You are on page 1of 19

Panitikan – nagpapahayag ng kaisipan ng karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

United of human Rights (UDR) – Internasyonal na organisasyon na nakatuon sa pagpapatupad


ng universal declaration of human rights (UDHR).
UDHR – Dukumentong naglalahad ng karapatang pantao.
Task Force Detainees of the Philippines – Nagpapanatili ng Karapatan ng mga tao sa mundo.
Demokratiko – Pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ang mamimili kung sino ang gusto
nilang mamuno sa kanilang bansa.
Marcial Law – Tinatawag ding batas militar kung saan ang mga matataas na opsiyal ng sundalo
ang namamahala.
Desaparecidos – Salitang Espanyol na nangangahulugang nawawala.
Habeas Corpuz – Batas na nagsasaad na hindi dapat ikulong ang sinumang inakusahan malibang
nanggaling na ito sa kulungan noon.
Extra Judicial Killing – Pagpaslang sa mga tao nang walang hustisya o walang paglilitis.
War on Drugs – Proyekto ng pamahalaan upang mabawasan at mawala ang droga at adik sa
Pilipinas.
Red-Tagging – Tumutukoy sa pagba-blacklist ng mga organisasyon sa mga tao na hindi
sumusuporta sa administrasyon ng bansa.
Anti-Terror Bill – Tinatawag ring Anti-terrorism act of 2020 ~ isang batas na nagsasabing wag
saktan or parusahan ang terorismo sa Pilipinas.
Comission on human rights (CHR) – Komisyon na nilikha upang imbestigahan ang lahat ng
anyo ng paglabag sa karapatang pantao.
Salvage – Sa wikang ingles, ito ay nangangahulugang “save”. Sa wikang Filipino ito ay
“pagpatay”. Sa legal na kahulugan naman ito ay “Extra Judicial Killing”.
RA 9745 (Anti-torture act of 2009) – Penalizing torture
RA 10353 (Anti-enforced) – Penalizing involuntary disappearance.
RA 10368 (Human Rights Victims Reparation) - Recognition of victims of human rights violations
during Marcos’s regime.
PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

I. Pamagat – Kung Tuyo na ang Luha mo, Aking Bayan


May-akda – Amado V. Hernandez

II. Kahulugan ng Pamagat


Ang pamagat ng tula, “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”ay nagbibigay-diin sa
tawag ng may-akda na mag-alsa laban sa opresyon upang makamtan ang kalayaan at
kasarinlan ng bayan.

III. Halaw

• Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:


Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
- Nangangahulugan itong ang bansang Pilipinas hango sa mga kultura ng mga
dayuhan. Walang orihinal na kanunuan.

• Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,


Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
- Patunay na ang ating bayan hanggang sa kasalukuyan ay apektado pa rin ng
pananakop ng mga dayuhan.

• May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luluha sa mata mong namumugto
- nagsasabing ang pag-asa ay hindi pa rin nawawala. Na sa isang banda o
panahon ay makakaahon ang Pilipinas sa pananakop. Na tayo ay magiging
tanyag at aangat sa ibang bansa na siyang nakasalalay sa bagong
henerasyon.

IV. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ang akdang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ay isang halimbawa ng tulang
salaysay.
B. Istilo ng Paglalahad

Ang istilo ng may-akda ay isang tulang pagsasalaysay sapagkat inilalahad nito ang
kasaysayan ng pilipinas at kahirapang dinanas nito sa pamamahala ng mga banyaga.
Ito ay nasa kayariang tradisyunal na taludturan na may sukat at tugma. Ito ay may
ganap na tugma, sukat na lalabing-animin at may anim (sestet) na bilang ng taludturan
sa bawat saknong.

