You are on page 1of 3

Kulturang Popular (AAH101b)

Ideolohiya at Lipunan: Pagtangkilik sa Kulturang Popular


Talaban: Ang Namamayaning Ideolohiya
Mula sa mga Kuwentong-Bayan Patungo sa Lipunan
Ideolohiya - pamantayang sinusunod ng mga mamamayan, pwersang
nagpapakilos sa kanila bilang isang bansa; lipon ng mga kaisipang
Pagtalakay pinaniniwalaan at pinanghahawakan ng maraming tao na kumikilos ayon
sa mga ideya, simulain, prinsipyo, o paniniwala na napapaloob dito.
Laging may umiiral na paniniwala at paraan ng pag-iisip sa isang lipunan. Kung gagamitin
natin ang depinisyon ni Loewenstein, tutukuyin niya ito bilang ideolohiya. Para sa kaniya, ito ay
hulmahan o pattern ng pag-iisip at paniniwala ng tao patungkol sa kaniyang sarili at pag-iral sa
lipunan. Sa lente naman ni Adorno, ang ideolohiya ay lupon ng opinyon, aktityud, at pagpapahalaga.
Para sa kaniya, ito ay paraan ng pag-iisip ng tao tungkol sa kaniyang sarili at sa lipunan.
Kung gagamitin natin ang depinisyon nina Loewenstein at Adorno, ang namamayaning
ideolohiya ay laging nakasandig sa kung paanong mag-isip ang nakararami sa lipunan. Ang paraan
kung paano tayo mag-isip ay laging nakatali sa kung paano tayo namumuhay, kung ano ang ating
kinokonsumo, ganoon din sa kung ano ang magiging popular.
Isa sa popular na paksa sa panitikan ng Pilipinas ay ang mga kuwento tungkol sa mga
aswang, tiyanak, kapre, manananggal, duwende, tiktik, tikbalang, at iba pang mga nilalang. Ayon kay
Eugene Evasco, malaking tulong ang urban legends na ito upang patuloy na maging popular ang
panitikang oral ng Pilipinas.
Ang pagiging popular ng mga kuwentong-bayan na ito hanggang sa kasalukuyan ay hindi
lamang simpleng pagsalamin sa ating tradisyon. Ang patuloy na pagiging popular ng mga ito sa iba’t
ibang yugto ng kasaysayan ay nagpapakita sa umiiral at namamayaning idelohiya sa lipunan.

Umiiral na Ideolohiya sa mga Kuwentong-Bayan

Noong tayo ay mga bata pa ay madalas tayong makinig sa mga kuwento ng katatakutan.
Karaniwang ibinabahagi ang mga ganitong kuwento sa gabi o kaya naman ay sa mga pagkakataong
walang kuryente ay nagkakaroon ng palitan ng mga kuwento ng kababalaghan upang palipasin ang
oras. Sa mga ganitong kuwento nag-uumpisang makatha ang takot sa ating mga loob. Mula sa mga
salita ay nabubuo ang mga ito bilang pakiramdam. Kinatatakutan natin ang mga ito kahit hindi natin
aktuwal na nakikita. Hindi pambihira na matakot sa mga bagay na hindi pa natin nakikita (Samar 1).
Isang mahalagang tanong ang binitawan ni Samar sa Kung Bakit Kailangan
Nating Matakot (2019). Kung lumilikha ng takot ang mga ganitong kuwento ng kababalaghan, bakit
patuloy tayong nakikinig at nagbabahagi ng ganitong uri ng kuwento? Patuloy ang ating pagtangkilik
sa mga ito dahil ang mga nilalang na matatagpuan sa mga ganitong kuwento ay nagsisilbing urian ng
ating pagkatao (2). Ani Samar, gaya ng iba pang anyong pampanitikan, ang mga kuwento tungkol sa
mga nilalang sa dilim ay sumasagot sa tanong na “Ano ang ibig sabihin na maging isang tao?” Kaya
naman kahit na nakatatakot ang mga kuwentong ito ay patuloy natin itong sinisisid dahil ipinaliliwanag
nito ang isang bahagi ng ating kabuuan.
Tatlong Uri ng Nilalang sa Dilim Ayon kay Samar

