You are on page 1of 55

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


Aralin
1 Mga Konseptong
Pangwika
Wika
Ano nga ba ang
kahalagahang naidudulot ng wika
Panimula
sa buhay ng Tao?

Ang bawat nalikha ay


naghahangad na magkaroon ng
kahusahayan sa wika.

Ito ay isang mahalagang


kasangkapan upang maipahayag
ng tao ang kanyang Damdamin at
Kaisipan.
Ang kakayahan sa paggamit
nito na nasasalig sa isipan,
damdamin kilos ng tao ay resulta
ng isang dinamikong prosesong
bunga ng kanyang karanasan-
kabiguan, tagumpay,
pakikipagsapalaran at maging ng
kanyang mga pangarap at
mithiin.
Sa pamamagitan ng wika nabubuo ang
mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng
tao ang kanyang sarili at nakatutulong din
siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba.

Dahil sa wika nakatatanggap at


nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala ng
pagbabago sa kultura at kabihasnan.
Ano nga ba talaga ang wika?
Bakit ito’y totoong napakakomplikado
at tunay na may kapangyarihan

Ang kahulugan ng wika bilang


representasyon ng karanasan ay nag-
iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at
patuloy na nagbabago. Kailanman
ito’y hindi static.
Isa sa mga pinakadakilang
biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa
tao ay ang wika.

Ito ang kasangkapan upang


maipadama ng tao sa kanyang
kapwa ang kanyang iniisip,
nadarama at nakikita tungkol sa
kanyang paligid.
Iba’t ibang Pakahulugan sa
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinasaayos sa
paraang arbitraryo.
-Henry Gleason
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan
ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mithiin.

- Edward Sapir
Matatagpuan sa wika ang mga tanda o
simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa
mga gumagamit nito.

Ang mga simbolo o tanda ay maaaring


salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis
na kumakatawan sa konsepto, ideya o bagay.
Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo
na kinukontrol naman nila. Ang kakayahan ng
mga tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay
napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin
ang ikinaiba ng tao sa hayop.

- Lachica, 1993
Ayon kay Todd ang wika ay isang set o
kobuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon.

Hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y


sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay
arbitraryo at sistematiko.

Dahil dito, ayon sa kanya, walang dalawang


wikang magkapareho bagamat bawat isa ay
may sariling set ng mga tuntunin.
Katangian ng Wika
Midyum sa
komunikasyon Masistemang
balangkas

Walang
superyor na
wika
Sinasalitang
Tunog

May Pulitika
ang wika Makapangyarihan

Dinamiko Nakabatay ito Arbitraryo


sa Kultura
Pagsusulit;
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung anong katangian ng Wika ang
nangingibabaw sa pahayag. Dalawang puntos bawat isa.

1. Kailangang matutunan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng Mesa sa


Misa. Mahalaga ang tamang pagbigkas upang higit na maunawaan.
2. Nakikilala ang isang taong nagsasalita dahil sa kanyang lenggwahe.
3. Ang pagkakaroon ng maraming katawagan sa isang bagay, tao atbp. ay
bunga kung paano kinikilala ng tao ang mga iyon.
4. Ang mga lumilitaw na mga bagong salita tulad ng (angsha, what you do
note atbp) ay isang makabagong anyo ng panulat at pagbigkas sa dati ng
kahulugan.
5. Ang pagpapalit ng salitang “ganoon” sa salitang “ganern” sa kasalukuyan.
Kahalagahan
ng Wika
Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan.

Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano


ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.
Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat
isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang


dito sa Filipinas kung di maging sa mga ibang
bansa rin.
Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan
at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang
bawat tao kung di pati narin sa mga karating
bansa nito.

Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming


aspekto ng buhay ng tao.
Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin
ng lipunan.

Ang wika ay sagisag ng pambansang


pagkakakilanlan.
Ang wikang pambansa ay siyang susi sa
pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa
ng mga mamamayan.
Pambansang
Wika
Hindi naging madali ang pagpili nito..

