You are on page 1of 1

Krishian Jade Nicole A.

Cordero
10 - Newton

Pag-ibig sa Bayan
Kamusta inyong bayan? Aking guro at mag-aaral. Nandito ako upang magsalita at pag-
ibig sa bayan ang aking paksa. Balikan natin ang isang kasabihan ni Andres Bonifacio, “Ibigin mo
ang iyong bayan nang sunod kay bathala, iyong kapurihan at higit sa lahat sa iyong sarili”. Ang
kasabihang ito ay tila ba ibinabagay sa ating mga bayani na hindi nagawang magtaksil sa ating
bayan. Tulad ni Rizal na may hawak na panulat at ni Bonifacio na may dala-dalang sandata.
Gamit ang mga ito ay kanilang ipinakita ang kanilang pagmamahal sa Inang Bayan at ibinigay sa
atin ang ating kalayaan.
Kung ating sususriin ang mga Pilipino ngayon, masasabi natin na bilang na lamang ang
mga Pilipinong diretsong magsalita ng tagalog o mga makata. Marami sa atin hindi lamang wika
ang kinalimutan pati ang pagtangkilik sa sariling atin at pilit binabago ang sarili upang maging
katulad ng mga banyaga. Na tila ba gustong maging banyaga sa sarili niyang bayan.
Una, bilang Pilipino ay tungkulin nating gamitin at ipalago ang ating sariling wika. Ngunit
sa panahon ngayon, ang mga magulang na sana ay ang magtuturo sa iyo ng wikang Filipino, ay
ang nagpakilala sa iyo ng ibang wika tulad ng Ingles , mula pa lamang sa iyong kapanganakan.
Na sa iyong paglaki, ang mga salitang tagalog , ay hindi mo alam ang ibig sabihin. Sapagkat
kinalimutan ang sariling wika at sinanay ang sarili sa pagsasalita ng ibang lengwahe. At kasabay
din nito ay ang pagkalimot ng mga Pilipino sa mga tradisyon at kultura.
Pangalawa, maraming mga Pilipino ang tila ba naaakit sa mga banyaga. Mula sa
pananamit, pagkanta at pagsasaway ay kanilang ginagaya. Kung dati ay ang mga Amerikanong
banyaga ang umiimpluwensya sa atin, ngayon ang mga taga Silangang Asya ay umiimpluwensya
na rin sa mga Pilipino. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa BTS, EXO at K-POP. Halos karamihan
sa atain ay itinatangkilik an kaniyang mga kanta, sumasabay kahit hindi maintindihan ang mga
lyrics. At sino naman ang nakatatanda sa mga kantang pinauso ng ating mga kababayan?

Pangatlo, dahil sa mga iniidolo na mga banyaga, ninanais mong puntahan ang kanilang
bansa. Na kung saan ang pagnanais na ito ay hindi mo ninais sa sarili mong bansa. Mas
inuunang pumunta sa ibang bansa bago bisitahin at makita ang sariling ganda ng ating bansa.
Ang pagbabago ay hindi natin kayang pigilan. Sabi nga ”The only constant thing in this
world is change ”. Marami tayong kultura at tradiyon na hindi pa natin nagagawang limutin.
Nagkataon lang na kaagad tayong naimpluwensiyahan ng mga banyaga. Sa pagkalimot nating
ito, ang sarili nating bansa ang nagdurusa.
Ako, ikaw, tayong mga kabataan ay marami pang magagawa. Huwag sana nating limutin
ang ating kultura at mga nakasanayan dahil ito ang ating pinagmulan. Hindi dapat nating
hayaan manaig ang pagtangkilik sa mga produkto ng mga banyaga sa ating mga isipan. Dapat
tangkilikin natin ang sariling atin at ipakita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa ating Inang
Bayan.

You might also like