You are on page 1of 1

BALCE, JOHN CEDRIC O.

BS CRIM- 2a2-1

Kritikal na Sanaysay: “Kaawa-awang buhay ng mga Magsasaka”

Base sa aking nabasa tungkol sa pamumuhay ng mga magsasaka masasabi ko lang ay


talaga namang napaka hirap ng buhay na meron sila, sapagkat ang kanilang trabaho ay
di biro halos buong araw nilang tinitiis ang init ng sikat ng araw para lamang sila ay
makapag tanim ng sa gayon ay meron silang aanihin para ipang suporta sa pang araw-
araw nilang pamumuhay, at kahit na sila ay may maani hindi pa rin ito sapat para sa
kanilang pamilya dahil ang mga inaani nila ay halos ipang bayad lang din nila sa
kanilang mga utang at isa yan sa dahilan kung bakit hirap sila sa kanilang pamumuhay
at madalas ay pinagkakaitan pa sila ng lupa na kanilang pinagtataniman na dapat ay sa
kanila namang talaga.

Ang ating gobyerno naman ay halos di napag tutuunan ng pansin ang ating mga
magsasaka kung kaya sila ay hindi maka ahon sa buhay na meron sila dahil napag
kakaitan sila ng tulong pinansyal na maaari nilang ipang bili ng kanilang mga pananim
at mga pataba na makakatulong upang gumanda ang kanilang mga tanim. Marami
nang namuno sa Department of Agriculture subalit walang nakapagbigay sa mga
magsasaka ng mabisang ayuda para guminhawa ang pamumuhay. Ang
pangangailangan ng mga magsasaka ay hindi natutugunan at lalo pa silang nasasadlak
sa kumunoy ng kahirapan.

Kaya sana ang ating gobyerno lalo na ang namumuno sa Department of Agriculture ay
bigyang pansin ang ating mga magsasaka dahil sa sila ang nag bibigay ng mga
produkto na ating kinakaylangan sa pang araw-araw gaya na lamang ng bigas, gulay at
iba pa. Matulungan sana sila ng mga namumuno sa ating gobyerno ng sa ganun ay
mas maging maayos at masagana ang kanilang pamumuhay.

You might also like