You are on page 1of 4

PANANAKOP NG MGA HAPON

Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula
1942 hanggang 1945, noongIkalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo
ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong
Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin
ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo,
umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na
noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila
noong Enero 2 1942. Bumagsak ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.
Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag naMartsa ng
Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.

Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthus sa Australia.


Pinalitan siya sa Corregidor ni HeneralJonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng
27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones sa
Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang
nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones
nang lumapag ang mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman
bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon.
Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945.
Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang
Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa
tinatangka nilang pagtakas.

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga
noong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor.
Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng
mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay
pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa
bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor.

Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak
nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito ito ay pinasok ng mga
Hapones noong Enero 2, 1942. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino hanggang sa
pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong Abril 9, 1942 at ang
Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga
Hapones sa Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105
kilometro sa Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at
1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong istraktura ng


pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong
Pilipinas). Isinaayos nila ang Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas
hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang
republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel ay hindi naging
popular.

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya.
Lumaban ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga
Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng
Estados Unidos. Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan,
kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan
sa bansa. Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng
Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang
kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.

Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2, 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng
Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-
libong mga Pilipino at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang
dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar
ng Estados Unidos (1935-1946) at ang sumali bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa
buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at lumaban
sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong
1944.

Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming
mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Maraming pang mga
sundalo ang dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano
ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong Setyembre
2, 1945. Nagdanas ang Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira
nang matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang
Maynila dahil hindi idineklara ng mga Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod
katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942....

You might also like