Professional Documents
Culture Documents
I. Panimula
Kadalasa’y pinipili ng mga mambabasa ang mga akdang maikli ngunit may kaakibat na
magandang kahulugan. May mga akda naman na sa unang basa palang ay hindi mo na agad
malalaman ang ibig na ipagpapakahulugan ng kwento, ngunit kung babasahing mabuti at
susuriin ng maayos, doon mo lang malalaman ang tunay na kahulugan nito. Ang mga
katanungang nabuo saating isipan ay masasagot kung maipagtagpi- tagpi na natin ang mga
pangyayari na naganap sa akda.
Sa papel na ito, ibubunyag namin ang mga nakakubling laman ng akdang binasa at
sinuri. Akdang sa unang basa’y literal ang pagpapakahulugan ngunit may kaakibat na malalim
na pagpapakahulugan. Ang akdang ito ay may kakaibang mensahe na nagpapatungkol sa
kasalukuyang nangyayari sa lipunan. Sa pamamagitan nito, maliliwanangan ang isipan at
masasagutan ang mga katanungang nabuo sa pagbasa ng akdang ito.
Ang akdang ito ay siyang nagbigay linaw saaming isipan na kung saan dapat hindi tayo
magpapalinlang sa kung ano ang nakikita natin saating mga mata sapagkat kung huhukayin pa
ng mabuti, may kakaiba pala itong laman na maaaring magmulat saating musmos na isipan. Sa
akdang ito, maaaring makakabuo ng mga katanungan, ngunit ang mga katanungang iyan ay
masasagot sa aming ginawang pagsusuri. Sama- sama nating alamin ang nakakubling laman
ng akdang magbibigay liwanag saating mga isipan.
Bangkang Papel
Backgrawn ng Awtor:
Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento"
ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang
"Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for Fiction,
1991-1992, ng U.P. Press.
Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa panitikang
Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ipinanganak siya noong ika-3 ng Enero 1915. Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa
edad na 94.
II. Tauhan
Batang Lalaki- gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa
tubig kailanman.
Ina- ina ng batang lalaki at ni Milling
Milling- kapatid ng batang lalaki
Tatay- ama nina Milling at ng batang lalaki na napatay ng kawal
Mga kapitbahay:
Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading, Feli, Turing at si Pepe
III. Tagpuan
Ang Bangkang Papel na isinulat ni Genova Edroza ay tungkol sa isang batang gustong
magpalutang ng bangkang papel kinabukasan. Ngunit kinagabihan, napansin niya na hindi
nakauwi ang kanyang Ama kaya itinanong niya ito sa kanyang Ina. Walang naibigay na sagot
ang kanyang Ina kaya siya ay natulog nalang sa tabi ng kanyang kapatid na nagngangalang
Milling. Kinaumagahan, napansin niya na wala na sa kanyang tabi ang kanyang Ina at kapatid.
Sa kanyang paglabas, napansin niya na may mga maraming tao at doon niya nakita ang
kanyang ina na nakaupo sa sahig habang sa kanyang kandongan naman ay doon
humahagulgol ang kanyang kapatid na si Milling. Wala ni isang sumagot sa mga katanungang
nasa kanyang Isip hanggang pag- alis nila sa lugar na iyon. Tila nasira ang pangarap ng batang
Lalaki sa nangyaring trahedya. Tila naiwan sa luagr na iyon ang mga masasayang ala- ala at
ang bangkang papel ay ang nagsilbing kanyang mga pangarap na hindi na niya napalutang pa.
V- Pagsusuri
Ang sinuring akda ay isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang masining na
anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa. Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o
maaaring maganap.”
Ang uri ng maikling kwento na ito ay isang kwentong nagsasalaysay sapagkat ang
layunin nito ay magpahayag ng mga pangyayaring naganap sa kwento, mga pangyayari tungkol
sa mga naging karanasan ng tao sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran.
Sa halip na gamitin ang salitang sinag ay silahis ang ginamit, hagibis sa halip na
belosidad, salitang naparam na maaari namang gamitan ng salitang naglaho, nagugulumihan
sa halip na naguguluhan at tigib ng pangamba na maaari namang sabihing puno ng pangamba.
Mapapansin din sa pahayag na “Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi.”
Na ang ibig sabihin ng mga salitang sinalungguhitan ay Nananahimik.
Ayon naman sa blogspot.com, ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagka-epektibo ng kanyang sinulat.
C. Paglapat ng Lapit
Sa mata ng bata, lahat ng bagay na nakikita nila ay maganda. Na kung saan, parang
walang espasyo sa kanilang puso ang galit at poot. Ang akda ay kakitaan ng katotohanan dahil
sa ating lipunan makikitang ang mga bata ay walang kaalam- alam sa mga nangyayari sa loob
ng masalimoot na kaganapan sa lipunan. Waring katotohanang nagsasabi ng mga Gawain ng
mga bata at ito’y may malaking pagkakaiba sa mga problemang dinadala ng mga matatanda.
Sa ating lipunan tunay na masasaksihan ang mga batang mababaw ang kaisipanm,
walang pakialam sa mundo at ang nais lamang ay ang maglaro at magsaya sa kahit anong
paraan na makapagbibigay sa kanila ng kaligayahang walang katapusan. Ang mga musmos na
nilalang saating lipunan ay patuloy na dadalhin ang mga inipong mga tanong kung bakit sila
napapagitnaan ng lungkot at kapighatian habang sila’y nakikipagsapalaran. Ito ang mensaheng
lumulutang sa akda, na kung saan makikita na ang batang lalaki ay nakabuo ng mga
katanungan sa isipan ngunit patuloy niyang dadalhin. Ang batang lalaki sa kwento ay
representasyon ng mga kabataan na kung saan ang mga ito’y walang muwang sa mga
nangyayari sa lipunan. Kung kaya’t pagdating ng panahon na sila’y magkaisip na, sila’y
maghahanap na ng mga katanungan.
Sa maikling kwentong ito, tunay na nakita naming ang isipan at diwa sa ipinakitang
lantad na katotohanang maaaninag sa masalimoot nating lipunan. Ang tunggalian ng mga
paniniwala, ang paninindigan ng mga taong nasa ibabaw na antas at ng mga nasa babang
mamamayan.
Kung maipagtagpi- tagpi natin ang mga isiniwalat sa akda, mapapansin natin sa linya na
“Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito… Kaya’t walang maaaring maiwan.”
Maipapahiwatig natin na sila’y nasa loob ng isang lugar o pamayanan ng isang hindi kinikilalang
samahan. Sa pagbanggit naman ng salitang “kawal at taong bayan.” Ay mapapatunan ang
naging hinuha. Ang sagupaan sa bayan ay labanan ng rebelled at mga kawal ng pamahalaan.
Isang kaganapang napapanahon saan mang sulok ng mundo. Labanan ng mga magkakalahi,
isang masakit na realidad na patuloy na umiiral sa kasalukuyan. Maari ring sabihin na ito’y
nagpapatungkol sa labanan ng taong bayan at ng mga kawal ng pamahalaan sapagkat pinipilit
silang paalisin sa lupang iyon.
https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
http://www.justhomeworks.com/2017/04/ang-teoryang-realismo.html
http://www.markjan-markjan.blogspot.com
https://panitikan.ph/2014/06/07/genova-edroza-matute-2/
http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com/?m=1