C. Talasalitaan (Denotasyon)

Lukob – tinakpan,kinulob
Busabos – alipin, inalila
Saklutin - kinulong
Palalong – mapagmataas, mapagmalaki
Bayad-utang – pambayad sa hiniram
Tumataghoy – umiiyak, nagdadalamhati
Tumatangis – nagdirimdim, nagpipighati
Sambuntong – isang kumpol
Nagtalakop – nagligid, kumumpol
Kamal-kamal – isang dakot ng kamay
Nakatanod – nakabantay, nakaguwardiya
Nagmaliw – naglaho, nawala
Namumugto - namamaga
Giting – malakas ang determinasyon
Tanikala – nakatali, nilubid, nakakadena

V. Pansin at Puna
A. Tagpuan
Ang sinasalaysay ng may-akda sa tula ay nangyari at naganap mismo sa bansang
Pilipinas.

B. Galaw ng Pangyayari
Isinalaysay lamang ng may-akda ang mga pangyayaring naganap sa Pilipinas.
Maraming namatay dahil sa mga banyagang nanakop dito. Kinamkam ang ating
bayan at yaman nito, pinahirapan at inalipin ang mga Pilipino at sila naman ay
nagpakasarap sa buhay.

VI. Sariling Reaksyon

IIsa lang ang magiging reaksyon ng mambabasa sa tulang ito. Ang pag-ibig sa sariling
bayan ng may-akda ay ang emosyon na nag-raradiate dito. Emosyon na lubhang
magpapakilos sa mambabasa na mahalin ang bayan dahil ito ang tanging maiaalay
natin dito. At masasabi kong napaka-makabayan niya sa kadahilanang pinili niyang
iparating sa iba kung bakit kailangan nating mahalin ang ating bayan, na di naman siya
nag-fail sa paglapat ng ideyang ito sa kaniyang tula.

VII. Mga Teoryang Nakapaloob sa Akda


TEORYANG MARXISMO
Inihayag ng may-akda ang pagdurusa, kahirapan, opresyon, at pang-aapi ng mga
dayuhan sa ating bayan na siyang kabuuang ideya ng teoryang ito.

TEORYANG REALISMO
Sapagkat inilantad ni Amado sa kaniyang tula ang mga pangyayaring talamak sa ating
lipunan at kapaligiran. Katulad na lamang ng mga dayuhang may malalaking negosyo sa
ating bansa, na aking masasabing hindi ito iba sa pananakop dahil ang mga dayuhan pa
rin ang kinikilalang mataas sa ating lipunan.

PANANAW SOSYOLOHIKAL
Dahil sinalamin sa tula kung paanong nakamit ng ating bansa ang Kalayaan nito laban
sa kolonyalismong dala ng mga banyaga

TEORYANG HISTORIKAL
Ang humubog sa ating pagka-Pilipino ang makikita sa tulang ito na parte ng kasaysayan
at karanasan ng ating bayan na siyang bahagi ng ating pagiging Pilipino. Ang siyang
pangunahing layunin ng teoryang ito.
TEORYANG PORMALISMO
Kung ating susuriin ang kaanyuan at istruktura ng tula, ito ay may mga salitang
matatalinghaga ngunit pormal, may sukat at tugma na siyang buong anyo nito.

TEORYANG KLASISMO/KLASISISMO
Dahil ipinakita ni Amado sa kaniyang tula ang antas ng pagkakaiba ng mga dayuhan sa
ating mga Pilipino. Pagkakaiba na siyang pangunahing layunin ng teoryang klasismo.

VIII. Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip
Tumatak sa aking isipan na huwag tayong mabing bulag sa mga nangyayari sa ating
lipunan, bagkus ay ating imulat ang ating kaisipan sa lipunang bulok na sistema ang
umiiral.

B. Bisa sa Damdamin
Lungkot at galit ang aking naramdaman ng aking basahin ang tulang ito. Lungkot
dahil sa sinapit ng ating bansa sa kamay ng mga dayuhan. Galit naman dahil sa
pang-aalipin nila sa atin, sa sarili mismong lupa ng ating bayan.

