You are on page 1of 25

MGA DAPAT

ISAALANG-ALANG
SA PAGTUKLAS NG
SALITA AYON SA
LINGWISTIKANG
PAG-AARAL
SALITANG HIRAM

Mga Halimbawa:

Kastila Ingles Filipino


Cheque Check Tseke
Liquido Liquid Likido
PAGPAPAHIWATIG

Ito ay pagkuha ng
kahulugan ng mga
salitang hindi pa kilala.
Pagkuha ng kasing-
kahulugan o kasalungat
ng isang salita.
DENOTASYON-
Kahulugan na makikita sa
talatinigan o diksyunaryo.

KONOTASYON
Ang kahulugan ay batay sa
pagpapahiwatig ng isang salita
o parirala.
TAYUTAY
Sinadyang paglayo sa
karaniwang pag gamit ng
mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga,
makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
MGA URI
NG
TAYUTAY
PERSONIPIKASYON
Nagbibigay katauhan ito
sa mga bagay na walang
buhay; sa ibang salita,
inililipat ang katangian
ng tao sa mga ibang
bagay.
Hal: Ang puso niya ay
bato.
PAGTUTULAD O SIMILI
Di tiyak na paghahambing
ng dalawang magkaibang
bagay na ginagamitan ng
pangatnig.
Hal: Tila yelo sa lamig ang
kamay ng ninenerbyos na
mang-aawit.
METAPORA O
PAGWAWANGIS
Ito ay tiyak na paghahambing
na hindi ginagamitan ng
pangatnig. Nagpapahayag ito
ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng
mga bagay na inihahambing.
Hal: Siya ay langit na di
kayang abutin nino man.
PAGMAMALABIS O
HYPERBOLE
(EKSAHERASYON)
Ito ay lagpa-lagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o
kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o
katayuan.
Hal: Bumaha ng dugo sa
lansangan.
PAGTATAWAG O
APOSTROPE
Isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay
na tila ito ay isang tao.
Hal: O tukso! Layuan
mo ako!
PAGSALUNGAT O
ANTITESIS O
EPIGRAM
Pagsasaad ng pagkont ra
o pagtutol. Halimbawa
nito ang ngunit, subalit,
datapwat at bagama’t.
Hal: Masungit ang
kanyang anyo bagama’t
busilak ang kanyang
kalooban.
PAGLUMANAY
O EUPIMISMO
Ang orihinal na katawagan
ay pinagagaan sa kahulugan
sa pagpapalit ng katawagan
upang di maging mabigat sa
pandinig o damdamin ng iba
ang sitwasyon.
Hal: Iba ang tabas ng mukha
niya sa mga kapatid.
PAG-UYAM O
IRONYA
Paggamit ng mga salitang
kabaligtaran na kahulugan
at taliwas sa katotohanan.
Hal: Siya ay may magandang
mukha na tanging ina niya
lamang ang humahanga.
PAGPAPALIT-
TAWAG O
METONOMIYA
Pagpapalit ng mga bagay
na magkakaugnay, hindi
kahambingan kundi sa
mga kaugnayan.
Hal: Nagngalit ang bagang
ng ama ng sumuway sa
utos ang kanyang nag-
iisang anak.
PAGLILIPAT-
WIKA O
TRANSFERRED
EPITHETS
Tulad sa pagbibigay-
katauhan na pinasasabagay
ang mga katangiang pantao,
ngunit sa halip na pandiwa
ang ginagamit ay mga pang-
uri na tanging sa tao lamang
ginagamit.
Hal: Kay hinhin ng tubig sa
batis.
PAGPAPALIT
-SAKLAW O
SINEKDOKE
Ito’y pagpapahayag sa
pamamagitan ng pagbanggit
sa bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan. Maaari ring isang
tao’y kumakatawan sa isang
pangkat.
Hal: Ipakilala natin sa buong
bayan na tayo’y may
pagkakaisa.
IDYOMATIKONG
PAGPAPAHAYAG
Hindi tuwirang
pagpapahayag kaya
sinasabing may
patalinhagang
kahulugan.

You might also like