You are on page 1of 11

Linggo

4 PAGSULAT NG KOMPOSISYON AT SANAYSAY

Kumusta ka na? Naging kawili-wili ba ang nakaraan mong aralin? Mainam,


ngayon ay panibagong aralin na naman ang iyong pag-aaralan. Tiyak na maiibigan
mo ito sapagkat naghanda ako ng iba’t ibang gawaing sadyang kapaki-pakinabang at
hahamon sa iyong kakayahan.
Ikaw ba ang taong madaling panghinaan ng loob kapag may dumarating
na problema o ikaw ang taong optimistiko na naniniwalang basta’t may problema, may
solusyon. Ang buhay sa mundo ay pakikipagtunggali. Kadalasan ang mahina ang
nagagapi. Upang ito’y maiwasan kailangang maging matibay at matatag sa lahat ng
oras. Harapin ang problema at huwag itong tatalikuran. Magkaroon ng matatag na
pananalig sa Diyos, magsumikap ka at ikaw ay magtatagumpay.

Sa modyul na ito inaasahang:


1. Makilala ang komposisyon o sanaysay.
2. Matukoy ang iba’t ibang uri ng komposisyon at anyo ng
sanaysay.
3. Makasulat ng sanaysay o komposisyon.

Bago mo isagawa ang gawain sa


bahaging ito, may mga mahahalagang
kaalaman kang dapat mo munang alamin.
Makatutulong ito nang malaki sa iyong ganap
na pang-unawa. Kaya simulan mo ang
pagsagot sa panimulang pagsusulit.

PANIMULANG PAGTAYAYA

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa pahayag. Bilugan ang titik ng tamang


sagot.
1. Ito ay isang anyo ng paglalahad sapagkat sarili ng may-akda ang kinapapalooban ng kanyang
sariling “pangmalas at pananaw”.
a. Pormal c. Komposisyon
b. Patalastas d. Sanaysay
2. Ito ay binubuo ng mga talata at mayroong panimula, gitna, at wakas.
a. Pormal c. Komposisyon
b. Patalastas d. Sanaysay
3. Ito ay isang maikling pahayag na nagbibigay impormasyon ukol sa isang bagay. Maaari itong
nanghihikayat, nagbibigay-panuto o babala.
a. Pormal c. Komposisyon
b. Patalastas d. Sanaysay
4. Ang isa sa anyo ng sanaysay na ang paksa ay pinag-uukulan ng masusing pag-aaral.
a. Pormal b. Patalastas
margievicario1895@gmail.com
c. Komposisyon d. Sanaysay
5. Ang isa sa anyo ng sanaysay na may malayang pamamaraan, karaniwang ang himig ay parang
nakikipag-usap, kung minsa’y tila ibig magpakilala ng isang munting panuntunan sa buhay.
a. Pormal c. Komposisyon
b. Malaya d. Sanaysay
B. Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa iyong sarili o naging karanasan mo
sa buhay malungkot o masaya ito. Isulat ito sa ibaba ang iyong sanaysay.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

 Iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto na nasa huling pahina ng
modyul na ito.
 Naging madali ba sa iyo ang pagsusulit? Aling bahagi ang madali para sa iyo at aling bahagi
naman ang mahirap? Huwag kang mag-alala, panimula pa lamang naman iyan. Sinusukat
lamang ang taglay mong kaalaman tungkol sa komposiyon o sanaysay.
 Upang mas madami kang malaman, dagdagan pa natin, basahin nang mabuti ang aralin 1.

ARALIN 1 KOMPOSISYONG PANGMASA

KOMPOSISYON -ito ay binubuo ng mga talata at mayroong panimula, gitna, at wakas.


