You are on page 1of 2

Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway,

Paaway at Pamatay)
by Eros S. Atalia
3.88 of 5 stars

3.88 rating details 301 ratings 37 reviews

MAGAANG BASAHIN, KUNG MATINIK AY MALALIM.


Magaang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang
anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa'y
lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang
bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20.
Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros--malay siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang
ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan.
Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala
kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon.

Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of
Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang
pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang Maririing Tusok ng
Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak
sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na
Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga
pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula
Maglaba ay Di Biro bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay
nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na Ang
Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Ibat Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at
Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng Kamasutra salin sa Filipino at
naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan
nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU
sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas
na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Ordinaryong Biyahe (Flash Fiction/Kwentong Paspasan)


Ordinaryong Biyahe
ni Johnjo Tuason

Ala una ng hapon nang sumakay si Mona sa air-conditioned bus sa Baclaran. Para siyang
robot at wala ang isip habang pumapanhik ng estribo hanggang sa naupo siya sa bandang
likod na upuan, sa kanang bahagi ng bus. Dahil tanghaling tapat ay wala masyadong
pasahero sa bus. Mataas ang araw kaya ginhawa ang pumasok sa de erkon na sasakyan.
Kaya parang robot si Mona ay dahil iniisip niya ang mga problema ng kanyang pamilya.
Paano ba masosolusyunan ang mga problema kung ito ay tungkol sa pera? Kahit na call
center agent siya at kumpara sa ibang trabaho ay malaki-laki na ang sahod, tila di
pagkasyahan ang mga nag-uunahang babayarin: Matrikula ng nakababata niyang kapatid

na si Sabel na nagna-nursing. Ang pang-dialysis ng Lolo Teddy niyang talamak sa alak


noong kabataan kaya ngayo'y sinisingil ng kanyang mga bato (bakit ba pati siya ay
kailangang singilin?). Pambayad sa kuryenteng may disconnection notice (para sa'n ba ang
"environmental fee" na nakasulat sa billing?).
Paano na sila ni Emman? Matagal na nilang pinag-uusapan ang kasal nila na parang
hanggang pangarap na lang sapagka't napakaraming obligasyon na kailangang harapin.
Tumingin sa labas si Mona at nakita niya ang Heritage hotel. Naisip niyang sana ay dito
ganapin ang reception ng kanyang kasal.

Sumakay ang dalawang lalaki. Ang isa ay may kargang backpack. Umupo sila sa bandang
gitna at hinubad ng huli ang kanyang backpack at nilagay sa ilalim ng upuan. Pinara nila
ang bus sa may Evangelista at bumaba sila.
Magaalas-dos nang sumabog ang bus habang papalapit sa istasyon ng MRT sa Buendia at
nagising ang inaantok na hapon.

Nagbuntunghininga si Mona. Hayaan na nga ang problema, sabi niya sa sarili. Sabi nga ng
teacher niya sa Values Education sa high school, "All things pass, only God remains."
Napansin ni Mona na parang ang haba-haba ng biyahe at hindi pa siya makakarating sa
destinasyon niya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa bintana at siya'y natulog.
At natulog pa nang hindi nanaginip.

You might also like