You are on page 1of 2

PANIMULA

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay inilangkap bilang isang importanteng


asignatura ng mga mag-aaral sapagkat batid ang kahalagahan at pangangailangan ng
kasalukuyang henerasyon ng gabay sa mabuting asal at mahusay na pakikitungo sa
kapwa. Sa pamamagitan ng pagpapaloob ng EsP sa kurikulum at sa masigasig na
pagsasakatuparan ng mga guro sa iginawad na responsibilidad sa kanila ay nahuhubog
ang mga mag-aaral maging makatao at mapagmalasakit sa kapwa. Sa murang edad pa
lamang ay ginagabayan na ang mga bata upang maging mabuting tao sa hinaharap.
Maliban sa pag-uukol ng guro at tiyak na oras ng pag-aaral ng EsP, ang kurikulum
patungkol sa asignaturang ito ay nagtalaga ng paggamit ng libro na naglalaman ng mga
talakayan at mga gawain na inaasahang gagawin at tatapusin ng mga mag-aaral sa
pangaraw-araw na tatlumpung minute ng pag-aaral nila ng mabuting asal.
Ang paghahanda at pagsasakatuparan sa nilalaman ng kurikulum patungkol sa
EsP ay tunay ngang kahanga-hanga at masasabing matagumpay sapagkat kapansin-pansin
ang pagbabago sa pag-aasal at pag-uugali ng mga mag-aaral na dumaan sa asignaturang
ito. Gayunpaman, sa madalas na obserbasyon ay kapansin-pansin na ang mga gawaing
inilaan upang pagkaabalahan ng mga mag-aaral sa loob ng tatlumpung minuto ay
mabilisang natatapos ng klase nang higit na maaga kaysa sa nakalaan na oras. Napuna din
ng mga guro sa EsP na ang mga ibang nakalaang gawain sa libro ay hindi naiaangkop sa
lebel ng mga mag-aaral sa ikaapat na baiting sa Tabuk City kaya ang mga tipon na
nagawang alternatibong/ karagdagang gawain ay naibatay sa karanasan at naiangkop sa
kakayahan ng mga mag-aaral.
Dahil sa napunang kakulangan ay napagtanto na makakatulong ang pagkakaroon
ng higit pa o alternatibong mga gawain upang maging mas abala at aktibo ang mga magaaral sa Asignaturang EsP. Mula dito ay nabigyang-buhay ang (Edukasyon sa
Pagpapakatao, Karagdagang/ alternatibong Pangaraw-araw na Gawain), isang workbook
na nagsisilbing alternatibo o di kayay mapagkukunan ng mga karagdagang gawain na
maaaring ipagawa ng mga guro ng EsP sa kanilang mga klase.
Ang naturang libro ay magmumula sa pinagsama-samang ideya at mga sarilinggawang gawain ng mga guro ng EsP sa ika-apat na baiting sa buong Dibisyon ng
Lungsod ng Tabuk, sa kanilang pinagsikapang binuo sa pamamagitan ng isang Training
Workshop. Ang mga talakayan at gawain sa binuong work book na alinsunod sa mga
aralin at talakayan mula sa libro na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa pamamagitan rin ng librong ito ay maiibsan ng mga guro ng EsP mula sa
paggawa ng mga Lesson Plan at Daily Lesson Logging sapagkat kahanay ng proyektong
libro ay ang ready made Daily Lesson Log na naglalayong mabantayan at masundan
angmga mag-aaral at ang mga guro sa kanilang paggamit rito. Ang pagiging epektibo ng

work book ay makikita sa pamamagitan ng paggamit ng Daily Lesson Log kung saan
makikita ang mga pangaraw-araw na gawain na nagmula sa work book.

SALLY PORTUGUES-FEKEN
EsP Coordinator
Tabuk City Division

You might also like