You are on page 1of 6

PANITIKAN NG PILIPINAS (LITN20A)

GAWAING PANGKLASE
Pagsusuri ng Maikling Kwento

PAMAGAT NG KWENTO
Sinuri ni:
Melicio, Yvon T.

A405MMA

Panuto: Sa mga espasyo sa ibaba, ilagay ang mga kinakailangang impormasyon para sa pagsusuri ng
maikling kwento. Tiyakin na ito ay komprehensibo at naayon sa hinihingi ng bawat nilalaman.

Pamagat:
IMPENG NEGRO

Pagkilala sa May-akda:

Rogelio R. Sikat

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sicat) ay isang malikhaing Pilipinong manunulat,
gumagawa ng dula, tagasalinwika, at guro. Si Sikat ay ipinanganak noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San
Isidro. Nagtapos rin siya na may Bachelor ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa University of Santo Tomas
at isa namang MA sa Filipino sa University of the Philippines.
1
claudy.real@lpu.edu.ph

Departamento ng mga Sining at Agham

Lyceum of the Philippines University - Manila


Si Sikat rin ay nakakuha ng napakaraming premyo na tungkol sa pampanitikan. Si Sikat rin ay kilala
dahil sa kanyang naisulat na “Impeng Negro”, ang maikli na istoryang naisulat niya na nanalo naman ng
gantimpala noong 1962 na Palanca sa Filipino. Maramirami sa mga naisulat na mga kwento niya ay una
munang nailabas sa Liwaywaya na popular na magasin na para sa mga panitikan na nasa wikang Tagalog.
Noong 1998 ay kahit na namatay na si Sikat, siya pa rin ay pinarangalan ng Manila a Criticsa Circlea nga
isanga Nationala Booka Awarda paraa saa pagsalin niya ng wika.
Uri ng Kwento:

Anga “Impenga aNegro” aya isanga Maikling Kwento at ito ay isang uri ng Kwentong Tauhan dahil
makikita sa pamagat ng libro pa lamang ay tinutukoy at inilalarawan na nito ang pangunahing tauhan na si
Impen. Masasabi rin na isa itong Kwentong Tauhan dahil ang maikling kwento na ito ay nakatutok sa
pangunahing tauhan na si Impen at kung paano niya inaksyunan ang pangungutya sa kanya ni Ogor.

Nilalaman:

A. Tauhan:

● Impen — Ang batang lalaki na maitim na nakakaranas ng panghuhusga at pamamalabis ng mga


tao sa kanya.
● Ogor — Ang nangungutya, nang-aapi, at nang-aalipusta kay Impen.

● Ina ni Impen — Ina na may iba’t ibang lahi na mga anak dahil sa maaaring nagkaroon siya ng
iba’t ibang asawa. Pinangangaralan niya si Impen na wag na makipag-away kay Ogor.
● Kano — Ang pito na taong gulang na kapatid ni Impen na madalas ay nakukumpara sa kanya
dahil sa kanyang balat na sinasabing amerikanong puti.
● Boyetaat Didinga — Mga mas nakakabata na mga kapatid ni Impen

● Mga agwador at tao sa paligid — Mga tauhan na nag-iigib din ng tubig sa gripo na mga
nakinuod lamang sa away nila Impen at Ogor at hindi man lang pinigilan ang dalawang binatilyo.

B. Tagpuan:

● Bahay nila Impen — Isang barung-barong kung saan nakatira sila Impen, ina niya, at ang tatlo
niyang mga kapatid.
● Sa Gripo (Igiban ng Tubig) — Lugar kung saan pumila si Impen upang makapag-igib ng tubig
sa kanyang balde at kung saan din nangyari ang tunggalian nila Impen at Ogor.