Dumaan sa mahaba at masalimuot na proseso..


Ayon kina Barker at Barker (1993)

Wika bilang…
ang nakaraan
ang kasalukuyan
at hinaharap
WIKA
Pahapyaw sa
Kasaysayan
PANAHON NG KASTILA

Ipinag-utos ng hari ng
Espanya na turuan ng
Wikang Kastila ang mga
katutubo.
-hindi ito pinanukala ng
mga kastila na ituro.
Bakit ayaw ituro ng mga Kastila ang
kanilang wika sa mga katutubo?
1. Natatakot silang mapantayan sila ng mga katutubo sa kaalaman o
talino.
2. Nangangamba silang baka kapag marunong na sila ng wikang
kastila ay magsumbong ang mga ito sa Espanya.
3. Iniiwasan ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga Filipino.
Wikang katutubo bilang midyum sa
pagtuturo ng doktrinang katoliko.
1. Mas madaling maunawaan at mas madaling isabuhay
ng mga katutubong Filipino.
2. Higit na kapanipaniwala kung ang isang banyaga ay
nagsasalita ng katutubong wika
Impluwensya
1. Nasimulan ang paglinang sa mga rehiyonal na wika, nalimot
man ang kanilang paganismo, ngunit hindi ang kanilang
katutubong wika.
2. Nagbukas ng mga paaralan sa layuning maituro ag
relihiyon.
3. Nagkaroon ng unang panlimbagan sa Filipinas.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan
Panahon ng kamulatan
Pinangunahan ng mga pangkat ng mga ilustrado o
maykaya sa buhay (Rizal, Luna, Del Pilar, Lopez Jaena
atb.)
Nag-aral sa Europa at natuto ng ibang Ideolohiya.
Kartilya ng katipunan- maraming naisulat na akdang
pampanitikan sa wikang tagalog, upang gisingin ang
diwa ng bayan at sumibol ang nasyonalismong Pilipino.
1897 Nobyembre 1
Sa pamamagitan ng saligang Batas ng Biak-na-Bato
Nakasaad na “Ang Wikang Tagalog” ang siyang
magiging opisyal ng mga Filipino.

Artikulo 123
“ Ang Ituturo sa Elementarya ay wastong pagbasa,
pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at
mga pangunahing simulain ng Ingles. Ang lalong mataas
na edukasyon ay buuin ng dalawan kurso ng Ingles at
dalwang kurso ng French”
Panahon ng mga Amerikano

Nagpatayo ng pitong
pambayang paaralan sa Maynila
Naging unang guro ang mga
sundalong Amerikano na
nagturo ng Ingles.
1900 Marso 4
Pangkalahatang Kautusan Blg. 41 Si Kapitan Alberto
Todd ay nagsagwa ng mga hakbang tungo sa pagtatag
ng isang Sistema ng Edukasyon:
1. pagtatag ng isang komprehensibong
modernismong Sistema ng Edukasyon.
2. Paggamit sa wikang Ingles bilang Midyum ng
pagtuturo
3. Pagpapatupad ng patakarang saplitang pagpasok sa
paaralan
1925

Nakita sa sarbey na mabagal


matuto ang mga batang
Filipino kung Ingles ang
wikang panturo sa mga
paaralan.
1932

Panukalang Batas Blg. 577


Gamitin bilang wikang
panturo sa mga paaralang
primary ang mga katutubong
wika mula taong panuruan 1932-
1933.
Panahon ng Malasariling Pamahalaan

1935-Saligang Batas ng 1935 Artikuo Blg


14, Seksyon 3
Ang kongreso ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad
ng isang wikang pambansa na ibabatay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika
sa kapuluan.
1936 Nobyembre 13

Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184


Itinatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
na binibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga pag-
aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan.
Magsagawa sila ng komparatibong pag-aaral sa mga
wika ng Filipinas at magrekomenda ng wikang
pinakamagaling na magiging batayan ng isang
pambansang wika
1937 Nobyembre 9
Isinumite ng mga miyembro ng SWP kay Pang. Quezon ang kanilang rekomendasyong Tagalog na gagamiting batayn
ng wikang pambansa

Disyembre 30, Nagkabisa ang Kautusan Tagapagpaganap Blg. 134


Wikang Tagalog ang gawing batayan sa pagpili sa wikang Pambansa sa Filipinas.

