You are on page 1of 6

Department of Education

Kumalarang national High School


303899

PAGSUSULIT SA IKALAWANG MARKAHAN


FILIPINO 7

Pangalan: _____________________________ Petsa:___________ Iskor:______

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Para sa aytem 1-5, suriin ang antas ng wikang ginamit sa awiting-bayan.

_____1. Pagtuonan ng pansin ang awiting bayang “Si Felimon”. Sagutin ang tanong
pagkatpos nito.
Pinabgbili, pinagbili
Sa isang munting palengke,
Ang kaniyang pinagbilhan,
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
Aling antas ng wika ang ang salitang tuba?
A. Pormal B. Balbal C. lalawiganin D. kolokyal
____2. Awitin nang tahimik ang “awiting batang munti” Sagutin ang tanong pagkatpos nito.
“Batang munti, Matulog na; Wala rito ang iyong ermat,
Siya’y bumili ng tinapay; Batang munti,Matuog na”
Aling antas ng wika ang salitang nakasalungguhit sa awit?
A. Pormal B. Balbal C. lalawiganin D. kolokyal

____3. Pagtuonan ng pansin ang bahagi ng awiting “Dandansoy”. Sagutin ang tanong
pagkatpos nito.
Dandansoy kung ako’y iyong susundan,
Kahit tubig huwag ka nang magbaon…
Aling antas ng wika ang ginamit sa awiting Dandansoy?
A. Pormal B. Balbal C. lalawiganin D. kolokyal
_____4. Pagtuonan ng pansin ang bahagi ng awiting “Dandansoy”. Sagutin ang tanong
pagkatpos nito.
“Dandansoy kung ako’y iyong susundan,
Kahit tubig ‘wag ka nang magbaon…”
Kung ganito ang anyo ng pagkakasulat ng awiting Dandansoy, nasa anong
antas ng wika ito?

A. Pormal B. Balbal C. lalawiganin D. kolokyal


_____5. Pagtuonan ng pansin ang bahagi ng awiting “Dandansoy”. Sagutin ang tanong
pagkatpos nito.
“ Guibaligya, guibaligya, sa mercado nga guba;
Ang halin puros kura, ang halin puros kura; Igo ra ipanuba”.
Ang mga salitang ginamit sa awit ay nakasulat sa orihinal nitong wika. Sa
aling antas ng wika mapapabilang ang ganitong mga salita?
A. Pormal B. Balbal C. lalawiganin D. kolokyal
______6. Awitin nang tahimik ang bahagi ng awiting “Si Felimon” pagkatapos ay sagutin ang
tanong sa ibaba.
“Pinabgbili, pinagbili
Sa isang munting palengke,
Ang kaniyang pinagbilhan,
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba”.
Alin sa sumusunod ang totoo sa hinggil sa kultura ng pagtutuba ng
kabisayaan?
A. Ang pagtutuba ay pangunahing hanapbuhay ng mga Bisaya.
B. Ang pagtutuba ay isang marangal na hanapbuhay
C. Ang pag-inom ng tuba ay isang paraan ng pagpapalipas ng oras ng mga
bisaya.
D. Ang pag-inom ng tuba ay nakasasama sa kalusugan.

______7. Suriin ang nilalaman ng bulong. Sagutin ang tanong pagkatapos nito.
“Tabi, tabi
Nuno makikiraan lang,
Patawarin kami kung kayo’y matapakan”
Aling kultura ang lumulutang sa bulong sa itaas?
A. Paniniwala sa mga engkanto at lamanlupa.
B. Takot sa mga engkanto at lamanlupa.
C. Paghingi ng tawad sa mga nuno.
D. Pagiging matatakutin sa mga kababalaghang pangyayari

______8. Suriin ang nilalaman ng bulong. Sagutin ang tanong pagkatapos nito.
“Dagang malaki, dagang maliit, heto ang ngipin kong sira na’t pangit.
Sana ay bigyan mo ng bagong kapalit”
Anong paniniwala ang pumapaloob sa bulong na ito?
A. Paniniwalang isa itong paraan ng pangontra sa pananalasa ng daga[‘.
B. Paniniwala at pagsasamba sa daga
C. May paniniwalang dapat kinakausap ang daga
D. May paniniwalang dapat katakutan ang mga daga