URI NG KOMPOSISYON
1. Nobela 3. Maikling kuwento 5. Talumpati
2. Anekdota 4. Sanaysay 6. Tula
Komposisyong pangmasa
 isang uri ng komposisyon na madaling ihanda o isulat. Inihanda ito sa madla o sa masang
mambabasa. Di mahirap ihanda dahil di naman nangngailangan ng matatayog na
pananalita tulad din ng di pangangailangan ng mga kaisipang bunga ng pananaliksik.
Popular ito sa karamihan sapagkat sadyang inihanda at kailangang basahin. Simple ang
pahayag gayundin ang mga salitang gamit kayat di maghahanap ang babasa nito ng estilo
ng pagiging malikhain sa larangan ng pagbuo ng komposisyong ito. Maliban sa bagay na
ito, karaniwang bagay o isyu ang tinatalakay sa komposisyong pangmasa kayat kahit di
mataas ang pinag-aralan ng babasa ay mababasa ito’t mauunawan.

KATANGIAN NG KOMPOSISYONG PANGMASA


margievicario1895@gmail.com
1. Simple ang pananalitang gamit- simpleng mga salita lamang ang gingamit sa pagsulat ng
ganitong komposisyon.
2. Hindi kailangan mahaba- hindi kailangan ng paligoy kahit maikli basta’t sakto o tumpak.
3. Tumatalakay sa mga pangyayari sa kapaligiran – ang paksa ay batay sa mga nangyayari sa
kapaligiran o nararanasan.
4. Hindi kakikitaan ng mga matatalinhagang pahayag-walang lugar ang mga idyoma o tayutay
dahil maikli lamang ang pagpapahayag at masa ang mambabasa.
URI NG KOMPOSISYONG PANGMASA
1. Patalastas ay isang maikling pahayag na nagbibigay impormasyon ukol sa isang bagay. Maaari
itong nanghihikayat, nagbibigay-panuto o babala.
MGA TUNTUNIN SA PAGBIBIGAY NG PATALASTAS O ANUNSIYO
a. Tiyakin ang paksang susulatin b. Gawing maikli ang mensahe

‘Wag mahihiyang magtanong kung Rite Med ba ito?

2. Islogan ito ay maikling pahayag na tiyak ang paksa o isyu na maaaring nakasulat sa
angyong patula. Simple ang pagkakaanyo at pagkakapili ng mga salita upang madaling
maalala ng mga madlang mambabasa. Idinidikit din ito sa mga lugar na daanan ng mga tao
at minsan ay nagsisilbing pampaalala sa mga tao dahil kung uunawaing mabuti may aral na
ipinaalam o ipinababatid.
Halimbawa
a. Sa ikauunlad ng bayan, disiplina c. Panatilihin ang sipag at tiyaga upang
ang kailangan. guminhawa ang buhay.
b. Uswag Naga
3. Tugmang de gulong ito ay nakasulat sa anyong patula na may tugma at kadalasa’y
binubuo ng dalawang taludtod. Nakatutuwa ang diwa ngunit kung susuriin sadyang nangyari
sa ating karanasan sa buhay. Kadalasang nakadikit sa sasakyan bilang pang–aliw sa mga
pasahero lalo na kung di pa umuusad ang sasakyan.
Halimabawa
a. Barya lang po sa umaga. c. Ang marunong magsukli, marami ang
b. Ang para ay sa tao, ang sitsit ay suki.
sa aso.
4. Panalangin ito ay dasal na binibigkas o binabasa sa isang okasyon o pagtitipon.
Panalangin na mula sa puso ng gumagawa kayat sariling pananalita ang dasal na ito.
5. Komentaryo ito ay maituturing na panunuligsa ukol sa mga isyung nakakaapekto sa
karamihan, maliit man o malaki. May himig na panawagan tungo sa pagbabago o sa kaunlaran
kayat simpleng pananalita ang gamit at diretsahan ang pahayag.
6. Dayari ito ay pansariling tala ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang tao.
Sangkot ang karanasang emosyonal, sosyal at ispiritwal.
7. Jornal ito ay kamukha ng dayari ngunit naiiba ito dahil di lamang pansariling buhay ang
itinatala. Ang pangyayari sa labas ng bahay o kapaligiran ang paksa ay maaring isulat na
paksa. Kabilang ang mga repleksyon, obserbasyon, nadarama at maging ang mga puna at
komentaryo.

