You are on page 1of 2

 Bakit mahalaga sa pag-aaral ng Kurikulum na malaman ang mga sitwasyong

pangwika at barayti ng wikang ginagamit ng pamahalaan, Edukasyon at iba pang


mga register na gamit ng wika sa iba;t ibang sitwasyon? Paano mapaninindigan
ng mga guro ng wikang Filipino ang patuloy na isyung dulot ng wikang Filipino
bilang wikang panturo at wikang opisyal na ginagamit ng pamahalaan,
edukasyon at iba pang sektor ng lipunan? Subuking sagutin ang mga tanong at
ipasa sa pamamagitan ng messenger o email.
SAGOT: Mahalaga sa pag-aaral ng kurikulum na malaman ang mga sitwasyong
pangwika at barayti ng wika upang mai-ayos ang paraan ng pagtuturo ng mga guro
sa mga mag-aaral lalo na sa asignaturang Filipino, para mai-angkop sa napapanahon
at makasabay sa pag-unlad ang edukasyon. Mapaninindigan ng guro sa asignaturang
Filipino ang kayang propesyon sa pamamagitan ng hindi paghinto sa pagtuturo ng
asignaturang kanyang minahal at paghikayat sa nakararami na tangkilikin ang ating
pambasang wika.

 Kung maisasabatas ang Resolusyon Blg. 589, paano ito makatutulong sa


intelektwalisasyon ng wikang Filipino? Subuking ipaliwanag at ipasa sa
pamamagitan ng messenger o email.
Sagot: Makatutulong ang Resolusyon Blg. 589 para lalong mas maintindihan ng local
na mga mamamayan ang instraksyon at mga impormasyon ng isang produkto, bukod
pa rito napapakita ito ng lubos na pang galang at pagmamalaki sa ating pambansang
wika gaya ng ibang bansa na may kautusan ng kagaya ng nasabing resolusyon.

 Bilang mag-aaral at bilang guro balang-araw sa Filipino, ano kaya sa palagay mo


ang maaaring ilulunsad na programang pangwika para makatulong ka sa
pagsulong at pagpapatupad ng Panukalang –batas Blg 1285? Subuking isulat ang
maisipang programa sa *Learning Log at ipasa sa pamamagitan ng messenger o
email.
Sagot: Sa panahon ngayun na meron nang mundo ng internet na napupuntahan ng
halos lahat ng tao ay malaking tulong kung maglulunsad ng isang programa na
magpo-promote sa kultura, kaugalian, kasaysayan, halaga ng wikang Filipino, at kung
bakit kailangan isabatas ang Panukalang-Batas Blg 1285 mapa-video man o artikulo
na lalahukan ng mga guro at mag-aaral sa asignaturang Filipino.

 Bilang mag-aaral at bilang guro balang-araw sa Filipino, anong programa sa


Pagpaplanong Pangwika ang maibibigay mong supurta sa Batas Blg. 10533?
Subuking ilista ang mga plano sa *Learning Log at ipasa sa pamamagitan ng
messenger o email.
Sagot: Ang programa sa pagpaplanong pangwika na maaaring bilang suporta sa
Batas Blg. 10533 ay ang lalong pag-igting sa paggamit ng wikang Filipino bilang
midyum sa pagtuturo sa mga asignaturang Filipino at sa pandaigdigang literatura.
Dagdagan ang mga okasyon na may kinalaman sa wikang Filipino sa mga pa-aralan.

 Maituturing nga bang maling pananaw sa globalisasyon ang pagtalikod sa


sariling wika gaya ng inilunsad na CMO Blg 85 ng CHED - ang pag-alis ng
asignaturang Filipino sa Kolehiyo? Subuking sagutin ang tanong at ipasa sa
pamamagitan ng messenger o email.
Sagot: Para sakin maling mali ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo para lang sa sinasabi nila na makasabay tayo sa kalakarang globalisasyon
dahil bukod sa hindi naman talaga hadlang ang asignaturang ito para sa kalakarang
globalisasyon dahil napakarami pa rin ng Pilipino na ipinapadala sa ibang bansa para
magtrabaho sa kabila ng pananatili ng asignaturang Filipino, pinapatay ng
ordinansang ito ang pagiging makabayan ng isang Pilipino. Ang pagmamahal sa
bayan ay nagsisimula sa pagmamahal sa kultura at ang wika ang syang kakambal ng
kultura, kaya sa pag-alis ng asignaturang ito sa kolehiyo ay pinapalita lang natin sa
ibang bansa na wala tayong pagmamahal sa sarili natin bansa.

You might also like