You are on page 1of 2

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento.

Bagamat walang
katiyakan ang pinagmulan nito saPilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng
mga AAng dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kwento. Bagamat walang
katiyakan ang pinagmulan nito saPilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng
mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit
sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento. Kabilang sa mga kilalang
manunulat ng dagli sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro
Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
merikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit
sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento. Kabilang sa mga kilalang
manunulat ng dagli sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro
Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.

Pinagmulan
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay
ng pagkakalathala ng pahayagangMuling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging
tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at
mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat.

Katangian at anyo
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang
Ang Dagling Tagalog: 1903-1936 ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na
lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may
ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa
mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan
hanggang sa maging nakakahong kwento sa mga tabloid o tampok na kwento (feature story) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, natransform na ang dagli, hindi na ito
tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagananekdota, slice-of-life,day-inthe-life, at iba paat lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).

Dagdag ni Tolentino:
Mismong ang kasaysayan ang lumilikha ng porma ng panitikang magbibigay-representasyon sa kanya.
Umaangkop ang daglio anumang stilo ng porma ng panitikansa politika ng panahon batay sa politikal na
ekonomiya ng paglalathala. Kailangang linawin ang porma at estiloang porma ay ang genre (tradisyonal na
pagkakahati-hati at pagkatuto ng panitikan bilang prosa, tula, at dula), samantalang ang estilo ay ang sumatotal ng lahat ng kumbensyong ginagamit sa isang porma ng panitikan para magkaroon ng kakaibang dating
(effect) sa mambabasa. Tulad ng maraming estilo, ang dagli ay kwento pero ibang uri ng kwento.

Ang dagli sa kasalukyan


Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa
panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang magkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990s. Maaari itong nagmula sa
anyong pasingaw at diga ng mga magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at
malalayong lugar nagkaroon ng ganitong paraan ng kwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang Mga Kwentong Paspasan na pinamatnugutan ni Vicente Garcia
Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway,
Paaway at Pamatay) ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang
samut saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.
Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng
paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan Isang makabuluhang kontribusyon ito
sa panitikan ng bansa."
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at protofiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros:
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking
ipinagkakaiba.
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre
1932)

You might also like