You are on page 1of 55

4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

ALLAN ORTIZ OFFICIAL SITE

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO AT NOTASYONG PONETIK


Notasyong Ponetik

Notasyong ponetik ang simbolo sa pagsulat mna kakikitaan ng paraan ng pagbigkas. Muling inuulit rito na walang
salitang nagsisimula o nagtatapos sa a,e,i,o,ukaya kung hindi katinig nagsisimula ang salita ito sa /?/ at kung hindi naman
nagtatapos sa katinig nagtatapos ito sa ?/? o /h/ batay sa paraan ng pagbigkas. Nangangahulugan na paghahaba ng patinig at /.
/. Ang impit o glotal sa ponetik ay /?/ ang ng ay /ŋ/.

Halimbawa:

buhay /bu.hay/ “life” /buhay/ “alive

aso /?a.soh/ “dog” /?asoh/ “smoke”

tubo /tu.boh/ “pipe /tuboh/ “sugarcane”

pako /pa.ko?/ “nail /pako?/ “fern”

paso /pa.so?/ “flowr pot /pasoh/ “overdue”

Sa loob ng salitang magkasunod ang patinig ay nagkakaroon ng /?/ sa pagitan ng mga ito.

Halimbawa:

kaibigan /ka?ibi.gan/ “friend /ka?ibigan/ “sweetheart

kalayaan /kalaya?an? “freedom”

pagtitiis /pagtitiu?is/ “suffering”

Ang Stress/Diin

Ang salitang higit sa isang pantig na karaniwang binibigkas ay may pantig na may diin o stress.

Karaniwan nang kasama ng diin ang pagpapahaba ng patinig tulad ng /la.kad/, /bu.kas/ maliban kung ang diing ito’y
nasa huling pantig tulad ng /buhay/, /bukas/

Diin sa unang pantig Diin sa ilakawang pantig

bata /ba.tah/ “duster” /batah/ tiis


http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 1/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

baga /ba.gah/ “uling na may apoy /bagah/ ba, ekspresyon

hapon /ha.pon/ “salungat /hapon/ taga-Hapon

Mahalagang ang diin sapagkat sa pag-iiba ng diin nagbabago ang kahulugan ng salita, tulag ng ipinakikita ng halimbawa.

Babasa /ba.ba.sah/ aalis /?a?alis/

Bulaklak /bulaklak/ aliwiw /?aliwiw/

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Morpema – ang tawag sa pinakamaliit nayunit ng salitang nagtataglay ng kahulugan. Halimbawa, sa salitang doktora,
makabuluhan an gang a kahit na isang titik lamang ito dahil nangangahulugan iyon ng kasariang pambabae, dahil
ang doctor lamang ay nangangahulugang kasarian ng lalaki. Ang morpoloji ay pag-aaral ng mga morpema na isang wika at ang
pagbubuo ng mga ito sa salita.

1. ASIMILASYON

Ang pagbabagong kinapapalooban ng mga panlaping nagtatapos sa ng dahil sa impluwensiya ng kasunod ng katinig nito.
Nakikibagay ang huling titik ng panlapi na unang titik ng salitang-ugat.

Nakapaloob ang tinatawag na alomorp na morpema. Nangangahulugang itong maaaring magbago ang anyo ng morpema dahil
sa impluwensya ng kapaligiran. Ang morpemang pang- ay may mga alomorp na [pang-], [pam-] at [pan-] gayundin ang mga
panlaping kasing-, at mang- .

Ginagamit ang alomorp na [pang-], [kasing-] at [mang-] sa patinog o sa k,g,h,m,n,ng, w, y; ginagamit naman ang [pam-],
[mam-], at [kasim-] kung nauuna ang salitang-ugat na nagsisimula sa /b/ o /p/; ginagamit naman ang [pan-], [man-] at
[kasin-] kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /d,l,r,s,t/.

a. Asimilasyong Ganap - kapag dinagdagan ng alomorp ang salita at kinaltas ang isang ponema sa salitang-ugat.
hal.
Panali> pang- + tali >pangtali> pantali> panali

manalamin> mang- + salamin > mansalamin > manalamin

pamukaw > pang- + pukaw > pampukaw > pamukaw


http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 2/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Tandaan na pinagbatayan palagi ang inilalagay sa panlapi. Ang pinagbatayan ng mga alomorp na pam at pan ay pang.

Sa halimbawa sa ibaba makikita ang pag-uulit sa loob ng salita.

Mananayaw > mang- + sayaw > mansayaw > manayaw > ma(na)2 yaw > mananyaw

Pamumutol > pang- +putol > pamputol > pamutol > pa(mu) 2 tol > pamumutol

b. Asimilasyon di-ganap - kapag dinagdagan lang ng alomorp ang salitang-ugat.


Hal.

Pangwalis > pang- + walis > pangwalis

Simpula > sing_+pula > simpula

Kasimbait > kasing- + bait > kasimbait

2. PAGKAKALTAS - kung sa loob ng morpema ay may nawawalang isang ponema o isang pantig.
TANDAAN: ang laging nawawala/nakakaltas ay ang huling patinig ng salitang-ugat.)
Hal. takip + -an
takipan
takpan

3. METATESIS - kung sa loob ng salita ay may ponemang nawawala at may ponemang nagbabago ng posisyon. (Ang iba ay
walang nakakaltas, nagbabago lang ng posisyon)
hal.

Tamnan > tanim + -an > taniman > tanman > tamnan

(nakaltas ang titik i sa salitang tanim at nagkapalit g posisyon ang titik m at n.)
hal.

Tablan > talab + -an > talaban > tablan


hal.

Niluto > luto + -in- > linuto > niluto

Niyakap > yakap + -in- > yinakap > niyapak

Nagagapap ang trasposisyon o paglilipat ng posisyon ng mga ponema sa mga salitang-ugat na /l/ at /y/ kapag nilapian ng -in-

4. PAGPAPALIT PONEMA - malayang pagpapalitan ng mga ponema


d at r h at n
hal. ma- + dami > marami tawa + -an > tawahan > tawanan

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 3/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

o at u l at g
hal.

turo + -an turoan > turuan halik + -an > halikan > hagkan

5. PAGLILIPAT-DIIN – ito ay ang pagbabago ng diin kapag nahuhulapian. Maaaring malipat ang diin sa hulihan o sa
penultima ang diin.

Hal.

Laro /laro?/ “play” /laru?an? “toy”

/magna.na.kaw/ kukuha ng bagay na di kanya

/magnana.kaw/ kawatan, mandarambong

6. PAG-AANGKOP - nangangahulugan na pagsasama ng dalawang salita nangangahulugan na pagsasama ng dalawang


salita May pagkakalatas pa ring kasama rito. .
Hal.

Wika + ko = ikako/ kako


Ayaw + ko = ayoko
Tayo + na = tena

7. REDUPLIKASYON- pag-uulit ng unang pantig kapag nabigyan ng panlapi.


Hal. hintuturo
hing + turo > hin(tu) 2ro > hintuturo

8. PAGKAKALTAS - pagkakaltas ng ponema sa una, sa gitna o sa hulihan ng salita.

Hal.

Unahan

Parinig > ipa- + dinig > iparinig > parinig

Gitna

Buksan > bukas + -an > bukasan _ buksan

Hulihan

Tingni > tingin + an > tinginan > tingnan > tingni

(sa pagkakaltas sa hulihan, kinakaltas ang mga ponema sa hukluhan ng salita at pinapalitan ng i.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 4/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

9. PAGSUSUDLONG – ito ay pagdaragdag ng isa pang hulapi sa salitang nahulapian na.

Hal.

Alalahanin > alala+ -an > alalahan + -in > alalahanin

10. PAGLALAPI NG /h/ - nagaganap ang paglalagay ng /h/ sa mga hulaping / –in/ at

/–an/ sa mga salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na walang impit. Hindi naglalapi ng /h/ kapag ang salita ay nagtatapos sa
katinig o sa impit.

Hal.

takbo + -in > takbohin

asa + -an > asahan

Sanggunian:

Dr. Lydia Gonzales-Garcia. 1992.Makabagong Gramar ng Filipino. Rex Bookstore.

* Ortiz, Allan et al. (2006) Lipi III, Hope Publication.

* Ortiz, Allan et al. (2010) Salitikan, Hope Publication.

http://pinoyhenyo.com/Ano_ang_pagbabagong-20080901223603889.html (http://pinoyhenyo.com/Ano_ang_pagbabagong-
20080901223603889.html)

Click to add text, images, and other content

PAGSULAT NG SANAYSAY

Ang SANAYSAY

Batay ito sa dalawang salita—ang salaysay at sanay.

Ang salaysay ay isang anyo ng pagpapahayag. “Narration” ang madalas na itumbas dito. Ngunit hindi lang basta “narration”
dahil sa fleksibol ang anyo nito batay sa pagsasanib ng iba’t ibang uri ng pahayag.

Sa kasaysayan, ito ay salaysay na may saysay. Ang panitikan naman ay nagsasaad na ito ay may banghay o anyo at likha
ng imahinasyon.

Ang sanay naman ay dalubhasa sa paksang tinatalakay na may kasanayan sa wika at gamit ng wika.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 5/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

ANG MGA URI NG SANAYSAY

PAGKAKAIBA NG PORMAL AT DI-PORMAL NA


SANAYSAY

SANAYSAY

PORMAL DI-PORMAL
METODIKO PERSONAL

MALINAW ANG BALANGKAS MALAYA

OBJEKTIV SABJEKTIV

MALINAW AT TIYAK NA DALOY NG IDEYA

Pormal: Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at bunga ng

isang mariing at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga

pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa’y tinatawag din itong impersonal o

siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

HALIMBAWA:

A. editoryal F. testimonyal

B. kolum G. investigativ/teknikal na ulat

C. revyu H. research paper

D. panunuring pampanitikan I. political manifesto

E. kathambuhay

Di-pormal: Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong

nagpapamalas ng katauhan ng maykatha. Karaniwan itong may himig na

parang nakikipag-usap. Nais magpakilala ng isang panuntunan sa

buhay.Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 6/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

sa buhay,nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang

kuru-kuro o pala-palagay.

ANG MGA BAHAGI NG SANAYSAY

PANIMULA: Naglalahad ng kaisipan o suliraning ibig talakayin sa sanaysay.

Mga gabay sa mahusay na panimula:

1. gumamit ng mga pangungusap na nakatatawag-pansin;

2. gumamit ng mga katanungan;

3. gumamit ng pambungad na salaysay;

4. gumamit ng siniping pahayag;

5. gumamit ng mga salitaan o diyalogo.

GITNA O KATAWAN: Naglalahad ng paliwanag o pangangatwiran tungkol sa kaisipan

o suliraning binanggit sa simula.

Mga gabay sa mahusay na katawan:

1. simulan sa mga bagay na alam na patungo sa mga hindi pa nalalaman;

2. simulan sa payak patungo sa mas masalimuot;

3. simulan sa tiyak patungo sa masaklaw;

4. simulan sa masaklaw patungo sa tiyak;

5. simulan sa di masyadong mahalaga patungo sa higit na mahalaga.

WAKAS: Nagbubuod ng mga ideyang nakapaloob sa kabuuan ng sanaysay.Ito rin ang

nagbubunsod o nagmumunkahi ng pagkilos.

Mga gabay sa mahusay na wakas:

1. ang pangunahing kaisipan ay inuulit upang mabuod ang buong nilalaman;

2. paggamit ng tamang kopya sa isang teksto na matatagpuan sa tula o tuluyan;

3. pagpaparamdam ng mga ideyang lubos na hinihingi ng sinundang paglalahad at pangangatwiran;

4. pag-iwan sa isang palaisipan upang patuloy na limiin ng mambabasa ang nilalaman ng sanaysay;

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 7/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

5. paglikha ng isang visyon o pangitain sa maaaring maganap;

6. pagsasabi ng pinakamensahe ng akda;

7. pagbabalik-tanaw sa mga problemang inilahad sa umpisa.

ANG MGA KATANGIAN NG SANAYSAY

1. may paglilinaw sa mga bagay-bagay

2. naglalatatag ng paninindigan upang humikayat o kumumbinsi sa iba ukol sa isang punto.

3. Naglalaman ng pagsusuri at pagmumuni, pag-uulat at pagpapaliwanag o pangangaral at sermon.

MAHUSAY NA PAGTALAKAY NG PAKSA SA ISANG SANAYSAY

May limang pangunahing katangian ang mahusay na pagtalakay ng paksa sa isang sanaysay:

1.Kaisahan: ang mga pangungusap ay magkakaugnay tungkol sa isang paksa lamang.

