You are on page 1of 7

MGA KANON NG

RETORIKA

Gng. Imelda SanDiego


MGA KANON NG RETORIKA

1. Imbensyon- ay nakatuon sa ano ang sasabihin ng isang


awtor at hindi sa kung paano iyon sasabihin.
2. Pagsasaayos- ay nakatuon sa kung paano pagsusunud-
sunudin ang isang payag o akda.
3. Estilo- ay naukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya.
Kung ang imbensyon ay nauukol sa ano ang sasabihin, ang estilo
ay nauukol sa paano iyon sasabihin.
MGA KANON NG RETORIKA

4. Memori- ay may kaugnayan sa mnemonics o memory aids na


tumutulong sa isang orador na sauluhin ang isang talumpati.
5. Deliberi- ay unang tinawag na pasalitang retorika na ginagamit sa
mga pampublikong konstekto, ngunit ito ay maaari ring ituring bilang
isang aspekto ng retorika na nakatuon sa pampublikong presentasyon
ng diskurso, pasalita man o pasulat.
RETORIKA
BILANGISANG SINING
Gng. Imelda SanDiego
R E TO R I K A B I L A N G I S A NG S I N I NG

A. Isang Kooperatibong Sining. Hindi ito maaaring gawin nang


nag-iisa. Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba
nagkakaroon ito ng kaganapan.
B. Isang Pantaong Sining. Wika ang midyum ng retorika,
pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay isang eksklusibong pag-
aari ng tao, ang retorika ay nagiging eksklusibo ring sining ng tao
at para sa tao.
R E TO R I K A B I L A N G I S A N G S I N I N G

C. Isang Temporal na Sining. Ang retorika ay nakabatay sa


panahon.
D. Isang Limitadong Sining. Marami itong kayang gawin.
Maari nitong paganahin ang ating imahinasyon at gawing
posible ang mga bagay na imposible sa ating isipan. Ngunit sa
realidad, hindi lahat ng bagay ay magagawa nito.
R E TO R I K A B I L A N G I S A N G
MASINING

E. Isang May-Kabiguang Sining. Hindi lahat ng tao ay magaling


sa paghawak ng wika. Marami sa atin ang limitado lamang ang
kaalaman at kasanayan sa wika.

F. Isang Nagsusumpling na Sining. Ang retorika ay


nagsusumpling ng mga kaalaman. Halimbawa, ang isang
manunulat ay nagsisimula sa isang ideya sa isipan at
nagsusumpling ng isang akda.

You might also like