ILLEGAL LOGGING
I. INTRODUKSIYON
Ang illegal na pagputol ng mga puno ay labag sa batas ng ating pamahalaan para sa
kalikasan. Mga punong pinuputol ay Gawain ng mga taong mapag samatala, Sa mga taong
sarili lamang ang iniisip walang pakialam sa mga likas na yamang n gating kalikasan na
biyaya ng diyos na syang lumikha. Paano ba natin mapapatiling buhay an gating kapaligiran
lalong lalo na sa kabudukan?? May mga tao talagang mapagsamanta sa ating mga kalikasan
na yamang lupa lalo na kung ang paggiging “illegal” na ang pag uusapan. Ang illegal logging
Kasi para sa aking pag kakaintindi madali lang ang pera rito lalo nasa illegal logging madali
ang kumita rito kaya kahit na bawal at labag iot sa ating batas marami parin ang nag puputol
ng puno ng illegal.
Layunin nating mamayan na sugpuin ang mga illegal loggers pero ang nakakalungkot
dito ay ang mga malalaking tao sa ating pamahalaan ang nangunguna sa Gawain pag ubos sa
ating sa mga mamalalaking puno sana ay alam nila na bawal at labag sa ating batas, kaya
silang mga walang awang umubos ng mga puno ay ang mga yumayaman. Tayong mga
mahihirap ang pinapahirapan lalo pag dating sa baha dahil wala ng mga puno na siyang mag
sisilbe sanang tumitigil o sumispsip ng tubig upang hindi masyado lumaki ang baha.
Samantalang ang mga illegal loggers na nag-uubos ng mga puno sa kabundukan walang
nararanasang hirap. Kaya ang dapat nating gawin ay panatiliin nating buhay ang ating
kabundukan sa pamamagitan ng pagtatanim ng ulit ng mga punog pinutol . Makialam na tayo
sa mga bagay na tayo rin ang aani balang araw.
Dapat sa ating mga mamayan sikapin nating na makialam para hindi babalik sa atingang
karma. Kung ano ang mga pinaggagawa nating mabuti, mabuti rin ang babalik nito sa atin
pero kung mali ang pinaggagawa , mali rin ang babalik sa atin at kapahamakan ang
matatamo.
Katulad lang yan sa kalikasan pag iyong inabuso ang yamang na binigay ng may kapal
satin ay sating ding babalik may kasabihin ngang nasa dios ang awa nasa tao ang may gawa
kaya panatilin nating maganda ang kalikasan dahil para sa atin din naman ito.
II. KATAWAN
Suno -sunod na ang mga bagyo at pagbaha na ating dinaranas at libo-libo nang mga
kababayan natin ang naapektohan, hindi ba kayo nagtataka nagagalit na sa atin ang inang
kalikasan. Ito ba ay sumpa sa mga ginagawa nating pagsira at pagdudumi sa atin kapaligiran?
Resulta lang ito ng climate change, iyan ang paliwanag ko kay lola Matilde pero matigas pa
rin ang kanyang paniniwala na ang lahat nang mga nararanasan natin sakuna ay buwelta sa
atin ng inang kalikasan.
At bakit nga ba tayo ay binabaha ngayon, di ba sanhi ito ng walang pakundangang pagputol
ng ating mga punong kahoy sa kagubatan at kabundokan? Alam na ng lahat ang maaring
sakunang idudulot ng pagkalbo natin ng ating mga kagubatan ngunit tuloy pa rin ang illegal
logging. Mga mamayan mismo ang umaalma kapag hinihigpitan ang mga regulasyon tungkol
at pagpapatupad ng mga batas laban sa pagputol at pagtumba ng mga punong kahoy legal
man o hindi. Para sa iba mahalaga para sa kanila ang timber industry dahil dito sila
nabubuhay at naghahanap buhay. Ang kuwestiyon ay ilan kaya sa mga taong pasaway na ito
ang ngayon ay nakakaranasan na ng pagbaha at pagkasira ng kanilang mga ari=arian dahil
lamang sa pagsira ng ating mga kagubatan?n
Mga plastic na basura at iba pang mga lumang kagamitan na basta itinatapon na lang sa mga
ilog at karagatan, di ba bumabalik din sila para tayo ay usigin sa ating kapabayaan at kawalan
ng disiplina?
Sige umapaw pa ang tubig mula sa kabundokan, mga ilog at sapang barado dahil sa mga
tambak na basura at nang maranasan natin ang bunga ng ating paglapastangan sa ating
kapaligiran at inang kalikasan. Ilang buhay pa kaya ang mawawala upang tayo’y matauhan.
Sige magtayo pa tayo ng mga paktorya at magpaandar ng mga sasakyan na nagbubuga ng
usok na nakakalason sa kapaligiran at sanhi ng global warming. Di ba sa mga kimikal na
itinatapon natin sa ating mga ilog at karagatan ay unti-unting sinisira ang ecological balance
at dahilan din ang pagkawala ng mga lamang ilog at dagat na sana’y saganang nakakain
natin? Sige, isarin pa natin ang ating kapaligiran nang tayong lahat ay makaranas nang
matinding tag-gutom sa bandang huli.