2. Kaganapan: sapat ang patunay sa dahilan, pangyayari, kahulugan, detalye, at

halimbawa.

3. Kalinawan: malinaw at tiyak ang mga salitang ginamit sa pagpapaliwanag at

paghahalimbawa.

4. Kaayusan: maayos ang paghahanay at pagkakasunud-sunod ng mga ideya.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 8/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

5. Pagkakaugnay-ugnay: ang mga talataan at mga pangungusap na bumubuo sa mga ito

ay magkakaugnay.Click to add text, images, and other content

PAGSULAT NG BALITA

PAMAMAHAYAG: PAGSULAT NG BALITA

Balita – ito’y maaaring pasulat o pasalita sa mga pangyayaring naganap na, nagaganap o magaganap pa. Lamang.

Salik na Mahalaga sa Balita – mga pangyayari, kawilihan at mambabasa.

KATANGIAN

1. May ganap na kawastuhan- dapat tumpak, paktual, maayos ang mga detalye na inilahad, tamang pagbibigay diin, hindi
magulo ang diwa.

2. walang kinikilingan

3. Kaiklian

4. Kalinawan

5. Kasariwaan

6. timbang-kaukulang diin sa bawat katotohanan

ANYO NG BALITA

1, Tuwirang Balita – sinusulat ito batay sa baligtad na piramide mula sa pinakamahalaga hanggang sa pinakamaliit na
kahalagahan ng balita. Hindi maligoy at maikli ang mga pangungusap na madaling maunawaan ng mga mambabasa.

2. Balitang Lathalain – nababatay sa tuny na pangyayari ng katulad ng tuwirang balita.

Ang karaniwang ayos nito ay ang pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (susupended interest structure), kagaya ng ayos
ng isang kuwento. Ito ay nasa pagitan ng pagbabalita, editorial o lathalain batay sa paksa at pamamaraan.

3. Balitang Iisang Paksa – iisang pangyayari o paksa ang taglay ng pamatnubay. Sa katawan ng balita ipinaliliwanag ang mga
detalye.

4. Balitang Maraming Itinatampok – Maraming bagay o paksa ang itinatampok sa pamatnubay. Nakahanay sa pahupang
kahalagahan (according to decreasing importance). Ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa katawanng balita na
ayon din sa pagkakaayos ng mga ito sa pamatnubay.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 9/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA

1. Isulat ng buod
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.
3. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.
4. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa pababang kahalagahan.

Mungkahing Paraan sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita.


2. Bigyang diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
3. Maging tumpak.
4. Iwasan ang magbigay ng opinion.
5. Banggitin ang awtoridan o pinagmulan ng balita lalo na kung a. nangingibabaw ang opinion, 2. ang balita ay
kontrobersyal, 3. ito ay nagpapatalastas ng bagong regulasyon.
6. Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang pagbanggit pagkatapos ng G. Bb. O Gng.
7. Ilahad ang pangyayari na walang kinikilingan.
8. ipakilala ang pangalang binanggit.
9. Iwasan ang paggamit ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaarinf makapinsala sa paniniwala at asal ng
mambabasa o ng ibinabalita.
10. Simulan sa kawili-wiling pangyayari.
11. Sumulat ng maikling pangungusap gamit ang payak at tiyak na salita.
12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkakahiwalay na talata.
13. Iwasan ang pampakapal o pampahabang pangungusap.
14. Sumulat ng mabisang pamatnubay gamit ang ASSaKaBa.
15. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive voice) maliban kung layon ang higit na mahalaga
kaysa gumaganap.

Kasukdulan Pababang Kahalagahan

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 10/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Ang ASSaKaBa ay lagging nasa pamatnubay ng balita.


Kung minsan ang ibang ASSaKABa ay nasa ikalawang
parapo na kilala sa tawag na supported lead. Ang
pamatnubay ang siyang puso ng balita, sapagkat narito
ang Ano, Sino, Saan, Kailan at Bakit.

Kahalagahan

Datos

ANG MGA URI NG PAMATNUBAY

1. Pamatnubay ( summary lead) na nakapaloob lahat ang mga bumubuo ng ASSaKaBa at paano na siyang buod ng balita.

Hal.

Tinanghal na kampeon ang Mataas na Paaralan ng Rizal, Pasig City laban sa 49 na pangkat mula sa 25 na paaralang
pribado at publiko sa Tagisan ng kaalaman sa Kalikasan ’03 nang makapagtala ng 39 na puntos ang deligado ng MPR laban sa
kanilang katunggali na ginanap sa UP College of Geological Science noong Pebrero 22.

2. Pamatnubay na nakakagulat (punch lead) Maaari ito ay isang salita o maikling pangungusap.

Hal.

Katarungan!

Ito ang sigaw ng mga Overseas Contract Workers na siyang tinaguriang bagong bayani ng bansa sa ginanap na Press
Conference na idinaos sa National Press club dahil sa pagkamatay nina Delia Maga at Flor Contemplacion.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 11/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

3. Naglalarawan pamatnubay ( descriptive lead ) naglalarawan ng mga pangyayaring mahalaga na may kaugnayan sa
isang natatanging okasyon o pangyayaring may kaugnayan sa napakahalagang pangyayari.

Hal.

Mula sa itaas ng Bundok ng Samat at natanaw niya sa kanyang kinatatayuan ang maputing ulap na tila bulak na puting-
puti nakakumot pa sa kagubatang iyon. Alam niya, limang kilometro mula sa kanilang kinaroroonan paakyat na ang pulutong
ng mga kawal-Hapones. Sila’y tila langgam, pero siya ay hindi natitinag. Hawak niya ang kanyang baril katulad ng kaniyang mga
kasamahang kawal ng digmaan.

4. Pamatnubay na naghahambing ng dalawang pangyayari (contras lead )

Hal.

Binuhay ng Edsa 1986 ang natutulog na damdaming makabayan ng mga Pilipino, pinukaw naman ng pagdiriwang ng
10th World Youth Day ang nanghihinang pananampalataya ng buong sambayanan.

5. Pamatnubay na patanong (question lead) Patanong ang simula ng pamatnubay.

Hal.

Maunlad na kaya ang Pilipinas sa taong 2008?

6. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan (picture lead ) halos kauri ito ng descriptive lead, ang natatanging
pagkakaiba nito sa huli higit na nakakaakit ito dahil sa emosyon, sa panahong nagsusulat ang reporter ay sumsanib sa
kanya ang lungkot ng damdamin at emosyon ng kanyang paksa.

Hal.

Hindi na nila muling maririnig ang iyak ni Nene. Si Nene ay isang musmos na larawan ng kawalang malay. Maitim siya,
bilugan ang mukha, kulot ang buhok at malimit siyang tuksuhin ng kanyang kapwa bata na negra. Pero sa kanyang bagong
ina’t ama na kumalinga sa kanya, nang magsara ang Base Militar si Nene ay isang munting anghel. Di na nila muling narinig ang
halakhak at iyak ni Nene. Kasama siya sa nagging biktima sa trahedya sa Bocaue, Bulacan.

7. Siniping pamatnubay (quotation lead) Maaari ito ay mula sa kasabihang Pilipino, sa mga salawikain na inuugnay sa
isang pangyayari. Kalimitan ang mga balitang galling sa interview, talumpati, forum, seminar ay ginagamitan ng siniping
pangungusap.

Hal.

‘Kami ay di nagtapos ng PH degree. Wala kaming MA sa Journalism. Sabi ng iba ay wala kaming K – Karapatan, pero
kami namay nagtapos sa unibersidad ng H.K. Hard Knock, karanasan ang nagging guro naming sa pagsusulat.’

Ang mga salitang maaaring gamitin sa pagsulat ng pamatnubay bilang simula ng pangungusap.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 12/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

1. Hinirang 31. nakiramay


2. Pinili 32. Sinimulan
3. Kinondena 33. Nanalo
4. Nakamit 34. Binuksan
5. Binalaan 35. Napili
6. Nanumpa 36. Naragdagan
7. Nagwagi 37. Nahalal
8. Nanawagan 38. Isinasaayos
9. Pinangunahan 39. Natamo
10. Tinutugis 40. Hindi nasiyahan
11. Muling nagkaisa 41. Bumisita
12. Inilunsad 42. Itinanghal
13. Ipinagdiwang 43. Sisikapin
14. Nanguna 44. Inihayag
15. Itinaguyod 45. Nangako
16. Kinoronahan 46. Pinamahalaan
17. Idinaos 47. Tinaguyod
18. Pinarangalan 48. Inalayan
19. Tumanggap 49. Napili
20. Hiniling 50. Naisakatuparan
21. Napagwagian 51. Nagbigay
22. Sinimulan 52. Inaasahan
23. Ginawaran 53. Ipinahayag
24. Nasakote 54. Nagkaroon
25. Nasabat 55. Naglaan
26. Isiniwalat 56. Itinatag
27. Nag-uwi 57. Binatikos
28. Naghandog 58. Napag-alaman
29. Namahagi 59. Nagtapos
30. Binigyang-diin 60. Nakuha

Mga Katangian ng Mahusay na Balita

1. Ganap na Kawastuhan

Dead on arrival sa ospital ng Makati ang 64 anyos na si Dulce Quintan Saguisag sanhi ng pagkabasag ng bungo
at pinsala sa katawan matapos na salpukin ng dump truck ang kanilang van kahapon ng madaling araw sa
Makati City.

2. Timbang- Kaukulang diin sa bawat katotohanan

Ayon sa ulat dakong alas- 12:30 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa gate ng bahay ng
biktima ng naturang lugar.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 13/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Nabatid na naglalakadpauwi ang biktima matapos na makipag-inuman sa ilang kapitbahay at nang papasok sa
kanilang gate ng bahay ay biglang sumulpot ang suspek mul sa isng madilim na bahagi hawak ang di-mabatid
na kalibre ng baril.

3. Walang Kinikilingan

Inamin ni Geronimo na siya mismo ang may kasalanan dahil nagulat siya nang biglang sumulpot ang van.
Iginiiit din niya na naka-green light kaya tuloy-tuloy siya.

Sinalungat naman ng isang taxi driver na si Joeffrey Olmagiz, 28, ng Holy Spirit, Quezon City, ang
pahayag ng driver ng dump truck. Sinabi niya na kasunod siya ng sasakyan ni Saguisag at naka-green light
sila.

Kahalagahan ng Balita

1. Nagbibigay Impormasyon

Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas mataas na
panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon s isang bagong pag-aaral.

Natuklasan ng mga mananaliksik na Briton na sa mahigit 10,000 adults na isinailalim sa pag-aaral sa loob ng
limang taon, ang kababaihang gabi-gabing natutulog ng anim na oras o mas konti pa ay may mas malaking
posibilidad na tumaas ang presyon ng dugo kaysa sa mga babaeng natutulog nang maayos.

2. Nagtuturo

Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang strees at mapanatili ang magandang
kalusugan.

Subukin ang mga sumusunod na para tulungan kang magrelaks:

· Pasiglahin ang kalamnan sa pamamagitan ng masahe.

3. Lumilibang

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 14/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa presscon ng My Only
Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena para mapansin siya.

4. Nakapagpapabago

Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District-Station Anti Illegal Drugs, iniutos
ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police station ng Manila police District ( MPD)

Sangkap ng Balita

1. Aksyon o pakikihamok

Hindi sa dating labanang super feather weigth division maaring magkitang muli sina Filipino boxing hero
Manny Pacquiao at Mexican world champion Juan Manuel Marquez.

2. Nakagaganyak sa mga Tao

Ayon kay Duque, kailangang pag-aralan kung ano ang nagtulak sa 12-

anyos na bata na kitlin ang kanyang buhay. Si Mariannet Amper ay nagbigti nang di maibigay ng kanyang ama
na si Isabelo ang Php 100 na gagamitin sa school project.

3. Kakaiba

Inilabas na kahapo sa ICU ng pasay City General Hospital ang isang buwang sanggol na pinapak ng mga
naglalakihang daga, kamakailan sa nabanggit na lungsod upang isalang naman sa surgical operation.