_____9. Ang halimbawa ng bulong na nakalahad sa aytem 7 at 8 sa itaas ay maiuugnay sa


konsepto ng _____
A. Pamahiin B. Tradisyon C. Paniniwala D. Kulturang material
_____10. “Batang munti, Matulog na; Wala rito ang iyong nanay,
Siya’y bumili ng tinapay; Batang munti,Matuog na”
mapapansin mula sa awit na hinehele ang bata ng hindi niya nanay. Alin sa
sumusunod na kultura ang masasalamin sa awit na maiuugnay sa uri ng pamilyang
Pilipino?
A. Small family o kaunti ang miyembro ng pamilya
B. Big Family o marami ang miyembro ng pamilya
C. Extended family o magkasamang namumuhay ang mag-anak kasama ang
ilang kaanak.
D. Nuclear Family o Tipikal na uri ng pamilyang binubuo ng tatay, nanay at mga
anak
Para sa aytem 11-20, piliin mula sa mga opsiyon ang angkop na pahayag sa paghahambing
na bubuo sa diwa ng pangungusap.
_____11. _____ ng palay, naging pangunahing hanapbuhay ang pagtatanim ng manga sa
Visayas.
A. Katulad B. Mas C. Kasingdami D. Di-hamak
_____12. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, _____ ng hangin sa lungsod.
A. Di-tulad B. Mas C. Kasingdami D. Di-hamak
_____13. Ang mangga sa Ilo-ilo ay ___ matamis kaysa sa ibang lugar.
A. Di-tulad B. Mas C. Kasingdami D. Di-hamak
_____14. Iyon na yata ang _____matamis na manggang natikman ko sa buong buhay ko.
A. Di-tulad B. mas C. pinaka D. Di-hamak
_____15. _____ ang balat ng manggang Iloilo sa isang porselana!
A. Magkasingkinis B. Magkasingganda
C. Di-gaanong makinis D. Di gasinong makinis
_____16. Balita ko kaya matamis ang magga sa Iloilo dahil sa natural na pataba. Mabuti
_____ sa kalusugan ang mga natural na pataba sa tanim.
A. Di-tulad B. mas C. pinaka D. Di-hamak
_____17. Isa pang dahilan bakit kilala ang manggang Iloilo dahil sa kanilang magsasaka.
_____ ng magsasaka ang mga manggagawa.
A. Mas masipag B. Kasinsipag C. Di-hamak na masipag D. Tamad
_____18. Isa pa, ____mainam na suportahan ang mga produktong lokal kaysa produktong
Inangkat mula ibang bansa.
A. Di-tulad B. Mas C. Kasingdami D. Di-hamak
_____19. Sana makapasyal tayo sa Visayas. Balita ko, ____payapa ang buhay dito kaysa
ibang probinsya.
A. Di-tulad B. Mas C. Kasingdami D. Di-hamak
_____20. Sana matikman natin ang ____masarap na mangga sa buong mundo!
A. Di-tulad B. mas C. pinaka D. Di-hamak
Para sa aytem 21-25, basahin at unawain ang mga pahayag. Pagtuonan ng pansin ang
deyalye, kaisipan at nakapaloob rito.
_____21. “Magtanim ay di biro, maghapong nakayuko, di naman nakaupo, di naman
nakatayo” Ano ang mensaheng nais sabihin ng awit?
A. Ang pagtatanim ay hanapbuhay na marangal
B. Ang pagtatanim ay mainam sa kalusugan.
C. Isang mahirap na gawain ang pagtatanim
D. May pera sa pagtatanim
____22. “Nagnakaw ka ng bigas ko, umulwa sana ang mata mo,
mamaga ang katawan mo, patayin ka ng mga anito”
Ano ang tono ng taluduran?
A. Naiinis
B. Nasisisyahan
C. Nagagalit
D. Nanunumpa
____23. Pansinin muli ang taludturan sa aytem 21. Ano ang pinakaangkop na mensaheng
maiuugnay rito?
A. Hindi mabuting asal ang pagnanakaw
B. Ang kasamaan ay natutumbasan din ng kasamaan
C. Ang kabutihan ay natutumbasan din ng kabutihan
D. Kasusuklaman ng kapwa ang gumagawa ng masama
_____24. “Tra, la la, la,
Ako’y nagtanim ng binhi, Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga, ang bunga’y naging binhi”
Tungkol saan ang awit?
A. Kung may itinanim; may ibebenta
B. Ang pagtatanim ay isang paikot na proseso.
C. Mahirap ang buhay ng magsasaka
D. Sa pagtatanim ng binhi nagsisimula ang paglago ng hanapbuhay
____25. “ang bunga’y naging binhi”…alin sa sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan ng
pahayag?
A. Pag-asa
B. Pagbabago
C. Pagkahapo
D. kayamanan