Laging kaugnay ng mga nilalang sa dilim ang tanong na “May nakikita ka ba?” Ani Samar,
kapag ibinato sa atin ang tanong na ito ay malay tayo na hindi karaniwang paningin ang kailangang
gamitin. Paningin din ang ating ginagamit sa mga tanong na kaugnay ng pananaw at pagtataya
tungkol sa isang bagay (3).
Kinategorya ni Samar sa tatlo ang mga sikat na nilalang sa mga kuwentong-bayan sa
Pilipinas. Mula sa paraan kung paano nating tinitingnan ang bawat kategorya ay tinatanaw, tinataya,
at sinusuri niya ang ideolohiya sa likod ng ating pagtingin mula sa mga nilalang sa dilim patungo sa
lipunang ating kinabibilangan.
Una ay ang mga nuno sa punso o mga lamang-lupa. Ayon kay Samar, ito ang mga nilalang
na nakakubli sa ating mga paningin. Sila ang mga nilalang na bagamat umiiral ay hindi natin nakikita.
Noong mga bata pa, tuwing pupunta kami sa bukid at may isang mataas na lupa ay lagi
naming sinasambit ang “Tabi, tabi po.” Ayon kay Samar, sinasabi natin ito bagamat hindi natin
aktuwal na nakikita ang mga lamang-lupa dahil sa ating pagiging sigurista. Aniya, dahil nakatago
mula sa ating mga paningin ang mga nuno sa punso ay hindi lubos ang ating paniniwala sa kanilang
pag-iral. Ngunit dahil nais nating matiyak na ligtas tayo mula sa kanila ay sinasabi natin ang “Tabi po.”
Nangangahulugan na ang uri na ito ng nilalang sa dilim ay lumilikha ng takot sa hindi natin nakikita.
Dagdag pa ni Samar, ang pagiging kubli nila sa ating mga paningin ay nauuwi sa
pagbabalewala. Nagbabakasakali tayo na sila ay ilusyon lamang dahil hindi naman natin sila aktuwal
na nakikita. Para kay Samar, ang papel ng mga kuwento tungkol sa mga nuno sa punso o mga
lamang-lupa ay paalala sa atin sa panganib na dala ng pagiging pragmatiko ng mundo (3).
Ang mundong ating ginagalawan ay labis ang pagpapahalaga sa materyal, mga
nahahawakan, at nakikita ng mga mata. Paalala nga ni Samar, ang mga kuwento ng mga nuno sa
punso ay pabatid na labis ding mahalaga ang mga bagay na hindi agarang dinaranas ng ating
pandama. nagbibigay ideya sa kung paanong ang mga tao ay matiryalistik at nakakaligtaan na ang mga bagay na hindi
agarang danas ng pandama
Ikalawa ay ang mga halimaw gaya ng tikbalang na kalahating tao at kalahating kabayo.
Hal. Dahil sa kagustuhan natin
mapasakamay ang isang mamahaling gamit
tulad ng bagong gadgets or bistida sapagkat
ayaw natin mapagiwanan sa trend, tayo ay
magtatrabaho nang lubos kung saan
malilimutan na nating alagaan ang ating
kalusugan (health)
nagtuturo patungkol sa kung paano magdiscriminate o maging racist ang mga tao sa lipunan dahil may
sinusunod silang istandard na kung sino ang hindi pasok sa normal na lebel na iyon ay katatakutan na o
kamumuhian na ang mga ito
Ayon kay Samar, kaiba sa mga lamang-lupa ay lantad sa mga mata ang mga halimaw. Ibig
sabihin ay kitang-kita natin ang kanilang pagiging iba mula sa mga tao. Ang pagkakaibang ito ang
lumilikha ng takot.
Ang ibinigay na halimbawa ni Samar ay si Valentina ang kontrabida sa komiks na Darna. Ayon
sa kaniya, kung babalikan ang kuwento ni Valentina, sinaktan at sinubukan siyang patayin ng mga
tao dahil mayroon siyang mga ahas sa kaniyang ulo. Pinatutunayan nito kung paanong dahil
nasisipat ng mga tao gamit ang kanilang mga paningin kung ano ang “iba” ay hindi nila tinatanggap
ang ano mang labas sa kanilang nakasanayan.
Sabi nga ni Samar, ang pinakamatinding karahasang idinulot ng sibilisasyon sa kasaysayan
ay ang pagtatatag nito ng nosyon ng karaniwan dahil kung hindi pumapasok sa kanilang nosyon ng
normal o karaniwan ay awtomatiko nila itong itinuturing na iba (4).
Kung pag-iisipang mabuti, ang mundo ay puno ng pagkakaiba-iba. Makikita ito sa itsura,
pananaw, at mga paraan ng pamumuhay. Kaya naman mapanganib ang paniniwala na walang
espasyo para sa pagkakaiba-iba.
Ikatlo ay ang mga aswang na kaiba sa mga lamang-lupa at halimaw ay may kakayahang
magbago ng anyo.