C. Bisang Kaasalan
Mahalin at pahalagahan natin ang ating bansa na siyang ating kinagisnan.

IX. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman

A. Kahalagahang Sosyal o Pangkabuhayan


Nabanggit sa tula na ‘May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw
ding di na luluha sa mata mong namumugto’ – sa linyang ito inihahayag lamang ng
may-akda na huwag mawawalan ng pag-asa. Pag-asang kakampi natin sa oras ng
kalamidad o problema. Bagay na hindi natin hahayaang mawala o matinag ng kung
anumang problema o unos ang dumating o tahakin natin sa ating mga buhay.

B. Kulturang Pilipino
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang mag-alsa laban sa mga bagay na alam nila ay
mali. Ngunit sa nangyayari sa ating lipunan ngayon ay maling-mali. Kung saan ang
mga kabataan o mamamayang kasama sa organisasyon ng mga aktibista ay nag-
aalsa o nagra-rally laban sa gobyerno. Pag-aalsang ang nais nila ay ipatigil ang
enhanced community quarantine sa NCR at Luzon.

C. Pilosopiyang Pilipino
Lumaban hanggang sa huli. Dahil yan ang pilosopiyang nakakabit sa tulang ito ni
Amado.

X. Implikasyon
A. Kalagayang Panlipunan
Namumulat ang mga tao na huwag maging dayuhan sa sailing bayan. Bagkus ay
dalhin kahit saan dako ang iyong pagiging Pilipino upang makilala kung sino at ano
tayo.

B. Kalagayang Pangkabuhayan
Huwag nating kalimutang Pilipino tayo. Kung sino at ano tayo ngayon ay hinubog ng
kasaysayan, na hindi naman lingid sa kaalaman ng mga karatig bansa. Kaya
ipagmalaki mo kung sino ka.

C. Kalagayang Pansarili
Kapag totoo ka sa pagiging Pilipino mo, nangangahulugang mahal mo ang iyong
bayan at yakap mo kung ano ka.
I. Pamagat – Sanayan lang ang Pagpatay
May-akda – Fr. Albert Alejo, S.J.

II. Kahulugan ng Pamagat


Sa literal na pagpapakahulugan, ito ay dahas na pagkitil ng buhay. Kung sa malalim na
pagpapakahulugan, maaaring ito ay nangangahulugan ng higit pa sa nais na iparating
ng may-akda. Ito ay maaaring sa paraan ng pagpatay sa karapatan ng taong mabuhay
sa mundo na puno ng krimen. At marahil ay pwede din sa mga kabataan na
nakakaranas ng depression. Depression na dulot ng maraming bagay gaya ng kulang sa
gabay at pangaral sa mga magulang, higit na striktong pagpapalaki sa mga ito na
maaring humantong sa pagrerebelde, bullying na madalas at malamang sa malamang,
ay talamak na nangyayari sa eskwelahan.

III. Halaw
Ito ay tulang pumapatungkol sa ibat’t ibang pamamaraan ng pagpatay o pagkitil ng isang
buhay. Hindi lamang sa literal na buhay kundi sa maraming aspekto ng buhay ng tao.
Buhay at relasyon ng tao sa trabaho, pamilya, komunidad, eskwelahan, at marami pang
iba.

IV. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Ang akdang ito ay nasa anyo ng tula. Walang sukat at tugma. Tula ay isnag
tahasang pagpapahiwati, sa tulong ng paggamit ng guni-guni o nag-aalimpuyong
gunamgunam at saligan ng mararangal na damdamin. Damdamin na dulot ng
simbuyo ng kalooban tulad ng pagibig, paghanga, pagsamba, at hindi madalumat na
kalungkutan.

B. Istilo ng Paglalahad
Ito ay nakasulat sa malayang anyo ng tula. Uri ng tula na ginagamitan ng
mabababaw at di pormal na mga pananalita na kadalasan lang nating naririnig. Ang
uri din ng tulang ito ay walang sukat at tugma.