4. Nagaganap sa Kasalukuyan

Nanindigan kahapon sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon na hindi na maaring tumakbo sa 2001
presidential eletions si Dating Pangulong Joseph Estrada.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 15/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

5. Naganap sa malapit na pook

Patay ang apat katao, marami pa ang nasugatan, habang anim namang

kabahayan ang nawasak matapos ang isang malakas na pagsabog sa isang umano’y pagawaan ng bomba sa
siyang sub-divisin sa Bacoor,Cavite kahapon ng hapon.

6. Pagsulong

Isinusulong ng Dangerous Drugs Board sa Kongreso ang pagpapasa ng

batas upang payagan ang mga law enforcement agencies na magsagawa ng wiretapping sa paglaban sa illegal
na droga sa Pilipinas.

7. Romansa o Pakikipagsapalaran

Isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwala sa pamamagitan ng pag-inom ng lason matapos nitong malaman na
nakabuntis ng ibang babae ang kanyang nobyo kahapon ng umaga sa Malabon City.

8. Bilang o Estadistika

Natuklasan ng isang grupo ng Tufts University na ang mga taong may

normal blood zinc concentrations ay halos 50% malayong magkaroon ng pneumona kaysa sa mga may
mababang concntratins.

Pamatnubay - pangunahing bahagi ng isang balita na natatagpuan sa unang talata. Ito ay naglalaman ng
pinakatampok o pinakamahalagang pangyayari sa balita.

Dalawang Uri ng Pamatnubay:

1. Kombensyonal – Nilalaman nito ang kasagutan sa mga tanong na ano, sino, bakit, Kailan at paano.

1.
1. Binibigyan- diin ang tao - ( Sino )

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 16/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Bumuo kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Anti Kotong at Anti-Colorum task force bilang
tugon sa panawagan ng transport section na magtaas ng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng
produktong petrolyo.

1.
2. Binibigyang-diin ang pamamaraan ( Paano )

Malaking tulong ang computer sa ating mga anak sa pagri-research. Pero minsan, naabuso rin ito kapag
masyado na silang nalilibang lalo na sa paggamit ng Internet.

1.
3. Binibigyang – diin ang sanhi o dahilan – ( Bakit )

Binabantayan umanong mabuti ng Philippine National Police ang ilang lugar sa Mindanao na posibleng
gamitin ng kontrobersyal na dating election supervisor na si Lintang Bedol na labasan patungo sa ibang
bansa.

1.
4. Binibigyang- diin ang pangyayari – ( Ano )

Isang nakagigimbal na opresa ang ibinigay kagabi ng papasikat na cue artist na si Joven Bustamante ng
Pilipinas kay dating world pool champion Wu-Chia-Ching ng taipei matapos itakas ang 10-8 tagumpay at
isulong sa round – of-16 ang laban sa prestihiyosong 2007 World Pool Championship sa Big Dome.

1.
5. Binibigyan diin- ang lugar o pook na pinaganapan ( Saan )

Bacoor, Cavite- Tatlo katao ang namatay , 12 sugatan at 14 na bahay ang nasira nang sumbog ang mga
dinamitng ina-aassemble sa isang bahay dito.

1.
6. Binibigyan diin- ang araw o petsa - ( Kailan )

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 17/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Lilipad ngayong linggo patungong Beijing, China ang national Wushsu Squad upang magpartisipa sa
prestihiyosong 9th World Wusshu Championship mula Nobyembre 11-15.

2. Di- Kombensyonal na Pamatnubay- Nagsisimula ito sa payak na pahayag o sanligan nang nangyari nang
balita na may karugtong sa kasalukuyang balita.

1. Payak na Pahayag

2.
1. Payak na Pahayag

Hiniling ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Business leaders na tumutulong para maibsan
ang kahirapan at dami ng mga nagugutom.

2.
2. Nakaraang balita na karugtong ng bagong balita.

Agad na nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sinapit na trahedya ni dating Sen. Rene Saguisag
at may bahay nitong si Dulce na naaksidente sa Makati City kahapon ng madaling araw.

2.
3. Siniping sabi ( siniping pahayag )

“ Gov’t wag sisihin sa suicide “

Ayon kay Pangulong Arroyo, di dapat sisihin ang gobyerno sa pagpapakamatay ni Mariannet Amper dahil
ang Davao City ay highly –urbanized at di kabilang sa priority area.ang lalawigan ay dir in kabilang sa 10
pinakamahirap sa bansa.

2.
4. Pagtatanong na sinasagot kaagad ng sumulat upang linawin sa mambabasa ang tinatalakay.

Kung mataas ang LPG dama mo ba ang malakas na piso?


http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 18/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Umabot na sa $ 100 kada bariles ang presyo ng petrolyo sa world market! Nangangahulugan na lolobo sa
Pph3 hanggang Pph5 ang presyo kada litro ng petrolyo. Kaya lahit bumaba ang dolyar kontra piso ay patuloy
pa ring magiging kawawa ang mga obrerong apektado ng pagtaas ng langis.

2.
5. ,Paglalahad ng kaibahan

Higit na mataas ang populasyon ng mag-aaral sa Pilipinas na umabot sa 18 Milyon lamang kumpara nang
nagdaang tatlong taon na may 15 Milyon lamang na nagpatalang mag-aaral.

2.
6. Hindi hayagang sinbi ng nagsasalita.

Malaki ang paniniwala ng Philippine National police ( PNP ) na posibleng nakatakas na palabas ng bansa ang
wanted na election supervisor na si Lintang Bedol sa pamamagiatn ng pagdaan nito sa “ southern backdoor’
bago pa man magpalabas ng kauusan ang Comelec na hulihin siya.

Sanggunian: Gabay sa Pag-aaral ng Pamamahayag sa


Elementarya at Sekondarya
Ni Alex M. Magsino

Pamamahayag Pangkampus ni Ceciliano Cruzlick to add text, images, and other content

SULATING PANANALIKSIK

Sulating Pananaliksik

Batayang Kaalaman

Isang komprehensibong gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisadong at sistematikong pagmamasid at pagsasagawa
upang makatuklas ng mga bagong impormasyon na magagamit sa buhay ng isang indibidwal.

Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong nagging masidhi ang pagsasagawa ng pananaliksik. Naging magkakapit-
kamay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyan ng kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 19/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya ang kanyang kapaligiran upang
magsagawa ng pananaliksik.

Isang akademikong Gawain ang pananaliksik. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na mapalawak ang karanasan,
madagdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad, ang nagagawa ng
pananaliksik sa mag-aaral.

Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang mahabang panahon upang
maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik.

Kahulugan ng Pananaliksik

· Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin.

· Ayon naman kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isanmg sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na
imbestigasyon ng mga proposisyong

· haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod
ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya.
Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano.

· Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik.

Katangian ng Pananaliksik

1. Obhektibo

2. Mayaman sa mga ginagamit na datos

3. May angkop na pamamaraan o metodolohiya

4. Dokumentado

5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat

6. Kritikal

Layunin

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito. Dapat na:

Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto


Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o imterpretasyon sa dati nang ideya

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 20/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Mabigyang – linaw ang isang mahalagang isyu o paksa


Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema
Makapagpatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga mapapanaligang mga materyales o dokumento tungkol sa
mga paksang nangangailangan ng paglilinaw
Nakapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo

Tungkulin/Responsibilidad ng Mananaliksik

Gaya nga ng nabanggit na sa mga unang talakay, isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik lalo na sa mga mag-
aaral.

Narito ang ilang tungkulin/respinsibilidad ng isang mananaliksik

1. Pagkamatiyaga

2. Pagkamaparaan

3. Pagkamasistema sa Gawain

4. Pagkamaingat

5. Pagkamapanuri o kritikal

6. Pagkamatapat

7. Pagiging responsible

Ano ang Thsesis Proposal?

- isang detalyadong plano na ginagamit ng mga mag-aaral bilang gabay sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ito ay
nagpapakita ng lohikal at sistematikong pagdulog ng mga mag-aaral upang maisagawa ang kanyang pananaliksik.

Halimbawa:

Mga mag-aaral ng Elizabeth Seton Taong 1975 hanggang 2005: Nasaan na sila ngayon?

Bakit nahihbirapan ang mga mag-aaral na pumili ng isang suliranin ng pananaliksik?

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 21/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

1. Kinukonsidera ng mga mag-aaral ang maraming suliranin sa pananaliksik.

2. Ang kinakailangang mga datus ay mahirap makamit.

3. Hindi lahat ng mga suliraning panlipunan ay nasusukat.

4. Hindi alam ng mga mag-aaral ang isang ispesipikong suliranin.

5. Hindi batid ng mga mag-aaral ang pagkukunan ng sanggunian at impormasyon sa isang suliraning pananaliksik.

Ano ang mga maggaandang katangian ng isang mabuting pananaliksik?

1. Ito’y dapat ispesipiko.

2. Nasususkat

3. may kinalaman sa isang praktikal na suliranin

4. napapanahon

5. nahuhubog ang isang katuturan ng isang kaisipan o konsepto

6. nakalilikha o mas napabubuti ang isang gawang panukat o instrumentong panukat sa pananaliksik sa pagkuha at pag-
aaral sa mga datos

7. kinakailangan ito’y naipapakita o naipahahayag sa isang relasyon sa pagitan ng isa o higit pang variable.

Ano ang kailangang iwasan sa isang suliraning pananaliksik?

- Mga suliraning may kinalaman sa moral na katanungan

Ang relasyon ba ng magulang ay nakaaapekto sa pagtatanghal ng mag-aaral sa klase?

- Mga katanungang na walang pagsubok na pangkaisipan

Ilang mag-aaral na lalaki ang nakapagpatala sa paaralan?

- Mga katanungang nasasagit ng “oo” o “ hindi” at tiyak na may kasagutan

Kayo ba ay tumatanggap ng may kapansanang mag-aaral sa inyong paaralan?

- Mga katanungan na may kinalaman sa kababalaghan na imposibleng makalikom ng mga datus upang masagot ang
katanungan

Naniniwala ka ba sa multo?

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 22/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

- Isang paghahambing sa isang kalagayan.

Anu-ano ang mga nakamit ng mga pangulo ng Pilipinas sa kanilang panunungkulan?

Ano ang haypotesis sa isang pananaliksik?

- ito ay isang suhestiyong kasagutan sa isang suliranin o pag-aaral

- isang lohikal, isang makabuluhang paghihinuha, upang magbigay daan sa isang matalinong pag-aanalisa sa isang suliranin
Nang magamit upang ito’y mabigyan ng kasagutan. (Leedy)

Ano ang tinatawag na variable?

- Ito ay isang konsepto na nagpapakita ng isang kabuoan o bagay gaya ng:

Kasarian, edad, katalinuhan, klima, nakamit, marka, edukasyon, kalagayang panlipunan

- Isang símbolo na ang bilang o itinakda rito

- Anumang bagay na maaaring mabago sa halaga o bilang batay sa kasidhian o kaantasan (MsGuian)

Ano ang pangkalahatang uri ng variable?

1. Independent Variable

- Ito ay may kakayahang magbago na nakaaapekto sa iba pang variable na tinukoy

- Ito ay tiyak na masusukat, namamanipula o maaring mapili ng isang mananaliksik upang matukoyat makamit ang
relasyon sa isang nasusuring pagbabago (Tuckman)

2. Dependent Variable

- Isang mahalagang aspeto na nasusuri o naoobserbahan at masusukat upang matukoy ang epekto nito sa isang independent
variable. (Tuckman)

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 23/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Halimbawa:

Anong sistemang pampagtuturo ang nakaaapekto sa isang programang pangdalubhasaan o pang-masteral?

Independent Variable: sistemang pampagtuturo

Dependent variable: programang pangdalubhasaan o pang-masteral

Ang isang kasiyahan sa trabaho ay nakaaapekto sa kahusayan ng isang guro?

Independent Variable: kasiyahan sa trabaho

Dependent Variable: kahusayan ng isang guro

3. Interverning Variable

- Ito ay pagtanggap na kung saan makikita na sa parehong variable ang pagkaapekto sa isang katangian. Ito ay maaaring
makaapekto sa pagbaba o pagtaas ng isang kalagayan ng independent variable tulad ng edad, kasarian, at edukasyon.

Uri ng Pananaliksik

1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ibedensya at paktwal na datos. Ito’y
nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang
trabahong siyentipiko.

2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at estatistika. Karaniwang ito’y bunga ng
madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang magaling na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksyon.
Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang
mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling.

3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa
kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.

Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Palararawan (Descriptive Method) – Ito’y idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan
tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga
paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarangt nilinang.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 24/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Uri ng Paglalarawang Paraan

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat
na panahon.