C. Banghay

● Panimula:
2
claudy.real@lpu.edu.ph

Departamento ng mga Sining at Agham

Lyceum of the Philippines University - Manila


— Nagsimula ang kwento sa pangangaral ng ina ni Impen sa kanya na huwag na makipag-
away kay Ogor at huwag na lang siya bigyan ng pansin kaya naman napatigil siyang
maghugas ng kanyang kamay. Si Impen ay isangi maitimi na binatilyo na anaki ng isangi
babae na iba’t iba ang naging asawa. Sa panimula ay inilahad din ang bahay na tinitirhan
ni Impen at ng kanyang pamilya na isang barung-barong. Kasama niya dito ay ang
kanyang ina at ang kanyang tatlong nakababatang kapatid na naiiba ang pisikal na
kaanyuan sa kanya. Sa simula rin ay malalaman natin na si Impen ay isang agwador at
sinabihan din siya ng kanyang ina na dumaan kay Taba upang bilhan ng gatas ang
kanyang kapatid sa kanyang pag-uwi.
● Saglit na Kasiglahan:
— Nakapila si Impen sa pilahan ng gripo upang mag-igib pa muli ng tubig sa kanyang balde.
Di malayo sa gripo kung saan nakapila si Impen ay mayroong isang tindahan na mayroon
doon ay nakasilong ang iba pang mga agwador at sa grupo ng mga agwador na iyon ay
agad niya naman napansin si Ogor. Sumigaw naman si Ogor kay Impen na sumilong
muna para siya’y pumuti at ang ibang agwador ay nagtawanan naman at sinubukan na
lang ding huwag pansinin ni Impen si Ogor dahil naalala niya rin ang nasabi sa kanya ng
kanyang ina.
● Suliranin:
— Ang suliranin naman na hinaharap ni Impen sa kwento ay ang pagsingit ni Ogor kay
Impen sa pag-igib ng tubig dahil gusto niya na siya ang mauna at dahil doon naggitgitan
sila ng kanilang mga balde at gusto rin naman lumaban ni Impen kahit na siya ay
natatakot kay Ogor. Dahil naman dito ay tumaob ang kanyang balde at gumapang sa
semento ang natitirang tubig na naisahod ni Impen doon. Naisipan niya na sanang umuwi
at mamaya na lamang mag-igib ngunit nang aabutin niya na ang kanyang balde ay pinatid
naman siya ni Ogor. Nang mapatid siya ay nasugatan ang kanyang pisngi sa balde kaya
napasigaw si Impen at hinawakan ang kanyang pisngi at nang makita niya ang kanyang
kamay ay naging madugo ito.
● Tunggalian:
— Ang tunggalian na naganap sa kwenting ito ay Tao laban sa Tao dahil mababasa naman
na si Impen at si Ogor ay ang mga tauhan na nagkaroon ng tunggalian sa kwento. Ang isa
pang tunggalian ay ang Tao laban sa Lipunan dahil sa kwentong ito ay makikita na
kalaban ni Impen ang lipunan dahil sa pangungutya nito sa kanya dahil sa siya ay maitim.
● Kasukdulan:
— Dahil sa nakita niya ang kanyang dugo na nanggaling sa kanyang pisngi ay tila ba ay may
nagbago sa kanya at siya ay lumaban na kay Ogor. Hindi na matiis ni Impen ang
pangungutya at pang-aapi ni Ogor sa kanya at kaya naman ay nandilim na rin ang
kanyang paningin at sinuntok nang sinuntok niya si Ogor hanggang sa humina na ito at
unti-unti na ring sumusuko. Ito na ang naging paglaban ni Impen sa lahat ng
pangmamalabis sa kanya ni Ogor.
● Wakas:
— Dahil sa kanyang pagtuloy na pagsuntok o dagok ay napasuko niya na rin ang kalaban na
3
claudy.real@lpu.edu.ph

Departamento ng mga Sining at Agham

Lyceum of the Philippines University - Manila


si Ogor na walang ginawa ay mangutya sa kanya at apihin siya. Hinang-hina na si Ogor at
wala nang nasabi ang mga tao sa paligid nila at lahat ay tumahimik at wala rin kahit sino
ang kumikibo. Mayroong mga luhai sa dalawang mata ni Impen ngunit galaki naman ang
kanyang nadarama. Naramdaman niya ang bago niyang natuklasan niya na lakas niya at
sai ilalimi ng matinding sikati ngi arawi ay nagmimistulan siyang isang mandirigma ng
sugatan ngunit siya ay matinding na nakatayo sa pinagwagiang laban.

Pagsusuri: Ipaliwanag ang bawat bahagi ng sapat at komprehensibo.