C. Talasalitaan
Nangingimi – nahihiya, nawawalan ng lakas ng loob
Makahalutiktik – huni ng butiki o tunog na ginagawa ng butiki
Pagbleyd – paghiwa, paghati
Rebentador - paputok

V. Pansin at Puna
A. Tagpuan
Bahay

B. Galaw ng Pangyayari
Inilahad sa tulang ito ang iba’t ibang pamamaraan sa pagkitil ng buhay o pagpatay
sa walang kamuwang-muwang na butiki.

VI. Sariling Reaksyon


Ayaw kong maging bias sa sarili kong reaksyon ukol sa tulang ito. Masasabi kong hindi
ito angkop sa mga musmos na makakabasa ng ganitong tula, sapagkat para sa akin ito
ay hindi angkop. Ngunit sa kabilang banda ng aking reaksyon, ang may-akda ay malalim
na pinanggagalingan kung bakit niya nabuo ang ganitong likha. Maaring malawak ang
kaniyang imahinasyon ngunit maaari ring ang may-akda ay may nagging karanasan na
rin sa pagpatay na siyang aking nakikita o nahinuha sa bawat taludtod na kaniyang
binuo.

VII. Mga Teoryang Nakapaloob sa Akda


TEORYANG SOSYOLOHIKAL
Nakapaloob sa tulang ito ang teoryang sosyolohikal dahil para sa akin, inilahad ng may-
akda ang suliranin ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Suliranin sa pagkitil ng buhay
ng mga tao.

TEORYANG ARKITAYPAL
Ito ay sa kadahilanang gumamit ang may-akda ng ibang paglalarawan sa mga taong
pinapatay. Ginamit niya sa kaniyang tula ang butiki. Butiki na maaaring madaming ibig
sabihin. Butiki na maaaring isanhg babae, lalaki, bata, kabataan, matanda o kung sino
mang mga taong nakakaranas ng ganitong kalunos-lunos na gawain.

TEORYANG SIKOLOHIKAL
Kung ating uunawain ang akda, isinasalaysay dito kung ano ang behavior na nasa tula.
Behavior na may nag-udyok na mabago o mabuo ang kilos na ito.

TEORYANG REALISMO
Dahil ang ganitong pangyayari ng pagpatay ay nangyayari mismo sa ating lipunang
kinabibilangan. Ngunit maaaring hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-
akda ang kasiningan ng kaniyang sinulat.

TEORYANG HUMANISMO
Dahil isenentro ng may-akda ang kaniyang tula sa tao na ginamitan niya ng imaheng
butiki. Binigyang-diin niya ang kakayahan at abilidad ng tao na pumatay.

TEORYANG KLASISMO
Malinaw sa akdang ito ang pagkakaiba ng dalawang tao. Taong ginamitan ng imaheng
butiki at taong pumapatay nito. Ang butiki na walang malay o muwang sa mangyayari sa
kaniya, at ang taong nakahanda sa pagkitil ng buhay ng isa.

TEORYANG EKSISTENSYALISMO
Sa akdang ito, makikita nating pinili ng isang taong pumatay na lang upang mabuhay sa
lipunang kaniyang kinabibilangan.

VIII. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
Ayon sa tula, ito ay nagpapakita kung paano kumitil o pumatay ng isang butiki.

B. Bisa sa Damdamin
Ang kumitil ng buhay ay masamang gawain. Hindi man sinasadya, kumuha ka pa rin
ng buhay ng ibang tao. Buhay na wala kang karapatang kitilin dahil wala sa kamay
mo ang batas.

C. Bisang Kaasalan
Masama ang pumatay. Magsisi ka at magbagong buhay. Lumapit at making sa
diyos.
VIII. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kahalagahang Sosyal o Pangkabuhayan
Lahat ng bagay ay natutunan. Tulad na lang ng pagpatay. Maaari kang matutong
pumatay, ngunit huwag mo itong gagawin dahil wala tayo sa lugar o posiyon para
kumitil ng buhay.