2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung
bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Lawak ng Sarbey

2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang


impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental

3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa
loob ng mahabang panahon.

3.2. Kros-Seksyunal na Paraan – (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang
gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na
kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti sa mga bata sa mga asignaturang tulad
ng wika, agham at matematika.

5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa


pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang
katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng
iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin
ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.

B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok
sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan
ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.

2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.

3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 25/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos

A. Pamamaraan Obserbasyon – Ito ay kinapapalooban ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag-aaralan. Sa


ganitong pag-aaral, ang mannaliksik ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang
pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.

Apat na Elemento na Dapat sa Paggamit ng Obserbasyon Bilang Pamaraang Pangongolekta ng mga Datos

1. Mga desisyon sa pagtiyak ng mga resulta at paka o obserbasyon mismo.

2. Pagdedevelop ng gabay sa pagmamasid na siyang operasyonal na pahayag ng mananaliksik tungkol sa paksang


dinisisyunang obserbahan at ang instumentong gagamitin sa pagtatala ng naobserbahang datos.

3. Ang mga tagamasid, ang kanilang pagkakakilanlan, recruitment at pagsasanay.

4. Interaksyon ng respondent at ng tagamasid na kinapapalooban ng mga desisyon kung alam o hindi ng respondent na siya ay
inoobserbahan.

Binanghay ni Fox (1969)ang mga sumusunod na hakbang sa pamaraang pagmamasid:

1. Paglalahad ng suliranin at hypothesis ng imbestigasyon

2. Pagpapaliwanag ng mga resulta at nilalaman ng obserbasyon

3. Pagpili ng teknik para sa obserbasyon

4. Recruitment ng mga tagamasid

5. Pagdebelop ng patnubay sa pagmamasid

6. Pagsasanay ng mga tagamasid para sa sapat na reability

7. Disenyo ng plano ng pagkuha ng datos sa obserbasyon

8. Pag-imbita sa paglahok ng piling sampol

9. Implimentasyon ng plano ng pagkuha ng datos

10. Paghahanda ng ulat

Mga Bahagi ng Pananalisik

Binubuo ng (5) limang kabanata ang isang pananaliksik at ito ay ang sumusunod:

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 26/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Kabanata I - Suliranin at Kaligiran Nito

Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral

Kabanata III – Metodolohiya / Pamamaraan

Kabanata IV – paglalahad at Pagpapakahulugan

Kabanata V – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Suliranin at Kaligiran Nito

Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin. Sa simula, ang suliranin na napili ay maaaring napakalawak. Kung
sakali, ito ay kailangang gawing tiyak. Maaari rin na ang pangkalahatang suliranin ay gawing maliliit at tiyak.

Ang panimula ay dapat tumatalakay nang tuwiran sa suliraning pag-aaralan. Ang ilang mananaliksik ay nagsisimula sa
bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahad ng masaklaw na mga kaisipan ideya. Sinisimulan ng ilan ang unang pangungusap
ng panimula tulad ng “Ang panglahing layunin ng pag-aaral ay _______________,” pagkatapos ay nagpapatuloy sa
paglalahad ng rasyunal ng pag-aaral. Ang bahaging ito ay maaaring magsama o maglahad ng ilang mga naunang pananaliksik
ba maaaring magpalakas o magpatatag ng dahilan ng imbestigasyon.

Gayunman, dapat na maging maingat nang sa gayon ang tunay na pagrerebyu ng literature ay naisasagawa sa susunod na
kabanata. Ang bahaging ito ay panimula ng natural na natural na magbibigay-daan tungo sa paglalahad ng suliranin. Gayon pa
man, isinasagawa ng ibanbg mananaliksik ang kaugnay na literature sa panimula. Sa ganitong kaso, ang kaugnay na literature
ay hindi na hiwalay sa kabanata.

Ang mga tanong ay higit na ginagamit kaysa ibang estilo ng paglalahad ng mga tiyak na suliranin, bagaman sa ilang mga
tesis o disertasyon na nirebyu ng mananaliksik, ang mga haypotesis o hinuha ay pumapalit sa mga tiyak na tanong. Ang
ganitong pag-aayos ay tinatanggap dahil sa realidad na ang tesis/disertasyon ay sumusubok sa hinuha. Gayunman, ang ibang
mgha tesis ay naglalahad ng suliranin sa tipong pangkalahatan at tiyak na mga layunin. Alin mang mga suliranin at ang mga
hinuha ay nasusubok.

Sa panimulang bahagi ng ulat sa pananaliksik, ang mahalagang kontribusyon ng mga pag-aaral ay dapat isaman. Ito ay
sinusundan ng saklaw at mga limitasyon ng suliranin. Sa panimula rin, may talakay sa kahulugan ng mga terminolohiyang

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 27/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

ginamit. Ang pangunahing layunin sa pagsasama ng mga kahulugan ay para sa maunawaan ng mambabasa kung paano ginamit
ng mananaliksik ang mga terminolohiya sa kanyang pag-aaral.

Sa Batayang Koseptwal naman, inilalahad ng mananaliksik ang mga ideya hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.
Ipinaliliwanag din sa baahaging ito ang pagbuo ng sariling pananaw ng mananaliksik tungkol sa isang problema. Pagkatapos
mapag-aralan ng ilang teorya na may kaugnay sa isang pananaliksik, maaaring bumuo ng isang konseptwal na balangkas na
tinuturing na pangunahingb tema, pokus o layon sa pag-aaral o pananaliksik. Nagiging panuntunan ito sa paggawa ng alinmang
pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng antas at malawak na kaalaman ng mananaliksik. Ang mahusay na mananaliksik ay
nakapaglalahad nang sapat na kaligiran para sa suliranin, sa magkakaugnay, makatotohanan at makabuluhang pahayag.
Inaasahan na may ugnayan ang panimulang bahagi at ang kaugnay na literature.

Karamihan sa mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay hindi gaanong nahihirapan sa pagsulat ng kaugnay na literature, dahil
sa masistemang paraan ng paghahanap o pagsulat nito. Ang mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay gumagamit ng iba’t ibang
sistema ng organisasyon. Ang iba ay gumagamit ngdichotomy (o magkahiwalay) na banyaga at local na literature. Gayundin,
pinaghihiwalay ng ibang pang literature sa konseptwal at pananaliksik. May ilan na isinulat ang kaugnay na literature sa
pamamagitan ng tuwirang pagtalakay ng mga pagkakatulad-tulad at pagkakaiba-iba ng mga nakaraang pag-aaral.

Metodolohiya/Pamamaraan

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng mga datos, instrumentasyon at
pagsususri sa piniling paksa sa suliraning pananaliksik

Maaaring gamiting pamaraan sa pagkalap ng mga datos o materyales sa pananaliksik anginternet interbyu, library at iba pa.

Sinusulat ng mananaliksik ang ginamit na pamaraan tulad ng kung ang pag-aaral ay palarawan, pangkasaysayan o
eksperimento. Dito ipinaliliwanag kung bakit ang pamaraang iyon ang ginamit. Gayunpaman, sa ilang okasyon, higit pa sa isang
pamaraan ang ginagamit. Ang sumusunod na seksyon ay tumatalakay sa mag baryabol na binigyang konsiderasyon kasama na
ang uri ng lebel ng bawat isa. Ito ay sinusundan ng target na populasyon at ang sampling. An g target na populasyon ay dapat
ilahad nang malinaw. Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga datos ay ang sumusunod na dapat bigyan ng pokus sa
presentasyon. Ang mga tiyak na hakbang sa pagbabalideyt ng instrumento ay dapat na ilahad, ang mga instrumentong
nakahanda na ay dapat talakayin ayon sa mga isinasagawang pagsubok sa baliditi at reliyyabiliti. Makatutulong din kung
isasama ang paraan ng pag-administer ng pagsusulat. Ang kasunod na inilahad ay ang disenyong istatsitikal at ang
pagsusumang ginamit sa mga datos na nakuha. Ang dahilan sa pagpili ng istatistika ay dapat banggitin sa bahaging ito.

Paglalahad at Pgpapakahulugan ng mga Datos

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 28/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Ang bahaging ito ng ulat sa pananaliksik ay naglalahad ng mga resulta at mga pagtalakay. Inaasahan na talakayin ang
dahilan ng mga resulta. Ito rin ang bahagi na dapat ihambing ang nakuhang resulta sa mga resultang nakuha ng mga naunnag
pananaliksik. Sa kasong ito, ang mga kasalukuyang resul;ta ay maaaring kinumpirma/magpatotoo o tumaliwas sa resulta ng
mga naunang pag-aaral,

Ang mga talahanaya, grap at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong sa kalinawan ng presentasyon. Kailangan
lamang ang pag-iingat nang sa gayon ang pagkakasunud-sunod ang mga grapik sa pagtalakay. Kung ang mga talahanayan ay
maikli, maaaring isama na laamng ang mga ito sa teksto.

Lagom, Konklusyon Rekomendasyon

Ang lagom – ay nagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa pag-aaral. Dapat na maging maingat
sa bahaging ito. Hindi dapat isama ang kahit ano lamang.

Ang konklusyon ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa mga tanong na inimbestigahan.

Sa rekomendasyon naman inilalahad ang mga mungkahing maaaring makatulong sa iniharap ng mananaliksik upang
maging kapaki-pakinabang ang isinasagaswang pag-aaral.

Lagom Konklusyon Rekomendasyon

Mga payak na Kailangang angkop ang Kailangang kaugnay


pagpapahayag ang gamitin ibibigay na sagot sa mga lamang ng tinatalakay sa
tungkol sa layunin ng pag- inilahad na tiyak na mga pagsisiyasat
aaral, mga kalahok o tanong Kailangang magkaroon ng
respondent, panahon ng Kailangang makita sa modelo paraang praktikal
pag-aaral, paraan ng konklusyon ang mga at kapani-paniwala
pananaliksik instrumento natutuhang patotoo sa pag- Kailangang nakatuon sa
at disenyong ginamit. aaral tao, may kakayahang
Kailangang ilahad ito sa maisagawa ang
isang maikli ngunit tiyak na inirekomenda
paglalahad ng mga Dapat na isaalang-alang
kinakailangang ang pagsisiyasat ang
impormasyon rekomendasyon
Kailangang ipahayag sa
isang daang (100%) ng
pagkamakatotohanan at
kawastuhan

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 29/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

B. Paraang Pagtatanong

Pinakaangkop ang pagtatanong kung layunin ay humanap ng impormasyon sa panlabas na antas. Pili at maayos na
pagkakasulat ng mga tanong ang kumakatawan sa pinakamahusay at epektibong paraan ng pagkuha ng datos.

Mga Katanian ng Epektibong Tanong

1. Dapat na maging malinaw ang lenggwaheng gagamitin.

2. Ang nilalaman o paksa ng tanong gayundin ang panahon ay dapat na tiyak. Madalas na hindi alam ng respondent kung
paano sasagutin ang tanong dahil sa ang nilalaman ay hindi gaanong tiyak, gayundin ang tinukoy na panahon.

3. Ang tanong ay dapat nagpapakita ng isang layunin.

4. Dapat na malaya ang tanong sa anumang palagay.

5. Ang tanong ay dapat na bukas sa mungkahi.

6. Ang tanong ay dapat na may kabuuang linggwistik at konsisteng gramatikal.

Mga Paraan at Kasang kapan Para sa Pagtatanong

1. Ang Pananaliksik na Pakikipanayam – ito ay maisasagawa kung posible ang interaksyong personal. Ang pananaliksik na
pamamaraan ay kinapapalooban ng pangonglokta ng mga datos sa pamammagitan ng tuwirang pasalitang interaksyon ng
kumakapanayan at kinakapanayam.

Dalawang Uri ng Pananaliksik na Pakikipanayam

a. Balangkas na Pakikipanayan – ang mga tanong ay nakalahad ng tiyak sa permanenteng listahan at ang interbyuwer ay
nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon a pagkakasunud-sunod sa listahan.

b. Di-binalangkas na Pakikipanayan – Ang kumakapanayan ay may listahan ng mga tanong, hindi niya kailangang sundin
ang pagkakasunud-sunod nito.

2. Ang kwestyoner/Talatanungan – kung hindi posible ang personal na pakikipagtanungan, sinusulat ng mananaliksik sa
papel ang mga tanong at pinasasagutan ito sa mga respondent.

