Professional Documents
Culture Documents
1. 1. Unang Antas
2. 2. Ang korido [Esp., corrido] ay isang anyo ng tulang Espanyol Isang awit o sayaw na
isinasagaw sa saliw ng gitara katulad ng pandanggo (dela Costa) Binalbal na salitang
Mehikano na buhat sa “occurido” o isang pangyayaring naganap
3. 3. 8 pantig bawat taludtod himig ay mabilis (ALLEGRO) may kapangyarihang
supernatural Hindi nagaganap sa tunay na buhay
4. 4. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio: karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o
pakikipagsapalaran nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo) ang
kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma
5. 5. isang pasalaysay na tula isang tulang romansa na nag-ugat sa Balada walang tiyak na
pinagmulan at petsa ang tula
6. 6. Angmga tauhan ay may pagkakatulad sa mga anyong pampanitikan sa mga bansang
Europa, Gitnang Silangan at maging sa Asya nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman
may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de
la Cruz.
7. 7. binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan Isinilang siya sa Tundo,
Maynila noong Disyembre 20, 1746. Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya
marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga salita
8. 8. Ikinapitsa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng
patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. ayon kay Julian Cruz
Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
9. 9. Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang
Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania .
10. 10. Ang matimyas na pag-iibigan ang relihiyosong paniniwala angkagila-gilalas o
pantastikong pangyayari
11. 11. STELLA MARISStella Maris (Latin for Star of the Sea) is a title of the Blessed Virgin
Mary, known in English as Our Lady, Star of the Sea. Written by Fr. Jun-Jun Borres S.J.
Music by Fr. Manoling Francisco S.J.Performed and recorded by Bukas Palad Music Ministry
12. 12. angkoridong Ibong Adarna aybinubuo ng 1,056 saknongumabot ito sa 48 pahina
13. 13. Hinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw,
at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang
nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay
at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.
14. 14. Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan
ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng
Edukasyon.
15. 15. Espanya: El Cuento del Pajaro Adarna Armenya: Ang Makababalaghang Ruisenyor
Eskosya at Irlanda: Ang Haring Ingles at Tatlong Anak Rusya, Litbiya, Estonya: Ang Ibong
may Ginintuang Tinig Portugal, Gresya at Bulgarya: Salaming Mahiko o Ibong Marilag
16. 16. Pahina 316 sa aklat na LIKHA A. Pagsusuring Pangnilalaman (1-5) B. Pagsusuring
Pampanitikan (unang bilang lamang)
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at
Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring
Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania.
Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may
ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la
Cruz ngunit wala pa ring katibayan.
Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay
Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.
Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na
pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras
Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon
upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na hindi
kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang
makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Ang magkakapatid ang nakahanay na
magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.Sumapit na sila sa takdang gulang at
dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe.
Ngunit hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at
Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na
awit ng Adarna at maiputan nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong
Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan.
Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at
mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at
Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na
nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas
si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng
Reino de los Cristal. Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina
Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga
dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.
Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya
sa kahariang nakamit niya.Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng
lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan.
Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na
pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.
Ang anyo ng tula korido ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat
na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma.
Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang
buhay o pakikipagsapalaran nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at
ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma.
Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong
paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari.
Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay
kinasangkapan ng mga katutubong Pilipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran.
Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang
katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S.
Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog.
Ang salitang korido ay galing sa salitang Mehikanong “corridor” na
nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”, ang Mehikanong salitang “corridor” ay mula
naman sa Kastilang “occurido”.
Ito’y isang anyo ng tulang romansa na naglalarawan ng pakikipagsapalaran sa
buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan at
pagkamaginoo. Kinilalang isang mataas na uri ng libangan ang korido nang ito’y lumaganap
sa Europa.
Sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat at kuwentong bayan sa Europa gaya
ng Espanya, Gresya, Italya, Germany, Denmark, Pransiya, Austria at maging sa Tsina at
Malay o Polenesia.
Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa
48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging
sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo
ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam,
ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo. Ang dalumat ng Ibong Adarna ay hindi
nalalayo sa mga epikong bayan sa Pilipinas. Maraming ibon sa Pilipinas, at gaya sa epikong
Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot,
lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito
nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon. Sa pananakop ng
mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mexico at di nagkalaon ay nakaabot sa
Pilipinas.
Nakarating ang korido sa Pilipinas nang dalhin ito ng mga Kastila mula sa
Europa na ang layunin ay mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Mula sa
banyagang padron ang korido ngunit pagdating sa Pilipinas ay sinangkapan ito ng mga
katutubong kaugalian upang maitanghal ang natatangi at naiibang kaligiran nito.
Kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido dala na rin ng kawalan ng ibang
anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon sanhi na rin ng kahigpitan ng mga
paring Kastila sa pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng akdang maaaring basahin
ng mga tao. Ang buhay ng mga maharlikang angkan at kaharian na taliwas sa pamumuhay
sa ating bansa kaya tinangkilik ng mga katutubo ang panitikang ito. Ang kahigpitan ng mga
prayle sa pagpapalaganap ng babasahin ay nararapat lamang nagtataglay ng magandang
pagtingin at panrelihiyong katangian upang pahintulutan maipalimbag.
Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi
tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Ipingpalagay nang isalin sa wikang Tagalog
ang Ibong Adarna, ipinagpapalagay na ang pangalan ng orihinal ay nangmula sa ibang
bansa sa Europa at hindi na naisama ang pangalan ng may-akda; ginamit ang pangalan ng
tagapagsalin ngunit hindi isinama sa pagpapalathala; ang kauna-unang salin nito ay nasa
anyong sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin
ang pangalan nang nauna sa kanila; at dahil hindi tiyak kung sino ang tunay na may-akda
nito, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag nang isama ang kanilang
pangalan sa pagpapalimbag.
Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa
katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang
nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang di
marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag.
Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng
komedya o moro-moro.
Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa
mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949. Hinalaw ang
Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-
ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido
pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon
sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon. Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa
sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa
kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon. Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na
ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na
nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa
Europa. Bagama’t ang Ibong Adarna ay itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito
ng mga halagang pangkatauhan at kaugaliang taglay rin ng mga Pilipino gaya ng
pananampalataya sa Panginoon, pagmamahalan sa pamilya, pagpapahalaga sa edukasyon,
pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa nangangailangan, pagdiriwang, pagtanaw ng utang
na loob at marami pang iba.
Ang AWIT at KORIDO ay dala ng mga Kastila buhat sa Europa. Ayon sa isang kritiko, ang
kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang
bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia. Mayroon ang
“Ibong Adarnang” motif at cycle na matatagpuan sa mga kwentong bayan: may sakit ang
inang reyna o amang hari.
Kailangan nang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit,
tubig ng buhay, at halaman. May pagkakahawig ang “Ibong Adarna” sa kasaysayan. Ilan dito
ay:
1. Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha
noong pang 1300. -May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay
upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at
magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang
matanda. Iba pang kahawig na kuwento. . .
2. Mula sa Denmark(1696). -Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang
ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe
ang reynang ito.
3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter. -May mga bahagi ito na kahawig
ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “Halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang
pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya
sa amang maysakit.
4. Mula sa Hessen, Alemanya (1812) - "The Golden Bird" ay isang Brothers Grimm fairy tale,
bilang 57, nailathala noong 1812 tungkol sa paghahanap ng isang ginintuang ibon ng tatlong
anak ng hari dahil sa pagnanakaw nito ng gintong mansanan sa kanilang bakuran at
itinalaga ang mga anak na hulihin ang ginintuang ibon. Nakausap nila ang isang lobo at
pinayuhan sila kung paano nila mahuhuli ang ibon ngunit binaliwala ng dalang prinsipe at
ang bunso lamang ang nakinig at gumawa ng payo ng lobo. Nang mahuli ang ibon ay
ikinulong to sa hawlang yari sa kahoy.
5. Mula sa Paderborn, Alemanya – isang ibong ginto ang lagging nagnanakaw ng isang
bungang ginnto sa punong mansanas ng hari. Isa=isang nagbantay ang tatlong anak ng hari
ngunit ang bunso lamang ang nakakita sa ibon at nakahuli nito. Sa kasamaang palad, ang
prinsipe ay nahuli ng haring may-ari ng ibon, na nangakong ibibigay rito ang ibong ginto
kung mahuhui ng prinsipe ang kabayong ginnto. Sa tulong ng isang zorra, nalampasan ng
prinsipe ang mga pagsubok at naiuwi niya ang ibong ginto at nailigtas pa ang mga kapatid.
6. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” (1808) – May
isang hari na may punong peras. Lagging nawawalan ang bunga nito kaya’t pinabantayan ng
hari ang puno sa kanyang tatlong anak na lalaki. Nakatulog ang dalawang nakatatanda at
ang ikatlo ang nakakita sa isang kalapating puti na nagnanakaw ng bunga. Sa tulong ng
isang matanda, nasundan niya ang ibon at nakita itong ballot ng sapot ng gagamba. Nnag
pakawalan ito ng prinsipe ay nagbago ang anyo ng kalapati at nagging isang prinsesa, na
napangasawa ng prinsipe.
7. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi” – may isang kuwenyong pinamagatang “Tatlong
Prinsipe sa China.” Nagkasakit ang ina at ang lunas ay ang tubig ng buhay. Ang bunsong
anak ang nakakuha nito matapos ang maramig pakikipagsapalaran, at sa huli, ang bunso
ang naging isang sultan.
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch Ang mga kuwentong-bayan na ito
ay may pagkakahawig ngunit may pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa. May
dalawang anak ang hari. Nabulag at nabingi ang hari at ang tanging lunas ay isang ibon na
ipinahanap sa dalawang anak. Nagtungo sa isang masayang lugar ang nakatatanda,
samantala ang nakababata ay nakarating sa isang lugar na kinatagpuan niya ng isang patay
na walang maglibing. Inilibing niya ang bangkay at ang kaluluwa nito ay nag-anyong uwak
na tumulong s akanya sa paghahanap sa ibon. Nahuli niya ang ibon at napangasawa ang
isang babaeng may pakpak. Ngunit nang magkita ang magkapatid, inihulog nito ang
nakababatang kapatid sa balon at iniuwi ang ibon at ang babae. Samantala, ang
nakababatang prinsipe ay muling tinulungan ng uwak at inihaon siya sa balon. Nakauwi ang
prinsipe at pinarusahan ang nakatatandang kapatid. Umawit ang ibon at muling nakakita at
nakarinig ang hari. Ngunit bahagi nito ay nakalimutan ng prinsipe ang uwak gaya ng
paglimot ni Don Juan kay Maria.