B. Kulturang Pilipino
Noon pa man ay ginagawa na ang ganitong pagpatay sa mga butiki. Naranasan ko
rin ito. Bagay na aking pinagsisihan, dahil aking napagtanto na lahat ng may buhay
sa mundo ay may karapatang mabuhay. Parte na ng ating kultura ang ilagay sa mga
palad natin ang batas, na siyang hinding-hindi natin dapat ginagawa, dahil
nakakalimutan nating may diyos tayo na siya lang ang magsasabi kung dapat ka pa
bang manatili sa mundong ito.

C. Pilosopiyang Pilipino
Masama ang pagpatay ngunit madami pa rin ang gumagawa.

IX. Implikasyon
A. Kalagayang Panlipunan
Binabawasan ang mga tao sa mundo dahil napaka-dense na ng populasyon.

B. Kalagayang Pangkabuhayan
Naipapakita ang iba’t ibang paraan ng pagpatay na siyang nagiging talent ng mga
kapwa nating pagpatay ang ikinabubuhay.

C. Kalagayang Pansarili
Kakayahang matutong ilagay ang batas sa sariling kamay.
I. Pamagat – Paano Magpipista Kapag Dalawang Taon nang Nawawala ang Anak Mo?
May-akda – Rolando Tolentino

II. Kahulugan ng Pamagat


Kung ibabase ko sa aking sariling pagpapakahulugan ang pamagat ng sanaysay na ito,
pumapatungkol ito sa kung paano ka pa magdidiwang o magdadaos ng munti at
masayang pagsasalo kung dalawang taon ng nawawala ang anak mo na siyang iyong
kaligayahan.

III. Halaw
Ang sanaysay na ito ay umiinog sa kwento ng mag-asawa na nawalan ng anak. Mag-
asawang umaasa pa ring babalik ang kanilang anak. Mag-asawang nakalimutan na
kung paano ipagdiriwang ang pista o magsaya sa tuwing pista sa kanilang nayon.

IV. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Ang akdang ito ay isang sanaysay. Isang uri ng panitikang tuluyan na naglalahad ng
kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon, at iba pa ng manunulat hinggil
sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o siyu.

B. Istilo ng Paglalahad
Ang sanaysay na ito ay nakasulat sa anyong di-pormal na sanaysay. Dahil ito ay
tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal.
Binigyang-diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung
nagpapakilala sa personalidad o pakikisangkot nito sa mga mambabasa.

C. Talasalitaan
Stopover – hintuan ng mga sasakyan sa mahabang biyahe
Nagmistula – nagmukha, naging katulad
Fishpen – palaisdaan
Naglipana – nagsilabasan

V. Pansin at Puna
A. Tagpuan
Ang sinasalaysay ay naganap sa bahay ng mag-asawang Tatay Oca at Nanay
Connie sa Masinloc, Zambales.

B. Galaw ng Pangyayari
Isinalaysay lamang kung ano ang nangyayari sa araw ng pistahan kung saan ay isa
siya sa kasama ng mga naimbitahan dito.

VI. Sariling Reaksyon


Sa sanaysay na ito, masasabi kong may taos na simpatya ang may-akda. Isang pag-
uugali na siyang lumabas sa sanaysay. Dahil nang mabasa ko ito ay para bang ramdam
ko sa mga salitang ginamit ng may-akda na ramdam niya kung ano ang nararamdaman
ng mag-asawang nawalan ng anak.

VII. Mga Teoryang Nakapaloob sa Akda


TEORYANG KULTURAL
Ibinahagi ng may-akda ang kaugalian at tradisyon ng isang lugar sa pagdaraos o
pagdiriwang ng isang pista. Pista na naging parte na ng kultura nating mga Pilipino.

TEORYANG HISTORIKAL
Ang pista at pagdadaos nito ay minana pa natin sa atig mga kanununuan. Pagdiriwang
na nahaluaan na ng iba’t ibang kulay at gayak na siyang humubog sa ating pagkatao. At
iyan ang layunin ng teoryang ito, ang ibahagi ang sumasalamin sa ating kasaysayan na
siyang bumuo sa ating pagkatao.

