You are on page 1of 2

Pangalan: Shariss D.

Elmita Petsa: Marso 5, 2023


Baitang at Seksyon: BSTM 1A

Gawain #2
Suriin at himayin ang kuwentong: “Impeng Negro”
Sundin at Kompletuhin ang Banghay na ito:

Simula:
Naghuhugas ng kamay si Impen ng siya’y kausapin ng kaniyang Ina upang pangaralan. Binalaan siya nito na
huwag ng makipag-away kay Ogor at umuwi na basag ang mukha.

Tagpuan / Tauhan:
Sa bahay nila Impen at sa igiban.

Tauhan- Impen, batang lalaki na nakaranas ng diskriminasyon.


Ogor, ang kaaway ni Impen sa kuwento.
Ina ni Impen
Kano, Boyet at Diding, kanyang mga kapatid.

Saglit na Kasiglahan:
Sa pang-aapi ni Ogor nagawa niyang ipaglaban ang kanyang sarili nagawa niyang ipaghiganti ang pamilya dahil
sa mga pang aapi at pangungutyang natatanggap niya. Ibinuhos niya ang sama at galit ng loob sa pamamagitan
ng mga dagok na binitawan niya sa kasagupaang si Ogor.

Tunggalian:
Tao laban sa tao–dahil siya ay nakikipag-away kay Ogor.
Tao laban sa lipunan– dahil siya ay inaapi ng mga taong nakapalibot sa kaniya.
Kasukdulan:
Habang nakapila si Impen sa pag igib ng tubig ay inumpisahan na namansiyang tuksuhin ni Ogor. Pinaalis niya
si Ogor sa pilahan ngunit sinaktan na nga ni Ogor ni Impen dahil ayaw nyang umalis sa pila. Agad na rin
gumanti si Impen dahil sa sakit na kaniyang nadama. Pumasok sa isip nya ang mga tsismis tungkol sa kanyang
Ina at gumanti na rin sya kay Ogor.

Kakalasan:
Nagpatuloy nga ang kanilang pag-aaway at sa di-inaasahann ay unti-unting napasuko ni Impen si Ogor dahil na
rin sa mga suntok nito sa kanya. Napasuko na nga ni Impen si Ogor at hinang-hina na. Napatingin sa kanya ang
mga tao na tila hangang-hanga sa kanyang nagawa.

Tema:

Ang kwento ay tungkol sa pagkakaroon ni Impen ng ibang kulay o pagiging maitim ay naging dahilan ng
pangungutya sa kanya ng mga tao dahil sya ay naiiba. Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta
ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal
at dignidad na di dapat silang husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan nila. Inilarawan din ang mga
mapangutya, mapang api at mga taong walang alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.

Isyung Panlipunan:
Pangungutya at panghuhusga- hindi na bago sa ating mga Pilipino ang salitang pangungutya at panghuhusga
dahil marami na ang nakaranas nito kaya naman isa na itong isyung panlipunan.
Isa ng halimbawa si Impen, na lumalaban sa kabila ng panlalait at ibang turing sa kanya ng mga tao. Maitim,
kulot ang buhok, at Inang nagkaroon ng iba’ t ibang asawa. Iyan ang mga panlalalit na araw-araw nyang
hinaharap. Ngunit natuto si Impen na lumaban. Lumaban kay Ogor na isa sa mga nanlalalit sa kanya. Si Impen
ay lumaban at natutong bumangon para umangat mula sa mga pagdurusa dulot ng kanyang lipunang
kinabibilingan.

You might also like