You are on page 1of 5

TALUMPATI TUNGKOL SA KAHIRAPAN

Sa aking magandang mahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga


masasayahin at kooperatibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan
ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga.

Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang
pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon?
Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang
pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit
kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na
problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay
napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang
ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis.
Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng
matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng
kahirapan.

Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang
kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa
sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang
kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano
tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa
nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?

Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang
katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng
mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang
mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.

Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo. Ilan lang
ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.

Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan?
Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?

Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang
mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y
magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo
ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at
higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit
hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay!
Inang Wika (DEKLAMASYON)

Inang Wika 
ni Amado Hernandez 

Ako’y ikakasal, sa aming tahana’y masayang-masaya: may piging, tugtugan, awitan, sayawan.

Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, binatang sibol sa kanluran: maganda’t
makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.

Sa tanging sasakyan, nang kami’y lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na isang matandang
babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila humihingi ng kaunting pagdamay; subalit sa
gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko binati man lamang, siya ay hindi ko pinansin man lamang, habang
ang sasakyan ay nagtutumulin hanggang sa simbahan.

Maligaya kaming nagsiluhod kapwa sa harap ng Birhen, sa gintong dambana; pagkasaya-saya’t ang mga
kampana ay di-magkamayaw sa pagbabalita n gaming kasalan na pangmaharlika; ngunit ang larawan ng
kaawa-awang matanda’y hindi ko matanggal sa diwa, mandi’y malikmata; ang nag-uunahang luha ng
kandila ay tila kanya ring tumutulong luha; gayon man sa piling ng kahanga-hangang kaisang-puso ko’y
niwalang-bahala, sa gitna ng tuwa’y nilimot kong pilit ang gayong hiwaga gaya ng liwanag ng buwang
palaba na di masisira sa bahid ng ulap sa gabing payapa.

Natapos ang kasal, batian, kamayan, ngiting matatamis, birong maaanghang at saboy ng bigas sa ami’y
salubong pagbaba sa altar… ngunit sino yaong aking natatanaw, matandang babaing nalugmok na bigla’t
nawalan ng malay at lingid sa taong hindi magkamayaw. Ah! Siya rin yaong kangina’y hindi ko pinansin
man lamang.

Nang saklolohan ko’t patakbong lapitan, nang kandungin ko na sa aking kandungan, ngumiting magiliw
sa hapis ng kanyang pag-aagaw-buhay at saka nagwikang tigib-kapaitan: “Anak ko, bunso ko…salamat…
paalam… Ako ang ina mong sawing kapalaran!”

At ang kulang-palad ay napalungayngay. Sa bisig ko na rin namatay… namatay!

Noon ko natanong ang ina kong mahal, ang Inang wika kong sa aki’y nagbigay ng lahat ng dangal, ang
wikang tagalong na naiwang limot nang ako’y matanghal, at itinakwil ko sa pagtatagumpay, ay isang
babaing nabuhay sa dusa’t sa lungkot namatay, nang ako’y pakasal sa Wikang Dayuhan.
HULI NA ANG LAHAT PARA SA AWA (MONOLOGO)

Magandang araw po sa inyong lahat. Oh, bakit po? Bakit parang ang sama ng tingin niyo sa akin? May
ginawa po ba akong masama sa inyo? Bakit po parang anlaki ng kasalanan ko sa inyo? Ah, alam ko na po,
dahil nanaman po ba sa kung ano ako? Dahil ba sa isa akong pulubi? Dahil sa isa akong batang palaboy?
Batang kung saan saan niyo lang ako nakikita? At dahil ba sa kasuotan ko? bakit? Dahil ang layo ng agwat
ko sa inyo? Lagi naman ‘di ba? Pero kahit ganon, nirerespeto ko pa rin kayo. Pero ako, ‘di niyo
magawang irespeto? Bakit kaya ‘di niyo subukang wag kumain ng ilang araw nang maranasan niyo kung
gano kahirap ang buhay nang walang kasama?