TEORYANG SIKOLOHIKAL
Ang teoryang ito ay nagpapakita ng mga salig sa pagkabuo ng isang behavior (pag-
uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa akda. At ito ay
masusuportahan ng parte sa sanaysay na nagbago o nag-iba ang pananaw ng mag-
asawa sa pagdiriwang ng pista, sa kadahilanang dalawang taon ng nawawala ang
kanilang anak na si Karen Empeño.

TEORYANG ROMANTISISMO
Dahil sa sanaysay na ito, binigyang-diin ng may-akda ang damdamin ng mag-asawang
nawalan ng anak. Damdamin na nagpabago sa pananaw ng mag-asawa sa pagdiriwang
ng pista.

TEORYANG HUMANISMO
Masasabi kong ang teoryang ito ay nakapaloob sa akda dahil itinuon ng may-akda ang
kaniyang sanaysay sa kung paano magdaos o magdiwang ng kapistahan ang mga tao.

VIII. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
Ayon sa sanaysay na ito, ipinapakita kung paano dapat ipagdiwang ang isang pista
na may kainan at kasiyahan.

B. Bisa sa Damdamin
Mawala man ang ating mga mahal sa buhay, huwag tumigil sa buhay. Dahil
maraming paraan o bagay na maaari nating gawin upang lumigaya.

C. Bisang Kaasalan
Tanggapin na lahat ng may buhay sa mundo ay may hangganan o katapusan. Lahat
tayo ay darating sa puntong mamamaalam tayo sa ating mga mahal sa buhay.

IX. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman


A. Kahalagahang Sosyal o Pangkabuhayan
Ang pakikisangkot o pakikisalamuha sa pista ay matututo tayong makipagkaibigan at
makisalamuha sa iba’t ibang mga tao at mahasa ang ating communication skills.

B. Kulturang Pilipino
Ang kapistahan o pagdaraos nito ay pagpapakita kung gaano kakulay o kasaya ang
isang komunidad. Pista na bahagi ng ating pagkatao at kultura bilang isang Pilipino.

C. Pilosopiyang Pilipino
Tao lang tayo. Ang buhay natin ay hiram lamang. Hindi na natin maibabalik pa ang
buhay na wala na.
X. Implikasyon
A. Kalagayang Panlipunan
Nagkakaroon ng interactive conversation sa kapuwa.

B. Kalagayang Pangkabuhayan
Natututunan at naipapakita kung paano makipag-kapwa tao

C. Kalagayang Pansarili
Naipapamalas ang abilidad na makipag-usap at makihalubili

MOSES, MOSES

GABAY SA PAGSUSURI

1. Sino-sino ang mga tauhan sa dula? Ilarawan ang bawat isa. Regina – balo, isang guro
Ben – bunsong anak ni Regina
Aida – anak ni Regina, ginahasa ng anak ng alkalde
Ana – matandang dalaga na kapatid ni Regina. Tiyahin ni Tony Tony – panganay na anak ni
Regina na pumatay sa anak ng Alkalde Alkalde – ama ng gumahasa kay Aida, nagpunta kina
Regina

2. Bakit nagpunta sa unang pagkakataon ang Alkalde sa bahay nina Regina? Ipaliwanag.
Pumunta ang Alkalde sa tahanan nila Regina dahil nais niyang ipaurong ang kaso laban sa
kaniyang anak.

3. Bakit inilagay ni Tony sa kanyang mga kamay ang hustisya? Ipaliwanag.


Marahil inisip ni Tony na ang paghihiganti ay katumbas ng hustisya. Ipinaghiganti niya ang
kaniyang kapatid sa panghahalay na ginawa dito ng anak ng alkalde.

