You are on page 1of 2

IMPENG NEGRO

Akda ni: Rogelio R. Sikat

Pagsusuring isinagawa ni:


Goodessa Weluck J. Hiponia
BSED 1C FILIPINO

Sa isang iskwater naninirahan si Impen kasama ang kanyang ina at mga kapatid. Tuwing aalis ng
bahay si Impen bilang isang agwador ay lagi siyang pinagbibilinan ng kanyang ina na umiwas sa
pakikipagaway lalo na kay Ogor. Si Ogor ang pinakasiga sa lahat ng mga agwador sa kanilang
lugar at madalas nitong tuksuhin si Impen dahil sa kulay ng balat nito. Isang araw sa kanyang
paglalakad ay pinatid siya ni Ogor kung saan tumama ang pisngi niya sa nabitiwang baldeng
tubig dahilan upang dumaloy ang dugo sa kaniyang pisngi na naging sanhi sa biglaang paglakas
ni Impen. Ganoon na lamang ang pagkamangha ng mga kapwa niya agwador nang matalo at
mapasuko niya si Ogor.
Mga Tauhan:
Impen – Pangunahing tauhan
Ogor – Mahipit na kaaway ni Impen
Ina ni Impen
Mga kapatid (Kano, Diding at Boyet)
Mga agwador

Bisa sa Isip:  
 Hanggang ngayon, laganap pa rin ang pangungutya lalo na pagdating sa kulay ng balat ng
isang tao.

 Nang dahil sa pang-aaping pisikal ni Ogor tungo kay Impen, nagawa rin nitong manlaban
sa pisikal na pamamaraan. Mata sa mata at ngipin sa ngipin.

 Ipinakita ni Impen sa kuwento na kahit ang isang walang lakas at inaaping nilalang ay
napupuno rin dahilan upang siya ay manlaban. Nais lamang nitong iparating na walang
mang-aapi kung walang gustong magpa-api.

Bisa sa Damdamin:
 Naawa ako sa pangunahing karakter hindi lamang dahil sa tinutukso siya ni Ogor kundi
dahil hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon upang makita at makilala ang
kaniyang ama at mag-isa niyang itinataguyod ang ina at tatlo pang mga kapatid.
Nakakagalit naman ang ginawang pangungutya ni Ogor kay Impen hindi lamang sa
kanyang kulay kundi pati na rin sa sa isyung pampamilya nina Impen. Tunay na kahanga-
hanga ang pagtitimping ginawa ni Impen at paglaban niya kay Ogor sa bandang huli dahil
hindi niya hinayaan ang sarili niyang maapi.
Bisa sa Asal:
 Malaki ang naging epekto ng kuwentong Impeng Negro sa aking asal. Nagawa kong
maging sensitibo sa mga binibitawan kong salita. Natutuhan ko rin na huwag gawing
katatawanan ang kulay ng balat ng isang tao. Nararapat din na hindi bumase sa panlabas
na kaanyuan kundi mas bigyang-pansin ang panloob na kalooban ng isang tao.

You might also like