You are on page 1of 10

7

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter I – Linggo 5
Kahulugan at Kahalagahan
ng Hilig sa Kurso o Negosyo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I– Linggo 5 : Kahulugan at Kahalagan ng Hilig sa Kurso o Negosyo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Regina E. Carandang


Pangnilalamang Patnugot: Liwayway K. Cajegas, Shirley F. Lilang
Lucille F. Magnetico
Editor ng Wika: Alvin G. Buñag
Tagawasto: Shirley F. Lilang EPS-EsP, Luz L Javarez
Tagasuri: Shirley F. Lilang EPS-EsP
Tagaguhit: Aries E. Carandang, Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Regina E. Carandang, Lucille F. Magnetico
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD ASDS
Cyril C. Serador PhD CID Chief
Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang EPS-EsP
Eva Joyce C. Presto PDO II
Rhea Ann A. Navilla Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon
Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrer M. Melad,
Glenda T. Tan at Joseph Aurelio

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 5
Kahulugan at Kahalagan ng Hilig sa Kurso
o Negosyo
MELC:Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
EsP7PSIe-3.1
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng hilig.
2. Naiisa-isa ang kahalagahan ng hilig sa pagpili ng kurso, negosyo o hanap-
buhay.
3. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanap-buhay.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o tanong. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ano ang tawag sa isang gawaing mabuti at nakalilibang na ginagawa ng mga tao
upang maaliw?
A. bisyo B. hilig C. kakayahan D. talento
_____2. Sino ang pangunahing makikinabang sa pagpapaunlad ng iyong hilig o interes?
A. Pamilya B. Sarili C. Lipunan D. Bansa

_____3. Ang sumusunod ay mga mahalagang katotohanan tungkol sa hilig MALIBAN sa


A. Ang hilig ay mainam na basehan ng pagpili ng kurso o trabahong nais kunin sa
kolehiyo.
B. Ang hilig ay isang gawain na nagbibigay kasiyahan sa isang indibidwal at
maaaring makatulong sa pag-unlad.
C. Ang hilig ay nakatutulong rin upang mapaunlad ang ano mang kakayahang
meron ang isang indibidwal.
D. Kinakailangan ng talento at kakayahan upang magkaroon ng hilig ang isang
indibidwal.

_____4. Ang sumusunod ay kurso o negosyo na maaaring kunin ni Mario na nagtataglay ng


hilig sa pagbabasa at pagsusulat MALIBAN sa
A. guro C. journalist
B. negosyong bookstore D. karpintero

_____5. Si Anabelle ay mahilig mag-alaga ng hayop gaya ng pusa at aso, ano kaya ang
nababagay na trabaho o negosyo sa kanya?
A. agriculture B. doktor C. inhenyero D. veterinarian

1
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Ang interest o hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain

Kahulugan at kahalagahan ng Hilig


Lahat ng tao ay may natatanging Hilig o Interes. Hindi man natin napapansin ngunit
may mga nagagawa tayo o ginagawa tayo na sadyang nagpapasaya sa atin.Pagdating sa
usaping nagpapasaya, ito ay hindi lang madalas natatagpuan sa tao o bagay, minsan sa
mga gawain din. Ito ang tinatawag nating HILIG o INTERES.

Ang Hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ay nag-uudyok o


nagtutulak sa isang tao na kumilos o gumalaw. Ito rin ang pinanggagalingan ng motibasyon
mo sa sarili kung kaya’t nagsisikap kang gawin ang isang bagay o kumilos.

