You are on page 1of 25

Ang

Pagbasa
Ayon kina Urquhart at Weir (1998), “
Ang pagbabasa ay isang proseso ng
pagtanggap at pagpapakahulugan sa
nakakodang impormasyon sa anyo ng
wika sa pamamagitan ng limbag na
midyum.”
Isa rin itong proseso dahil binubuo
ng mga paraan sa pagsasagawa
ng gawain na kinasasangkutan ng
may-akda na siyang nagsulat ng
mga symbol( letra) para maghatid
ng mensahe sa mga tagatanggap
(mambabasa).
Ayon kay William S. Gray, may apat
na hakbang ang proseso ng pagbasa.
Una ay ang persepsiyon o pagkilala
sa mga salitang nakalimbag. Ikalawa
ang komprehensiyon o pag-unawa sa
mga nabuong mga konsepto mula sa
mga nakalimbag na salita.
Ikatlo ang aplikasyon o
realisasyon, paghuhusga at
emosyonal na pagtugon. Sa
ikaapat, ang integrasyon o
pagsasama ng mga ideya sa
personal na karanasan.
Kahalagahan ng Pagbasa
- nakalilibang

- gabay sa kinakaharap na pagpapasiya

- batayan ng mga moral na pangangatwiran

- patnubay sa pagbabalik sa kasaysayan


Mga Teorya sa Pagbasa
1. Bottom Up- outside-in o data driven,”
nagmumula sa teksto ang pagpapakahulugan
patungo sa pagkatuto ng mambabasa sa
pamamagitan ng yugto-yugtong pagkilala sa mga
letra sa salita, sa parirala, pangungusap at sa buong
teksto bago pa man ang pagpapakahulugan dito.
Modelong Baba-pataas (Bottom Up)

Kahulugan
Malalim na Estruktural
Mga Salita
Leksikal na Antas
Letra/Tunog
Antas ng Uri ng mga
Tunog
2. Top Down
Tinatawag din itong “inside-out” o “conceptually
driven”, nagsisimula sa mambabasa ang pag-unawa
patungo sa teksto. Ayon kay Goodman, kaunting
panahon at oras lamang ang ginugugol sa pagpili
ng makahulugang hudyat sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa teksto sa tulong ng
impormasyong semantics, sintaksis at grapophonic.
Modelong Taas-pababa(Top Down)