Ipinahayag ni Pang. Quezon sa bansa ang kautusang ito sa isang brodkast sa radio mula sa Malacañang
Disyembre 13, 1939
Nalimbag ang kauna-unahang
Balarilang Filipino na siyang bunga ng
walang pagod na pagsusumikap at
pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K.
Santos.

Kinilala siya bilang “Ama ng


Balarilang Filipino”
Panahon ng Hapon

Nasarado sandal ang mga Paaralan


Sa pagbubukas ginamit ang wikang
katutubo bilang panturo
“Asya ay para sa Asyano” at ang Filipinas
ay para sa Filipinas.
Inalis sa kurikulum an wikang Ingles
1943 Nobyembre 30

Naglagda si Pang. Laurel ng Kautusang Tagapagpaganap


Blg. 10 na nagtatakda ng ilang repormang edukasyon, at
isa sa mga iyon ang pagtuturo sa wikang pambansa sa
lahat ng publiko at pribadong hayskul, kolehiyo at
unibersidad
1944 Enero 3

Binuksan ang isang Surian ng


Tagalog na tulad ng Surian ng
Niponggo upang ituro ang
tagalog sa mga di-tagalog
Panahon ng Republika

1959 Agosto 13
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 Ang
wikang Pambansa ay tatawaging “Wikang
Pambansang Pilipino”

Pilipino dahil binabalik nito ang pagka-


Pilipino ng mga katutubo.
Panahon ng Bagong Lipunan

1974-1975
Sinimulang ipinatupad ang
patakarang edukasyong Bilinggwal.
Ang patakaran ay naglalayong
linangin ang magkatimbang na
kasanayan sa Ingles at Pilipino para sa
lahat ng mga paaralan, elementary,
sekondarya at tersyarya.
1986 Kasalukuyan

1986 Oktubre 12
Ang wikang Pambansa ay
tatawaging “Filipino”
Sapagkat nililinang nito ang
mga umiiral na wika sa Filipinas at
iba pang wika.
Isang wika o
lenggwahe na binigyan ng
Wikang
bukod-tanging istatus sa
saligang batas ng mga Opisyal
bansa, mga estado, at iba
pang teritorya

Wikang kadalasang
ginagamit sa lehislatibong
mga sangay ng Bansa.
Opisyal na wikang
ginagamit sa pormal na
edukasyon
Ang wikang
Wikang Panturo
ginagamit sa pagtuturo
at pag-aaral sa mga
eskwelahan at ang wika
sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-
aralan.
Ang pagpapatupad
ng iisang wikang panturo
sa lahat ng larangan o
asignatura, (England,
Monolinggwalismo
pransya, South Korea, at
Japan).

Iisang wika sa
larangan ng komersyo,
wika ng negosyo at wika
ng pakikipagtalastasan
sa pang-araw-araw ng
buhay
Ito ay paggamit Bilinggwalismo
at pagkontrol ng
tao sa dalawang
wika na tila ba ang
dalawang ito ay
kanyang katutubong
wika.
Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang
pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa
pang wika maliban sa kanyang unang wika,

-John Macnamara, 1967


Ang pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at
wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa
pamahalaan man o sa kalakalan.

-Artikulo 15, seksyon 2 at 3 na saligang Batas


ng 1973)
Magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles
bilang wikang Panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak
na asignatura.
Ang tawag sa patakarang pangwika kung
saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang
pambansa at katutubong wika bilang pangunahing
Multilinggwalismo
midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo,
bagamat hindi kinakalimutan ang wikang Global
bilang isang mahalganag wikang panlahat.

You might also like