• Ngayong nabatid mo ang tungkol sa wastong gamit ng mga salita, handa ka na


bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan.
Masasagot mo iyan. Isagawa mo.

margievicario1895@gmail.com
Panuto A: Sa inyong barangay itala ang mga patalastas na isinulat o
ipinalalabas ng mga opisyal tungkol sa pandemic na ating nararanasan sa kasaluukuyan.
Magtala kahit dalawa. Isulat sa ibaba ang iyong sagot.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
B. Sumulat ng sariling Panalangin sa isang sitwasyon o okasyon na nais mo.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
C. Sumulat ng isang komentaryo tungkol sa pagpapasara ng “ABS–CBN”.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

 Panibagong kaalaman! Tiyak na magiging katuwang mo sa mas malalalim na gawain. Higit mong
mapauunlad ang iyong kaalaman tungkol sa komposisyong pangmasa.
 Ngayon upang mas marami pa ang kaalaman na malalaman dumako tayo sa aralin 2

ARALIN 2 SANASAYSAY

Alam mo ba kung ano ang sanaysay?


 Ang sanaysay ay isang anyo ng paglalahad sapagkat sarili ng may-akda ang
kinapapalooban ng kanyang sariling “pangmalas at pananaw”. Napapaloob dito ang
kanyang damdamin. Tandaan mo, kailangang maging malinaw, mabisa at kawili-wili ang
paglalahad ng sanaysay.
MAY DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. Maanyo o pormal - ito ay nangangailangan ng maingat at mabisang paglalahad at ang
pananalita’y pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng masusing pagaaral.
margievicario1895@gmail.com
2. Malaya o palagayang sanaysay - madali mong makikilala ang ganitong uri ng
sanaysay. May pagkamalapit o palagay ang loob ng sumulat sa mambabasa maging sa
ipinahihiwatig ng paksa o sa himig ng pananalita.
 Ito’y may malayang pamamaraan, karaniwang ang himig ay parang nakikipag-usap, kung
minsa’y tila ibig magpakilala ng isang munting panuntunan sa buhay. Ito ay masaya at
nagpapatawa at maliwanag na kababanaagan ng magandang kalooban.
 Malayo sa karaniwan ang ginagawang paglalahad ng isang mananalaysay kung ang
kanyang isinusulat ay isang sanaysay na pormal na paraan.
 Sa pormal na pagsasalaysay, mahalagang tandaan mo na piling-pili ang ginagamit na
salita, parirala, pangungusap sa pagpapahayag ng ideya at argumento. Matimpi at
matalinghaga ang paraan ng paglalahad na nagiging dahilan ng pagkamasining ng akda.
 Bukod sa masusing pamimili ng salita, buong ingat ding pinag-iisipan ng mananalaysay
ang lohikong pagkakasunud-sunod ng mga argumento at ideya. Inulalahad ang paksa sa
isang masusing pagsusuri na maaaring maging bunga ng pagbabasa, pagmamasid,
pakikinig at pagsusuri ng umiiral na sistema.
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
1. Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha
ng attention ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay.
MAAARI ITONG ISULAT SA PARAANG
a. Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga
maliliit na detalye (inverted pyramid)
b. Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot
sa sanaysay at para isipin niya.
c. Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa.
d. Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at
iba pang sanaysay.
e. Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng
nagbabasa.
f. Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon
ng iyong sanaysay.
g. Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.
2. Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag.
MAAARI ITONG ISULAT SA PARAANG
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa.
c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa.
d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice
versa.
3. Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa
sanaysay.
MAAARI ITONG ISULAT SA PARAANG
a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay.
b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong.
d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.

• Ngayong nabatid mo na ang tungkol sa paraan ng paglalahad ng tuon sa sanaysay,


handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong
natutunan. Masasagot mo iyon. Subukin mo.

Panuto: May kaugnayan ang paksang ito sa seleksyong inihanda ko


para sa iyo. Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman nito.

margievicario1895@gmail.com
Ang Pag-ibig
Sa lahat ng damdaming ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig.

Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at
ang kapwa –tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig, siya lamang
makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay
ninanasa rin ng loob, hindi ang pagibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan
at kasakiman. Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara-
karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang
kabuhayan ay matutulad sa isang dahon na kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging
mabilis. Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaakay sa tao sa mga dakilang
gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan. Ngunit ang kasakiman at
katampalasan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong
mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging
tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na
nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig - wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na


alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman na darating. Sa malawak na dagat ng ating mga
kahirapan at pagdurusa, ang pag-ibig ang siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin
minamahal pa ang buhay. Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang
magbabatang mag-iwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili
lamang nila? Kung anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang; sino ang magiging
alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa
matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang
malipangang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at


kaginhawaan. Kailan pa ma’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang
buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-
ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan. Sa aba ng mga
bayang hindi pinamamahayanan ng wagas at taimtim na pag-ibig! Sa pag-ibig nunukal ang
kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng dimaihahanay na lakas na
kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayanan
ng pag-ibig ay binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa
kundi ang ganitong kalayaan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan,
pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin
nila ay mapagbukod-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa
pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. Oh! Sino ang
makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhayan,


at kung nagkakaisa na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging magaang
pasanin, at ang munting ligaya’y matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang ganito ay
hindi matatalos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig. At upang
mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya.
Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan, o matatampalasan mo
kaya ang iyong ina’t mga kapatid? Hindi, sapagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo
ng iyong dugo at sampu ng buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba.

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan magpapalagayang tunay na


magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay na madlang pasakit
at di-mabatang mga kapaitan. Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na
pagsasarili ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging
marurunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid. Maling mga isip
margievicario1895@gmail.com
at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat
ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa,
at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Bigyan ng pansin ang paggamit ng matatalinghagang


pahayag at salita sa binasang sanaysay. May kabuluhan ba ito sa pagpapahayag? Tingnan
ko nga kung paanong naging mabisa ang pamimili ng salita sa isang paglalahad. Kaugnay
nito, isagawa mo ang sumusunod na mga gawain. Sikapin mong maging maingat sa pagsagot
upang magtagumpay ka sa iyong pag-aaral at pagsusuri. Suriin mo.

Panuto: Suriin ang bawat pahayag sa ibaba.


1. Kung susuriin mo ang paraan ng ginawang paglalahad sa kababasang sanaysay,
tumutugon ba ito sa mga katangian ng isang pormal na paglalahad? Patunayan mo nga ito
sa pamamagitan ng pagpuno sa hinihinging impormasyon sa dayagram.

Paraan ng Paglalahad
(Tuon sa Sanaysay)

Paggamit ng mga salita, Paglalahad ng mga ideya at Paghahanay ng mga ideya at


parirala at pangungusap argumento argumento

1 2 3

mabisa/maingat,
malinaw
lohikong pagkakasunud-sunod
kawili-wili piling-pili
ng argumento/ideya. bunga
matimpi masusi
ng masusing pag-aaral
matalinghaga

2. Kung susuriin pa rin ang akda nakatuon ito sa pagbibigay-puri sa nadaramang pag-ibig ng tao.
a. Patunayan sa tulong ng tiyak na bahagi na ang sanaysay ay nagpapatungkol sa
kadakilaang nagagawa ng pag-ibig. Isulat sa tapat ng bilang kung ang pahayag ay
nagbibigay-puri sa Sarili, Kapwa at Bayan
_____ 1. Naaakay ka sa dakilang gawa. ____5. Ipinagtatanggol ang mga
_____ 2. Nakadarama ng pagkahabag sa kapwa. kababayang binubusabos ng dayuhan.
_____ 3. Nagkakabuklud-buklod ang mga ____6. Binabahaginan ng kaunting
mamamayan. kabuhayan ang aba.
____ 4. Hindi alintana ang magbuwis ng _____7. Minamahalaga mo ang
buhay sa gitna ng himagsikan buhay.
margievicario1895@gmail.com
3. Piliin ang wastong sagot. Titik lamang ang isulat mo.
1. Kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa. Ang
may salungguhit ay nangangahulugang
a. Magbabago c. Maglalaho
b. Uunlad d. Magsusulputan
2. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. Ang kasalungat na
kahulugan ng may salungguhit ay
a. Nahuhumaling c. Natutuon
b. Nalilihis d. Nalalayo
3. Ang kasakiman at katampalasan ay nag-aanyo ring pag-ibig. Tinutukoy sa pahayag na ito
ang mga
a. Manlolokong mangingibig c. Tuso at materyalosong manliligaw
b. Mapagbalatkayong manunuyo d. Lahat ng nabanggit
4. Malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagdurusa. Ang argumentong ito ay
nagpapaliwanag na
a. Mahiwaga ang buhay c. Maligalig ang paglalakbay
b. Masalimuot ang pamumuhay d. Ang mabuhay ay batbat ng
pakikipagsapalaran