3. Ang Tseklist – binabalangkas na instrumento para sa pagtatanong

4. Ang Critical Incident Technique – nagpapahintulot sa respondent na pimili ng mga pangyayari na mahalaga o kritikal sa
kanya.

Mga Hakbang sa Paraang Pagtatanong

1. Pagtiyak na ang pamaraang patanong ay angkop sa suliranin.

2. Pagkilala sa lawak ng paksa sa pagtatanong.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 30/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

3. Pagkilala sa buong lawak ng mga tiyak na mga katanungan na maaaring itanong.

4. Paunang klasipikasyon ng posibleng mga tanong na maaaring sabihing kritikal o hindi kritikal sa pananaliksik.

5. Pagkilala sa mga kailangan sa suliranin ng mananaliksik para sa interaksyon ng mananaliksik at respondent.

6. Pagkilala sa mga limitasyon ng pakikitungo sa respondent.

7. Pagpili ng interaksyon ng mananaliksik sa respondent.

8. Pagpapasya sa mga uri ng mga tanong na gagamitin at ang porma ng mga sagot.

9. Pagpili ng teknik o paraan ng pagtatanong.

10. Pagdedebelop ng instrumento para sa pagtatanong.

11. Mga panimulang pag-aaral para matiyak ang katangian ng instrumento.

12. Implementasyon ng plano sa pagkuha ng datos.

13. Implementasyon ng plano sa pagsusuri ng datos.

14. Paghahanda ng ulat ng pananaliksik.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Sulirang Paananaliksik

Masalimuot ang paggawa ng isang sulating pananaliksik. Bunga ito ng pagbata sa init na dulot ng pakikipambuno sa mga
libro ay laybrari, pagpupudpod sa utak kung paano gagawin o sisimulan, paghahati-hati sa panahon upang mabahaginan ng
sapat na oras sa dami ng iba pang pinagagawa.

Ang mga sumusunod ang iba’t ibang hakbang na dapat sundin:

a. pagpili ng paksa

b. pagpapahayag ng layunin

c. paggawa ng tentatibong balangkas

d. paghahanda ng bibliograpiya

e. pangangalap ng datos

f. pagpapahalaga sa mga nakalap na datos

g. paggawa ng pangwakas na balangkas

h. pagsulat ng burador
http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 31/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

i. pagrerebisa

j. aktuwal na pagsulat ng pangwakas na papel

Ang Pagpili ng Paksa

Mga Panuntuan sa Pagpili ng Paksa

1. Maaaring ibigay ng guro ang saklaw ng paksang gagawan ng sulating pananaliksik.

2. Maaring sa inters ng estudyante ang paksang gagawan ng pananaliksik

3. Hindi dapat masaklaw upang kayang gampanan sa loob ng limitadong panahong nakatakda para sa naturang pananaliksik.

4. Siguraduhing may mapagkukunan ng sapat na materyales

5. Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan sapagkat maaaring may kahirapang gagapin ang mga termino at hindi na
angkop para sa panimulang pananaliksik.

6. Kailangang napapanahon

Pinagmulan ng Suliranin

May mga suliraning madaling malulutas subalit ang ibang suliranin ay masalimuot at nangangailangan ng plano o hakbang
na kinasasangkutan ng lugar at tao.

Kasama rin sa pinagmulan ng suliranin para sa pnanaliksik ang mga mambabasa sa mga aklat at iba pang mga sanggunian
tulad ng mga dyaryo, magasin at dyornal.

Katangian ng Isang Mahusay na Suliranin

1. Mahalaga na may interes ka dito.

2. Kailangan ay may kapaki-pakinabang na halaga ito sa iyo, sa iyong paaralan o komunidad.

3. Dapat ay hindi pa ito lubhang nasasaliksik.

4. Ito ay dapat nagtataglay ng bagong kaisipan.

5. Kailangan ay saklaw ito ng iyong karanasan.

6. Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid.

Mga Halimbawa ng Suliranin o Paksa

Mga Pamagat ng Isang Sulating Pananaliksik

1. Isang Pag-aaral sa Paggamit ng Wikang Bernakular ng mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon sa Mataas na Paaralang Las Pinas.

2. Isang Worktext sa Pagtuturo ng mga Kasanayang Pangwika sa Sining ng Komunikasyon Para sa mga mag-aaral ng Ama
Computer College, Sangay ng Makati

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 32/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

3. Isang Pag-aaral sa Kasanayan ng Paggamit ng Wika ng mga Mag-aaral sa mga Sulating Filipino ng Ikaapat na Taon sa
Mataas na Paaralang Makati.

4. Isang Pagsusuri sa Pag-aaral sa Kasanayang ng Pagsusuri ng Mga Mag-aral sa Ikaapat na Taon ng Perpetual University sa
Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan sa mga akdang Filipino.

Ang Pagpapahayagn ng Layunin

Matapos matiyak ang paksa o suliranin na nais saliksikin, kailangang makagawa ng isang paunag pahayag ng layunin ng
papel. Dapat na suriing mabuti ang bawat salita upang matiyak ang kahulugan. Kahit sa bahagi pa lang na ito ay kailangan nang
mabigyang-katuturan ang mga termino. Kapag naisakatupatan na ito ay handa nang pumunta sa silid-aklatan upang magsimula
nang magsaliksik.

Paggawa ng Tentatibong Balangkas

Ang pagbabalangkas ay ang sistema ng isang maayos na paghahati-hati muna ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning lohikal
na pagkakasunud-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsusulat. Ito ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan
ng kalalabasang porma ng isang katha. Ito ay nagsisilbing gabay ding humahaya sa isang ganap na matalinong paghakbang ng
bawat puntong tatalakayin o ilalahad.

Mga Porma ng Balangkas:

Balangkas na may animang antas

I.

A.

1.

a.

1).

a).

b).

2).

b.

2.

B.

II.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 33/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Balangkas na may tatluhang antas

I.

A.

B.

1.

2.

II.

A.

B.

1.

2.

III.

Balangkas ng Bilang

1.

1.1.

1.2.

2.

2.1.

2.2.

3.

Sa alinmang sulatin – paglalahad, komposisyon, pananaliksik, atb. – karaniwan nang ang balangkas ay naglalaman ng mga
bagay na sumusunod, at ang mga ito ay nagpapakita na rin sa mga bahaging dapat tuntunin sa pagsulat:

Pamagat ( Paksa ng Sulating Pananaliksik)

1. Introduksyon/Panimula

1.1. Ang Layunin ng Pananaliksik

1.2. Ang Kahalagayah ng Paksa o ng inyong isinusulat o sinulat

1.3. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Paksa

2. Katawan ng Sulating Nauukolo Mismo sa mga Bagay-Bagay na Napag-alaman Tungkol sa Paksa (Related Literature)

2.1. Unang Puntong Dapat Talakayin

2.2. Pangalawang Punto

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 34/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

2.3. Pangatlong Punto

3. Pamamaraan

3.1. Eksperementasyon

3.2. Ilustrasyon o Larawan

4. Pangwakas

4.1. Konklusyon

4.2. Rekomendasyon

i. Talaan ng Saggunian/Bibliograpiya

ii. Apendise

iii. Glosaryo

iv. Dahon ng Pasaalamat

Pamamaraan

Kung kayo’y may ideya sa inyong layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng inyong gawain, may direksyon na kayo sa inyong
sinusulat. Ang pamamaraan sa pagkuha ng impormasyon ay ang sumusunod:

1. Sa pagkuha ng imprenta o di naimprentang mga aklat, magasin, journal o microfilm, kailangang angkop sa gagawing
pananaliksik. makukuha ito sa mga aklat ng inyong paaralan o pambansang aklatan.

1.1. sa pagkuha ng mga bagay-bagay na dapat isaalang-alang sa pagkuha ng mga tala:

a. gumamit ng ”5x8” (maaari ring ”4x6”, depende sa instruksyon ng guro) na indeks kards. mas mabuti ang indeks kard
kaysa sa ordinaryong papel dahil mas matibay ito at mas madaling ayusin.

b. kailangang isang ideya lamang ang isusulat sa bawat kard. Kung kukulangin ang isang kard ay maaaring gumamit ng iba
pang kard. Maski maigsi ang naisulat sa isang kard ay huwang magtangkang sumulat ng bagong idea sa karagdagang kard na
ito.

c. maging maingat sa pagbubuod ng sinabi ng isang awtor. Kailngan di mawawala ang tunay na kahulugan. Maaari ring
kopyahing eksakto sa kung paano ang pagkakasulat at saka na lamang desisyunan kung anu-ano ang nais talagang sipiin nag
buong buo.

d. Palagom kung ang impormasyon ay sobrang haba para kopyahin nang buong-buo ang teksto. Ito ay hindi binabantasan
ng panipi ( ”... ”), lamang, tungkulin ng mananaliksik na kilalanin ang pinagkunang aklat sa pamamagitan ng pamagat ng Aklat
(Pook na Pinaglathaaan: Tagapamahala, Taon ng Pagkakalathala), pahina (p) o mga pahina (mp/pp)

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 35/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Tatlong Paraan ng Pagkuha ng Tala

1. Pagbubuod (Summarizing) Isinusulat ang tala sa sariling pananalita nang hindi nababawasan ang orihinal pagkat naroon
doin ang pangunahing ideya at mga detalyeng sumusuporta dito.

2. Paghahawig (Paraphrasing) – malayang ipinahahayag ang mga tala batay sa paliwanag sa orihinal. Sa ganitong paraan,
napipilitang mag-isip at umunawang mabuti sa kabuuang ideya ang kumukuha ng tala na hindi nangyayari kapag kinokopya
lamang ang mga tala sa pinagkukunan.

3. Tuwirang sipi (Quotingt) – kumpletong kinokopya ang salitang pangungusap mula sa sanggunian at ikinukulong sa panipi,

Halimbawa ng notkard

Kahulugan ngDemokrasya

Ayon kay Charles E. Merriam: ”angdemokrasya ay hindi lamang mga tinipong pormula o plano ng pagsasaayos kundiisang
buong kaisipan at pagkilos tungo sa kapakanan at nasanakararami.”

Nangangahulugan na ang kapakanan ayhindi lamang ang mga pulitikal na gawain. Sumasaklaw din ito nang malawakan
samga materyal na layunin at ispiritwal na kaisipan tulad ng pagtataas ng batayanng pamumuhay, pagpapayaman ng katauhan,
pakikinabang ng lahat sa kinikita ngpamahalaan na nagpapataas sa ekonimoia at sosyal na paggawa sa buong komunidadnang
hindi nabibinbin.

Stene

PublicAdministration

pp.25-26.

Feminsimo(Paksa)

“Bilang parusa sa mgababaeng ayaw tumigil sa kadaldalan… sa bawat paggalaw ng dila nito, natatanggalang buhok sa
kanyang mukha hanggang sa tuluyan nang malagas ang lahat ng mga itoat matambad ang kanilang mga dibdib.”

Loline M. Antillon at Rachel L. San Miguel, SANDUGOPanitikn ng Kapuluang Pilipinas(Quezon City: Haggai Publication,
1987), p.20

Halimbawa ng palagom

Simbolismo(Paksa)

Ayon sa paningin ni Northrope Frye, ang taglagas ay kaalinsabay ngkatandaan; ang taglamig; kamatayan; ang tagsibol,
pagkabuhay na muli; at angtag-init, buhay, pagyabong o dili kaya’y pamumunga. Kaugnay ng panahon, ang mgabahagi ng isang

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 36/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

buong araw ay may sinasagisag ding kahulugan: ang umaga,halimbawa, ay kaalinsabay ng pagsilang o kabataan; ang
katanghaliang tapat,kasibulan; at ang gabi, katandaan o pagpanaw; kaya nga, ang palasak nakasabihang “nasa papalubog na ang
araw sa buhay.”

Nortrope Frye, “The Archetypes ofLiterature” inModern LiteraryCritism,Edited by Isagani Cruz (Manila: De La Salle University
Press,1984), mp.404-4017

2. Pakikipanayam sa tao – sa mga dalubhasa o sa mga sumusulat sa larangan ng inyong pananaliksik. Ito’y pakikipag-usap sa
taong pinagmulan ng datos.

3. Sa mga establisyemento o mga pagawaan – pagkuha ng impormasyon sa mismong mga gumagawa sa pabrika. Ibabatay ang
impormasyon ayon sa inyong nalalamang operasyon ng paggawa.