A. Kaisipan/Aral
— Ang kaisipan o aral na makukuha sa Impeng Negro ay huwag manghusga, mamaliit, at
mang-abuso ng mga tao lalo na kung naiiba ang itsura o kalagayan ng buhay nila sa atin,
dahil maaari tayong makasakit ng ibang tao kahit sa pannalita natin at ang iba sa kanila ay
hindi naman natin alam ang kwento ng mga buhay nila.
B. Paksang Diwa
— Ang maikling kwentong Impeng Negro ay nagtatalakay tungkol sa panghuhusga,
pamamaliit, pang-aalipusta, at pang-mamalabis ng mga tao sa ibang mga tao na naiiba
ang katangian at kalagayan ng buhay sa kanila. Itinalakay din dito na dapat natin
ipaglaban ang sarili natin, ang gating dangal at dignidad, upang tumigil na ang mga tao sa
panghuhusga o panga-abuso satin lalo na kung hindi naman nila alam kung ano ang tunay
na nangyayari sa ating buhay.
C. Teoryang Pampanitikan
— Ang Impeng Negro ay may mga sumusunod na Teoryang Pampanitikan:
1. Teoryang Realismo — Masasabi ko na isa ito sa mga teoryang panitikan na mayroon
ang Impeng Negro dahil ang maikling kwento na ito ay sumasalamin sa mga
pangyayari na nakikita at makikita rin natin sa lipunan sa totoong buhay. Isa na rito
ang mga pangungutya, panghuhusga, pang-aapi, at pamamalabis ng mga tao sa ibang
mga tao na naiiba sa kanila, lalo na sa pisikal na anyo na katulad ni Impen kung saan
ay maitim ang kulay ng kanyang balat.

2. Teoryang Sikolohikal — Masasabi ko rin na isa ito sa teoryang pampanitikan na


mayroon ang Impeng Negro ay dahil sa malinaw na naipakita ng may-akda ang
kalagayan at suliraning panlipunan na nangyayari sa totoong buhay dito sa kwentong
ito. Isa na rito ang kahirapan na nararanasan ng mga tao kagaya ni Impen at ng
kanyang pamilya, at sunod naman ay ang mga tao na walang ibang ginawa kundi
manghusga, mangutya, at mang-api ng ibang tao na iiba sa kanila at mga taong ‘di
naman nila alam ang buong kwento ng buhay ng mga iyon.

3. Teoryang Sosyolohikal — Sa tingin ko ay isa ito sa teoryang pampanitikan na


mayroon ang Impeng Negro ay dahil sa biglang nagkaroon ng pagbabago sa naging
pag-uugali ni Impen nang siya ay biglang pinatid ni Ogor at tumama ang kanyang
kanang pisngi sa nabitawang balde, at dahil na rin ay hindi na kayang tiisin ni Impen
ang pang-aapi sa kanya ni Ogor.

4
claudy.real@lpu.edu.ph

Departamento ng mga Sining at Agham

Lyceum of the Philippines University - Manila


4. Teoryang Eksistensyalismo — Sa tingin ko rin ay isa ito sa teoryang pampanitikan
na mayroon ang Impeng Negro ay dahil si Impen ay malayang nakapagdesisyon na
labanan si Ogor kahit na hindi niya alam ang mangyayari sa kanya, ang alam niya
lang ay kailangan niyang lumaban para sa kanyang sarili at para sa kanyang ina.
D. Simbolismo
— Ang simbolismo na makikita sa Impeng Negro ay ang mga sumusunod:
● Impen — Nagsisimbolo sa mga taong naaapi at nahuhusgahan dahil sa pagiging iba
nila o dahil sa maitim ang kulay ng kanilang balat.
● Negro — Sinisimbolo nito ang pagbubukod-bukod ng mga tao sa lipunan dahil sa
kanilang kaanyuan o dahil sa kulay ng kanilang mga balat. Makikita rito na mabilis
manghusga ang mga tao dahil sa kanilang pisikal na kaanyuan.
● Balde — Sinisimbolo nito ang damdamin na nararamdaman ni Impen na unti-unting
napupuno kay Ogor na kinakailangan niya nang maisalin o mabawasan at kaya naman
siya ay nakipaglaban na rito.
● Ogor — Nagsisimbolo sa mga taong walang ginawa kundi ang manghusga, mangutya,
at mang-api ng ibang mga tao na naiiba sa kanila.
● Gripo — Sinisimbolo nito ang galit na napupuno sa damdamin ni Impen dahil sa
patuloy na pangungutya at pang-aapi ni Ogor sa kanya.
● Dugo — Sinisimbolo nito ang pagkakaroon ng malakas na loob o ang pagiging
matapang ni Impen pagkatapos niya ito makita sa sariling mukha at kaya naman ay
nagkaroon siya ng lakas ng loob upang sugurin at kanyang labanan si Ogor para
matigil na ito sa kanyang pangungutya at pang-aapi sa kanya.
E. Sariling Reaksyon
— Nabasa ko na noong bata pa ako ang maikling kwentong ito na “Impeng Negro” at simula
pa noon ay nag-iwan na ito ng malaking impresyon sakin dahil sa tema nito at dahil na rin
sa mensahe na batid at natutunan ko sa kwentong ito. Kahit noon pa man din ay syempre
suportado na ako at nasiyahan ako sa ginawang aksyon ni Impen upang ipaglaban hindi
lamang ang kanyang sarili kundi pati na rin ang kanyang ina dahil sa mga masasamang
mga sinasabi ng mga tao lalo na rin ni Ogor. Hindi man kaaya-aya ang pananakit din sa
ibang nanakit sayo pero wala ring magbabago at patuloy lang mang-aapi si Ogor kay
Impen kung wala rin siyang gagawing aksyon, at dahil din sa ginawa niya ay naipakita
niya rin sa ibang tao na nanunuod sa kanila na hindi na siya kaapi-aping tao at marunong
na siya lumaban para sa kanyang sarili at para sa pamilya niya lalo na’t para sa kanyang
ina na puro rin ay masasama ang mga sinasabi ng iba tungkol sa kanya.