Para sa aytem 26-35; Piliin ang pinakaangkop na ayos ng mga salita ayon sa digri ng
pagpapakahulugan (Pagkiklino).

____26. A. saya, tuwa, ligaya


B. ligaya, tuwa, saya
C. saya, ligaya, tuwa
D. tuwa, saya, ligaya
____27. A. Iyak, hagulgol, hikbi
B. hagulgol, hikbi, iyak
C. iyak, hikbi, hagulgol
D. hikbi, hagulgol, iyak
____28. A. puno, siksik, liglig
B. siksik, liglig, puno
C. puno, liglig, siksik
D. liglig, siksik, puno
____29. A. galit, poot, muhi
B. poot, galit, muhi
C. muhi, poot, galit
D. muhi, galit, poot
____30. A.Tawa, hagikgik, halakhak
B.Hagikgik, tawa, halakhak
C.Halakhak,hagikgik, tawa
D.Tawa, halakhak, hagikgik

_____ Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng kabisayaan

31-35; basahin ang buod ng alamat. Sagutan ang sumusunod na bilang.

Ang alamat ng Alamat

I- Noong unang panahon sa bulubunduking lugar sa isang malayong bayan sa


lalawigan ng Bohol ay may naninirahang isang lalaking balo na ubod ng yaman.
Sa paanan ng kaniyang kinatitirikang bahay na nakatayo ang maliliit na
kabahayan ng mga naghihikahos na tao.
II- Lumipas ang araw, mga buwan wala siyang balita sa kaniyang anak hanggang
isang di inaasahang malakas na bagyo ang humampas sa kanilang lugar. Tumaas
ang tubig at nagkaroon ng malaking baha. Ang mga residente kasama si Selin ay
pumunta sa kaniyang bahay upang pansamantalang lumikas ngunit pinagsarhan
niya ito ng pinto.
_____31. Sino ang pangunahing tauhan ng alamat?
A. Matandang mayaman
B. Selina
C. Lando
D. Hindi binanggit

_____32. Pag-aralan ang talata I. Alin sa sumusunod na ideya ang TOTOO hinggil sa lugar na
pinanggalingan ng alamat?
A. Bulubundukin
B. kapatagan
C. dalampasigan
D. lungsod
_____33. Pag-aralan ang talata I. Alin sa sumusunod na ideya ang TOTOO hinggil
pamumuhay ng residente sa lugar na binanggit sa alamat?
A. Mayayaman ang residente
B. Mas maraming mahihirap na residente
C. Sagana sa pamumuhay
D. Umaasa ang mahihirap sa mayayaman
_____34.Pag-aralan ang talata II. Alin sa sumusunod ang TOTOONG naglalarawan sa lugar na
nabanggit sa alamat?
A. Binabaha ang lugar at madalas na daanan ng bagyo.
B. Handa ang lugar sa mga kalamidad
C. Ligtas na tirahan ang lugar mula sa kalamidad
D. Madalang ang malakas na ulan sa lugar
_____35. Binanggit sa alamat na ito ay nagmula sa bayan ng Bohol. Alin sa sumusunod ang
na tourist attraction ang kilala na tumtukoy sa kumpol na mga bundok?
A. Chololate Hills
B. Hanging Coffins
C. Mine’s View
D. Tubbataha Reef

You might also like