4. Sarbey – pagkuha ng larawan ng kaalaman, kabatiran, asal, ikinikilos ng isang takdang pook sa pamamagitan ng matematika
at pagsusuring estatistika. Ito’y galing sa mga sagot ng na pinakasimple o napiling populasyon, sa pamamagitan ngt
pagtatanong o pakikipanayam. Ang ganitong pamamaraan ay karaniwang ginagamit sa higit na masusing pamamaraan ng
pananaliksik.

Paggawa ng Talasanggunian o Bibliograpiya

Ang talasanggunian o bibliograpia ay isinusulat sa papel paalpabeto. Narito ang ilang paraan kung paano isusulat ang
talasanggunian.

1. Libro

Ang dapat isaalang-alang ay ang pangalan ng awtor, pamagat ng akda at mga tala tungkol sa pagkakalimbag o publikasyon

a. nauuna ang paelyido na sinusundan ng kuwit at nahuhuli ang unang pangalang o mga pangalang na sinusundan ng
tuldok.

Fluid, Madil W. Level. Plymouth: Macdonal and Evans, Limited. 1993

b. Kung dalawang tao ang may-akda: ang unang awtor ay sumusunod sa tuntunin a at ang ikalawang awtor ay mauuna ang
unang pangala bago ang apelyide at sinusundan din ng tuldok.

Downey, Glen L. at Gerald W. Smith B., Advanced Dynamics for Engineers,Pennsylvania: International Textbook Company.
1920

c. kung sa mahigit sa dalawa ang akda ng libro, sundin ang tuntunin a at dadagdagan ng et al.

Piits G. et al. Techinique in Engineering Design. London: The Butterworth, 1973

d. Magasin – isinusulat ang pangalan ng artikulo sa loob ng panaklong. Ang pangalan ng magasin at sinsalungguhitan.
http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 37/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Lyn, Applegate E. (Me, BRAINS SEPARATION PROCESSOR) Chemical Engineering, International News:McGraw
(/MembersB/EditPage/news:McGraw) Hill Publication, June 11, 1984

e. Artikulo – sinusunod ang tuntunin sa pagsulat ng awtor sa libro. Gawing malaki ang unang letra ng mga mahahalagang salita
at lagyan ng tuldok. Lagyan din ng dobleng panipi ang unahan at dulo ng buong pamagat. Sundin ang pagpapalaking letra sa
pamagat ng artikulo. Salungguhitan ang buong pangalan o italisado. Ang bilang ng bolyum, petsa at bilang ng pahina.

Pagtatalababa

Dalawang Uri ng Talababa

1. Talababang Kumikilala – nagsasaad ng pangalan ng pinagkunan at lahat katungkulang di-dapat ipagwalang-bahala ng


isang nananaliksik. Nagsasaad ito ng pangalan ng pinagkunan at lahat ng mga mahahalagang dapat banggitin dito. Kung libro
ay ilalagay ang pamagat ng libro, lugar ng palimbagan, ang palimbagan, petsa at pahina. Kung peryodikoal ay kailangan ang
pangalan ng sumulat, pamagat ng akda, pangalan ng peryodikal, bolyum, petsa at pahina.

2. Talababang Nagbibigay-kahulugan – talababang nagpapaliwanag tungkol sa isang bahagi ng papel. Dito


nakapagdadagdag ng sariling opinyon ang sumulat.

Ang pagpapabaya na gumagamit na talababang kumikilala ay maaaring magbunga ng isang kasalanan – ang panghuhuwad o
plagarism. Ito ay pag-aangkin sa kaisipan o ideya ng iba. Kailangang killaanin ang may-ari ng isang kaisipan bilang
pagssakatuparan sa isang tunay na pananaliksik.

Mga Daglat ng Ginagamit sa Pagtatalababa

blg. bilang

bol. bolyum

cf. confer, ihambing

et al. et alili, at iba apng manunulat o tao

ibid. ibidem (in the same place), sa parehong akda na kagyat na kasunod.

kab. kabanata

loc cit. loco citato (in the place cited), sa parahong pinagkuna na may namamagitang iba pang pinagkukunan. Ang apelyido
lamang ng awtor ang ilalagay.

op cit. opera citato ( in the work cited) sa parehong pinagkukunan na may namamagitang iba pang pinagkukunan pero iba
ang pahina. Ang apelyido lamang ng awtor ang ilalagay at ang bilang ng pahina.

p. mp o pp pahina o mga pahina

sal. salin

[sic] ayon sa orihinal, may napansing kamalian ang sumusulat ngunit hindi iwawasto. Walang tuldok.

w.p. walang petsa

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 38/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

w.l. walang lugar na ibinigay

ser serye

MS manuskrito

passim sito at doon sa buong aklat

Tiyak na Pagahahlimbawa ng Talababa

1Teodoro Agoncillo at Milagros Guerrero, History of the Filipino People(Quezon City: R.P. Garcia Publishing House Co.,

1970), p 68

2Ibid.

3Ibid., p 86

4. Gemma N. Almendral, “The Reformists of the February Revolution”, Diliman Review, bol. 34, blg 2, 1986, p. 7

5Isabel dela Toree, “Secret Base in Bukidnon”,Manila Standard, Enero 13, 1989, p.3

6Ibid

7Almendral, loc cit.

Sanggunian:

Wikang Filipino Retorika at Sulating Pananaliksik. Ligaya Tiamson – Rubin et al pp. 176-194

Sining ng Komunikasyon. Magdalena O. Jocson et al pp. 156-190

Filipino Pangkolehiyo. Arrogante pp. 175-190

Gamiting Filipino Pagbasa at Komposisyon. Kagawaran ng Filipino Dalubhasaang Normal ng Pilipinas pp. 227-238

DEBATE - SINING NG PAGTATALO

BATAS NG WIKA

MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORANDUM AT SIRKULAR NA MAY KINALAMAN SA WIKANG PAMBANSA

1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 39/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na
katutubong wika…”

2. Batas Komonwelt bilang 184 (1936)

Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na
siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.

3. Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937)

Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.

4. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940)

Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ang
pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan,pambayan man o pribado.

5. Batas Komonwelt blg. 570 (1946)

Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

6. Proklama blg. 12 (1954)

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4
ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.

7. Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959

Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang
Pilipino ay siyang itatawag.

8. Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962

Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong –aralan 1963-1964. Ang mga sertipiko at diploma ng
pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.

9. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963

Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.

10. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967

Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo,gusali at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan sa Filipino.

11. Memorandum Sirkular blg. 172 (1968)

Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-

uutos na ang mga ”letterheads” ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa
Ingles. Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino
gagawin.

12. Memorandum Sirkular blg. 199 (1968)

Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga

kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 40/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok linggwistika ng

kapuluan.

13. Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969)

Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng

kagawaran, kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng

pamahalan na gamitin ang wikang Fillipino hanga’t maari

sa Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan man nito sa

lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.

14. Memorandum Sirkular blg. 384 (1969)

Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor na

nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan,

kawanihan ,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan

kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng

pamahalaan.

15. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971)

nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating

kayarian ng Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

16. Atas ng Pangulo blg. 73. (1972)

Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng

Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng maylimapung libong (50,000)
mamamayan

alinsunod sa probidyon ng Saligang Batas Artikulo XV

Pangkat 3.

17. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974)

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 41/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng

Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan

sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.

18. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976)

Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro

Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino.

19. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978)

Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual

Education.

20. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978)

Paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa wikang

Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes

Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.

21. Kautusang blg. 52 (1987)

Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987

22. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987)

Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong

Bilinggwal ng 1987.

23. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987)

Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

1935 – Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng saligang-Batas ng Pilipinas ay nagtatadhana ng “ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

1936 (Okt 27) – sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon sa kapulungang pambansa ay itinatagubilin niya ang pagbuo ng
Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad
at makapagpatibay ng isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa mga wika sa kapuluan.

1936 (Nob. 13) – Bilang pagtupad ng itinadhana ng saligambatas at pag-alinsunod sa mensahe ng pangulong Quezon,
pinagtibay ng Kongreso ang batas Komonwelt blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian ng Wika at nagtatakda ng mga
kapangyarihan at tungkulin nito. Sa pagpili ng gagamiting wika ay itinatadhana ng batas na hirangin ang wika na may higit na
http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 42/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

kaunlaran sa kaniyang pagkakabuo, mekanismo, pampanitikan at siyang tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking bilang ng
mga Pilipino.

1937 (Enero 12) – Hinirang ng Pang. Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa:

Jayme C. de Veyra (Samar-Leyte) -tagapangulo

Santiago A. Fonacier (Ilukano) - kagawad

Filemon Sotto (Cebu) - kagawad

Casimiro F. Perfecto (Bikol) -kagawad

Felix S. Salas Rodriguez (panay) - kagawad

Hadji Buto (Muslim) -kagawad

Cecilio Lopez (Tagalog) - kagawad

1937 (Nob 9) – Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay ng pangulo ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting
saligan ng wikang pambansa.

Seksyon 7 ng Batas Komonwelt 333, na nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184. Isa sa mga susog, ang
pangalang pambansang Surian ng Wikang Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa, at tiniyak ang pagkabuo ng
Surian na ang bawat kagawad ay kakatawan sa isang pangunahing wika sa kapuluna.

1940 (Abril 1) – sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang
talatinigan at isang balarila ng Wikang Pambansa, at itinatakdang mula Hunyo 19, 1940 ay sinimulan nang ituro ang wikang
pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pansarili.

1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang kautusan pangkagawaran; ito’y
sinundan ng sirkular Blg. 26,s 1940 ng Patniugot ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay
sisimulan sa mataas na paaralan at sa mga paaralang normal.

1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana na ang pambansang wikang Filipino ay magiging
isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.

1954 (Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon kasaklaw ang kaarawan ni Balagtas (Abril 2).

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 43/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

1955 (Set 23) – Nilagdaan ng Pang.Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng 1954. na sa pamamagitan nito’y inililipat ang
panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 ng Agosto hanggang ika 19 ng Agosto.
Saklaw nito ang kaarawan ng pangulong Manuel Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa.

1959 (Agosto 13) – Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagsasaad ng kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.

1967 (Okt 24) – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na
nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din ang mga ulong-
liham ng mga kagawaran at mga tanggapan,at mga sangay ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang
kaukulang salin sa Ingles, iniatas din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin
sa Filipino.

1968 (Agosto 6) – Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-aatas na gamitinnhangga’t
maaari sa lahat ng kagawaran, kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wika at gayun
din pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

1971 (Hulyo 19) – Pinalabas ng Kalihim TagapagpaganapAlejandro Melchor ang Memorandum Sirkular Blg. 488 na nagbibigay
diin sa Proklamasyon Blg. 186, s. 1955 na nag-aatas sa lahat ng tanggapang pampamahalaan na magdaos ng mga palatuntunan
sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.

1974 (Hunyo 19) – Pinalabas ng kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang kautusang pangkagawaran
Blg. 25, 2. 1974 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingual.

1976 – Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang Memoramdum pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 na nagsasaad ng binagong mga
tuntunin sa ortograpiyang Pilipino na nagragdag sa 20 titik ng Abakada ng mga titik C, CH, F, J, LL, ñ, Q, RR, V, X, Z.

1979 – Nilagdaan ng Minster ng Edukasyon ng Lultura ang Kautusang pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga mag-aaral
na dayuhan sa mga dalubhasaan at pamantasan sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim (6) nay unit ng
Pilipino upang makatupad sa mga pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso.

1980 (Abril 28) – Ipinalabas ng Minister ng Edukasyon at Kultura, Onofre D. Corpuz, ang Memorandum Blg. 103 na nagtatatag
ng mga sentro sa PNC at NTC na magsasanay sa mga guro sa dalubhasaan na gumamit ng Pilipino bilang wikang panturo.

1986 – sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinatadhanag tatawaging Filipino gaya sa nakasaad:

Artikulo XIV, Sek 6 – “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 44/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat mafsagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edulasyon.

FILIPINO: WIKANG PAMBANSA PARA SA MGA FILIPINO

Ni R. Aguilar

Itinakda ng Salingambatas ng 1987 na:

“Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nabubuo, patulo’y itong pauunlarin batay sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas at iba pang wika,” (Art. XIV, sec 6) Sinasabi sa seksyong ito na:

“Alinsunod sa mga probisyon ng batas at kung mamarapatin ng kongreso,gagawa ng hakbang ang gobyerno upang simulan
at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal sa komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema sa
edukasyon,” sinabi rin sa Art. XIV, sek. 7 na:

“Para sa komunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinakda ang
batas, Ingles.”