Maluha-luha si lola Matilde. Maganda man ang tinitirahan niyang bahay sa isang magarang
subdivision ngunit batid niya na itong lugar na ito ay dating kakahuyan at kabundokan na
inarao at pinatag upang tayuan ng mga bahay. Ayan nag-lanslide tuloy at ilang buhay na
naman ang nasayang.
Ganid at kabuktotan ng mga tao ang kanyang sinisisi. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang
paglubo ng papulasyon. At lalong sinisisi niya ang mga pulitiko, opisyal ng gobiyerno, at
mga negosyante at kapitalistang nagsabuwatan para magmina, magputol ng mga kahoy, at
magtayo ng mga subidvision at resort sa mga lugar na dapat lamang ay taniman ng mga palay
at mga kagubatan na sana ay nagtatanggol sa atin sa pagbaha at mainit na klima at
temperatora.
Ito’y sumpa, sumpa ang bulong sa akin ni lola Matilde. Kung tutuosin may laman ang
kanyang mga sinasabi. Malapit nang mag-nubenta anyos si lola at nabibilag na ang kanyang
mga araw. Ngunit taglay pa rin niya ang alaala ng maganda nating kapaligiran, malinis na
ilog at karagatan, at kasaganahan sa mga isda at iba pang lamang dagat na siyang kinakain
noon ng ating mga ninuno at mga pilipinong nauna pa sa atin.
Of course ipagpapalit mo pa ba ang modernong kabihasnan na ating nakasanayan na ngayon?
Hindi nga marahil; ngunit ang mga dumi na ating itinatapon sa kapaligiran upang tayo ay
magkaroon ng computer, kotse, television at mga iba pang gamit ay hindi ba sanhi ito ng mga
pagbaha at polusyon na siya ring nagpapahirap ngayon?
Sa kasalukuyang panahon nakaaalarma na ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon
dahil sa ating kapabayaan. Dahil kung anong ginanda noon ay iyon naman ang kinabaliktaran
sa panahon natin ngayon sapagkat hindi natin napapangalagaan ng maayos. Kung ito lang ay
natratrato ng tama e’di sana’y hindi natin nararanasan ang mga dilubyo at krisis na
sinasagupa sa panahon natin ngayon. E’di sana’y walang mga sirang daan, sirang kalikasan
at sirang kabuhayan tayong nararanasan ngayon!. Sana ay habang may panahon pa at hindi
pa huli ang lahat ay matutunan natin itong alagaan. Sana ay hanggang maaga pa ay
masolusyonan na ang problemang ito
Layunin nating mamayan na sugpuin ang mga illegal loggers pero ang nakakalungkot dito ay
ang mga malalaking tao sa ating pamahalaan ang nangunguna sa Gawain pag ubos sa ating sa
mga mamalalaking puno sana ay alam nila na bawal at labag sa ating batas, kaya silang mga
walang awang umubos ng mga puno ay ang mga yumayaman. Tayong mga mahihirap ang
pinapahirapan lalo pag dating sa baha dahil wala ng mga puno na siyang mag sisilbe sanang
tumitigil o sumispsip ng tubig upang hindi masyado lumaki ang baha. Samantalang ang mga
illegal loggers na nag-uubos ng mga puno sa kabundukan walang nararanasang hirap. Kaya
ang dapat nating gawin ay panatiliin nating buhay ang ating kabundukan sa pamamagitan ng
pagtatanim ng ulit ng mga punog pinutol . Makialam na tayo sa mga bagay na tayo rin ang
aani balang araw.
III. CLIPPINGS
IV. KONKLUSIYON
Sa ating panahon ngayon mahirap sagutin ang mga tanong na iyan dahil alam na
alam na alam natin na natin na an gating kalikasan ay sirang-sira na dahil sa mga maling
Gawain ng mga tao. San ba tayo komukuha n gating mga pangangailagan diba sa kalikasan.
Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling
lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa
pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na
dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng
ating kaalaman.
Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspots na
tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa ating bansa.
Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi pa natin alam kung
paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Ang kakulangan natin ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan, abusadong paggamit
nito at walang disiplina at limitasyon pagpapatayo ng mga inprastraktura, maling paraan
pagtatapon ng basura, mali paraan ng pangingisda ang naging dahilan kung bakit
nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Halos taon-taon tayong nakakaranas ng
matinding pagbaha, landslide, phenomena at pagbabago ng [Link] mga mamamayan
at lahat ng nabubuhay dito sa mundo ang naaapektuhan ng mga sakuna at hindi magandang
pagbabagong ito.
Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman sapagkat dito tayo
kumukuha ng ating mga pangangailangan sa ating pamumuhay at dito rin nakasalalay ang
ating kaligtasan. Huwag na nating antayin pa na mailagay sa panganib ang buhay natin, at
magkaroon ng realisasyon sa kahalagahan ng kalikasan.