5. Nang dahil sa pag-ibig marami ang minamahalaga pa ang buhay. Madarama mo sa pahayag
na ito na
a. Kaysarap mabuhay kung may c. Makulay na daigdig ang buhay
nagmamahal d. Masigla ang buhay
b. Nabibili na ang pagmamahal
6. Kung susuriin, ang sanaysay ay nakatuon sa pagbibigay-puri sa
a. Pagpapakabuti ng tao c. Pagbubuwis ng buhay
b. Himalang gawa ng pag-ibig d. Pagkakawanggawa sa kapwa
7. Kapansin-pansin na piling-pili ang ginamit na salita, parirala at pangungusap sa
pagpapahayag ng
a. Diwa c. Porma
b. Ideya at argumento d. Sistema
8. Sa kabuuan ng paglalahad sa sanaysay, tumutugon ito sa katangian ng
a. Pormal c. Pahiwatig
b. Palagayan d. Talinghaga
9. Higit na dakila ang pag-ibig ng taong
a. Marunong umunawa sa kalagayan c. Nakalaang magpaalipin sa iba
ng iba d. Handang magbuwis ng buhay para sa
b. Nakauunawa sa mga pagkukulang kanyang bayan
ng kapwa
10. Ang pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na kaginhawaan at
a. Kasaganaan c. Kadakilan
b. Kasarinlan d. Kaligayahan

• Iwasto mong muli ang natapos na gawain. Ihambing mo ang iyong mga sagot sa susi
sa pagwawasto.
• Naging magaan ba sa iyo ang mga inihanda kong gawain? Maayos mo ba itong
naisagawa? May bahagi bang nagpalito sa iyo? Kung wala, madaragdagan pa ang iyong
kaalaman sa tulong ng mga gawaing hahamon, magpapahalaga’t magpapatingkad sa
magandang katangian ng taong mamamahay ang pag-ibig sa puso.

BUOD
KOMPOSISYON ito ay binubuo ng mga talata at mayroong panimula, gitna, at wakas.
URI NG KOMPOSISYON
1. Nobela 2. Anekdota 3. Tula 4. Sanaysay 5. Maikling Kuwento 6. Talumpati
margievicario1895@gmail.com
Komposisyong pangmasa -isang uri ng komposisyon na madaling ihanda o isulat.
Inihanda ito sa madla o sa masang mambabasa. Di mahirap ihanda dahil di naman
nangngailangan ng matatayog na pananalita tulad din ng di pangangailangan ng mga
kaisipang bunga ng pananaliksik. Popular ito sa karamihan sapagkat sadyang inihanda at
kailangang basahin. Simple ang pahayag gayundin ang mga salitang gamit kayat di
maghahanap ang babasa nito ng estilo ng pagiging malikhain sa larangan ng pagbuo ng
komposisyong ito. Maliban sa bagay na ito, karaniwang bagay o isyu ang tinatalakay sa
komposisyong pangmasa kayat kahit di mataas ang pinag-aralan ng babasa ay mababasa
ito’t mauunawan.
Ang sanaysay ay isang anyo ng paglalahad sapagkat sarili ng may-akda ang
kinapapalooban ng kanyang sariling “pangmalas at pananaw”. Napapaloob dito ang
kanyang damdamin. Tandaan mo, kailangang maging malinaw, mabisa at kawili-wili ang
paglalahad ng sanaysay.
MAY DALAWANG URI NG SANAYSAY
1. Maanyo o pormal - ito ay nangangailangan ng maingat at mabisang paglalahad at
ang pananalita’y pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng masusing pagaaral.
2. Malaya o palagayang sanaysay - madali mong makikilala ang ganitong uri ng
sanaysay. May pagkamalapit o palagay ang loob ng sumulat sa mambabasa maging sa
ipinahihiwatig ng paksa o sa himig ng pananalita. Ito’y may malayang pamamaraan,
karaniwang ang himig ay parang nakikipag-usap, kung minsa’y tila ibig magpakilala ng
isang munting panuntunan sa buhay. Ito ay masaya at nagpapatawa at maliwanag na
kababanaagan ng magandang kalooban.

