Professional Documents
Culture Documents
Balaod
BSE-Fil 4
Sangkap ng Dula
Tauhan. Sila ang gumaganap at sa buhay nila umiinog ang mga pangyayari sa kuwento.
Sila ang nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo.
Dramatis personae mga tauhan ng drama na binubuo ng protagonista at
antagonista
Bayani ng trahedya (tragic hero) ang protagonista sa dulang trahedya
Confidant/confidante sa kanya ibinubunyag ng pangunahing tauhan ang
kanyang pinakapribadong pag-iisip at damdamin.
Foil isang maliit na karakter na may kakaiba o taliwas na personalidad na ang
layunin ng manunulat ay mabigyang-tuon ang pagkakaiba nito sa ibang tauhan.
Kwento ng Dula. Ito ay maaaring bungang isip lamang o hango sa totoong karanasan. Sa
kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang isang maikling katha o kaya ay nobela. Mayroon
din namang pagkakataon na ang orihinal na dula, maikling kwento o kaya ang nobela ay
nagiging batayan ng pelikula o kayay dulang pantelebisyon.
Bahagi ng Dula
Ang kauna-unahang nalathalang nobelang Tagalog noong 1900 ay ang Salawahang Pagibig ni Lope K. Santos. Ito ang itinuturing na kauna-unahang nobelang Tagalog sapagkat sadyang
nasusulat sa orihinal na wikang Tagalog.
Isa sa mga masisipag magsagawa ng ganito ay si Valeriano Hernandez Pea, ang
tinaguriang Ama ng Nobelang Tagalog.
Lumaganap nga ang nobela maging sa ibang wikain ng Pilipinas. Noong 1907, ang
Benjamin ni Angel M. Magahum sa wikaing Hiligaynon ay nalathala. Sa sebuano naman ay ang
Walay Igsoon. Noong 1909 ang mga nobelang Ilokano ni Mariano N. Gaerlan na Biag Ti Maysa
A Lakay Wenno Nakaamames ay inilathala rin.
Sumigla ang nobela sa mga panahong ito. Naging makukulay ang paksa, kahit karamihan
ay tungkol sa maromansang pag-ibig, may mangilan-ngilan ding may kabuluhang panlipunan,
may paghihimagsik sa kinamulatang kalakaran, may pagpapahalaga sa buhay-pamilya at
pangkasaysayan.
Ang Panahon Ng Hapon(1942-1945)
Ang panahong ito ay isang kasalatan sa larangan ng nobela. Isa sa maaaring naging
malaking kadahilanan ay ang kakapusan sa magagamit na papel.
Ang Panahon ng Republika(1946-Kasalukuyan)
Muling nabuhayan ng loob ang mga manunulat sa mga panahong ito. Nagkaroon ng
kasaganaan lalo na sa papel sa mga pasulatan. Nakahinga-hinga na nang maluwag ang mga
Pilipino.
Ang Dekada 50 ang maituturing na panahon ng pagpapakilala sa masa bilang
pinakamalakas na puwersa sa pulitika.
Lumutang na sa mga nobela ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning
panlipunan at kakaibang mga larawan ng buhay.
Ang Dekada 60 ay simula ng protesta. Ang pagpapahaba ng buhok ng mga kalalakihan,
ang musikang masasakit sa tenga, ang paghitit ng parihuwana, ang unti-unting pagkulo ng
pakikibaka laban sa bulok na sistema ng lipunan at gobyerno.
Buhay na bahay rin ang magasing Liwayway sa panahong ito at halos lahat ng
magagandang nobela ay dito natunghayan tulad ng mga nabanggit sa itaas.
Ang Dekada 80, ang sinasabing panahon ng Bagong Republika, ayon kina Lydia Fer
Gonzales, et. al. (1982), ang nobela sa panahong ito karamihan ay nasa pamantayang
komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang
maisapelikula.
Nagbalik sa romantisismo ang karamihan ang mga nobelang lumabas sa Liwayway
ang mga manunulat na may layunin ay nawala.