You are on page 1of 4

Kasanayan: Pagsasalita

A. Kasanayan sa Pagsasalita
Ang wika bago isulat at basahin ay sinasalita muna. Nagpapatunay lamang ng kahalagahan ng
pagkakaroon ng kasanayan sa pagsasalita sa pagtatamo ng mabisang pakikipagtalastasan. Sa
pamamagitan nang maayos na pagsasalita ay madali tayong nauunawaan ng atinng kausap at dahil ditoy
naiiwasan ang di-pagkakaunawaan.
B. Kahuluhan at Kahalagahan
Pagsasalita- ang kakayahang ipabatid ang nasa isip o nadarama sa pamamagitan ng
pagbigkas.
- Daan upang buong layang maipahayag ng tao ang kanyang karapatan, niloloob at damdamin.
- Tungkulin nitong maiayos ang daloy ng pakikipagtalastasan upang magkaroon ng magandang
resulta.
Tunghayan ang mga sumusunod na kahalagahan ng pagsasalita:
1. Nagiging mabilis at makatotohanan ang pagsulong ng kabihasnan sapagkat sa pamamagitan ng kakayahan
ng taong makipag-unawaan sa kanyang kapwa ay nagagamit sa pagsasalita.
2. sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitang- kuro,
makapagsalaysay ng mga karanasan ang isang tao.
3. Magbahagi at magpamana ng karunungan sa mga sumusunod na salinlahi.
4. Ang karunungang natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na mabilis at marami.
5. Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang-loob ang isang mahusay magsalita.
6. Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.
C. Pamantayan ng Isang Usapan
Ang isang usapan o conversation ay isang pangkomunikasyon ng kinasasangkutan ng dalawa o higit
pang kalahok na gumagamit ng verbal o senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahayag ng
saloobin o damdamin na kung saan ay nakaapekto sa kilos o gawi, sikolohikal, kaalaman at damdamin ng
mga particular na kalahok. Isa sa mga kinakailangan sa mabisang komunikasyon ay ang ibinahagi ni Dell
Hymes.

SPEAKII
N
G-

SPEAKING-

Setting (Saan nag-uusap?)


Participant (Sino ang kausap o nag-uusap?)
Ends (Ano ang layon ng pag-uusap?)
Acts Sequence (Paano ang takbo ng pag-uusap?)
Keys (Pormal ba o Di-pormal?)
Instrumentalities ( Pasalita ba o Pasulat?)
Norms ( ano ang paksa ng Pag-uusap?)
Genre ( Nagsasalaysay ba o nakikipagtalo o nagmamatuwid?)

D. Ang mga Isasaalang-alang sa Pag-aaral ng Pagsasalita (Badayos, 2000)


1. Gamit ng Wika- ginagamit ito sa pagbati, pagpapakilala, pagpapaliwanag, pag-anyaya at
pagtanggap ng pag-anyaya.
2. Anyo ng Wika- pinipili ang angkop na salita o pangungusap na gagamitin sa isang usapan.
3. Kagyat na Pagtugon- inaasahang sasagutin ng kausap ang isang tanong dahil ang hindi
pagsagot o pagtugon ditoy tinatanaw na hindi kagandahang asal.
4. Kaangkupan ng Sasabihin
5. Ang paksa- dapat nag-uugat sa isang paksa ang pagsasalita dahil hindi ito basta-bastang
nagaganap.