Iwasto mo ang iyong sagot na nasa huling pahina ng modyul na ito.


Kung mataas ang iskor na iyong nakuha, nangangahulugan lamang
na magiging madali para sa iyo ang araling pinag-aaralan. Huwag
ka namang mag-alala kung mababa ang iskor na nakuha.
Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko na malinang ng husto
ang iyong kaalaman. Kung wala ka mang mali, nangangahulugan
lamang na sanay na sanay ka na sa kasanayang iyong pinag-
aralan. Binabati kita.
MGA MUNGKAHING BABASAHIN
Arrogante, J. A. 2008. RETORIKA (Masining na Pagpapahayag). National Bookstore:
Mandaluyong City.
Cantre, M. C. 2013. Ang Masining na Pagpapahayag (RETORIKA). Lorimar Publishing Inc:
Quezon City.
Cruz, C. J. 2003. Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo. Rex Bookstore: Manila.
Lozano, Luz L. 2013. RETORIKA MASINING NA PAGPAPAHAYAG (Pandulog Modyular).
Grandwater Publishing: Pateros, Metro Manila.
Marahan, Mario H. 2013. MASINING NA PAGPAPAHAYAG (Para sa Antas Tersyarya).
Mindshapers CO. INC: Intramuros, Manila.
SANGGUNIAN
Deogracia DC Santos et.al, 2015, Masining na Pagpapahayag Mindshaper Co, Inc:
Intramurous Manila
Bendalan, Nilda, 2018, RETORIKA, Wiseman’s Book Trading, INC: Quezon City.
Victoria Vasil, 2015, Masining na Pagpapahayag, Ateneo De Naga University.
Alejo, Carmelita T.et.al. 2005. Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik. C & E Publishing,
Inc.: Metro Manila.
Casanova, Arthur P. at Ligaya Tiamson Rubin. 2001. Retorikang Pangkolehiyo. Rex
Bookstore, INC: Quezon City.
Author, Evelyn B. 2015. Masining na Pagpapahayag.Ateneo De Naga University Press.Ateneo
Ave.: Naga City.

margievicario1895@gmail.com
Komisyon sa Wikang Filipino.2005. English-Tagalog Dictionary. Commission on the Filipino
Language. ERH printing: San Mateo, Rizal.
Villafuerte Pat V. at Bernales Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at
Praktika. Mutya Publishing House Inc: Balubaran Valenzuela City.

ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html
http://sbhelp.livejournal.com/2948.html