4. Para sa iyo, sapat ba ang dahilan sa ginawa ni Tony?


Para sa aking palagay, hindi ito sapat na dahilan upang kumitil siya ng buhay. Dahil may batas
tayo at ito ay may karampatang proseso at kaparusahan. Tao lang din tayo, wala tayong
karapatang maningil ng buhay ng iba. Lagi nating tatandaan na ang paghihiganti ay hindi
kailanman magiging katumbas ng hustisya.
5. Bakit binaril ni Regina ang sariling anak? Ipaliwanag.
Binaril niya ang kaniyang anak dahil pinagtutulungan na ito ng mga pulis at saktong may
huhugot na ng baril ang Alkalde para barilin si Tony. Ngunit pinangunahan na ito ni Regina. Dahil
sinabi niyang “kapag sinaktan ng ibang bata ang kaniyang anak at siya ay walang magawa sa
nanakit dito, mas mainam ng siya mismo magbuhos ng parusa sa kaniyang anak. Dahil sinabi
nilang aarestuhin ito ngunit sa pamamahay pa lamang nila ay pinagtutulungan na ito.

6. Bakit Moses, Moses ang pamagat ng dula? Ipaliwanag ang paggamit ng alusyong biblical.

Moses, Moses ang ipinamagat sa dula marahil sa paggamit ng may-akda sa salita ng Diyos kay
Moses.
7. Ano-ano ang mga pagsasamantala at paglabag sa karapatang pantao ang ipinakita sa
dula? Ipaliwanag.
Kawalan ng hustisya. May pera ka man o wala, karapatan nating makamit ang hustisya kapag
tayo ay naargabyado nang kung sinong tao. Dapat din ay huwag nating ilagay sa ating mga kamay
ang batas. Iwasan nating marumihan ang ating pangalan.

KUNG BAKIT SALBAHE ANG SALITANG “SALVAGE”

GABAY SA PAGSUSURI

1. Magbigay ng mga halimbawang gamit ng salitang salvage batay sa nabasa sa sanaysay.


Ang salitang ‘salvage’ ay ginamit sa pagsagip ng isang barko. Sa Filipino, ito ay ginagamit sa
kabaligtaran nito – pagpatay, pagpaslang, pagsalbahe sa katauhan o katawan ng isang tao. Sa
kahulugang legal naman ay ito ay nangangahulugang ‘summary execution’ o ‘extrajudicial killing’.
Sa bansa lamang natin nangangahulugang pagpaslang ang salitang ‘salvage’.

2. Anong uri ng sanaysay ang tekstong binasa? Ipaliwanag.


Ito ay nasa anyong pormal na sanaysay. Sapagkat tumatalakay ang tulang ito ng seryosong
paksa. At inaakay nito ang mambabasa na gumawa ng masusing pag- aaral patungkol sa paksang
sinalaysay a tula.

3. Bakit sinasabi ng may-akda na ang Espanyol na kahulugan ng salvage ang mas angkop na
pinagmulan ng gamit nito sa Pilipinas?
Ito ay mas angkop sapagkat ito na ang nakasanayan at kinalakihan ng mga Pilipino na
depinisyon ng salitang ‘salvage’. Dahil saang dako ka man ng Pilipinas dumako o mapunta, kapag
binanggit mo ang salitang ‘salvage’ ay ‘pagpaslang’ o ‘pagpatay’ ang salitang agad na iisipin ng
mga tao tungkol dito.
4. Ano ang kahulugan ng salvage batay sa gamit nito sa Pilipinas?
Ang salitang ‘salvage’ sa wikang Filipino ay pagpatay, pagpaslang, pagsalbahe sa katauhan o
katawang ng isang tao.

5. Kung babalikan sa kasaysayan, kailan unang ginamit ang salitang salvage sa Pilipinas at paano
ito ginamit?
Ginamit ang salitang ‘salvage’ noon sa isang artikulo na pinamagatang: “Salvaging a General”.
Panahon nila Gat Andres Bonifacio kung saan siya ay sinalbahe ng mga kalaban at ‘first
celebrated salvage’ victim siya.

6. Bakit sinasabi ng may-akdang dapat parusahan ang mga nagsasagawa ng salvaging?


Marapat lamang na patawang parusa ang mga taong nagsasagawa ng ‘salvaging’ dahil ito ay
hindi makatao, at lalong hindi makatarungan.