E. Kasangkapan ng Isang Nagsasalita (Espina at Borja, 1999)


1. Kaalaman sa Paksa- magiging makabuluhan at mabisa ang nagsasalita kung hawak niya ang lahat na
detalyeng kaugnay sa paksang pinag-uusapan. Ang matibay na kaalaman sa paksa ay
maaaring makuha sa pagbabasa, pananaliksik, pagmamasid at malawak na karanasan.
2. Tiwala sa Sarili- ang sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan at maging ang malawak na
talasalitaan ay bunga ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Matatamo rin ito sa pamamagitan ng
eksposyur at pagsasanay.
3. Tindig mahalaga sa pagsasalita ang maayos na tindig na nagpapakita ng tiwala sa sarili, paggalang
at pagiging interesado sa kausap. Karaniwang kinikilatis ang nagsasalita sa kanyang paraan
ng pagtindig, maging ang pagkilos at pagkumpas.
4. Kasanayan- ang kasangkpang kaugnay sa kasanayan ay naipapakita sa paraan ng pagbigkas ng mga
salita, pagpili ng mga talasalitaang gagamitin at maging sa kanyang kaalaman sa paksang
pinag-uusapan.
F. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Ispiker
1. May maayos na kaanyuan, may personalidad, wastong pananamit, magandang tindig at kagalanggalang.
2. May layunin at lubos na kaalaman sa paksa na ibinabagay sa pinag-uukulan at sa okasyon.
3. May matatag na damdamin at malawak na kaisipan.
4. May kaanayan sa wika, retorika at balarila.
5. Kawili-wili ang tinig, wasto ang intension.
6. Malinaw ang pagbigkas ng mga salita.
7. May nalilinang na ugnayan sa pagitan ng taong nagsasalita at ng mga nakikinig. Nagiging magiliw,
magalang, mahinahon at marunong makitungo sa tao.
8. Malaki ang tiwala sa sarili na maipakita ang kasanayan sa paggamit ng mga angkop na galaw at
kumpas upang tawagin ang pansin ng mga nakikinig.
9. Kailangang bigyan-pansin din ng ispiker ang mga kompetensi sa pagsasalita na dapat linangin. Ito ay
ang mga sumusunod:
9.1 pagkuha at pagpapaliwanag sa mga isyu at konsepto
9.2 paghahambing sa mga ideya
9.3 pagsusuri sa himig ng teksto
9.4 sub-kontexto ng pagsasalita kung paano pahahalagahan ang mga sinasabi sa
pamamagitan ng pag-unawa dito.
9.5 Pagbibigay ng halimbawa ayon sa konseptong ibinigay.
9.6 Pagsusuri kung opinyon o katotohanan ang pahayag.
9.7 Pagbibigay-puna sa reaksyon sa inilahad na ideya.
G. Mga Kasanayan sa pagsasalita
G.1 Mga kasanayang Di-pormal sa pagsasalita
G.1.1 Pakikipag-usap ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga
salita.
G.1.2 Pagpapakilala sa Sarili o sa ibang tao- may mga paraan upang maipakilala ang isang
tao at ito ay ang mga sumusunod:
G.1.2.1 ipakilala sa isat isa ang mga taong hindi magkakilala sa inyong pangkat.
G.1.2.2 unahing banggitin ang pangalan ng taong nais bigyan ng espesyal na
paggalang tulad halimbawa ng mga nakakatanda o yaong nasa mas mataas na
katungkulan.
G.1.2.3 pakinggang mbauti ang pangalan ng taong ipinakilala sa atin. Kung
hindi napakinggang mabuti ang kanyang pangalan, magalang nating
hilingin sa kanya ulit.
G.1.3 Pakikipag-usap sa telepono- sa pamamagitan ng telepono, nakakapagpalitan ng mga
impormasyon at karanasan. May mga wastong pamantayang dapat na isaalangalang sa pagtawag sa telepono.
G.1.3.1 magsalita nang malinaw at marahan.
G.1.3.2 planuhing mabuti ang sasabihin bago tumawag
G.1.3.3 tiyakin kung sino ang kakausapin bago tumawag