Ano? Tinatanong niyo kung nasan ang mga magulang at mga kaanak ko? bakit? May pakialam ba
kayo? Wala naman ‘di ba? Dahil naaawa kayo? Hindi rin naman ‘di ba? Ni minsan, hindi niyo kinaawaan
ang isang musmos na katulad ko. hindi niyo kami nauunawaan. Ni minsan ay hindi niyo man lang
tinanong kung okey lang ba kami? Kasi para sa inyo, salot ang isang katulad ko. salot sa lipunan. Pero
kung tutuusin, hindi lahat nang mga pulubi o palaboy na katulad ko ay masama. Dahil kahit gano pa kami
kadungis sa mga paningin ninyo, may mga kabutihan rin namna kaming itinatago. Alam kong nakikita
niyo rin iyon, kahit gano namin kailangan ng pera, hindi namin nagagawang magnakaw o
mandukot,.pero iyon ang alam ninyong lahat tungkol sa’min. hindi niyo alam na maskit para sa’min ang
mga panghuhusga ninyo. Subalit hindi ko kayo masisisi kung ganyan nga ang tingin ninyo sa’min. ang
bawat panghuhusga niyo ay buong tapang naming tinatanggap. Kahit hindi niyo alam ang lahat. Ang
lahat sa likod ng mga gutay-gutay na mga kasuotan namin.

Hinahanap niyo ang magulang ko? hindi ko alam. Ang alam ko lang, patay na ang aking ina nung
pitong taong gulang ako. Namatay sa mabigat at malupit na kamay ng aking ama. Mula non, nagsimula
akong mabuhay nang mag-isa. Naaalala ko pa ang mga habilin ng aking ina, “anak, kahit anong mangyari,
wag na wag kang gagawa ng masama.” Iyan ang pinakamahalagang aral at habilin sa’kin ni mama. Ang
nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko giagawa ang mga ibinibintang ninyo sa akin. Pero naniniwala ba
kayo sa akin? Hindi! Kasi wala kayong paki alam. Ang tatay ko nga, walang paki alam sa akin eh, kayo pa
kaya? Imposible,.

Kelan niyo ba tutulungan ang isang batang katulad ko? sadya bang kay lupit ng tadhana? Kelan
niyo ba ako kaaawaan? Kealn niyo ba kami mauunawaan. Pag huli na ang lahat?

Ngayon ay kita ko na ang habag sa inyong mga mata. awang matagal ko nang nais na makuha at
makamit. Pero huli na. huli na para ako ay inyong kaawaan. Huli na ang lahat. Huling huli na.

Para saan pa ang mga limos na ibinibigay ninyo kung hindi ko naman yan madadala sa aking
patutunguhan. Hindi ko na yan madadala sa mahabang paglalakbay na aking tatahakin. Ang nais ko lang
ngayon ay ang inyong awa, para sa mga aking maiiwan. Sa mga taong mas makikinabang niyan.

Hindi ko man naransan ang mabuhay nang matiwasay, sa langit ay may kaligayahang sa’kin ay
naghihintay. Paalam…
WIKANG FILIPINO’Y ‘WAG BAGUHIN (TULA)

ni Emmanuel F. Del Rosario

Sa pag-agos ng ilog na hindi na muli pang babalik,

Bawat sandali’y dapat nating ikasabik,

Ngunit paano kung ang ating dapat ipanhik,

Nilamon ng modernismo’t sa kawala’y inihasik.

Ang wikang Filipino sa ‘tin halaga’y mumunti,

Binabago, binubura, pilit nating pinaiikli,

Kung mga ‘Kano’y may Ingles;ang Pinoy may Filipino rin,

Ngunit bakit ngayon wikang Filipino’y Ingles na din!

Bansa’y di nagkakaisa, walang pagkakaintindihan,

Dahil wikang pambansa, nasa ilalim ng kahapisan,

Ito ay regalo ng Maykapal, at kanyang inaasahan,

Na bawat isa’y dapat natin itong linangin at pagsaluhan.

Kung gusto natin ng pagbabago, wika’y ‘wag baguhin,

Dapat bawat Pinoy ito’y paunlarin,

Wika ang susi sa pagkakaisa ng bansa,

Kaya dapat natin ito’y taas noong ibandila!

Para sa sabayang pagbasa:

Isang Dipang Langit


Ni Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil na puno


hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:


bato, bakal, punlo, balasik ang bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahi’t buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may suat,
watawat ng aking pagkakapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,


sa puntong may susi’y walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,


kawil ng kadena ang kumakalansing;
sa maputlang araw saglit ibibilad
sanlibong aninong inuluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


sa hudyat—may takas!—at asod ng punlo;
kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw
sa bitayang muog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon—


bilanggunang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Ngunit yaring diwa’y walng takot-hirap


at batitis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t Bathala ay di natutulog


at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang ganganti.

At bukas, diyan din, aking matatanaw


sa sandigang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!

You might also like