PANGWAKAS NA PAGTAYAYA
A. Piliin at iantas mo ang mahalaga para sa iyo ayon sa iyong prayoridad o pagpapahalaga.
Gumamit ng titik a-e
_____ 1. Subsob ka sa paghahanapbuhay para sa kinabukasan ng iyong pamilya.
_____ 2. Ang mahihirap ay iyong inaabutan ng tulong.
_____ 3. Ipagtatanggol mo ang lahing nalulupig.
_____ 4. Ang kasiyahan mo ay nasa pagpapalaganap ng mabuting balita.
_____ 5. Pangarap mo’y pag-ugit sa pamahalaan nang tapat.
B. Ang susunod na gawain na pagtutuunan mo ng pansin ay paglalagay ng tsek (√) kung ang
pahayag ay naghatid ng bisang pangkaisipan; star ( ) kung pangkaasalan, at puso
( ) kung pandamdamin.
_____1. Ang tunay na pag-ibig ay pagmamahal nang higit pa sa sariling buhay.
_____2. Walang sinuman ang maaaring humusga sa kahiwagaan ng pag-ibig.
_____3. Ang pag-ibig ay di bulag; ang pag-ibig ay may mata.
_____4. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa bayang
nagkupkop.
_____5. Wala nang hihigit pa sa pagkadalisay gaya ng pag-ibig sa Inang Bayan.
_____6. Sa mga akda ng mga bayani isiniwalat at iminulat ang isipan ng mga Pilipino na
lumaban sa mga mapambusabos na dayuhan.
_____7. Pagpapahalaga ng mga namumuno at empleyado ng gobyerno sa integridad,
karangalan at pananagutan.
_____ 8. Matapat na dinirinig ng ating lingkurang bayan ang kagustuhan ng mga tao
sapagkat higit silang nakatatalos ng kanilang kailangan at paglilingkod.
_____ 9. Ang lahat ng tao’y may pananagutan sa kapwa nilikha at maging sa lipunan.
_____ 10. Kailangang tayo’y laging produktibo sa pagtratrabaho.
C. Tingnan ko kung paano mo mailalapat sa iyong sarili ang mga mahahalagang bagay na
natutunan mo sa araling ito. May mga pahayag sa ibaba na maaari mong maging
panuntunan o gabay sa buhay. Isulat ang K kung katanggap-tanggap at DK kung di
katanggap-tanggap ang pahayag.
_____1. Magkaroon ng pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos.
_____2. Ibigin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang kandungan ng iyong kaligayahan at
mga kapakanan.
_____3. Igalang mo ang iyong mga magulang.
_____4. Pahalagahan mo ang iyong karangalan na katulad ng pagpapahalaga mo sa iyong
buhay.
_____5. Ang kayamanan ay lalong mabuti kaysa karalitaan.
_____6. Maging matapat ka at umibig sa katotohanan.

_____7. Maging makatarungan ka at mapagkawanggawa, magalang at kapita-pitagan sa


iyong pakikitungo sa iyong kapwa.
_____ 8. Mamuhay nang isang kabuhayang aba na malinis at marangal.
_____ 9. Gumawa nang may katuwaan ang iyong puso dahil sa kagalingan ng iyong ginawa.
_____ 10. Ikahiya ang gumawa sa pamamagitan ng iyong bisig.

margievicario1895@gmail.com
D. Hindi ka man manunulat, binibigyan kita ng pagkakataon na buuin ang mga salita sa
patlang upang makabuo ng diwa ng talata.
Ang pag-ibig ay bugso ng (1) dam______ nagmumula sa puso ng taong ( 2 ) umi _____.
Hindi ito tumitingin sa ( 3 ) pan______ na kaanyuaan o sumusukat ng pagkatao ng ( 4 ) is
_____ nilalang; kaligayahan na ng isang nagmamahal ang ( 5 ) ipagka_____ ang anumang
ikaliligaya ng kanyang ( 6 ) mina _____. Handa siyang magtiis at ( 7 ) magpaka _____.
Wika nga, hindi man ( 8 ) magsa _____ at ( 9 ) magbad _____ sa kilos ay ( 10 ) nakiki
_____.

E. Dugtungan mo ang sumusunod na mga pahayag upang maging buo at ganap ang diwa.
Matapos mong mabasa at mapag-aralan ang sanaysay,
Nabatid kong ___ 1___
Napatunayan kong ___ 2___
Nadama kong ___ 3____

 Muli hingin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto ang iyong gawain.
 Pinaaalala ko ang pagiging matapat sa pagwawasto. Kung ang iskor na nakuha mo ay
6 pataas, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul at kung 5 pababa
naman ang iyong iskor, isagawa mo muna ang sumusunod na gawain.

margievicario1895@gmail.com

You might also like