mahina ka at walang silbi tulad
ng isinisigaw ng isip mo sa tuwing ikaw ay haharap sa isang pagsubok na matindi. Tunay
na hindi madali ang mga hamon ng buhay, kung kaya’t humaharap tayo sa mga ganitong
sitwasyon, na sa bandang huli ay kabilang buhay na ang ating haharapin kung pagsuko
sa anyo ng pagkitil ng sariling buhay at pagpapatalo sa depresyon ang pipiliin. Ngunit
gaano man kahirap ang buhay, maraming tao sa ating paligid ang ating maaaring maging
kaagapay at magiging gabay sa pagpapatuloy sa tulay ng buhay. Kung hahayaan lang
nating maging bukas ang ating mga puso’t isipan upang tanggapin ang ganung bagay at
mga taong nagnanais na maging parte ng ating paglago bilang isang taong may silbi at
halaga sa mundo, magkakaroon tayo sa ating panlabas at panloob na anyo ng kabutihan,
kapayapaan at kagandahan. Ako, ikaw, tayo ay magiging malaya! Ang depresyon ay hindi
tulay sa pagtatagumpay sa isang hamon.Ang bawat tao ay nangangailan ng malinaw na
pananaw tungkol sa tunay na kahulugan ng kagandahan ng buhay. Ito ay nakadepende
sa ugali, tiwala sa sarili at lakas ng loob na pagdadala ng sarili. Kahit gaano kapangit ang
mga sunod-sunod na pangyayari sa buhay, piliin mo ang humanap ng dahilan para
sumaya at ngumiti hindi ang dahilan upang magpakalumo at masawi!

References:

ABS-CBN News. (2017). Depression: Mental Health of Filipinos.

https://news.abs-cbn.com/focus/multimedia/infographic/10/12/17/mental-health-of-
filipinos

Healy, L. (2018). Depresyon: Marami sa mga Kabataan Ngayon ang Nakararanas ng


Depresyon.

https://medium.com/@lexyhealy/marami-sa-mga-kabataan-ngayon-ang-nakakaranas-
ng-depresyon-9e0c399d7160

Javier, B. (2012). Salamat Dok: Teenage Depression.

https://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenage-
depression

Soriano, G.R. (2015). Depression: How Not to Speak on Suicidal Person?

https://www.rappler.com/voices/rappler-blogs/how-not-to-speak-suicidal-person

You might also like