Ang mga hilig ay ginagabayan ng iyong values o pagpapahalaga kung saan


napapaloob ang mga kaalaman mula sa pananaliksik o expert systems of knowledge.
Halaga ng Hilig sa pagpili ng kursong akademiko, negosyo o trabaho
Mula sa iba’t ibang larangan ng hilig at mga tuon ng atensyon na iyong natutunan
sa naunang mga aralin, makapipili ka nang maaayos na babagay sa iyong mga kursong
akademya, negosyo o trabaho. Sa paanong paraan? Ang mga larangan at tuon ng atensyon
ay mainam na gawing basehan sa pagpili ng kurso, negosyo o trabaho.
Gaya halimbawa ni Jose P. Rizal, ang tinaguriang bayani ng ating bansa dahil
nagawa niyang ipagtanggol ang Pilipino mula sa mga dayuhan dahil lamang sa kanyang
panulat. Para sa kaalaman ng lahat, si Jose P. Rizal ay mahilig magbasa at magsulat, at
ang hilig niyang ito ay kanyang ginamit upang palaguin ang sarili at naging daan pa nga
upang mailigtas ang ating bayan mula sa kamay ng mga malulupit na mananakop.
Ang isa pa ay si Lebron James, isang tanyag na basketball player. Hindi ba’t
makikita mo sa kanya ang larawan ng tunay na kaligayahan? Ito ay dahil sa masaya siya
sa ginagawa niya at sa nakukuha niya mula sa ginagawa niya. Hindi lang siya basta
naglalaro dahil kumikita din siya sa larong ito. Marami pang mga kilalang tao na
matagumpay at maligaya sa kanilang mga naging kapalaran. Ang kailangan ninyong
matutunan dito ay ang halaga ng ugnayan ng hilig at kurso o trabahong nais niyo. Kung
gagamitin ninyong basehan ang inyong hilig at kakayahan sa pagpili ng kurso o negosyong
nais niyo ay magiging magaan ang trabaho ninyo. Sa totoo lang, hindi ninyo
mararamdaman ang trabaho dahil parang naglalaro lang kayo at inaaliw ninyo lamang
ang sarili ninyo. Kapag ganito ang sitwasyon, magtatrabaho kayo dahil sa pasyon at hindi
dahil sa pera na makukuha ninyo o sa larangan na maaari ninyong makuha sa ginagawa
niyo.

(Pinagkunan: Aprilyn G. Miranda et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Pasig City:


Department of Education, 78.)

2
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat situwasyon. Iguhit ang masayang mukha
( 😊 ) sa patlang na inilaan kung ito ay tumutukoy sa kahulugan ng hilig at
malungkot na mukha (☹)naman kung hindi.

______1. Ginagawa ang isang bagay na nagpapasaya sa atin.


______2. May interes sa isang gawain.

______3. Nag-uudyok sa tao na kumilos o gumalaw.

______4. Napipilitang kumilos o gumawa dahil sa magulang.


______5. Pinanggagalingan ng motibasyon ng sarili upang pagsikapang gawin
ang isang kilos.

Gawain 2
Panuto: Piliin sa mga larawan kung anong hilig o interes ang tinutukoy ng mga
pangungusap sa mga bilang sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

_____1. Mahilig sa mga babasahin o mga literary.


_____2. Pakikipaglaro ng mga outdoor/indoor games.
_____3. Mahilig makinig ng musika at mga awitin.
_____4. Mahilig sa pagkain at pagluluto
_____5. Naaaliw sa iba’t ibang uri ng halaman lalo na sa mga bulaklak.

Naunawaan mo ba ang kahulugan ng hilig?

3
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nagpapakita ng kahalagahan ng
hilig sa pagpili ng kurso, negosyo o hanap-buhay. Piliin sa mga larawan ang
tumutukoy sa hilig na binanggit sa pahayag. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____1. Si Lynie ay anak ng isang clerk at madalas siyang dalhin ng kanyang ina sa opisina
kung kaya nakahiligan na niya ang mga trabaho o gawain sa opisina.
_____2. Mula sa mga napapanuod sa youtube na mga beauty tutorial, nakahiligan na rin ni
Leonor ang mangolekta ng mga beauty products and kits. Kalaunan ay ginawa na
niyang negosyo ang pagbebenta ng mga ito.
_____3. Walang ibang pagbubuhusan ng mga bakanteng oras si Regie Boy kundi ang
maglaro ng kahit na anong outdoor games gaya ng basketbol. Naging Assistant
Coach siya ng isang basketball team.
_____4. Madalas bansagan na “malamig ang kamay” si Virgo dahil sa husay nitong mag-
alaga ng halaman at hilig niya ito. Kung kaya’t naisipan niyang kumuha ng
kursong Agriculture.
_____5. Si Ella ay mahilig magluto. Online seller siya ng mga lutong ulam at meryenda.

