You are on page 1of 11

Mga Hakbang na Ginagamit sa

Pagtuturo ng Panitikan
1. Bago ko gawin ang pagbabasa, nagsisimula akong lagi sa
karanasan o sa kung ano ang alam ng mga mag-aaral ng mga
mag-aaral (establishing prior knowledge). Bukod sa ito ang
paraan ko ng paghahanda sa kanila, nabibigyan din sila ng
pagkakataong mailahad nang natural ang kanilang mga
karanasan. Sa ganitong paraan, nalalaman ng bata na may
“gamit” o “silbi” pala ang kanyang alam sa loob ng klasrum.
Ngunit kung walang karanasan ang bata kaugnay ng paksa ng
kuwento, maaaring gumawa ang guro ng mga gawain na
magbibigay sa kanila ng karanasan. Halimbawa, kung ang
kuwento ay tungkol sa isang bulag, maaaring i-blind fold ang
mga mag-aaral. Itanong kung ano ang kanilang nararamdaman.
Patayuin sila. Palakarin nang bahagya. Itanong kung ano ang
kanilang karanasan. Mahirap ba o madali ang maging bulag?
Pagkaraan nito, gumawa ng tulay na mag-uugnay sa karanasang
ito ng mga mag-aaral sa kuwentong hahasahin o ipapabasa.
Kailangang maging malikhain ang guro sa pag-iisip ng mga
gawaing dudukal sa dating kaalaman o karanasan ng mga mag-
aaral. Huwag na huwag agad sisimulan ang pagbabasa o
pagpapabasa ng kuwento.
2. Bukod sa nabanggit sa unang bilang, ginagamit ko
ring hakbang sa pagkuha ng dahil kaalaman ng mga
mag-aaral ang Alam na, Nais Malaman, Nalaman o ang
Know, What to know, Learned (KWL). Sa pamamagitan
nito, natataya ng mag-aaral ang sarili ukol sa kanyang
mga alam na, gustong malaman at pagkaraan na
makinig o mabasa ang kuwento ang kanyang natutuhan
o nalaman. Mabisang gamitin ito sa mga kuwentong
tumatalakay sa kasaysayan at kalusugan.
3. May mga kuwentong di malinaw kung ano o sino ang
pangunahing tauhan, kung kaya ipaguguhit ko sa mga mag-aaral
ang itsura ng pangunahing tauhan. Matapos kong mabasa ang
ilang pangungusap o talata ng kuwento, hihinto na ko at
itatanong ko sa mga mag-aaral kung ano o sino ang nagsasalita
sa kuwento. Iguguhit nila sa isang papel ang naiisip nilang itsura
ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan nito, nasusubok at
nahahasa ang kanilang imahinasyon o malikhaing pag-iisip.
Pagkatapos nito, ididikit ko sa pisara ang mga kanilang mga guhit
at magpapatuloy na ako sa aking pagkukuwento. Pagkaraan,
itatanong ko kung alin sa mga itsura ng mga tauhang nasa pisara
ang pinakamalapit sa tauhan sa kuwentong aking binasa. Mabisa
ito sa mga mag-aaral na nasa ika-1 hanggang ika-3 baitang.
4. Kung ang mga mag-aaral ang mismong mababasa ng kuwento,
madalas na sinasabi ko muna ang pamagat ng kuwentong
kanilang babasahin. Magbibigay ako ng kaunting lektyur ukol sa
may-akda ng kuwento at iba pang kaugnay paksa ng kuwento.
Pagkaraan nito, ang mga mag-aaral mismo ang gagawa ng
tanong na maaaring masagot ng kuwentong kanilang babasahin.
Isusulat ko ang kanilang mga tanong sa pisara, lahat ay
tinatanggap ko. Pagkaraan na makapagbigay ng tanong ang lahat
ng mag-aaral, ipapakritik ko sa kanila ang mga tanong. Alin sa
mga tanong ang pareho lamang? Alin ang maaaring pag-isahin
na lamang? Sisikapin kong makapagtira ng mag-aaral. Sa
pamamagitan nito, natutuhan ng mga mag-aaral ang mabisang
pagbabasa. Malinaw na sa kanila ang kanilang layunin sa
pagbabasa dahil natukoy na ang tanong na kanilang sasagutin.
Mahirap ang gawaing ito kung kaya nababagay ito sa ika-6 na
baitang. Magagamit ito sa mga kuwentong loaded ng mga