G.1.3.4 itanong sa operator ang pangalan ng taong maaaring makapagbigay


ng kinakailangang impormasyon at sabihing nais mo siyang kausapin.
G.1.4 Pagbibigay ng direksyon at panuto- sa kasanayang ito, kailangang isama ang lahat ng
mahahalagang detalye o impormasyon tulad ng mga pangalan at sanggunian,
deskripsyon at mga paalala o babala na may kaugnayan nito.
G.1.5 Pagkukwento- isang impormal na kasanayan sa pagsasalita ang pagkukwento na may
kaugnayan na pagkatapos mapanood ang isang pelikula, ikinukwento sa mga
kakilala, kaanak at kaibigan. Kapag may karanasang masaya, malungkot,
nakakatakot o nakakainis o kaya naman ay hindi malilimutang mga
nararanasan, naikukwento natin ito sa mga taong malapit sa atin.
G.1.6 Pakikipagdebate- pagtatalo tungkol sa isang mahalang isyu. Bagamat impormal ang
kasanayang ito, nalilinang naman ang pagiging matalas na pag-iisip ng isang
indibidwal upang makapangatwiran na mabuti.
G.2 Mga Pormal na Kasanayan sa Pagsasalita
G.2.1 Masining na Pagkukwento- isang sining ang pagkukwento na naglalaman ng isang
akdang pampanitin na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring totoo o kaya
ay likhang-isip lamang. May ilang pamantayang dapat sundin sa masining na
pagkukwento. Ito ay ang mga sumusunod:
G.2.1.1 tiyaking alam na alam ang kwento
G.2.1.2 balangkasin sa isip ang kwento bago magsalaysay
G.2.1.3 iwasang ikwento ang mga di-mahalagang pangyayari
G.2.1.4 gumamit ng mga angkop na salita sa pagkukwento
G.2.1.5 isalaysay ang kwento na parang nakikipag-usap
G.2.1.6 sikaping maging masigla sa pagkukwento
G.2.1.7 bigkasing malinaw ang mga salita
G.2.2 Balagtasan- uri ng tulang patnigan na may layunin na pagtatagisan ng talino sa
paraanng patula. Tatlo lamang ang participant na pinangungunahan ng
Lakandiwa at dalawang mambabalagtas na nagtatagisan ng katwiran.
G.2.3 Pakikipanayam- ito ang interview sa Ingles na ang kahulugan ay pakikipag-usap o
pakikipagpulong ng isang taong kumakalap ng mga impormasyon sa isang tao
na makukunan niya ng mga impormasyon.
G.2.4 Pangkatang Talakayan- isang kasanayan sa pagsasalita na tuwirang pag-uusap ng
isang maliit na pangkat ng mga tao. Ang mga kasama sa talakayan ay
nagpapalitan ng mga temang pinag-uusapan.
May ibat ibang uri ng pangkatang talakayan gaya ng mga sumusunod:
G.2.4.1 Lecture- Forum katulad ng simposyum iisa lamang ang tagapagsalita.
G.2.4.2 Panel Discussion impormal na talakayan ng tatlo hanggang anim na kasapi
na naglalayong mapag-usapan at malutas anng isang problema o isyu sa
harap ng mga manonood o tagapakinig.
G.2.4.3 Simposyum isa itong kalipunan ng mga di kahabaang talumpati na binibigkas
ng ibat ibang tagapagsalita sa lugar ng mga tagapakinig. Sa halip na maghanap ng
solusyon tungkol sa isang problema, layunin nitong maglahad ng iba-ibang pananaw
tungkol sa itinakdang paksa. Karaniwang kontrolado ng isang tagapamuno ng
simposyum. Inilalahad niya ang paksa, gayundin ipinakikilala niya ang mga
tagapagsalita at siya rin ang namamahala sa malakayang talakayan pagkatapos
magsalita ang lahat.
G.2.4.4 Round Table Discussion binubuo ng apat o higit pang eksperto sa isang
paksa na nagpapalitan ng mga pananaw o kuro-kuro tungkol sa isang
nadaramang problema.
G.2.4.5 Malayang Talakayan (Open Forum) tinatawag ng moderator ang ilang
tagapakinig na nasa audience na ibig magsalita tungkol sa isyung pinag- uusapan.
G.2.4.6 Meet the Press walang tiyak na paksa o problema sa uring ito. May grupo ng
mga tagapagtanong (maraming mga reporter) ang nagtatanong sa isang eksperto
o

kilalang tao tungkol sa isang paksa sa layuning makakuha ng mga impormasyon


kaugnay ng ibat ibang problemang panlipunan o pulitikal.
G.2.5 News Casting o Pagbabalita ito ay kasanayan sa pagsasalita na pagsasahimpapawid
ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga
sakuna, sa industriya, sa agham at ibat ibang paksa sa loob at labas ng bansa.

1.
2.
3.
4.
5.
6.

Mga Katangian ng isang Newscaster


Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles at Filipino.
Marunong magdala ng isang diskusyon.
May nalalaman tungkol sa kanyang ibabalita.
May tiwala sa kanyang sarili.
Malakas ang loob.
Kahali-halina ang tinig.

G.2.6 Pagtatalumpati isang sining ng pagsasalitang pahayag na ang layunin ay makaakit at


makahikayat sa mga makikinig sa mahalagang paksang inilalahad.
Apat na paraan ng pagbigkas ng talumpati
1.
2.
3.
4.

Pagbasa sa isinulat na talumpati.


Pagbigkas mula sa balangkas ng talupati.
Pagbigkas mula sa buod ng mahahalagang paksang-diwa ng talumpati.
Pagbigkas nang hindi pinaghandaan o extemporaneous.
Tatlong katangian ng isang Mananalumpati

1. Kaalaman sa paksa- maaaring gamitin ang pagmamasid, pagbabasa at


masusing pag-aaral upang umunlad ang kaalaman.
2. Pagtitiwala sa Sarili hindi magkakaroon ng tiwala sa sarili kung hindi sapat ang
kaalaman at kahandaan sa talumpating bibigkasin.
3. Kasanayan sanayin ang sariling magsalita nang malakas at malinaw sa
himig
na nakikipag-usap.
Mga Dapat Tandaan Sa Ibabaw Ng Tanghalan Kapag Bumibigkas Ng Talumpati
1. Tindig mahalaga ang tindig sapagkat sa pamamagitan nito ay masusukat kaagad ng mga
tagapakinig kung anong uri ng mananalumpati ang nasa harap nila.
2. Galaw kung nasa tanghalan, dalawa ang uri ng galawang tinutukoy. Una, ang galaw ng
katawan, kung lumilipat sa ibat ibang panig ng entablado o ang galaw ng bahagi ng katawan
kung kumukumpas.
3. Kumpas gumagamit ng kumpas upang bigyang-diin ang ipinahahayag.
4. Tinig ibat ibang pagpapakahulugan ang maibibigay sa isang pahyag dahil sa tinig.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng bigkas, diin, intonasyon,
hinto
at uri ng tinig.

You might also like