You are on page 1of 41

Karunungang-bayan

at Mga Salitang
Magkasingkahulugan at
Magkasalungat
KARUNUNGANG-BAYAN

- isang sangay ng panitikan kung saan nagiging


daan upang maipahayag ang mga kaisipan na
nakapabilang sa bawat kultura ng bawat
tribu.
1. SALAWIKAIN

- Ito ay isang patalinghagang pahayag na


ginagamit ng mga matatanda noong unang
panahon upang mangaral at akayin ang mga
kabataan sa mabuting asal.
Halimbawa:

1. Anak na di paluhain, Ina ang patatangisin


2. Nasa Diyos ang awa, Nasa Tao ang gawa
2. SAWIKAIN / IDYOMA

– ay nagtataglay ng patalinghagang pananalita.


Ito ay paraan ng pagpukaw at paghasa sa
kaisipan ng tao na may nakatagong
kahulugan.
Halimbawa:

Bahag ang buntot - duwag o takot


Basa ang papel - masama ang kasaysayan
Bilugin ang ulo - madaling lukuhin
Batak ang katawan - sanay sa paggawa
Maitim ang buto - masamang tao
3. KASABIHAN

– Ito ay bukambibig ng mga bata at


matatanda na kung tawagin sa Ingles ay
Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay
may payak na kahulugan pagdating sa kilos,
ugali, at gawi ng isang tao.
Halimbawa:

Gaya-gaya Puto maya


Ibig nang mag-asawa

Haba ng hair
Utak mo Puro air
4. BUGTONG

--Ang mga bugtong ay pahulaan sa


pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay
binibigkas nang patula at may lima hanggang
labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang
pinakamayaman sa bugtong.
Halimbawa:

Ø Dito ko itinanim, doon tumubo


(flashlight)

Ø May isang prinsesa nakaupo sa


tasa. (kasoy)
5. PALAISIPAN

- Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang


gumigising sa isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa:

Ø Sa gitna ng dagat ano ang iyong


makikita? (letrang G)

Ø Iisa na, kinuha ko pa ang isa may


dalawa pang natira (kabibe)
6. BULONG

- Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at


tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam
o pangontra sa kulam, engkanto, at
masamang espiritu.
Halimbawa:

Ø Tabi-tabi po nuno, makikiraan lang po.

Ø Pwera usog, pwera kulam.

Ø Huwag magagalit kaibigan


Aming pinuputol lamang
ang sa ami’y napag-utusan
Kasingkahulugan

– ay tumutukoy sa mga salitang


magkaparehong kahulugan.
Halimbawa:

matalino – madunong
wagas – dalisay
mayaman – mariwasa
masikip – makitid
Kasalungat

–ay tumutukoy sa mga salitang may taliwas


na pagpapakahulugan ng mga salita.
Halimbawa:

makapal – manipis
masaya – malungkot
mabilis – mabagal
mayaman – mahirap
Ipaliwanag:

Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating


kapalaran.
Ipaliwanag:

 Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay


nadadala sa pagtanda.
Ipaliwanag:

Ang katotohanan kahit na ibaon,


mabubulgar rin pagdating ng panahon.
Ipaliwanag:

Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang


nananalo ay hindi umaayaw.
Ipaliwanag:

Abot-tanaw
Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Abot-tanaw ko na ang aking
pangarap.
Ipaliwanag:

Alilang-kanin
5. Alilang-kanin

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain


lang, pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.
Halimbawa: Kawawa naman ang alilang-kanin
na si Perla.
Ipaliwanag:

 Alog na ang baba


Alog na ang baba

Kahulugan: Matanda
Halimbawa: Alog na ang baba ngunit ayaw pa
rin tumigil sa pagta-trabaho ni Lolo Lito.
Balitang kutsero
 Balitang kutsero

Kahulugan: Maling balita, hindi totoong balita


Halimbawa: Hindi ako naniniwala sa mga
balitang kutsero ni Aries.
Balik-harap
 Balik-harap

Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap


ngunit taksil sa likuran
Halimbawa: Nakakainis talaga ang mga taong
balik-harap.
 Bulang-gugo
 Bulang-gugo

Kahulugan: Galante, laging handang gumasta


Halimbawa: Masarap kasama ang taong
bulang-gugo.
Di mahapayang
gatang
Di mahapayang gatang

Kahulugan: Sobrang yabang
Halimbawa: Kung ako sa’yo ay hindi ko
kakaibiganin si Letty dahil siya ay di
mahapayang gatang.
Ibong mandaragit
 Ibong mandaragit

Kahulugan: Mananakop
Halimbawa: Ang dating ibong mandaragit na
Estados Unidos ang isa sa may pinakamalaking
naitulong sa mga nasalanta ng lindol sa Nepal.
Kusang palo
Kusang palo

Kahulugan: Sariling sipag
Halimbawa: Kung ako sa’yo ay magkukusang
palo ako at hindi aasa sa iba.
Ipaliwanag:
Sumulat ng sariling salawikain at
ipaliwanag.
Nilalaman- 10 puntos
Paggamit ng mga salitang matatalinhaga- 5 puntos
Orihinalidad- 5 puntos
Paliwanag- 10 puntos

You might also like