Maliwanag ang isinasaad ng batas, ngunit ang naging isyu ay ang kahulugan ng salitang Filipino. Ano ang ibig sabihin ng
Filipino? Ito ba ay ang Tagalog na binihisan lamang ng bagong pangalan.

Ang ating bansa ay binubuo ng maraming wika at wikain sa bawat rehiyon at ang bawat rehiyon ay naghahangad na ang
kanilang wika ay maisama kundi man siyang gawing wikang pambansa. Sakasalukuyan,kapag sinabi mong ang batayan ng
wikang pambansa at Tagalog, marami ang tumutol na sa ilang bahagi ng Cebu at Mindanao. Ito ang sagwil sa mabilis na
pagpapalaganap ng wikang pambansa.

Marami rin ang nagtatanong kung ito bang “Filipino” ay ang Linggua Franca na ginagamit sa Maynila.

Ayon na rink ay Dr. Ernesto Constantino ng UP na dahil naging salungat ang mga di-Tagalog,baka di malayong ang wikang
“English” an gating maging wikang pambansa.

Ang Tagalog ang hindi ‘mother tongue’ng pinakamalawak na pangkat linggwistiko bagama’t maaaring masabi na ang
Tagalogang may pinakamaraming nagsasalita, ang kaniyang katunggali rito ay ang wikang Cebuano na lalong may maraming

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 45/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

nagsasalitang katutubo. Sa buong Pilipinas ay may 52% ang nagsasalita sa Filipino/Tagalog.

Sa ilang mga talakayan hinggil sa wika ay lumitaw ang maraming suliranin kung tagalong nga ang bataayn ng wikang
pambansa tulad nang pairalin ang “Bilingual Education System” dahil ditto ay inalis sa mga paaralan ang paggamit ng iba pang
wika sa pagtuturo maliban saEnglish at Filipino (batay sa Tagalog): naging bunga sa mga llawigan tulad ng Negros
Occidental,na kung saan ang lahat ng mga mag-aaral at mga guro ay mga Ilonggo at Hiligaynon.

Isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay nagsasalita ng magkaibang wika, Ilokano at
Kapampangan o Bisya at Bikol, atbp., samantalang sa paaralan at Tagalog at English. Wala itong suliranin sa Metro Manila,
dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog ang wika ng mamamayan.

Sa kabilang dako, naniniwala si Direktor Ponciano pineda ng Komisyon ng Wika na ang paggamit ng wikang Filipino ay
walang suliranin, mauunawaan ito at nagagamit ng mga di-Tagalog, kasama ang Bisaya at Mindanao, ang kailangan lamang ay
pagpapaliwanag, bagama’t kailangan muna ay magkasundo ang gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay hindi
nagkakaisa, hindi maniniwala ang pinagpapaliwanagan.

Hindi makaila na an gating pamahalaan ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pag-unlad ng ating wika. Nagpalabas ang
pangulo ng kautusan blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na nag-uutos ng:

1. Gumawa ng hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, translasyon at korespondensya
sa kani-kanilang tanggapan maging pambansa o local.

2. Magtakda ng isa o higit pang tauhan na mamahalasa lahat ng komunikasyon at korespondensya na nakasulat sa Filipino.

3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng tanggapan,gusali at tanggapang pampubliko,ang mga signboard ng lahat ng mga
tanggapan at dibisyon samantala maaari na lamang isulat sa wikang English sa maliit na titik ang salin nito.

4. Gawin sa Filipino ang ‘panunumpa sa tungkulin’ ng mga opisyal at mga tauhan ng pamahalaan.

5. Magsagawa ng mga pagsasanay sa paggamit ng Filipino sa mga tauhan ng bawat tanggapan sa opisyal na komunikasyon at
korespondensya.

ANG TALAMITAM

(Komunikasyon)

Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng pagkukuro at damdamin sa pamamagitan ng salita upang makaunawa ang mga
tao. Ginagamit natin ang wika sa pang araw-araw nating pakikipagtalamitam tungo sa pag-unlad n gating pamumuhay. Sa lahat
ng pagkakataon, wika ang ginagamit natin upang maiparating ang ating iniisip at nadarama sa ating kapwa. Lahat ng lahi o lip
ng tao, gaano man ito kadukha ay may taglay na wika. Ang wika ay laging kaakbay sa lakad ng panahon.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 46/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Bagaman maaaring makipagtalastasan sa pamamagitan ng mga hudyat tulad ng paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng katawan
at bakas ng mukha; tulad ng pagsimangot, pagngiti, pagkindat o paggalaw ng ulo tulad ng pagtango o pag-iling, ang paggamit pa
rin ng wika ang pinakamabisang pakikipagtalastasan, berbal man o di-berbal.

Ayon kay Dogro Dregorio Rodillo, ang wika ay isang payak na pagpapakahulugan, ay paraan ng pagpapahayag ng iniisip at
dinarama upang magkaunawaan. Ang mga katangiang taglay nito ay: 1. buhay, 2. natatangi, 3. nakabuhol sa kultura, 4.
nagsasalungatan, 5. nagkakatulad.

Reynaldo L. Aguilar et al. 2006. Sining ng Komunikasyon. Cardonia St, Brgy. Poblacion, makati City. Grandwater
Publication

MITOLOHIYANG PILIPINO

Si Bathalala (nasa ibabaw), isang diwata (http://wapedia.mobi/tl/Diwata) (nasa ilalim), at isang sarimanok
(http://wapedia.mobi/tl/Sarimanok) (nasa gitna).

— Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Siya ang makapangyarihang diyos, pinaniniwalaan ng mga
sinaunang Tagalog at hari ng mga Diwata. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila .

— Pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang Tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa Diyos ng
rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong nagyon, ang salitang
"Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino nagyon.

— Sa Mitolohiyang Pilipino, ang Diwata or Lambana ay mitolohiyang pigura gaya ng fairies (http://en.wikipedia.org/wiki/Fairy) o
nymphs (http://en.wikipedia.org/wiki/Nymph). Sinasabing sila ay nananahan sa malalaking puno gaya ng acacia
(http://en.wikipedia.org/wiki/Acacia) and balete (http://en.wikipedia.org/wiki/Balete) at pinaniniwalaan na espiritung tagapagbantay ng
kalikasan, tagapagbigay ng pagpapala at sumpa sa sinumang nangangalaga o sumisira sa kabundukan at kalikasan. Sa Filipino
baybayinang Sanskrit (http://en.wikipedia.org/wiki/Sanskrit) na salitang devadha, ay mula sa Sanskrit na salitang dev
(http://en.wikipedia.org/wiki/Dev), nangangahulugang kabanalbanalan.

— The salitang "diwata" ay hango sa iba’t ibang kahulugan mula sa konsepto ay iniuugnay sa mga mitolohiya noong pre-
colonial. Malimit ito ay isang ginagamit upang tukuyin ang isang nilalang gaya ng diwata o engkantada, o gaya ng mga
nabanggit. Ang salitang "diwata" ay kasingkahulugan ng "anito," at ang paggamit ng salitang "diwata" ay kilala sa Katimugan
ng Pilipinas, habang ang "anito" ay ginagamit at kilala sa Hilagang bahagi.

— Ang lalaking diwata ay tinatawag na enkanto, at nananahan sa karagatan. Ito ay karaniwan sa mga mangingisda na nag-
aalay sa engkanto ng karagatan upang magkaroon ng masaganang huli.

— Ang Mitolohiyang Pilipino ay nababatay sa iba’t ibang pangkat ng tao o tribo sa kalupaan ng bansa kaya maraming kuwento
at nagkakaiba-iba ang mga ito. Narito ang ilan sa kanilang mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Pilipino:

— Bathala. Punong diyos ng mga Tagalog

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 47/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

— Kaptan. Sa Visayas, siya ang kataas-taasang doyos na nananahan sa kalangitan. Nakipagtalo siya kay Maguan na nagtapon
siya ng mga tipak ng mga bato kaya nabuo ang mga isla ng Pilipinas.

— Idianalé. Ang diyosa ng pag-aasawa sa mga sinaunang Tagalog

— Sidapa. Diyos ng kamatayan. Naniniwala na siya ay nananahan sa tuktok ng of Mt.Madia-as, sa lalawigan ng Antique.

— Apong Sinukuan. Ang diyosa ng araw at diyosa ng Mt.Alaya(Arayat)sa lalawigan ng Pampanga.

— Apong Malyari. Diyos ng buwan at ng Mt.Pinatubo. Sinasabing kapatid ni Apong Sinukuan.

— Amihan. Diyosa ng hanging Amihan o Personification of the Northeast Wind.

— Pughe. Hari ng mga dwende. Sa hilaga. Nahahati ang mga dwednde – puti at itim.

— Dian Masalanta. Ang dyosa ng pag-ibig at pagsilang sa sinaunang Tagalog.

— Lakapati. The hemaphrodite deity of fertility among the ancient Tagalogs.

— Dal'lang. Dyosa ng kagandahan. Nagbibigay ng kagandahan sa kanyang tagasunod.

— Lalahon. The visayan goddess of fire, volcanoes, and harvest. In ancient times people were feared her because she sent locust
to destroy harvest when she's angry.

— Kidul. Ang dyos ng lindol.

— Kalinga. Ang dyos ng kulog.

— Agui. Ang dyos ng apoy, kapatid ni Agwe..

— Maguayan. The sea deity of the ancient Visayans. He/She is also believed to be the ferryman of the dead in Sulad(hell).

— Mandarangan - dyosa ng mga ispiritu at digmaan ng Bagobo mythology.

— Siginaugan. Dyos ng impyerno

— Deltise. Ang dyos ng mambabarang

— Kilubansa. Dyos ng paghilom. Ama ni Dihas

— Dihas. Dyosa ng mga halamang gamot

— Pasipo. Dyos ng musika

— Sirenha. Dyosa ng mga isda – ang mga sirena ang kanyang mga anak

— Oghep. Dyos ng bundok at burol .

— S'dop (sodop). Dyosa ng ginto

— Dayea. Dyosa ng mga lihim

— Bayoa. Dyos ng sanduguan

— Aspene. Dyosa ng kabibe.

— Punho. Diyos ng mga puno.

— Haspe. King of the Tamaos.


http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 48/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

— Halmista. The visayan god of magick. Some say that he is a former baylan who turned into a god.

— Bathala/Alah – pangunahing Diyos

— Idionale – Diyos ng mabuting gawain

— Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan

— Apolaki – Diyos ng digmaan

— Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani

— Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig

— Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang buhay

— Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay

— Tala – Diyos ng pang-umagang bituin

— Apolake (or Adlaw), god of the sun (http://en.wikipedia.org/wiki/Sun)

— Amanikable, the ruler of the seas

— Anitan, the guardian of lightning.

— Bathala (http://en.wikipedia.org/wiki/Bathala) (also known as Kabunian, Malayari, Apo, and Lumawig) the ruler of the heavens

— Dian Masalanta the goddess of love,

— Mayari (http://en.wikipedia.org/wiki/Mayari) (or Bulan in other areas), the goddess of the moon (http://en.wikipedia.org/wiki/Moon),

— Tala (http://en.wikipedia.org/wiki/Tala_(goddess)), goddess of the stars

— Mabubuting Espiritu

— Patianak – Tagatanod sa lupa

— Mamanjig – Tagapangiliti sa bata

— Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa

— Masasamang Nilalang

— Tiktik – isang ibong kasama ng aswang

— Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan ang kalahati ng
kanyang katawan.

— Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol

— Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 49/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

— Salot – nagsasabog ng sakit

— Tiktik – isang ibong kasama ng aswang

— Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan ang kalahati ng
kanyang katawan.

— Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol

— Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako

— Salot – nagsasabog ng sakit

— Ang mitolohiya tungkol sa mga aswang ay bantog sa Visayas, lalo na sa mga lalawigan ng Capiz, Antique and Iloilo.

Sanggunian:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino (http://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino)

http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-mitolohiya-kaligirang-pangkasaysayan-ng-
mitolohiya_1150.html (http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-mitolohiya-kaligirang-pangkasaysayan-ng-
mitolohiya_1150.html)

http://oboids.wordpress.com/2007/04/13/mitolohiyang-pinoy-si-bathala/ (http://oboids.wordpress.com/2007/04/13/mitolohiyang-pinoy-
si-bathala/)

http://tl.wikipedia.org/wiki/Bathala (http://tl.wikipedia.org/wiki/Bathala)

http://tl.wikipedia.org/wiki/Diwata (http://tl.wikipedia.org/wiki/Diwata)

http://tl.wikipedia.org/wiki/Apolaki (http://tl.wikipedia.org/wiki/Apolaki)

http://tl.wikipedia.org/wiki/Aswang (http://tl.wikipedia.org/wiki/Aswang)

SINO ANG DAPAT IBOTO SA HALALAN?TITLE

Sino ang dapat iboto sa Halalan?