impormasyon o kaalaman.
5. Madalas kong ginagamit ang istratehiyang
Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip o ang Directed
Reading Thinking Activity (DRTA). Napatunayan kong
patok ang paraang upang isangkot ang mag-aaral sa
pakikinig at ilapit sila panitikan. Sa paraang ito, hinahati
ko ang buong kuwento sa kapana-panabik na bahagi, at
sa bawat bahagi ay nagbibigay ako ng mga tanong
kaugnay na susunod na pangyayari. Nasusubukan nito
ang husay ng mga mag-aaral sa matalinong
paghihinuha. At dahil sa kanilang kasabikan na
malaman ang susunod na pangyayari, sila ay nakikinig.
Mabisa ito sa lahat ng baitang sa elementarya.
6. Sa mga kuwentong may dalawa o higit pang
tauhan, ginagamit ko ang habing ugnayan (relationship
web). Malaking tulong ito upang Makita nang biswal
ng mga ugnayan ng mga tauhan sa kuwento. Madalas
na inihahanda ko na ito. Bahala na ang mga mag-aaral
na magpunan ng mga ito habang o pagkatapos making
o magbasa. Binibigyang diin ko sa gawaing ito na
kailangan ng isang tao ang iba upang mabuhay.
Kailangan niyang makipag-ugnayan sa iba upang
mabuhay. Ang ganitong Gawain ay nababagay sa Ika-5
hanggang ika-6 na baitang.
7. Kung ang kuwento naman ay nagbibigay-diin
sa taglay na katangian ng dalawang tauhan,
ginagamit ko ang Venn Diagrams. Bukod sa
madaling Makita ang ugnayan ng dalawang
tauhan, nakikita rin agad ang kanilang
pagkakatulad at pagkakaiba. Dahil dito, madaling
napagtitimba-timbang ng mga mag-aaral kung
sino ang higit niyang gusto sa dalawang tauhan.
8. Madalas ko ring gamitin ang pagbibigay regalo sa mga
tauhan (gifts to characters). Bawat mag-aaral ay mag-iisip
ng isang regaling gusto niyang ibigay sa isa sa mga tauhan
sa kuwento. Ilalagay niya sa kahon ang kanyang gustong
iregalo, ito ay maaaring tunay na bagay o hindi, basta ang
pinakamahalaga ay ang munting card na nakakabit sa
kahon. Nakasulat sa munting card ang dahilan kung bakit
iyon ang kanyang iniregalo sa pangunahing tauhan.
Maaaring magpalitan ng regalo ang mga mag-aaral. Sila rin
ang magbubukas at magbabasa ng mga nakasulat sa
munting card. Sa ganitong paraan, natutukoy ng mga mag-
aaral ang suliranin ng kuwento o ang pangangailangan ng
pangunahing tauhan. Mabisa ang hakbang na ito sa lahat
ng baitang elementarya.
9. Ginagamit ko rin sa pagtuturo ng panitikan sa
elementarya, ang pagtatanong na nagsisimula sa “Ano kaya
kung” o “What if”. Ano kaya kung ikaw ang pangunahing
tauhan sa kuwento? Ano ang iyong gagawin? Ano kaya kung
may lumang aparador sa loon ng inyong bahay na parang
kuweba? Ano ang iyong gagawin? Mapapansing sa pagsagot
ng mga mag-aaral sa mga tanong na ito, bukod sa naiiugnay
na nila ang kuwento sa kanilang sariling karanasan, lumilikha
na sila ng sarili nilang kuwento. Madalas na isinusulat ko sa
kapirasong papel ang mga “Ano kaya kung” na mga tanong at
ang bawat isa ay buburiot. Mabisa itong gamitin sa mga
kuwento ukol sa kababalaghan.
10. Mapapansing ang mga ibigay kong paraan,
istratehiya, o hakbang sa pagtuturo ng panitikan
sa elementarya ay mahahati sa tatlong bahagi –
bago bumasa, habang bumabasa, at pagkatapos
bumasa. Mahalagang may nakalaang gawain ang
guro sa bawat yugto. At siguruhing may ugnayan
ang mga gawain bago bumasa, habang bumabasa
at pagkatapos bumasa. Mahalaga ring ayon ang
mga gawain sa kakayahan at antas ng pagiisip ng
mga mag-aaral.

You might also like