Ayon kay Samar, dahil may kakayahang magbago ng anyo ng mga aswang ay naging labis
na mapagmatyag at mapaghinala ang mga tao. Aniya, ang ugaling Pilipino na pagiging magiliw sa
bisita ay nag-ugat mula sa takot mula sa mga aswang. Nakasanayang alukin ang mga panauhin na
kumain dahil ang mga sangkap sa mga pagkain ay karaniwang bawang at asin na pinaniniwalaang
takot ang mga aswang. Dahil hindi tiyak ang mga tao sa anyo ng aswang ay natuto siyang
pagdudahan ang kaniyang kapuwa (4). Winawasak nito ang paniniwala na tayo ay magiliw sa bisita.
Bagkus, ang tunay na ugat nito ay pagtitiyak na hindi aswang ang ating nakakadaupang palad.
Ngunit ayon kay Samar, ang panganib ng hindi pagtitiwala na ito ay ang isipin natin na ang
mundo ay mundo ng katiyakan. Ayon sa kaniya, mapanganib ang katiyakan dahil lumilikha ito ng
ilusyon ng katatagan at kaligtasan (4).
Pinahihina ng ganitong pakiramdam ang ating pandama. Aniya, dapat pansinin kung paano
tayong nagiging alisto tuwing napapadpad sa hindi pamilyar na lugar dahil dito ay walang katiyakan.
Bagay na nawawala tuwing nakakaramdam tayo ng labis na pagiging tiyak.
Ang takot ay tumutulong na protektahan tayo. Ginagawa tayong alerto sa panganib at
inihahanda tayong harapin ito. Ang pakiramdam ng takot ay natural — at nakakatulong
— sa ilang sitwasyon. Ang takot ay maaaring maging tulad ng isang babala, isang
senyales na nagpapaalala sa atin na mag-ingat.
Hindi Masama ang Matakot

Mula sa nililikhang takot ng mga lamang-lupa at mga bagay na hindi nakikita, ng mga halimaw
at ng mga bagay na iba sa karaniwan, at takot na nililikha ng mga aswang at ng katiyakan.
Ipinaaalala ni Samar na hindi masama ang matakot sa mga ito. Aniya, ang mga takot na ito ang
magiging hudyat ng pagkilos at lilinang sa ating katapangan. Higit sa lahat, ito ang magiging
pandayan at hulmahan ng ating higit na pagpapakatao (5).
Hindi nakukulong sa takot sa mga nilalang sa dilim ang dapat nating pagmatyagan. Ang
mukha ng takot ay iba-iba at hindi lamang makikita sa mga bukid, malayong probinsiya, o kuwentong-
bayan. Maraming mukha ang takot mula sa takot sa aswang, takot sa katiyakan, takot sa pagsasalita,
takot sa pagkilos, takot sa pagtindig, at marami pang iba. Sabi nga ni Samar, may bagong mukha ang
mga nilalang na nasa ating paligid kaya mahalaga ang patuloy na pakikialam at paninindigan.
Bagama't tradisyonal na itinuturing na isang "negatibong" pakiramdam, ang takot ay aktwal na nagsisilbing isang
mahalagang papel sa pagpapanatiling ligtas habang pinapakilos tayo nito upang harapin ang potensyal na panganib.

You might also like