You are on page 1of 2

Rodriguez, Jia Vernica S.

FIL110, 1:30 n.t- 3:00 n.t, SW309

Dalubguro PJ Dela Paz

IA1-SIPAT-SURI HINGGIL SA NOBELA

2. Ang Nobela Bilang Akda ng Pag-ibig

ANG NOBELA BILANG AKDA NG PAGIBIG

Ang akda ng pag-ibig sa sanay ng nobela ay may iba’t-ibang mensahe sa ating pang araw-araw na
pamumuhay. May mga panahon na tayo mamumulat sa katotohanan na hindi lahat ng ating gusto sa
buhay ay masusunod at makakabuti sa lahat. Gaya na lamang ng akda ni Rosalia L. Aguinaldo na
pinamagatang Mutyang Itinapon na isa sa mga akda ng pag-ibig. Meron itong uri ng isang sangkap ng
nobelang popular katulad nalamang ng mahirap sa mayang pag-iibigan, may mga magulang na tutol sap
ag-iibigan, nagkayo at pinagtagpo ng kapalaran, at kapatawaran sa isa’t isa.

Ayon sa Unang Siglo ng NObela sa Pilipinas ni Virgilio S. Almario, pinarating ng nobelang ito ang kaibahan
ng mayaman at dukkha, kung bakit sila ay hindi para sa isa’t-isa at kung bakit hindi nila pwedeng ituloy
ang kanilang pag-iibigan. Sa nobelang ito maraming butas na dapat tagpian dahil nalamang sa bigla-
biglang pagbabago ng mga tauhan at pangyayari na tila ibang-iba sa unang pangyayari. Sa pagsusuri ng
mga nobela may tinatawag din na “Butas ng Istorya”kung saan maraming katanungan patungkol sa nobela
at marahil ay hindi ito nakasaad sa istorya sa nobela. Isinaad din rito ang kahinaan ng nobelang popular
noon dahil sa pag-usisa ni D. San Agustin sa mga butas ng itsorya. Dahil dito nagkaroon mas lumalim pa
ang pag-unawa sa pag-unlad ng nobelang kritisismo, kung saan natutunan nilang dumaliri sa kahiaan ng
isang nobela. Sa aking kaisipan sayang lamang dahil sa panahon ni R.L Aguinaldo hindi nangyari ang
pangaral na ito. Mas nauunawaan ko na kung saan nanggaling o paano umunlad ang paggawa ng mga
nobela o istorya sa pagkaraan ng ilang taon. Nakatulong ang pangangaral at kritisismo noong unang
panahon ng mga nobela.

May tinatawag ding kaayusang unibersal kung tawagin ni Vigilio Almarion ay ‘konstelasyon ng kamalayang
kristiyano at feudal at matalik na pamana ng kolonyalismong Espanyol.’ Ang kaisipan ko rito ay sa
paniniwala at pananaw sa kamalayang kristiyano mas maiintindihan ang bawat ganap sa tauhan at
magkakaroon ng mas malinaw na kaisipan ang isang kwento dito maihahambbing ang pagkakapuna ni D.
San Agustin. Halimbawa nalamang sa nobela ni R.L Aguinaldo na Mutyang Itinapon na may katungan na
bakit hindi ipinaglaban ni Elong ang kanyang pag-ibig kahit na siya ay dukha? Bakit ganoon nalamang ang
kanyang nagging desisyon? Sinabi ni Elong sakanyang nagging kasintahan na si Elino na “wala sa palad ng
tao ang nakagagawa kundi ang tadhana” na sa pagkakaintindi ko ay hindi natin maaring mapabago ang
para sa atin dahil may laging nakatakdang mangyari sa bawat isa.

Ayon kay V.S Almario ang reaksyon ng mga tao sa panahon ngayon sa pagbasa nitong sulatin o istorya sa
Mutyang Itinapon ay isa lamang kalokohan ngunit sa kapanahunan ni R.L Aguinaldo inuunawa nila ang
pagtanggap ng kapalaran ng bawat isa o tandahan at guhit ng palad ay hindi lamang biro- bibruan. Dahil
sa panahon ngayon mapapansin na mas lumalawak ang kaisipan ng tao sa buhay kaya rin ang iba ay hindi
sineseryoso ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Ang katauhan ni Elino sa kwento ng Mutyang itinapon ay nakapugal sa konsepto ng kaayusang unibersal
dahil sinunod niya lamang ang kanyang ina para sa katahimikan nito. Kaya rin nasabing mahina ni Elino
bilang pangingibig sa istorya ayon kay D. San Agustin. Hindi niya ito pinaglaban kahit na siya ang may hawa
ng kanyang puso at nararamdaman.

Isinasaad din sa konsepto ng kaayusang unibersal ang mga realidad na meron ang buhay. Ang buhay ay
isang gulong minsan itoý nakapaibabaw na nagsisimbolo ng kaginhawaan at pag nasa ibaba naman ay
isang hindi kagandahang nangyayari sa buhay ng tao. Kailangan lamang nating tanggapin kung paano
mamuhay ng tinatanggap nalamang ang ating tadhana. Lahat ay nagbabago, maganda man o hindi ito ay
parte ng pagikot ng buhay walang permanente. Katulad nalamang ng nobela noon at ngayon, tila
nawawala na ang mga sinaunang nobela at nagkaroon ng bagong henerasyon kung saan nagbago ang
landasin nito.

You might also like