Kahulugan
(Malalim na estruktural)
Sintaksis
(Modelo o Padron ng Wika)
Pag-ugnay ng mga letra sa
Alpabeto/Ponema
(Ugnayan ng mga Letra/Tunog)
3. Interactive
Sinusukat dito ang kakayahan ng pag-unawa ng
mambabasa sa pamamagitan ng makapukaw-isip na
mga tanong (comprehension questions). Inaalam ng
guro kung paano nabuo ng mag-aaral ang kanilang
kasagutan sa mga tanong, tama man o mali ang
mga ito.
4. Scheme/Iskema
Walang kahulugang taglay sa sarili ang teksto.
Nagbibigay lamang ito ng direksiyon sa mga
mambabasa kung paano gagamitin at nabibigyang
kahulugan ang teksto mula sa dating kaalaman.
Ang balangkas ng dating kaalaman ay tinatawag na
iskemata. Sa pamamagigtan nito nalilinaw ang
organisasyon at nabibigyang diin ang naimbak na
dating kaalaman at karanasan
.
Pagbasa
Aspektong mental o memorya
Kaalamang pangwika
Pinagdaanang karanasan
Pagpapalawak ng kaalaman at
nagpapataas ng antas ng Pag-unawa
Persepsiyon
Komprehensiyon
Aplikasyon
Intergrasyon
Proseso ng pagtanggap
Pagpapakahulugan
Uri ng Pagbasa ayon sa Pamamaraan
1. Pahapyaw na Pagbasa. Bahagyang pagtingin ito o
pagbasa sa mga impormasyong natatagpuan habang
nagbabasa. Paghahanap ito ng mga tiyak na datos sa isang
pahina ng aklat o kabuoan ng teksto. Layunin nito ang
madaliang makita ang anumang hinahanap na datos tulad ng
numero sa telepono, kahulugan ng salita o diksiyonaryo, o
ng mga pangalan ng nakapasa sa pagsusulit.
2. Mabilis na Pagbasa. Pinaraanang pagbabasa
ito na may layuning nabatid ang pangkalahatang
pananaw na matatagpuan sa isang tekstong
binabasa. Malimit itong gamitin sa mabilis na
pagtingin at pagbabasa sa kabuoang nilalaman ng
aklat.
3. Paaral na Pagbasa. Ginagawa ito sa pagkuha
ng mahahalagang detalye o pagsasama- sama ng
maliliit na kaisipan upang magkaroon ng mahusay
at wastong pagkaunawa sa pangunahing kaisipan
ng isang teksto. Isinasagawa rin ito kung
kailangang kabisaduhin ang aralin para sa isang
itinalagang pagsusulit.
4. Pagsusuring Pagbasa. Mapanuring pag-iisip
ang ginagawa sa ganitong uri ng pagbabasa.
Kalimitan itong ginagawa upang masukat ang
kakayahan ng mag-aaral sa pag-unawa sa mga
teorya, simulain, o prinsipyong nabasa sa tekstong
itinakda ng guro.
5. Pamumunang Pagbasa. Binibigyang puna sa
ganitong gawain ng pagbabasa ang loob at labas ng
tekstong binasa mula sa mga elemento nito tulad ng
pamagat, simula, katawan, wakas ng akda, estilo ng
may-akda, at ang wastong paggamit ng balarila at
ng bantas.
Sa ibang pagkakataon, ang pagbasa ay tinatawag na:

1. Iskiming- madaliang pagbabasa na


ginagamit upang magkaroon ng impresyon
kung dapat- o di-dapat basahing mabuti ang
teksto. Paghahanap din ito ng mahahalagang
datos na maaaring gamitin sa pananaliksik.
Nakatuon ito sa pagbasa sa pangunahing
detalye.
2. Iskaning- hinahanap sa ganitong
pagbabasa ang mga tiyak na impormasyon
na madaling nagagawa sa mga tekstong
maiikli, may malalaking tipo ng
pagkakalimbag at pamilyar ang teksto.
Ginagalugad lamang nito ang mga susing
salita at subtitles.
3. Kaswal – pansamantalang pagbasa
ito sapagkat pampalipas- oras ang
layunin ng ganitong teknik kung kaya’t
magaan lamang gawin.
4. Komprehensibo- Iniisa- isa rito ang
bawat detalye at inuunawa ang ang bawat
kaisipan. Epektibo ito para sa
akademikong pagbabasa dahil sinusuri,
binibigyang opinyon, tinataya, binubuod,
binabalangkas, sinusukat at hinihimay ang
mga detalye ng teksto. Layunin nito ang
lubos na pagkatuto mula sa masinsinang
pagbasa.
5. Kritikal- tinitignan sa teknik na ito
ang kawastuhan at katotohanan ng
tekstong binabasa na magagamit nang
personal upang maiangkop sa mga pag-
uugali at maisasabuhay nang may
pananagutan.
6. Pamuling-basa- hindi nahihinto ang
mga aral na dulot nito habang paulit-ulit
na binabasa.
Halimbawa: Bibliya, mga akda nina
Jose Rizal, William Shakespeare, at iba
pang dakilang manunulat.
7. Basang-Tala- teknik ito ng pagbabasa
kasabay ng pagsusulat. Itinatala ang mga
nasusumpungang kaisipan o ideya upang
madaling makita kung sakaling kailangin muli
ang impormasyong itinala. Gumagamit din ng
highlighter at marker ang mambabasa (kung
pagmamay-ari ang aklat) para madaling makita
at balikan ang mga impormasyong nais
bigyang-diin.

You might also like