Pagkatapos ko rin basahin ang maikling kwento na ito, sa tingin ko rin ay maiiugnay pa
rin ang kwento na ito sa kasalukuyan dahil kahit lumipas na ang ilang tao at kahit ngayon
ay 2023 na, marami pa ring mga tao ang mapanghusga at mapang-api sa ibang tao na iiba
sa kanila (iiba ang kutis o iiba man ang itsura) at mapang-husga pa rin ang mga tao sa iba
na hindi naman nila alam ang buong kwento ng buhay nila. Kinakailangan lang din ng
mga tao naaapi na ito ng onting tulak (katulad ni Impen) para mapagtanto nila na
kinakailangan din nilang tumayo at ipaglaban ang sarili nila laban sa mga taong
nanghuhusga sa kanila at patunayan kung sino talaga sila at kung ano ang kanilang
makakaya. Ngunit hindi naman kinakailangan na mapunta rin sa pag-aaway katulad nila
Impen at Ogor kundi kailangan lang talaga nila ng magpapakita sa kanila ng kanilang
5
claudy.real@lpu.edu.ph

Departamento ng mga Sining at Agham

Lyceum of the Philippines University - Manila


kakayahan.

Sanggunian:

Wikipedia Contributors. (2023, June 27). Rogelio R. Sikat. Wikipedia; Wikimedia Foundation.
https://en.wikipedia.org/wiki/Rogelio_R._Sikat

Fandom Wiki. (2023). Rogelio R. Sikat. Manunulatngmaiklingkwento Wiki; Fandom, Inc.


https://manunulatngmaiklingkwento.fandom.com/tl/wiki/Rogelio_R._Sikat

Galinato, G. (2021). ae.docx - PDFCOFFEE.COM. Pdfcoffee.com; PDFCOFFEE.COM.


https://pdfcoffee.com/aedocx-pdf-free.html

Sejatnom, A. J. (2017, October 7). Impeng Negro ni Rogelio Sikat. Academia.edu.


https://www.academia.edu/34789133/Impeng_Negro_ni_Rogelio_Sikat

Slideshare. (2010, March 4). Teoryang Pampanitikan. Slideshare.net.


https://www.slideshare.net/guestaa5c2e6/teoryang-pampanitikan

Tuquero, C. K. (2021). 16 Mga Teorya sa Panunuring Pampanitikan. Studocu; Studocu.


https://www.studocu.com/ph/document/batangas-eastern-college/humms/16-mga-teorya-sa-panunuring-
pampanitikan/15699961

Villar, B. (2020). Pagsusuring Pampanitikan Villar. Studocu; Studocu.


https://www.studocu.com/ph/document/polytechnic-university-of-the-philippines/filipinolohiya/pagsusuring-
pampanitikan-villar/29087858

6
claudy.real@lpu.edu.ph

Departamento ng mga Sining at Agham

Lyceum of the Philippines University - Manila

You might also like