7. Paano maiuugnay ang kasaysayan ng salvaging sa Pilipinas at ang kasalukuyang mga kaso ng
tokhang sa bansa?
Ang kasaysayang ng salvaging sa Pilipinas ay maiuugnay sa kasalukuyang tokhang sa ating
bansa sa kadahilanang ang tokhang na nangyayari sa bansa ay hindi lamang masasabing
simpleng muder kundi isa rin itong krimeng pulitikal na kailangang panagutan ng gobyerno. Lalo na
sa mga pamilya ng mga natokhang.
TEORYANG PAMPANITIKAN

TEORYA - pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha
ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.

1. REALISMO - Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano
mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
2. HUMANISMO - Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian
ng tao sa maraming bagay.
3. SIKOLOHIKAL - makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan,
pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO - Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng
pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng
pagkakabuo ng akda

5. IMAHISMO - Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa


ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa
6. MORALISTIKO - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang
moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.
7. MARXISMO - Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na
puwersa malakas at mahina mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi.
8. KLASISMO - Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan.

PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

Kahirapan – Kalagayan ng tao na walang isang halaga ng materyal o salapi.


Absolutong Kahirapan - kalagayan ng tao na walang basic need tulad ng tubig, tirahan,
damit, at pagkain.
Relatibong Kahirapan – pagkakaroon ng mas kaunting kita kesa sa ibang taong nasa
lipunan.

Sangakap ng Kahirapan
Karamdaman – dahil sa pagliban, maliit na kita ang nagagawa.
Kawalan ng interest – pag walang interes syempre tatamarin, ganon lang ‘yon e.
Pagka-palaasa – Pag lagi ka umaasa, kukulangin yan sinasabi ko sayo
Kawalan ng Katapatan – pag di ka tapat tanggal ka sa trabaho mo baliw
Kamangmangan - kakapusan ng impormasyon
PAMPANITIKAN HINGGIL SA ISYUNG PANG-MANGGAGAWA, PANG-MAGSASAKA, AT
PAMBANSA

Kahalagahan ng Manggagawa
• Paggawa ng produkto
• Pagpapaandar ng makinarya
• Lumilinang ng likas na yaman
• Konsyumer ng produkto

Kita – Kabayaran sa serbisyo o paggawa


Sweldo – Binabayad sa manggagawa
Sahod – Kabayaran gamit ang kontrata

Teorya Ukol Sa Sahod


Marginal productivity theory – ang sahod ng manggagawa ay katumbas ng kanilang
kontribusyon.
Wage fund theory - may nakalaan na pondo para sa mga manggagawa.
Subssistence theory – Ang sahod ay naaayon sa pangangailangan ng manggagawa.

Batas Na Poprotekta Sa Manggagawa


Commonwealth Act no. 444 – Batas tungkol sa walong oras na trabaho.
Artikulo 94 O Holiday Payment – bayad sa manggagawa na katumbas sa isang araw kahit hindi
pumasok.

MIGRASYON
- Paglipat ng tao sa ibang lugar upang doon manirahan
URI
Migrasyong Panlabas – paglipat ng tao o pamilya sa ibang bansa upang doon manirahan.
Migrasyong Panloob – paglipat ng tao ibang bahagi ng bansa.

KATAWAGAN
Migrante – tawag sa taong lumipat
Migrant - pansamantala
Immigrant – permanente
EPEKTO NG MIGRASYON
1. Pagbabago ng populasyon
2. Kaligtasan at karapatang pantao
3. Pamilya at pamayanan

DAHILAN NG MIGRASYON
Push factors – tulad ng paghahanap ng kapayapaan, kakulangan sa pagkain sa isang bansa.
Pull factors – Matamo ang kaunlaran sa ibang bansa, umangat sa kahirapan.
Politikal – Para sa kapayapaan syempre, pag magulo mga namumuno.
Heograpikal – halimbawa ayaw nila sa klima ng bansa edi chupi na sila

You might also like