Allan A. Ortiz
Tuwiring sasapit ang panahon ng halalan, ang mga politiko ay may kani-kaniyang
paraan ng pagpapabango ng pangalan sa publiko. Nariyan ang nagkalat na posters kung
saan-saan na nagpapapangit at nagpaparumi ng paligid. Sarisaring mga patalastas sa
telebisyon na ibinibida ang kanilang plataporma, proyektong matagumpay na naipatupad,
gayundin ang patutsadahan sa mga karibal na politiko; paglalabas ng mga kasiraan ng mga
katunggali sa posisyong hinahangad maibalik, upang manatili muli o kaya maitaas ang
puwesto sa pamahalaan.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 50/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Ang sambayanan ay tila nahihilo at nabubulagan sa mga mababangong pangako


ng mga politiko, naniniwala sa mga patutsadahan at mga impormasyong naririnig ngunit
hindi batid kung saan ito nagmula o totoo ang mga ito.

Maraming halalan na ang nagdaan ngunit nararamdaman ba ng ating bansa ang


mga pangako ng pagbabago na binitawan ng mga politiko noong panahon ng halalan?
Hindi pa ba natututo ang mga Pilipino sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bansa?

Ayon sa Kawikaan 29:2 MBB “Kapag matuwid ang namamahala, bayan ay


nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.”

Upang makamit ang pangakong ito ng Panginoon, dapat na pumili tayo ng tamang
pinuno na mananahala sa ating bansa. Paano ba pumili ng karapat-dapat na pinuno?
Narito ang ilang gabay para sa ating mga kababayan upang hindi tayo magkamali sa ating
pagpili.

Ang isang kandidato ay may katangiang taglay upang mamahala siya nang wasto
na naayon sa kalooban ng Panginoon. Dapat nangunguna sa kanyang katangian ang
kanyang pagiging isang mabuting tagasunod ng Panginoon. May takot sa Diyos, siniskap
na namumuhay ayon sa Salita ng Panginoon, Ang kanyang mga desisyon ay hindi naayon
sa kanyang pansariling hangarin bagkus ay batay sa kalooban ng Diyos para sa ikararangal
Niya at sa ikapakikinabang ng nakararami.

May pagpapahalaga at respeto sa buhay, pamilya, magulang, batas,


kapangyarihan, simbahan at lipunan. Pinanatili niya ang kanyang dignidad at karapatan
hindi para sa sarili bagkus para sa lahat. May malasakit sa kapakanan ng dukha at aba
dahil sila ang tunay na nangangailangan.

Pangunahing proyekto ng isang mahusay na pinuno ay ang pamilya. Ang sentro ng ating
lipunan ay pamilya. Kapag sira ang pamilya sila ang lipunan. Maraming krimen na
nangyayari sa ngayon at ito ay dahil sa maling prinsipyo, paniniwala at pagpapalaki sa loob
ng tahanan. Maraming mga kabataan ang nabubuntis at hindi alam ang tamang
pagpapalaki ng anak. Dapat lamang bigyan ng pansin ito ng susunod na pinuno. Kung
magiging maganda at mabuti ang lahat ng pamilya ay bubuti ang lahat. Marapat lamang na
may programa na paghubog sa relasyyon sa loob ng tahanan at masisimulan ito kung ang
kanailang sinusunod ay kung ano ang naayon sa Banal na Kasulatan. Dapat ang mga
magulang ay may malalim at malawak hindi lamang kaalamang bagkus malalim na pag-
unawa at karungungan sa Salita ng Diyos sa Bibliya. Ito ang magiging sandigan ng pamilya
upang maging isa at mabuti ang mga tahanan.
http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 51/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

May puso sa kanyang kapwa ang isang karakter ng isang politiko. May
pagmmamahal at malasakit sa kanyang mga kababayan. (Lukas 14:13-14 Subalit kapag
ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga
bulag. Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain ka, dahil hindi man nila masuklian ang
ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga
matuwid.”)

May pagKarakter ng isang mabuti, tapat at matuwid na pinuno ay malinaw sa kanya ang
tama at mali; makatarungan siya sa lahat ng bagay; walang kinikilingan at matapang sa
ipinagtatanggol at ipinatutupad ang tama. May malinis siyang pamumuhay, maayos na
pamilya, hindi nasasangkot sa anumang katiwalian, paglabag sa batas, anomalya,
pagnanakaw at hindi maipaliwanag na kayamanan, walang babae o lalaki, walang bisyo sa
alak, droga, sugal at iba pa. Hindi dahil sa sikat ang isang tumatakbong kandidato o dahil s
anagbigay siya ng karangalan sa bansa o galing siya sa hirap ay nararapat siya sa posisyon.
Huwag tayong magpadala sa mga ito bagkus siyasatin nating mabuti ang bawat detalye ng
impormasyon tungkol sa kandidato. . Tingnan natin kung mabuti ang kanyang magagawa
o may nagawa na siya kung nagkaroon na siya ng posisyon sa pamahalaan.

Isa pang katangiang nararapat taglayin ng isang mabuting pinuno ay ang


pagmamahal niya sa kanyang bayan. May pagpapahalaga sa kasaysayan ng ating bansa at
kultura. Kahit nasapanahon na tayo modernisasyon at teknolohiya ay hindi dapat nililimot
ng mga pinuno ang kanyang pinagmulan at kinagisnang kultura. Ito ang nagiging sandigan
ng ating pagkakakilalanlan sa iba pang lahi. Ang pagbibigay importansiya sa kasaysayan ng
ating bansa ang nagtuturo sa ating mamamayan kung paano tayo dapat mamuhay, mag-
isip at kumilos para sa ating bayan. Ang pagmamalasakit sa pagpapanatili, pagpapaunlad
at pagpapatibay ng kasaysayan at kultura ng ating bansa ay indikasyon na may
pagmamahal siya sa bayan. Karugtong nito ang pag-iingat sa likas na yamang taglay ng
ating bayan. Hindi niya hahayaan ang mga mauunlad na bansa ang siyang maghari-harian
at magpasunod sa ating gobyerno upang gamitin ang ating likas na yamana na ang dapat
lamang unang makinabang nito ay tayo. At sino pa ang mangangalaga ng itinalaga ng
Panginoon sa ating ito kundi tayo rin. Huwag din isantabi ang pagpapayaman sa ating wika
na sa mga nakalipas na panahon ay hindi na binibigyang halaga n gating gobyerno ang
pagpapayaman nito. May pagkakataon pa ngang isang pangulo na nagbigay ng kautusan na
binibigyang halaga ang banyagang wika bilang pangunahing wikang gagamitin at ang
makontrobersiyang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Kaugnay sa pagpapahalaga sa mahihirap, dapat may mga malinaw at


pangmatagalang programa ang isang kandidato para sa magsasaka, mangingisda,

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 52/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

karaniwang manggagawa, kawani ng pamahalaan, mga may kapansanan, sa mga senior


citizen.

Ang ating bansa ay isang agrikultural na bansa na nararapat lamang na binigyan


ng pangmatagalang programa ang sektor ng pagsasaka. Isang kabalintunaan na nasa ating
bansa ang International Rice Research Institute (IRRI) na kung saan tayo ang
nangungunang bansang nag-aangkat ng bigas sa Cambodia, Vietnam at Malaysia na kung
saan tayo ang nagturo sa kanila ng mga makabagong paraan sa pagsasaka at pag-aaral sa
mabuting uri binhi ng palay. Ang mga lupaing sakahan ay ginagawan nang pang-industriya
kaya nagkukulang na tayo ng lupaing sakahan. Paano mabubuhay ang mga tao kung
sinimento na ang mga lupaing taniman?

Isang arkepelago ang ating bansa na ibig sabihin ay pinalilibutan ang ating
kalupaan ng anyong tubig. Isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ay ang
pangingisda. Nararapat lamang pinatutupad ang mga batas na mangangalaga sa ating mga
karagatan at mga anyong tubig. Bigyan din pansin kapakanan ng mga mangingisda
pagdating sa kaligtasan at kalusugan at iba pa.

Kung ibig paunlarin ng ating mabubuting pinuno ang rural na lugar sa ating bansa,
dapat lamang pinagpaplanuhang mabuti ang ito na kung saan mabibigyang ng pag-asenso
at oportunidad ang mga kababayan natin sa kanayunan bagkus ay napanatili pa rin ang
kabuhayan doon at napangalagaan ang kagandahan ng kalikasan na hindi sinisira bagkus
pinangangalagaan at prinoprotektahan. Hindi tulad ng plano nilang reklamasyon sa
Manila Bay na ikasisira ng ating likas yaman. Oo, maganda ang idudulot nito at malaking
ipapasok na pera sa pamahalaan ngunit ang masamang idudulot nito ay napag-isipan ba
nila o inisip nila ang pansariling interes at kikitain ng politico sa ganitong proyekto?

Ang lahat ng ito ay kailangan na maisagawa sa pamamagitan ng kakayahan at


abilidad. Dapat ang isang pinuno ay may kaalaman at nakamit na edukasyon. Subok na
ang karanasan sa paglilingkod at pagsasagawa ng isang tungkulin. Matatag ang loob na
kabakahin ang lahat ng hamon ng isang pagiging lider na nagpapatupad ng batas at
tagasunod ng batas.

Ang lahat ng katangiang ito ay mahirap hanapin sa iisang kandidato. Ngunit may
paraan upang makita natin ito. Nararapat nating unang gawin ay ipanalangin natin sa
Panginoon na gabayan tayo sa pagpili ng pinuno sa darating na halalana. Bigyan rin ang
bawat isa sa atin ng karunungan upang makita ang katotohanan at katangian ng isang
kandidato upang hindi tayo magkamali sa pagpili.

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 53/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Matapos ng halalan at mailuklok na ang mga pinuno ng ating bansa, tayo naman
ang may tungkulin sa pamahalaan lalo na sa Panginoon. Ayon sa Roma 13: 1-7 1Ang bawat
tao'y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi
mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. 2Kaya nga, ang
lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinakda ng Diyos; at sila'y paparusahan. 3Ang
mga pinuno ay hindi dapat katakutan ng taong gumagawa ng mabuti. Ang mga gumagawa
lamang ng masama ang dapat matakot. Kung ayaw mong matakot sa mga namumuno,
gumawa ka ng mabuti, at pararangalan ka nila. 4Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa
ikabubuti mo. Ngunit kung gumagawa ka ng masama, dapat kang matakot dahil sila'y may
kapangyarihang magparusa. Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga
gumagawa ng masama. 5Kaya nga, dapat kayong pasakop sa kanila, hindi lamang upang
hindi kayo maparusahan, kundi alang-alang na rin sa inyong budhi.
6Iyan din ang dahilan kung bakit kayo nagbabayad ng buwis. Ang mga pinuno ng
pamahalaan ay mga lingkod ng Diyos at ito ang kanilang tungkulin.7Ibigay ninyo sa bawat
isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng
buwis sa dapat buwisan; igalang ninyo ang dapat igalang at parangalan ninyo ang dapat
parangalan.

Ang pagsunod sa pamahalaan ay pinagpapala ng Panginoon. Dapat natin sundin ng


buong katapatan ang ipinatutupad n gating pamahalaan dahil ito’y pagsunod sa kalooban
ng Diyos.

TITLE

Click to add text, images, and other content

Members Area

Sign In or Register

Recent Photos

Recent Videos

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 54/55
4/10/2018 Handouts and Lessons - Allan Ortiz Official Site

Paggawa ng Patalastas
524 views - 0 comments

Joan and Tyrone wedding, March 2010


176 views - 0 comments

IKaw Pa Rin Enterpreted by Allan Ortiz


148 views - 0 comments

Newest Members

Recent Forum Posts

Sino ang iboboto mo sa Halalan 2016?


by Allan A. Ortiz over a year ago

More...

Recent Blog Entries

Sino ang Dapat Iboto sa Halalan?


by Allan A. Ortiz | 3 comments

Copyright ©2010

Create a Free Website

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm 55/55

You might also like