You are on page 1of 3

Pangalan: Joanne P.

Roma
Kurso/Taon: BS Accountancy 3rd year
Takdang-Aralin: Pagsusuri ng Impeng Negro

I. Talambuhay

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996) ay isang


Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak
nina Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26,
1940 sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong
magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa
Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa
Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo.


Siya ay tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng
gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang
mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing
pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga kay
Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na
isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga


Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si
Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong
Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula pinamagatang
"Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang
kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito
ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat.
Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng
Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

II. Sangkap
a) Tauhan
 Impen
 Ang pangunahing tauhan sa maikling kwento ni Rogelio Sikat.
Inilarawan siya bilang isang maitim o negro, sarat ang ilong at
may makapal ang labi. Base sa kwento, siya lamang ang
natatanging negro sa magkakapatid. Pinaniniwalaan niya na
ang kanyang ama ay isang sundalong negro na matapos siyang
ipanganak ay iniwan ang kanyang ina. Siya ay nagtitimpi sa
mga pang-aasar na kangyang natatanggap mula kay Ogor at sa
iba pang kagrupo neto ngunit ang huling away nila ang
nakapagpabago ng buong kwento.
 Ogor
 Ang antagonista sa maiklling kwento. Siya ang hinihirang na
hari ng kanilang grupo kung saa’y mahilig mangutsa kay Impen.
Hindi naman maiging nailarawan si Ogor sa kwento. Nabanggit
lamang na siya’y isang hari ng mga agwador. Base sa aking
obserbasyon, makikitang siya ay mapangutyang tao mahilig
niyang kutyain si Impen dahil sa balat nitong maitim at dahil na
rin sa nanay nito. Siya ay gumanap bilang isang matinding
kaaway ni Impen na nagdulot ng pagkakaroon ng tunggalian sa
kwento.

b) Tagpuan
 Ang pinangyarihan ng kwento ay sa may gripo, dito naganap ang
tunggalian ng kwento. Hindi inilarawan mabuti ng akda kung ano
ang itsura ng tagpuan ngunit isinaad niya kung saan nangyari ito.
Nakatulong ito sa paglikha ng kinakailangang emosyon sa
kapaligiran dahil sa lugar na ito ay ipinakita ni Impen (pangunahing
tauhan) ang kanyang poot na mula pa noo’y nadarama niya kay
Ogor. Angkop na angkop ang lugar na napili ng akda dahil sa lugar
na ito’y maraming tao ang nag-iigib na nakasaksi sa pangyayari.
Malaking pagbabago ang naganap matapos mangyari sa lugar na
ito ang pagpatol ni Impen kay Ogor. Nakaramdam ng
kapangyarihan si Impen matapos niyang mapasuko si Ogor.

c) Banghay
Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o
pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na
huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha.
Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador.
Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin
ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa
pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya
dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa
sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si
Ogor.

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may


gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang
kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon
upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si
Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito,
agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit
na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod
ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik
si Impen at nagpasyang umalis na lamang. Pinatid ni Ogor si Impen
nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang
kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi
tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen
hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor
sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya
kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang
nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga
mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen
ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.

III. Teoryang Pampanitikan


Realismo Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.
Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng
kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka
pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na
sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa
lipunan. Sa maikling kwento ito, pinapaksa ng manunulat ang diskriminasyon na
kalimitang makikita sa iba’t ibang lugar. Madalas itong mangyari sa labas ng
bahay, eskwelahan at sa lugar ng pinagtatrabahuan. Sa kwentong ito, patuloy na
kinukutya ni Ogor si Impen hanggang sa napuno na si Impen at nag-amok kaya
nagkaroon ng away sa pagitan nila.

IV. Panitikang Hinggil sa…


Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong
ibaang katangian at kalagayan o uri nag buhay. Tinalakay kung paano dapat
ipaglabanang dangal at dignidad na di dapat silang husgahan at kutyain dahil sa
bagay nakinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang
alipusta at mga taong walang alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.
Naipakita ng mayakda ang sakit nag lipunan na magpasakasalukuyang panahon
ay nangyayari.

You might also like