You are on page 1of 4

Ma.

Yesha Aquino

BSBA-MM 2-1

PANITIKANG FILIPINO

PAGSUSURI SA KALUPI

ANG KALUPI
Benjamin Pascual

A. PAMAGAT: "Ang Kalupi"

Ito ay pinamagatang "Ang kalupi" dahil tinatalakay sa kwento ang pagkawala ng kalupi ng
babae at maling paghatol nito sa batang nagnakaw ng kanyang kalupi na naging dahilan ng
pagkamatay ng batang si Andres.

B. URI NG GENRE NG AKDA:

Tuluyan- Maikling Kwento- Kwento ng Tauhan

C. MAY-AKDA:

Ang nobelistang si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.


Marami na siyang naisulat na maikling kuwenti sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng
dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam.
Ilan sa mga isinulat ni Benjamin P. Pascual ay ang Babaeng Misteryoso, Lalaki sa Dilim, Landas
sa Bahaghari, at isa sa mga sikat na maikling kwento na kanyang nailimbag ay Ang Kalupi. Isa sa
mga bagay na nag-udyok sa kanya upang likhain ang kuwentong ito ay gusto niyang ibahagi sa
mga tao ang kawalan ng hustisya sa ating lipunan at ang sanhi ng maling akala.

D. PAG-UNAWA

1. Ang akda ni Benjamin Pascual na "Ang Kalupi" ay nagpapakita ng pagigingmapanghusga ng


lipunan dahil sa panlabas na anyo ng bata kaya naman ang teoryang nangingibabaw dito ay ang
teoryang realismo. Ang kalupi ay bunga ngguni-guni ni Benjamin Pascual. Ito ay nagpapakita ng
realidad na may ganoon talagang kaganapan na pwedeng mangyari kanino man sa totoong
buhay. Ang akda ay umiikot sa kwento ng isang babae na si Aling Marta at sa isang batang
lalaking si Andres Reyes na kanyang pinagbintangan na dumukot sa kanyang kalupi.
Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya para sa mga
dukha. Nais ipabatid sa atin ng may-akda na hindi tamang maghusga tayo sa isang tao ng
walang sapat na batayan. Ito ay pinamagatang "Ang kalupi" dahil tinatalakay sa kwento ang
pagkawala ng kalupi ng babae at maling paghatol nito sa batang kanyang pinagbintangang
nagnakaw ng kanyang kalupi. Naglalayon itong maipakita ang realidad at mamulat ang mga
tao sa tunay na mga pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng
hustisya ng mga mahihirap at epekto ng mapanghusgang isipan ng tao.

2. Ang akdang "Ang Kalupi" ni Benjanmin Pascual ay mahalaga dahil ito ay kapupulutan ng aral
ng mga mambabasa. Inilalahad sa kwento ang mga tunay napangyayari na makikita sa ating
lipunan sa kasulukuyang panahon, ito ay ang kawalan ng hustisya sa mga mahihirap. Ipinakita
sa kwento ang agad napanghuhusga ni Aling Marta sa isang bata na naging dahilan kung bakit
ito dinalasa kuwartel na humantong sa kanyang pagtakas upang maiwasan ang kalupitang
ginawa sa kanya na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan. Nakasaad dito ang epekto ng
maling panghuhusga sa isang tao lalo na kung walang batayan. Mahalaga ang akdang ito dahil
ito ay nagbibigay ng aral sa mambabasa kung ano ang kahahantungan ng panghuhusga sa ating
kapwa. Ang akdang ito ay naglalayon na maipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa
tunay na mgapangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng hustisya
at epekto ng mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito ang katotohanan na hinuhusgahan
ang isang tao base sa anyo at estado nito sa buhay. Ipinapakita sa Ang Kalupi ang isyu ng
kahirapan ang nagiging dahilan ng kawalan ng boses atbalakid sa hindi pagkamit ng hustisya.

E. PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

a. Ang akda ay napapanahon dahil hanggang ngayon marami pa rin ang mapanghusga na
panlabas na anyo lamang ang tinitingnan at hindi ang panloob kung saan makikita ang
kabutihan. Isa sa mga diwa na nailahad sa akda ay ang mapanghusgang lipunan na nasa
katauhan ni aling Marta, kahit sa kasalukuyang panahon marami pa rin ang mga taong
nanghuhusga batay sa panlabas na anyo katulad na lamang ng panghuhusga sa mga taong may
kakulangan na sila pa yong may mabubuting kalooban at sila pa yong nagsisikap upang hindi
maging pabigat sa lipunan. Ang ikalawang diwa ay ang kawalan ng hustisya ng mga mahihirap
katulad ng bata na si Andres na hindi nabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Kagaya rin
ng mga pangyayari sa ating bansa na kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng
katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Naipakita rin sa akda ang pagmamahal ng isang
magulang na naipakita sakatauhan ni aling Marta, binibigyan niya talaga ng halaga ang
pagtatapos ng kanyang anak at maghahanda siya para dito.
b. Ang akda ay madaling basahin dahil ang daloy ng mga ideya o impormasyon ay organisado.
Ito rin ay gumagamit ng mga simpleng salitala 8na agad na maiintindihan ng mga mambabasa.