Gawain 2
Panuto: Ihambing ang kaugnayan ng mga kilalang tao sa Hanay A na may iba’t ibang
propesyon at piliin sa Hanay B ang katumbas na hilig ng mga ito.

Hanay A Hanay B
___1. Lea Salonga a. mahilig sa kalikasan
___2. Hidilyn Diaz b. mahilig kumanta
___3. Chef Boy ”Pablo Logro” c. mahilig sa contest/beaty contest
___4. Pia Wurtzbach d. mahilig magluto
___5. Alex Gonzaga e. mahilig magbuhat ng mabibigat
f. mahilig mag-vlog

Lahat ng tao ay may iba’t ibang hilig o interes. Kahit pa man ikaw ay
may kapansanan o wala. Walang pinipiling lahi o istado sa buhay.
Sapagkat ito ay kusang nakukuha o nabubuo sa iyong pagkatao ayon sa
iyong pagpupursige at pagsisikap. Ikaw? Ano ang hilig o interes mo?

4
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Isa-isahin at kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag mula


sa natutunan sa aralin. Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot.

A. gawain B. hilig C. nag-uudyok D. nagpapasaya E.motibasyon

Ang 1. _________ ay taglay ng tao. Madalas ay hindi ito napapansin ngunit may mga 2.
__________ na sadyang nagpapasaya sa iyo. Ito ay 3. ____________ sa tao upang kumilos o
gumalaw at nagsisilbing 4. _____________________ na tapusin at gawin ang isang kilos.
Mahalaga ang hilig sa pagpili ng kurso, negosyo o trabaho dahil gagaan ang trabaho kung
ang iyong ginagawa ay 5. ____________ sa iyo. Masaya kang tapusin ang bawat trabaho na
bukal sa iyong kalooban.

Ating Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at tanong. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.

_____ 1. Ang hilig ay _______ sa partikular na uri ng gawain ?


A. interes B. pagsubok C. pagpili D. preperensiya

_____2. Hilig ang pinanggagalingan ng motibasyon sa __________ upang gawin ang isang
bagay o kumilos.
A. pamilya B. sarili C. lipunan D. bansa

_____3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa hilig?


A. Ang hilig ay mainam na basehan ng pagpili ng kurso o trabahong nais kunin sa
kolehiyo.
B. Ang hilig ay isang gawain na nagbibigay ng panandaliang saya sa isang
indibidwal.
C. Ang hilig ay walang kaugnayan sa anumang gagawin mo sa iyong buhay kundi
ang iyong sarili.
D. Kinakailangan ng talento at kakayahan upang magkaroon ng hilig ang isang
indibidwal.

5
_____4. Alin sa sumusunod na propesyon ang maaaring piliin ni Mariel kung ang hilig niya
ay pagkanta?
A. doktor C. journalist
B. singer D. inhenyero

_____5. Si Manuel ay mahilig sa pagluluto, ano kaya ang nababagay na trabaho o negosyo
sa kanya?
A. chef B. drayber C. inhenyero D. guro

6
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. B 2. B 3. D 4. D 5. D

Tayo’y Magsanay
Gawain 1
1. 😊 2. 😊 3. 😊 4. ☹ 5. 😊

Gawain 2
1. C 2. D 3.A 4. E 5. B

Ating Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2
1. B 1. B
2. C 2. E
3. D 3. D
4. E 4. C
5. A 5. F

Ang Aking Natutuhan


1. B 2. A 3. C 4. E 5. D

Ating Tayahin
1. D 2. B 3. A 4. B 5. A

Sanggunian
Aklat

Miranda, Aprilyn G., Bontia, Maria Tita Y., Valdez, Jona Kristen M., Rafal, Joel V., Arnedo,
Patricia Jane S., Jornales, Jasper, Martin, Kate F., Navarro, Frisa L., Bonifacio,
Janeth A., Yumul, Benedick Daniel O. Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City:
Department of Education.2015.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like