You are on page 1of 3

a.

Pamagat : Impeng Negro

b. Tungkol sa May-Akda

Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1940-1997) ay isang Pilipinong
piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat
at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro,
Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay
nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo
Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag


dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang
Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang
lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog.
Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living
and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa
Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa


Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na
isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang
tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa
pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si
Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni
Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na si Sikat, pinarangalan siya ng
Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

c. Mga Tauhan

Impen - isang lalaking labing-anim na taong gulang, laging kinukutya ng mga tao dahil
sa kanyang kaitiman

Ogor - matipuno ang kanyang katawan, laging nangunguna sa pangungutya kay Impen

Inay - nangangaral at nagpapaalala kay Impen na huwag makipag-away

Kano - pitong taong kapatid ni Impen na maputi

Boyet At Diding - mga nakababatang kapatid ni Impen


Mga Agwador - kasamahan ni Impen sa pag-iigib ng tubig na palaging nangungutya sa
kanya

Taba - pagbibilhan ni Impen ng gatas para sa kanyang kapatid

d. Tagpuan :

Di man gaanong nailahad ang tagpuan sa kwento malalaman naman na ang mga
pangunahing kaganapan sa kwento na inilarawan sa tagpuan. Ang mga pangyayari ay
nagaganap dito araw-araw at may mga kaganapan gaya ng pang-mamaliit kay Impeng sa
gripo.

Inilrawan din ang mga uri ng tauhan sa kwento sa pamamagitan ng pagbanggit ng isa
pang tagpuan. Ang bahay nila Impeng na kung inilarawan ng may akda ay sinabing
barong barong lamang.

Naganap din dito ang pang aalipusta at matinding sagupaan ng dalawang tauhan sa
kwento. Inilarawan din ang kalagayang pamilya ni Impeng na kung susuriin ay hindi sila
gaanong biniyayaan ng magandang buhay datapwat kailangan nilang magsumikap. Ang
pamilya ay masasabing di gaya ng isang normal na pamilya dahil hindi ito buo, walang
bumubuong isang puno. Isang pamilya na kung saan iba’t iba ang nagbigay buhay sa
bawat bunga.

e. Buod

Sa giray na batalan ay naghuhugas ang maglalabing-anim na taong gulang na si Impeng


ay natigilan nang dahil sa pangangaral ng nanay niya sa kanya.Baka mapaaway na naman
siya.Sa apat na magkakapatid ay tanging si Impeng lamang ang maputi sapagkat sina
Kano,Boyet at DingDing ay mapuputi lalo na si Kano.Pag-alis niya ay isinuot niya ang
kamisetang dati ay masikip ngayo'y maluwag na. Parating sinasabi ng kanyang ina na
huwag na lamang pansinin si Ogor dahil ito ay basagulero talaga sa kanilang
lugar.Laging tinatandaan ni Impeng ang sinabe ng kanyang ngunit hindi niya
matagalan ang panlalait nito sa kanya.Si Ogor ay hindi itinuring na kaibigan si
Impeng.Siya ang malakas na agwador sa kanilang lugar.Di nagtagal ay tinanggap niya na
lamang dahil yun naman talaga ang totoo.

Pagkadating sa niya sa may gripo ay agad siyang pumila.Sa paglipas ng oras, ay


nakaipob na agad siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa- igib sa kanya.Kahit
naiinitan siya ay hindi nalang siya sumilong sapagkat sina Ogor at iba pa nitong
kasama.Nang si Ogor naman ang iigib ay biglang siyang sumingit,dahilan iyan upang
umuwi na lamang ngunit bigla siyang pinatid nito.Dahil dyan ay dumugo ang pisngi ni
Impeng.
Pagkatapos ay sinipa siya at gumulong siya sa mga balde.Nagtawanan ang mga
tao.Sinipa ulit siya at sa akmang sisipa ay kinagat ni Impeng ang paa kaya't pumailalim si
Ogor at si Impeng ang nasa ibabaw.Pinaulanan niya ito ng mga suntok dahilan upang
humina at sumuko.Tumayo at tinignan ang mga tao, ang mga ito ay nahihiya na sa
kanya.Dahil dito ay natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang
tibay,katatagan at kapangyarihan.Sa gitna ng sikat ng araw, siya'y naging sugatang
mandirigma na ang tangning hiling ay ang kapayapaan kahit na siya ay iba sa lahat.

f. Bisa

Tinalakay sa kwento ang pangmamaliit at pang-aalipusta ng mga taong iba ang katangian
at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay kung paano dapat ipaglaban ang dangal at
dignidad na di dapat sila husgahan at kutyain dahil sa bagay na kinatatayuan nila.
Inilarawan din ang mga mapangutya, mapang alipusta at mga taong walang alam sa mga
bagay na kanilang hinuhusgahan.

g. Mensahe

Ang kwentong Impeng Negro ni Rogelio Sicat ay isang akdang maihahalintulad sa


ginagalawan nating lipunan sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng paghimaymay sa iba't
ibang bahagi nito naipakita niya ang iba't ibang kaganapan na maaring dinaranas ngayon
ng maraming Pilipino. Napaikot niya ang mga tauhan nang may masining na
pagpapaunawa sa mambabasa. Ang pagiging mahusay na manunulat ni Sicat ay
maituturing na kaiba sa mga manunulat dahil hindi lang nito naapektuhan ang isang tao
kundi maging ang kabuuan ng lipunan, sa damdamin at isipan.

h. Konklusiyon

Ang storyang Impeng Negro ay isang mahalagang storya na nagtuturong maging mabuti
at huwag manakit sa nanakit sa iyo. Si Impen ay niloloko lagi ni Ogor at sinasabi lagi ng
nanay ni Impen na huwag lumaban pabalik at umalis na lamang. Laging niloloko at
ipinagtatawanan si Impen dahil sa kakulayan niya at pati na rin ang pagkatao ng nanay
nina. Si Impen ay isa sa mga pinakaitim sa pamilya niya. Siya’y maitim dahil ang tatay
niya an isang Negrong galing sa Estados Unidos. Ang nanay naman niya ay
pinagtatawanan din ng iba dahil siya’y tinatawag na parang “hoar” dahil sa paging babae
na nakakakuha ng para sa pagbibigay ng “pleasure” sa iba’t ibang lalaki. Si Impen ay
laging niloloko ni Ogor dahil sa kalagayan ng kanyang pamilya at pagkatao ni Impen.
Ang storyang ito ay nagtuturo na maging mas abutting tao at huwag gumawa ng di’ tama
o patulan ang nanloko sa iyo

You might also like