F. PAGPAPAHALAGA

Ang kabuuang paksa ng akda na huwag agad manghusga sa kapwa lalo nakapag ang batayan
ang ang pisikal na kaanyuan ng tao ay mahalaga at nakakatulong sa mga mambabasa dahil ito
ay nagbibigay aral sa atin at ito ay nagpapakita ng katotohanang nangyayari sa kasalukuyan. Ito
ay maaaring maging instrumento o maging aral sa lahat na tigilan ang panghuhusga dahil wala
itong mabuting dulot sa atin at baka makaapak pa tayo ng karapatan ng iba. Ang buong akda ay
naglalayong maipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa tunay na mga pangyayari sa
lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng hustisya at epekto ng
mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito ang katotohanan na ang mga tao ay
nanghuhusga batay sa anyo at sa iyong estado sabuhay. Ipinakita sa akda na ang isyu ng
kahirapan ang naging dahilan sa kawalan ng boses at balakid sa pagkamit ng hustisya.

G. PAGPAGPALAWAK

 Natuklasan

Sa pagbabasa ng buong akda, natuklasan ko na ang maling panghuhusga ay mayroong maling


epekto at maari pa itong mahantong sa kamatayan. Natuklasan ko rin na kapag tayo ay galit na
galit sa isang tao at may ninanais tayo, hindi na tayo nakakapag-isip ng maayos at kung ano ang
tama. Tulad na lamang sa kwento na noong nabangga ng bata si Aling Marta ay nagalit siya at
nadagdagan pa ang init ng kanyang kalooban noong nawala ang kanyang kalupi na naglalaman
ng pera na pambayad niya sa mga bibilhin niyang sangkap sa kanyang handa. Natuklasan ko rin
na ang pagmamahal ng isang ina ay tunay talaga na kahit ano pa ang mangyayari. Ang
pinakanagtatak sa aking isipan ay ang aral ng akda na <huwag mong husgahan ang panlabas
na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban= dahil marami ang namamatay sa maling akala.

 Reaksyon

Galit at awa ang mga emosyong nangingibabaw sa akin habang binabasa ang kwento, galit para
kay aling Marta dahil sa kanyang agarang panghuhusga na walang sapat na batayan sa isang
batang lalaki at sa kanyang kalupitang ginawa sa bata na naging dahilan sa kanyang pagtakas na
humantong sa kanyang pagkamatay. Awa ang nangingibabaw sa aking emosyon para sa batang
lalaki na binawian ng buhay dahil sa maling bintang sa kanya, batang ang nais lamang ay ang
ihatid ang kanyang nabiling ulam na bangus para sa kanilang pananghalian.
 Rekomendasyon

Nais kong imungkahi sa mga mambabasa na huwag manghusga ng tao lalo na kapag base sa
kanyang panlabas na kaanyuan dahil hindi natin makikita kung ano ang kalooban nito, maaring
magkamali tayo sa panghuhusga at matulad kay Aling Marta na agad na nanghusga sa bata at
nagdulot ng kamatayan nito. Dapat natin munang isipin ang sitwasyon at huwag padalos-dalos.
Iminumungkahi ro rin itong basahin ng iba sapagkat ang tema ng akdang ito ay makabuluhan
dahil ito9y nagpapamulat sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng
mapanghusgang isipan ng tao dahil lamang sa pisikal na anyo o kalagayan ng isang tao,
maraming aral din ang makukuha dito.

MGA SIMBOLISMO:

Kalupi- ito ay sumisimbolo sa iyong antas sa lipunan

Aling Marta- siya ay sumisimbolo sa mapanghusgang lipunan at isang tusong tao na gagawin
ang lahat makuha lamang ang kanyang gusto, sa mabuti man o masamang paraan.

Andres Reyes- siya ang batang sumisimbolo sa katulad niyang nasa mababang antas ng lipunan
at sumisimbolo sa mga inosenteng tao na nadadamay o nasasabihan ng maling paratang dahil
sa kaanyuan.

Anak ni Aling Marta- sinisimbolo niya ang isang bagay na hinahangad ng karamihan, ang
makapagtapos ng pag-aaral.

Maliit na barung-barong- ito ay sumisimbolo sa kahirapan, sa akda dito nakatira ang pamilya
ng batang si Andres.

You might also like